CHAPTER 29: MEET THE FAMILY

Emily's POV

Almost lunch time na na nang magising ako dahil sa puyat kagabi sa paggawa ng thesis. Awa ng diyos natapos na kami ng thesis parts namin. Naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Mamayang gabi din gaganapin yung party ng Mama ni Vince. Sa Marina Bay Sands gaganapin yung party niya. Hindi ko pa alam kung anong theme dahil hindi pa naman sinasabi sa akin ni Vince pero for sure nasa formal or semi formal lang yung dress code. Iniisip ko na kung ano ang mangyayari mamaya. Sana naman hindi ako mapansin ng mga Tita niya. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Ate Gab na nagluluto. "Wala kang pasok Ate?" Tanong ko. "Night shift ako ngayon." Sagot niya. "So hindi ka makakasama sa party ni Tita Mina? May mga invited na doctors andnurses dun ah." Sagot ko. "Ah oo. Invited dun yung isang doctor na on duty kahapon eh. Tapos yung ibang mga morning shift nurses invited." Sagot niya. "Sabi naman po kasi ni Vince eh wala daw investors almost all the visitors ay nagtatrabaho sa hospital. Ayaw daw po ni Tita Mina ng media sa party eh." Sagot ko. "Saan nga pala gaganapin yung party? Hindi kasi nasabi nung mga morning shift nurses eh." Sagot niya. "Sa Marina Bay Sands, Ate." Sagot ko. "Sobrang yaman talaga ni Vince. 12,000 dollars ang room rates ng hotel nay un eh." Sagot niya. "Oo nga po eh. Pati yung mga pinsan niya high class din." Sagot ko. "Good luck na lang sa inyo. Makikita mo yung mga Tita niya. Head of Neurology yung isa niyang tita. Si Dra. Alice Sawyer-Mendez. Yung ibang tita niya hindi ko na kilala dahil yun lang ang nakikita kong nagrorounds sa Singapore branch nila." Sagot ni Ate Gab. "Nako pangalan pa lang parang nakakakilabot na." Sagot ko. "Ganun din first impression ko sa kanya dati pero hindi siya ganon. Masaya siayang kasama magrounds at hindi din siya intimidating." Sagot niya. "Hopefully makasundo ko din siya." Sagot ko. Pagkatapos naming magkwentuhan ay napagdesisyonan na naming na kumain ng tanghalian. Pagkatapos mananghalian ay pumasok na ako sa kwarto ko at nagbukas ng laptop uppang ituloy yung sinusulat kong update. Plano ko kasing iupdate yung first five chapters ng Love Scenario. Habang nagsusulat ay bigla namang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Vnce kaya agd kong sinagot ito. "Oh." Sagot ko sa tawag. "Semi-formal daw yung dress code mamaya. Meron ka na ba?" Sagot niya. "May cocktail at pencil dress ako. Pumunta ka na lang dito tapos piliin mo." Sagot ko. "Sige on the way na ako. Galing ako sa bahay ni Mama. Hinahanap ka niya and she's expecting you to come." Sagot niya. "Don't worry I will come. Drive safely." Sagot ko at binaba ang tawag. Habang hinihintay siya ay nilabas ko na yung dalawang kulay nung pencil dress ko at tatlong kulay ng cocktail dress ko. Nilagay ko na ito sa kama. Buti na lang nagdala ako ng mga dress na ito kasi just incase na i-require kami na mag sem-formal or formal dresses eh meron akong maisuot. If ever kailangan bumili bibili na lang ako dahil may spare money naman ako from my allowance. Habang hinihintay si Vince ay tinuloy ko na yung chapter na ginagawa ko. Pagkatapos ng ilang minute ay may kumatok sa pinto ko. "Pasok." Pagbibigay ko ng permiso sa kumakatok. Bumukas ang pinto at si Vince ang iniluwa nito. May dala siyang kape ng Starbucks at cookies. "Good morning. I bought some iced coffee and cookies. Nakita ko kasi yung shared post mo kanina na gusto mo ng iced coffee at cookies." Saad niya. "Wow. Ganyan ka pala kapag mamimili ng damit na isusuot ko. May pa Starbucks. Sana lagi." Sagot ko. "Nasaan na ba yung damit?" Sagot niya. "Ayun sa kama piliin mo na lang." Sagot ko. Nilagay niya muna sa study table ko yung mga pagkaing dala niya. Binuksan kona yung cookies at nilagayan ng straw yung kape. Nagsimula na ong kumain habang pinapanuod siyang pumili. "Ito na lang. Wine red pencil dress. Red din kasi yung theme ng party. I'm sure you'll look good on it." Sagot niya. "Thank you." Sagot ko. "Pinadala na nga ni Mommy sa condo ko yung tux ko eh." Sagot niya. "Anong oras ba yung oras ng party?" Tanong ko. "8 pm." Sagot niya. "May oras pa ko para ibalot yung regalo ko kay Tita." Sagot ko. "Gala muna tayo. Hindi ko naenjoy yung gala natin nung nakaraan kasi di mo ko pinapansin." Sagot niya. "Magm-mall nanaman tayo eh kabisado ko na yung mall. Iba naman." Sagot ko. "Park tayo. Let's have a simple date. Matagal na tayong hindi nakakalabas dahil busy tayo sa school. Let's relax bago ulit tayo sumabak sa researches. Tsaka maaga pa para magprepare." Sagot niya. Hindi ko alam kung ano nangyari sa puso ko at biglang bumilis ang tibok nito na parang nakikipagkarera. Sobrang tagal na nung huli kong maramdaman ang ganito. Yung pagtibok ng puso ko sa mabilis na ritmo ng dahil sa isang tao. It's just a simple words from him pero my heart reacts like that. "Hey Ems. Ano? Ayaw mo ba? Gusto mo dito na lang tayo. Update na lang tayo ng books natin." Saad niya ng hindi ako makasagot. "Hindi. Gusto ko magpark to smell some fresh air. Palagi na lang kasi tayong nandito at tinutuloy yung requirements natin." Sagot ko. "Nice. Magbihis ka na. Labas na ako. Pagpapaalam na kita kay Ate Gab." Sagot niya at lumabas na ng kwarto. Inayos ko muna yung mga damit na nilabas ko bago ako magbihis. Paglabas niya ay binuksan ko na ang cabinet ko para mamili ng damit. Denim jeans at white shirt na lang ang kinuha ko dahil park lang naman ang pupuntahan namin. Dinala ko yung natira kong kape dahil sayang naman kung iiwan ko lang sa kwarto. Lalanggamin lang. "Ate Gab, alis muna kami saglit. Babalik din kami agad." Paalam ni Vince. "Oo. Bumalik kayo before 6 pm para maayusan ko si Ems. 7 pm pa naman yung duty ko eh." Sagot ni Ate Gab. "Sige po Ate Gab." Sagot ni Vince. "Ate Gab, alis muna kami." Paalam ko. "Ingat." Sagot niya. Lumbas na kami ng condo unit namin.

"Saan mo gusto magmeryenda?" Tanong ni Vince. "Kakain lang natin kain nanaman. Hindi ko pa nga nauubos 'tong kape eh." Sagot ko. "Sige. Tambay na lang tayo sa park." Sagot niya. Pagdating naming sa parking area ay sumakay na kami sa kotse niya. Mabilis lang ang biyahe naming papuntang park dahil halos 10 minutes drive lang naman. Pagdating naming dun ay nagpunta na kami sa favorite spot namin. "Namiss ko 'to." Saad ko. "Oo nga eh. Ako din. Namiss ko 'to." Sagot niya. "Parang ang tagal nating hindi nakapagrelax. Nasanay na kasi kong nakaharap sa lamesa at nagtatype o kaya nagusulat ng reviewer eh." Sagot ko. "Same. Parang ang toxic na rin kasi sa nursing school." Sagot niya. "Ano pa ba aasahan mo sa one of the most stressful courses?" Sagot ko. "Pero sa kabila ng toxicity ng nursing school mas gugustuhin ko na lang na maging nurse kesa maupo sa harap ng office table at magpipindot ng keyboard." Sagot niya. "Oo nga eh. Pinag-I-IT nga ako dati ni Kuya Mark tapos si Mommy naman accountancy pero pareho silang walang nagawa kasi nakakuha na ko ng slot ng scholarship." Sagot ko. "Sabi nga ni Mama ituloy ko na daw sa medicine pero sabi ko ayaw ko. Mas toxic kasi dun." Sagot niya. "Toxic na nga mahal pa. Gusto ko nga magdoctor kaso parang mas okay na maging nurse na lang ako. Baka kapag nagdoctor ako yung o-operahan ko mamatay agad kasi mapuputol ko yung ugat nila hindi ko pa man din nakuha yung bala." Sagot ko. "Pero gusto mom maging operating nurse." Sagot niya. "Eh nag-aassist ka lang kasi dun kaya medyo madali. Pero wala namang madaling trabaho kung nurse ka kasi hawak mo yung buhay ng mga tao." Sagot ko. "Yeah. Hay tama na nga 'tong pag-uusap natin tungkol sa school." Sagot niya. "Eh ano gusto mong pag-usapan?" Sagot ko. "Kamusta ka ngayon? Kamusta yung puso mo? Kamusta yung nararamdaman mo sa lola mo kasi diba tumawag si Yohan?" Sagot niya. "Wala. Parang normal lang na araw. Nagkausap na din naman kami ni Mommy. Hindi naman daw mali ang hindi makaramdam ng pag-aalala dahil nasaktan nila ko." Sagot ko. "Time will heal everthing. Time will come na mapapatawad mo din sila sa nagawa nilang damage sayo." Sagot niya. "Napatawad ko na sila hindi pa man sila nagsosorry Hindi ako mapagtanim ng galit sa ibang tao. Kung si Sandra nga napatawad ko kahit di pa siya nagsosorry sila pa kaya na iniwan ako ng almost two decades. Cause everyone deserves forgiveness." Sagot ko. "What if they asked you to give them second chance? Pagbibigyan mo?" Sagot niya. "Everyone deserves forgiveness but not everyone deserves a second chances.They say fathers should be the first man to love their daughters but he's the first man who broke my heart. I promised to myself that the next man I would love was not like him but I failed. I loved the man who's bound to be married to someone else. So if they would ask for second chance I don't think I can give it to them. I'm not yet ready." Sagot ko. "I won't tell it's nice to hear it I'd rather tell that you did a good job in not blaming them for leaving you." Sagot niya. "There's nobody to blame of leaving because in the first place they choosed to leave me broken." Sagot ko. Wala nga dapat sisihin sa mga nangyari sa buhay ko dahil ginusto naman nila yun. Ginusto nila akong iwanan hindi dahil hindi ako sapat kundi di sila nakuntento at may mga bagay sa buhay nila na kailangan tuparin ng hindi ako kasama. "They left not because they want to. They left because there are things that left undone in their lives that are meant to be done without you." Sagot niya. "Bakit ba napunta sa ganito ka-serious yung usapan natin?" Sagot ko. "Wala lang namiss ko lang yung serious talks natin." Sagot niya. "Oo nga eh. Puro kasi research eh." Sagot ko. "Tara na. Meryenda tayo. May time pa tayo para maglakad-lakad after natin kumain dahil wala pa namanng 5 pm. 6 pm kailangan nakabalik ka na para maayusan ka ni Ate Gab." Sagot niya. "Sige. Gusto ko kumain ng Subway sandwich. Gusto ko nung ham and cheese sandwich nila." Sagot ko. "Subway then." Sagot niya. Umalis na kami sa park at nagpunta dun sa parking space kung saan niya pinark yung kotse niya. Umalis na kami ng park at naghanap ng malapit na Subway. Ng makahanap ay pinark muna ni Vince ang kotse niya sa parking space ng kainan. Tinake out na lang namin yung sandwich dahil naisip naming magpunta sa Merlion Park. Gabi kasi kami nagpunta dun nung nakaraan kaya hindi gaano visible yung Merlion pero ngayong hapon makikita ko na. Pagdating naming sa Merlion Park ay talagang maraming tao. Talagang dinadayo ang park na ito kasi ito yung trademark ng Singapore. Tuwing maririnig mo yung Merlion Singapore agad maiisip mo. "Picture tayo sa Merlion, Vince!" Saad ko at inabot sa kanya yung phone ko. Pumwesto na ako at pinicturan niya na ako. "Tayo naman magpicture." Sagot niya. Nagpicture kami sa phone niya. Pagkatapos naming magpicture ay naupo na kami sa parang steps dito sa tabi ng merlion. Binuksan niya na yung sandwich ko at inabot sa akin. "Sa tingin mo anong mangyayari mamaya sa party?" Tanong ko. "As much as you don't want the attention from them hindi mo pa rin maiiwasan na mapansin ka nila kasi ikaw yung kasama ko. They thought that I'm still single until now. I was once label as a womanizer dahil hindi ko daw sineseryoso yung mga babaeng dumaan sa buhay ko. Not until my mom told me that it's wrong and then I met wattpad." Sagot niya. "Wag na lang kaya ako pumunta. Baka nandun yung papa mo." Sagot ko. "Wag mo isipin yung old man na yun. Wala naman siyang magagawa sa pinili ko eh." Sagot ko. "Maka-old man ka naman sa tatay mo." Sagot ko. "Eh bakit ikaw? Sir nga tawag mo sa tatay mo." Sagot niya. "Naalibadbaran kasi ko kasi ko kapag tinawag o siyang DADDY." Sagot ko. "Parehas lang tayo. Naalibadbaran din ako." Sagot niya. "Buti nga hindi na ako kinukulit sa mga business na yan eh. Wala ka naman kasing pasyente dun. Ang mangyayari lang sayo eh puro type. Ano swesweruhan mo dun? Mouse o keyboard." Sagot ko. Tinawanan niya lang ako. "Ang dami mong alam, Ems. Pagod lang yan." Sagot niya.

5:30 umalis na kami ng Merlion Park kasi kailanngan na namin magprepare even though 8 pm pa yung party. Kailangan maaga akong makapagsimula mag-ayos dahil matagal magpatuyo ng buhok. Tapos kailangan ko pang maglagay ng make-up para kahit papaano ay maging mukhang presentable ako. Pagdating naming a condo building ay agad kaming sumakay ng elevator. "I got to prepare myself too. Hindi na kita maihahatid sa condo niyo." Paalam ni Vince. "Okay lang. Nasa iisang building lang naman tayo eh." Sagot ko. "Puntahan na lang kita sa condo niyo after mo mag-ayos." Sagot niya. "Okay. Baka naman hindi mo ayusin ng mabuti sarili mo ah." Sagot ko. "Aayusin ko mabuti sarili ko wag ka mag-alala." Sagot niya. "Baka naman sa pagmamadali mo eh makalimutan mong party yun ng mama mo." Sagot ko. "Hindi." Sagot niya. "Eh pinapaalala ko lang." Sagot ko. Pagdatng ko sa floor ko ay bumaba na ako ng elevator at kumaway sa kanya bago ako pumasok ng pinto dahil mula sa unit namin ay matatanaw mo ang elevator. Pagpasok ko sa unit namin ay naabutan ko si Ate Gab na hinahanda yung mga gagamitin niya. "Ate, magpapahinga lang po ako saglit bago ko maliligo." Saad ko. "Sige lang. Magpahinga ka muna." Sagot niya. Pumasok na ako sa kwarto ko naupo muna ko sa kama ko para matanggal yung sapatos ko. Nahiga na muna ako sa kama ko para makapagpahinga. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumangon na ako at hinanda ang mga isusuot ko sa party mamaya. Pagkatapos kong ihanda ang mga ito ay nagpunta na ako sa cr para maligo. Pagkatapos ko maligo ay pinatuyo ko ng mabuti yung buhok ko para saglit na lang i-b-blower. Paglabas ko ng kwarto ay naayos na lahat ni Ate Gab yung mga gagamitin niya para ayusan yung mukha ko. Nakabihis na din siya ng scrub suit niya at handa nang pumasok sa trabaho. "Ate baka malate ka sa duty mo. Kaya ko naman ayusan yung sarili ko eh." Saad ko. "Hindi. 8 pm pa duty ko. Okay lang. Tsaka I want you to be presentable sa party nila Vince." Sagot ko. "Nakakahiya naman po sayo kasi po baka malate ka sa trabaho mo. Lagot ako kay Kuya Mark." Sagot ko. "Pabayaan mo yun. Tsaka kung malate man ako ilang minuto lang naman." Sagot niya. "Soge po. Thank you po, Ate Gab." Sagot ko. "Umupo ka nang masimulan ko nang ayusin yung buhok mo. I-kukulot ko na lang yung buhok mo." Sagot niya. "Sige po." Sagot ko at umupo na sa hinanda niyang upuan sa harap ng malaking salamin sa sala. Nagsimula na siyang ayusin ang buhok ko. Habang inaayusan niya ako ay naisipan kong magpicture kaming dalawa para maisend ko sag c naming nila Kuya Mark.

Me:

Kuya Mark, hairstylist ko si Ate Gab.

Mark:

May date ba kayo ni Vince?

Mhel:

Ems, nandito lang ako sa Canada may date ka na agad.

Edna:

May date ka ba Ems?

Me:

Wala po. Birthday party po kasi ng mama ni Vince. Invited po yung mga scholars.

Edna:

Wow.Enjoy the night Ems.

Mark:

Baka malate ka ng uwi walang kasama Ate Gab mo.

Me:

Kuya late ka na sa balita. Night shift si Ate ngayon.

Edna:

Sino kasama mo diyan?

Me:

Si Vince po.Dun po ako natutulog sa condo niya kapag night shift si Ate Gab.

Edna:

Ingat kayo ah. Magchat ka kapag nakauwi ka na.

Me:

Opo.

"Ems make up na." Saad ni Ate Gab. Tiningnan ko yung hairstyle ko. "Wow Ate. Tamang-tama yung ayos ng buhok ko." Sagot ko. "Kaya nga eh." Sagot niya. "Light make-up lang Ate. Ayoko ng bonggang-bongga na make up. Makati sa mukha." Sagot ko. "Yup." Sagot niya at sinimulan niya nang linisan yung mukha ko. Pagkatapos niyang linisan yunng mukha ko ay nilagyan niya na ng foundation. Pagkatapos niya lagyan ng foundation ay nilagyan niya ng mascara yung pilikmata ko. Nilagyan niya din ako ng konting blush on at liptint. "Yan. Tapos na. Ganda mo Ems. Tamang –tama yung damit na pinili mo." Saad ni Ate Gab. "Naku si Vince po yung pinapili ko ng damit since hindi ko alam yung theme and dress code." Sagot ko. "Magaling din pumili ng damit si Vince." Sagot niya. "Oo nga po eh." Sang-ayon ko sa sinabi niya. "Enjoy the night, Ems. Ako naman eh mageenjoy din sa duty ko." Sagot niya. "Kukunin ko na po yung partner nitong sapatos at purse." Sagot ko. Ng maisuot ko na ang sapatos ay chineck ko yung dala kong purse. Nandun na yung power bank ko, chord at wallet. Kasya din naman kasi sa purse na 'to yung phone ko. Pagkatapos kong maisuot yung sapatos ay tumingin muna ako sa salamin sa kwarto ko at kinuha yung binalot kong regalo kay Tita bago ako lumbas. Paglabas ko ng kwarto ay nandun na si Vince sa sala naghihintay. "Oh ito na pala si Ems eh." Bati ni Ate Gab. Napalingon naman sa akin si Vince at napatulala. Yung tingin niya ay para niya akong ine-examine mula ulo hanggang paa. Kaya tiningnan ko din siya. He looks so gorgeous in his navy blue tuxedo and leather shoes. His presence screams power and money. He looks so exspensive and manly. I didn't expect that he can be more handsome in tux because I always see him in his causal clothes. Hoodie and jeans. He's like a new person to me. There's like another person infront of me that looks like Vince. "You look different tonight." Saad ko. "You too. I picked the right dress for you." Sagot niya. "It's time guys. Baka gusto niyo nang umalis cause it's already quarter to 8." Saad naman ni Ate Gab. Agad namang inilahad ni Vince yung kamay niya at inabot ko naman ito. Hindi ko alam kung anong nangyari at libo-libong boltahe ang dumaloy sa katawan ko sa pagdidikit ng mga daliri namin. He interwined our fingers like it fits in his hand. "You look good together, Ems." Bati ni Ate Gab. "Thank you Ate Gab.I think we should go. Mama is waiting for the arrival of his only son." Sagot ni Vince. "Oo nga. Umalis na din kayo. Aalis na din ako dahil 8 pm duty ko." Sagot niya. "Sabay ka na samin Ate. Madadaanan din naming yung hospital eh." Sagot ni Vince. "Nope. Magb-bus na lang ako." Sagot niya. "I insist po Ate. Gabi na rin po." Sagot ni Vince. "Oo nga po Ate.Quarter pa lang naman po eh." Sagot ko. "If ou both insist then sige. Kukunin ko lang yung gamit ko." Sagot niya. Mabilis niya lang kinuha yung bag niya. Sinigurado niya muna na sarado lahat ng may source of electricity bago lumabas. Lumabas na din kami ng condo unit naming at sumakay sa kotse ni Vince. Si Ate Gab na ang sa backseat.

Vince's POV

After dropping Ate Gab by the hospital ay dumiretso na kami sa hotel. Hinawakan ko yung kamay ni Emily habang nagd-drive. Sobrang lamig ng kamay niya, alam kong kinakabahan siya sa lagay na ito. "Hey, don't be nervous. Hindi ka naman nila kakainin ng buhay. They will like you for sure." Saad ko upang mapanatagag ang kalooban niya. "What if they will think of me as gold digger woman?" Sagot niya. "Ems, you know you're more than that." Sagot ko. "Yes I know but you can't stop the fact that they will think of me like that because I wear cheap clothes and I bought cheap gift." Sagot niya. "Hindi naman sila yung reregaluhan mo eh. Si Mama naman yung reregaluhan mo. Basta kay Mama lahat ng binibigay sa kanya mapa-mahal man o hindi papahalagahan niya kasi bigay yun ng ibang tao sa kanya. Wag ka na kabahan. Kasama mo naman ako." Sagot ko. After a few minutes re reached at the hotel. I park my car and get down to open the door for Ems. I held her hand tightly assuring her that I will never leave her side. Naglakad na kami papuntang elevator para makaputa sa hall kung saan gaganapin yung party ni Mama. I already gave her my gift. Sabi ko isuot niya ngayong gabi. Habang naglalakad kami papasok ng hall ay hinarang kami ng isa ata sa event organizer. "Sir, where's the invitation of your companion?" Tanong niya. "She's a scholar of our hospital. I believe scholars are invited." Sagot ko. "What's her name, Sir?" Sagot niya. "My name is Emily Savvanah Howards." Emily butted in. "Let me check if you're on the guest list Ma'am." Sagot ng organizer at binuksan yung iPad niya. "You may come in Sir. I'm sorry." Sagot ng organizer. "Thank you." Sagot ko. I opened the door for Emily.We both walked by the red carpet and all eyes are in ours. We're like a celebrity and then I saw Mama welcoming other guests. "Happy Birthday Mama. Sorry we're late." Bati ko. "I'm glad you came with Emily." Sagot niya. "Happy Birthday Tita. My gift is not that expensive but I hope you like it." Bati naman ni Emily. "Thank you, Emily. I'll assist you on your table." Sagot ni Mama. Sumunod naman kami sa kanya. Lalong humigpit ang kapit ni Emily sa kamay ko ng mapansin niya kung saang table kami ihahatid ni Mama. Siguro ay naintimidate siya sa tingin ng mga Tita ko. "Vince, who's that girl? Is she the girl that Jay is talking about?" Tanog ni Tita Alice ang mama ni Jay at June. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. I never thought Jay will tell that to Tita. Hindi naman nagsasalita si Emily sa tabi ko at tanging pagyuko lang ang ginagawa. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Uh... She's Emily Savvanah Howards. My girlfriend Tita." Sagot ko. Sorry Ems, kailangan lang. Lalo namang humigpit ang hawak niya sa kamay ko ng marinig ang pagpapakilala ko sa kanya. "What?" Sagot ni Tita Lia mama ni Liam at Nathan. Kahit mas matanda sa akin ng two years si Liam at Jay ay hindi ko sila tinatawag na kuya dahil ayaw nila. Ayaw ko din naman. "Yes po Tita." Sagot ko. "Ate Lia, don't ask them too much questions let them sit first." Sagot ni Tita Alice. Pinaghila ko muna ng upuan si Emily at pianupo siya tsaka ako umupo sa tabi niya. Naramdaman ko namang may nakatigi sa amin at nakita ko sa kabilang side ng pwesto naming ay nandun ang mga kamag-anak ng daddy ko. Hindi ko naman yun hinahanap dahil paniguradong nandun yun sa bagong pamilya niya. Hindi ko na siya hinahabol-habol pa dahil alam ko namang yunang pinili niya. Hindi ako galit sa kanya galit ako sa ginawa niya sa Mama ko. "So, you already have a girlfriend. How long is your relationship with her?" Tanong ni Tita Alice.Bigla naman akong kinabahan sa tanong niya. "Just recently Tita." Sagot ko. "Just recently? I thought you're almost a year or so because I saw your pictures in the internet and you both looked so inlove." Sagot niya. "It's because we've been friends for a long time and we decided to level up our status into lovers." Sagot ko. "What are your interests, Miss Emily?" Tanong ni Tita Lia kay Emily. "I'm a wattpad writer and also first year nursing student in Lavender Nebula University." Sagot ni Emily. "Oh! I know why you both clicked together. Cause you both are writers." Sagot ni Tita Alice. "Kaya naman pala itong si Vince eh hindi na kumontra nung sinabi naming magnursing siya kasi nursing student ka." Sagot ni Tita Lia. "Naikwento nga ni Jay sa akin na hinarana mo daw si Emily." Sagot ni Tita Alice. Napailing na lang ako. Kahit kalian talaga yung mga pinsan ko na yun. Walang lihim na hindi mabubunyag. Kapag sila nagkagirlfriend bubunyag ko din sila. "Hindi po." Sagot ni Ems. "Wag ka na mahiya sa amin. You can call me Tita Alice." Sagot ni Tita Alice. "Oo nga. Hindi naman kami nangangain ng buhay. You can call me Tita Lia." Sagot naman ni Tita Lia. "S-sige p-po." Nahihiyang sagot ni Emily. Habang nag-uusap-usap kami ay sinerve na ang pagkain. Habang kumakain ay unti-unti nang napalagay si Emily sa pakikipagusap sa mga Tita ko. While eating our dessert ay napansin kong lumapit sa table naming yung pinsan kong si Alexis. "I'm sorry to disturb your conversation but may I know who is she?" Tanong ni Alexis. Sigurado kong inutusan 'to ng daddy ko na alamin kung sinong babae ang kasama ko kaya kinancel ko yung kasal kay Liza. "My girlfriend." Malamig kong sagot. Hindi ko nakasundo kahit kalian ang babae na 'to pati ang kuya niya dahil ayoko ng mga ugali nila. "Alexis ija, if you wouldn't mind can you please go back to your seat. I didn't invite you to start a commotion. Please just enjoy the night." Saad ni Mama. Alam kasi ni Mama na kapag lumamig na ang boses ko ay ayoko nang nakikita ang tao na yun. Wala namang nagawa si Alexis kundi ang bumalik kng nasaan ang kuya niya. "Emily, sorry for that." Paghingi ng paumanhin ni Mama. "Okay lang po Tita. You don't need to be sorry po." Sagot ni Emily. "Magaling talaga pumili ng babae yang si Vince, Ate Mina." Saad ni Tita Lia. "Naku mabuti na lang at hindi niya namana yun sa ama niya." Sagot ni Mama. "Ma naman. I do't want him to include in your night." Sagot ko. "Ate Mina, who gave you the necklace? It's beautiful." Bati ni Tita Alice sa necklace ni Mama. "Oh this? It's Vince. He gave it to me earlierand told me to wear it tonight." Sagot ni Mama. "The pendant is beautiful." Sagot ni Tita Alice. "By the way pala Ma. Si Emily pumili ng design na yan." Sagot ko. "Wow. Thank you for helping my son pick a nice gift for me, Emily." Sagot ni Mama. "You're welcome po Tita." Sagot ko. As the night goes dark ay unti-unti nang umaalis ang mga bisita. "Ems, let's go home na. Gabi na din." Bulong ko. "Wag muna. Nakakahiya sa Mama mo." Sagot niya. "Maiintindihan niya yan." Sagot ko. Wala siyang nagawa kundi tumango na lang. "Ma, I think we should go." Bulong ko kay Mama. "Sure. It's already 10 pm. You should rest na dahil marami pa ata kayong school works na gagawin for tomorrow." Sagot niya. "Thank you, Ma. Happy Birthday." Sagot ko at hinalikan siya sa noo. Nakagawian ko na ito tuwing uuwi na ako. "Tita, aalis na po kami." Paalam ko kila Tita Lia at Tita Alice. "Oh. Sige. Nag-enjoy ka ba Emily?" Tanong ni Tita Alice. "Opo Tita." Sagot ni Emily. "Tita Mina, happy birthday po ulit. Thank you for inviting me." Paalam naman ni Ems kay Mama. "You're welcome. I'm looking forward to the day that you will wear your scrubs and have your first rounds with me." Sagot niya. "Thank you po." Sagot ni Ems.Tumayo na kami ni Emily at handa na sanang umalis ng banggain siya ni Alvin ang kapatid ni Alexis at tumapon sa kanya yung wine na dala nito. Pinagtitinginan naman kami ng mga ibang bisita. Umiling ako kila tita at mama na para bang sinasabing wag makialam dahil kaya ko naman ito. Agad kong hinubat yung coat ko at pinatong ito sa balikat ni Emily. "Hey cheap! Face me cheap! You deserve it! You don't belong here!" Sigaw ni Alvin at dinuro-duro pa si Emily. Tila ba naginit ang dugo ko at hindi ko napigilang sapakin siya. "If you don't have good words to say you better shut your mouth!" Saad ko. "Bakit kasi pumatol ka sa cheap ha? Ikaw na nga 'tong prinoprotektahan ikaw pa 'tong galit!" Sagot niya. Sinapak ko ulit siya at kwinelyuhan. "Yes you have all the money and power but you don't have respect to woman. Ayos-ayusin mo buhay mo Alvin. Hindi lang girlfriend ko yung di mo nirespeto pati nanay ko. Saksak mo yan sa kokote mo!" Sagot ko at binitawan ang kwelyo niya. Ayoko sa lahat ang hindi nirerespeto ang babae dahil kapag hindi mo alam rumespeto ng ibang babae ay hindi mo rin nererespeto yung nanay mo. Lumapit ako kay Ems at tiningnan kung nasaktan ba siya. "Nasaktan ka ba?" Tanong ko. "Hindi." Sagot niya. Inayos ko ang pagkakapatong sa balikat niya ng coat ko. "Sorry Ma, I ruined your party." Paghingi ko ng tawad kay Mama. "It's okay. No worries. Umuwi na kayo ni Emily. It's been a long night." Sagot niya. Nilabas ko na sa hall si Emily at sumakay na kami sa elevator. Pagdating naming sa parking ay sinakay ko na siya sa passenger seat. Umikot naman ako papunta sa driver seat. "Vince, why did you do that?" Tanong ni Emily. "He deserves it. If he can't respect a woman then he won't expect that I'll just watch him do that. It's wrong because it only shows that he didn't show respect to his mother." Sagot ko at nagdrive na paalis ng hotel. Hinatid ko na siya sa condo unit nila to make sure she's safe. Dito na lang ako matutulog para may kasama siya. Inabot niya sa akin yung coat ko. "I'll just change my clothes then I will be back." Paalam ko. Tumango naman siya. Mabilis akong umakyat sa unit ko at nagbihis. Pagbalik ko sa condo unit nila ay hinahanda niya na yung tulugan ko. Bumili si Ate Gab ng sofa bed para nga daw kapag dito ako natutulog ay may maayos akong matutulugan.Pagkatapos niyang ayusin yung sofa bed ay bumaling siya sa akin. "Magnetflix ka na lang kapag di ka makatulog. Matutulog na ako. Napagod ako ngayong gabi." Saad niya. "Sige. Good night. Sleep well." Sagot ko. Ngumiti naman siya bago pumasok sa kwarto. Pumunta na ako sa sofa bedat naghanda na para matulog.It's been a long night gusto ko nang matulog kaya pinikit ko na ang mga mata ko at nagpakain sa dilim. 


A/N: LAST 10 CHAPTERS BEMSKIES! AT MALAPIT NA MASAGOT ANG TANONG NG BAYAN: KAILAN MAGIGING OFFICIAL SI VINCE AT EMILY? AT ANO NA ANG BALITA SA DEAL NI SANDRA AT KEN? ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA! SORRY KUNG GABING-GABI NA AKO NAGUUPDATE HEHE. GABI LANG KASI TAHIMIK SA BAHAY NAMIN EH.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top