CHAPTER 27: ASSURANCE
Vince's POV
After a week ng puro quiz ay thesis naman ang haharapin namin ngayon. Buti na lang magkagroup kami ni Emily. Sabay naming magagawa yung mga parts namin. Nandito kami ngayon sa garden ng school at nag-o-outline ng update namin. Kahit hiatus siya ay nagpapatuloy pa din siya sa pag-outline para pag bumalik siya ay tuloy-tuloy ang update unlike me na walang time management at palaging tinatamad. "Hoy Vince! Wag mo nga ko titigan! Magsulat ka diyan ng outline mo." Saad niya. "Ay nakatitig ba ko?" Sagot ko. ."Oo. Kulang na lang tumulo laway mo sa sobrang pagtitig." Sagot niya. "Then stop being attractive while writing. Nahihirapan ako umiwas." Sagot ko. Napaiwas naman siya ng tingin at hinampas ako. "Ang dami mong alam! Mas madami pa yung banat mo kesa sa update mo!" Sagot niya. "Oo na, oo na." Sagot ko. Bumaling na ako sa notebook na sinusulatan ko ng outline ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Si Liza ang tumatawag. Ano naman kaya kailangan ng babaita na 'to? "Ems, sagutin ko lang 'to ah." Paalam ko. "Sige lang. Dito lang ako." Sagot niya. Tumayo na ako at lumayo ng konti sa kanya bago sagutin ang tawag. "What?" Sagot ko sa tawag. "I'm here at Singapore Changi Airport. Can you pick me up?" Sagot niya. "No. I have classes." Sagot ko. "Ditch your classes na lang." Sagot niya. "No. I need to attend my class because no attendance no grade." Sagot ko. "Susunduin lang naman eh! Pagbigyan mo na ko. Ngayon lang tayo magkikita ulit." Sagot niya. "Wag mo kong artehan, Liza. I'm a very busy person." Sagot ko. "Susumbong talaga kita sa daddy mo." Sagot niya. "Di mo ko matatakot sa ganyan. Sige na. Magsusulat pa ko." Sagot ko at binaba ang tawag. Mabuti pang mag-outline ako kesa kausapin yun. Dati naman friends kami pero simula nung nagustuhan niya ako ayoko na sa kanya. She's also a bully nung highschool kami at nung nalaman ko na may arranged marriage kami. Nagbago siya simula nung inamin niya sa akin na may feelings siya sa akin. Yun din ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas. Bumalik na ako sa pwesto namin ni Emily. "Oh bakit nakabusangot ka?" Sagot niya. "Wala. Hindi ko lang gusto yung sinabi nung kausap ko." Sagot niya. "Hayaan mo na yun. Magfocus ka na lang sa outline mo. Wag mo na pinag-iisip yun." Sagot niya. "Bumalik na yung reminder ko na mag-update! Sisipagin ako nito mag-update kahit may thesis." Sagot ko. Mabuti nga't bumalik na yung sigla niya sa pagsusulat. Talagang nung nakaraang linggo wala siyang ginawa kundi mag-aral ng mag-aral. Hindi niya ginalaw yung mga notebooks niya na may kinalaman sa writing. "Ang sabihin mo Vince tamad ka kaya hindi ka makapag update." Sagot niya. "Eh may writer's block kasi ko." Sagot ko. "Dinahilan ko na yan noon. Kaya sanay na ako sa palusot na yan." Sagot niya. "Sobrang nakakapagod kasi yung nursing school. Ayoko na maging nurse. Napapabayaan ko na yung passion ko." Sagot ko. "Pang sampung beses ko na ata yang narinig sayo pero bakit nag-aaral ka pa din?" Sagot niya. "Eh wala. Tuwing sinasabi ko yun in the end matatagpuan ko rin yung sarili ko na nag-aaral para sa quizes." Sagot ko. "That means gusto mo 'to at gusto mo talaga maging nurse." Sagot niya. "Hindi naman ito yung pangarap ko eh." Sagot ko. "Alam ko. Lahat ng bagay may rason kaya nangyayari. Malay mo kaya ka naging nurse kasi sa hospital mo makikita yung tamang tao para sayo." Sagot niya. "Hindi. Hindi ko sa hospital nakita yung taong para sa akin. Kasi nasa harap ko siya." Sagot ko. "Vince naman eh! Seryosong usapan gumaganyan ka!" Sagot niya. "Masyado na kasing seryoso yung pinag-uusapan natin." Sagot ko. "Tara na nga. Baka nandiyan na si Prof." Sagot niya. Niligpit na namin ang mga gamit namin at pumunta na sa klase namin. Sakto lang ang dating namin dahil kasunod na namin ang professor. As expected another research nanaman pero buti na lang next week ipapasa dahil alam niyang may thesis kami. Terror pa naman yung teacher na yun. Buti nga kapag on the spot tinatawag si Emily ng teacher na yun nakakasagot siya. Last subject na namin ito kaya uwian na. "Buti na lang hindi ako tinawag nung bwisit na professor na yun. Kung ano-ano pinagtatanong daig pa doctor." Saad ni Emily ng makalabas kami ng campus. "Para hindi ka na daw mabigla kapag nasa hospital na." Sagot ko. "Eh out of this world na yung mga tanong eh! May doctor din bang magtatanong sayo ng how many patients are going to the hospital everyday? What it the common cause why people is going to a hospital? Are you really sure about your dream? Tatanungin din ba ko ng ganon ng doctor?" Sagot niya. "Ayaw mo yun? Dagdag grades din yun kahit out of this world yung tanong." Sagot ko. "Ano gusto niya bilangin ko bawat pasyenteng pupunta sa bawat hospital sa mundo?" Sagot niya. "Hindi. Challenge niya lang yun sayo. Tinitingnan niya kung gaano ka kabilis sumagot. Kita mo sa kakadada niya dun nakabisado ko na istilo niya. Hindi kasi pwede sa nurse na tulala at mabagal sumagot." Sagot ko. "Anyway. Saan pala tayo gagawa ng thesis?" Sagot niya. "Sa condo ko na lang. Para maiba naman." Sagot ko. Siguro naman di pupunta dun si Liza. Hindi ko naman sinabi sa kanya yung address ko pero kung alam man niya siguro ay bukas pa niya ako pupuntahan. Pagdating namin sa condo ay nagpaalam muna si Emily na pupunta sa unit nila para magbihis. Mabilis lang din siyang nakabalik. Binuksan ko na ang tv ko at pinatugtog yung gusto niya. Freedom by iKON. "Palitan mo. Orange by Treasure." Saad niya. Agad ko namang nilagay yung sinabi niyang kanta. Binuksan ko na ang laptop ko. Ng mapatingin ako sa tv ay magkakatabi na yung kumakanta at halos magkakamukha. "Ems, bakit magkakamukha sila?" Tanong ko kay Emily na abala sa pagtatype. "Ganyan talaga yung video na yan. Nung una ko din yang napanuod akala ko magkakamukha sila pero nung nagsimula ako manuod ng mga videos nila nakita ko na yung pagkakaiba-iba ng mukha nila." Sagot niya. "Sino leader ng group na yan?" Sagot ko. "Si Park Jihoon tapos si Choi Hyunsuk." Sagot niya. "Kabisado mo na talaga. Galing mo talaga. Kamusta naman kaya yung human anatomy." Sagot ko. "Inaaral ko na. Wag ka mag-alala." Sagot niya. "Mabuti." Sagot ko. Pagkatapos namin mag-usap ay nagsimula na kami sa kanya-kanya naming gawain.
Emily's POV
Ang gulo ng buhok ko dahil sobrang hirap hanapin nung facts na kailangan. Habang nagtatype ay biglang tumunog ang doorbell ng condo ni Vince. Sabay kaming napatingin sa pintuan. "Nagpadeliver ka?" Sabay naming tanong. "Hindi. Baka ikaw? Wala naman akong extra allowance eh." Sagot ko. "Hindi. Wala ka namang sinabing mag-order tayo." Sagot niya. "Baka inonline shopping mo yan." Sagot ko. "Hindi ah." Sagot niya. "Hay pagbubuksan ko na nga lang. Naiirita na ata yung tao sa labas." Sagot ko. Inayos ko muna yung buhok ko at lumapit sa pinto at pinagbuksan ang iritableng nagdo-doorbell. Bumungad sa akin ang mala kutis porselanang babae na may mahabang buhok na katulad ng sa akin ngunit ito ay kulay brown katulad ng kay Andy. Kulay brown din ang mata niya at may mahabang pilikmata. "Hello? Are you done cleaning my fiancee's condo unit?" Saad niya. Lakas ng loob niya akong pagkamalan na house keeper hindi porque hindi ako kasing puti niya eh may karapatan na siyang ganyanin ako. Kamukha din 'to ng fiancee ni Ken eh. "He's inside Miss. And for your information I'm not his house keeper and he didn't hire one cause he himself cleans his condo." Sagot ko at bumalik sa sala. Iniwan kong bukas ang pinto upang makapasok ang babaeng nagpakilalang fiancee ni Vince. Nagsimula na akong magligpit ng mga gamit ko. "Oh tapos ka na? Ang bilis mo naman." Puna ni Vince. "May bisita ka. Aalis na ako bibigyan ko ng privacy kayong dalawa." Sagot ko. "Sino naman?" Sagot niya. "Me." Sagot naman ng mayabang na babae. "Liza..." Bulong ni Vince. Siya pala si Liza. Yung rumored ex girlfriend niya. Wala naman kasi akong nakitang recent picture ng dalawa dahil nung lumabas ang article na yun ay selfie lang nilang dalawa na sobrang bata pa at naka highschool uniform. "What are you doing here?" Tanong ni Vince sa babae. "Wait. Before that. What's your name Miss house keeper? I forgot to ask you eh." Sagot ni Liza. "Wǒ de míngzì jiào ài mǐ lì·sà fán nà·huòhuádé" (My name is Emily Savvanah Howards) Sagot ko. Buti na lang at nag-aaral na ako ng Chinese nung senior high. Tinuloy ko na din ang pag-aaral ng lenggwahe na yun dala na rin ng Meteor Garden 2018 at A love so Beautiful. "What? Are you Chinese? But I heard you spoke english and tagalog earlier. I said what's your name?" Sagot niya. "Hindi karapat-dapat malaman ng isang binibining katulad mo ang aking pangalan sapagkat masyadong mataas ang iyong tingin sa iyong sarili. Maari mo na nga'ng maabot ang langit sa sobrang taas ng iyong tingin sa sarili, Binibini." Sagot ko. "What are you talking about?" Sagot niya. Halata sa babae na 'to na lumaki siya sa paligid na puro nag e-english dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ko. "Sarili mong lenggwahe ay hindi mo maintindihan Binibini." Sagot ko. "Nan jib-e galgeoya" (I'm going home.) Paalam ko at kinuha ang mga gamit ko. Alam ni Vince ang basics ng Korean kaya alam niya ang sinasabi ko. Tumango lang siya. "Vince, who is she? And how did she know how to speak three different languages." Tanong ni Liza kay Vince. "She's my girlfriend. And she's a multi-linguist. It's part of our work to communicate properly to our patients and she learned the basics of each langguage in just one year." Sagot ni Vince. "What is her nationality?" Sagot ni Liza. "Filipino." Sagot ni Vince. "What! Then explain to me what she said in chinese earlier." Sagot ni Liza. Halatang hindi niya talaga ko naintindihan. Akala ko ba mayaman 'tong isa na 'to? Dapat alam niyang magsalita ng sobra pa sa isang lenggwahe. "She introduced herself to you in Chinese. She said that you're boastful in Filipino and she said she's going home in Korean." Sagot ni Vince. "What the fvck? Seriously? Ayun lang?!" Sagot ng babae. "I got to go Vince. I'll finish my part in our thesis in my condo unit. I'll send it to your messenger after." Sagot ko at lumabas na ng condo ni Vince para magkaroon sila ng privacy. Maiinis pa ko ng babae na yun. Masyadong mayabang. Pagdating ko sa condo ay naabutan ko si Ate Gab na nagkakape. "Oh umuwi ka na. Akala ko ba gumagawa kayo ng thesis ni Vince?" Saad niya. "Eh may bisita po siya eh." Sagot ko. "Bakit parang ang tabang naman ng boses mo? Bakit? Babae ba yung bisita niya?" Sagot niya. "Hindi Ate. Ikaw naman eh. Oo babae po. Fiancee niya daw sabi ng babae." Sagot ko. "Selos ka?" Sagot niya. "Ate naman eh! Hindi po. They met first so I should give way to them. Sila ang unang nagkita kaya pagbigyan natin. Wala akong dapat ikaselos." Sagot ko. Tama! Tama yan Emily! Di ka dapat magselos kasi sila ang unang nagkita. "Bakit ang bilis mong tinatanggi? Nagseselos ka 'no?" Sagot ni Ate. "Ate naman. Friends lang kami ni Vince ikaw naman." Sagot ko. "Friends lang ba talaga? Pero nagpatawag yung lalaki na yun na dinner para lang sabihin na manliligaw siya. Hindi pa ba kayo?" Sagot niya. "Hindi pa, Ate. Bakit?" Sagot ko. "Palagi kayong magkasama eh. Kulang na nga lang tumira kayo sa iisang bahay." Sagot niya. "Si Ate talaga. Syempre po siya lang naman po kakilala ko dito tsaka si Louise. Bihira pa kami magkita ng babae na yun. Edi talagang palagi kong kasama si Vince." Sagot ko. "Alam mo kung nasa Pilipinas lang tayo headline na kayong dalawa." Sagot niya. "Healine ng diaryo o headline ng mga chismosa?" Sagot ko. May dalawang uri kasi ng diaryo sa Pilipinas. Isang priniprint at isang binabalita hindi man masscom graduates pero magagaling magbalita. Yung tipong mas nauuna pa nilang malaman yung balita kesa sa mga taong kasama sa bahay. Daig pa saseng fans na nagiinvade ng privacy ng idols. Nalilito lang ako kasi hindi ko sure kung saan ba kami magiging headline. Natawa naman si Ate sa sagot ko. "Bakit? I'm just spitting facts." Saad ko. "Mag-aral ka na nga Ems. Epekto lang yan ng selos mo kay Vince at dun sa bisita niya." Sagot niya. "Sige na nga po. Pasok na po ako sa kwarto ko." Sagot ko. Pumasok na ako sa kwarto ko at nilapag sa study table ko yung laptop bag ko at nahiga sa kama. Bumuntong hininga ako at tumingin sa ceiling ng kwarto ko. Nagseselos ba ako? Well siguro partly nagseselos kasi imbes na nag-aaral kami ngayon ni Vince ay kasama niya yung babae na yun. Nasanay kasi ko na kasama ko si Vince palagi at this is the first time na nakita ko siyang may kasamang ibang babae. Like before naman hindi naman ganon. Si Lean lang at mga kaklase namin na babae ang kinakausap niya. Hindi naman ako nagseselos pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit parang gusto kong paalisin yung babae dun?–Teka. Selos na ata 'to? Napailing na lang ako at kinuha ang phone ko. Hinanap ko si Lean sa chatlist ko.
Me:
Lean, may tanong ako sayo.
Lean:
Geh lang. Ano yun?
Me:
May nararamdaman kasi ko at hindi ako sigurado.
Lean:
Ano? Anong nararamdaman mo? May sakit ka ba?
Me:
Hindi! Hindi sakit. You know feelings towards another person.
Lean:
Mahal mo na si Vince?
Me:
Hindi! Hindi ko alam kung nagseselos ako o ano.
Lean:
Ano?
Me:
Kanina kasi gumagawa kami ng thesis ni Vince sa condo niya. Groupmates kasi kami. Tapos may dumating na babae. Liza daw yung pangalan. Magkasama sila ngayon ni Vince. Yung pakiramdam na gusto mo siyang sipain palabas nung condo kasi istorbo siya sa pag-aaral namin. Yung ganon.
Lean:
Pag-aaral nga ba o bonding niyong dalawa?
Me:
Alam mo yung thesis Lean?
Lean:
Hay ito lang yan eh. Kapag pakiramdam mo na sana ikaw na lang yung nandun at kasama ni Vince selos yan pero kapag wala lang edi wala. Ganun kasi ko kapag nagseselos eh.
Me:
Oo! Ganon yung feeling. Yung gusto ko ako lang yung nakakakuha ng atensyon niya.
Lean:
Confirmed! Selos ka nga.
Me:
Edi wow. Pero bakit pakiramdam ko mali? Bakit parang hindi tama na magselos ako sa kanila? Kasi para sa akin sila ang unang nagkita kaya dapat mag give way ako.
Lean:
Hindi porket siya ang nauna siya na ang pipiliin. Wala kang dapat ikaselos kasi hindi gagawa ng ikaseselos mo yung pinsan ko.
Me:
Thank you Lean. Kahit paano narelax utak ko.
Lean:
Geh lang. Chat mo lang ako kapag may problema ka or kailangan mo ng kausap.
Binaba ko na ang phone ko pagkatapos ko basahin ang reply niya. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa gawi kung saan nakalagay yung book version ng Still You. Naghanap talaga ko ng murang publisher para mapublish yung libro ko pero sa aking kopya lang. Binigyan kasi ko ng budget ni Mommy nung 18th birthday ko pambili ng mga gusto ko. Isa yun sa binili ko at laptop. Lumapit ako sa study table ko at kinuha ito. Dahil dito kaya ako nagpapatuloy magsulat. Bigla namang pumasok sa isip ko yung ginawa ni Sandra. Binura na kaya niya yung libro? Hindi naman ako mapagtanim ng galit sa kapwa ko pero hindi kasi katanggap-tanggap yung dahilan niya. And it's not just a book it's a part of my life. Hindi ko na inisip pa iyon at ginawa na lang yung skin care ko. Pagkatapos ko gawin ang skin care ko ay lumabas ako ng kwarto ko para kumain ng dinner. Pagkatapos namin magdinner ni Ate Gab ay bumalik na ako sa kwarto ko at tinuloy yung naudlot kong thesis dahil kay Liza.
Vince's POV
Nandito kami ngayon sa dining area ko at kumakain. Nag-order na lang ako ng chicken at kanin para makain ng dinner. "What do you want, Liza? Didn't I told you that I already have a girlfriend." Saad ko. "I have one thing to ask you, Vince. Kapag sigurado ka sa sagot mo titigilan ko kayo. Ako pa mismo magsosorry kay Emily para hindi siya magtampo sayo. I'll also try to be friends with her." Sagot niya at tingnan niya ako ng deretso sa mata. "What?" Sagot ko. "Do you really love her? Are you really sure about your feelings? I just want some assurance from you na mamahalin mo siya. I know you from head to toe at hindi ka stick to one. If you are really sure to her I'll step down. She looks fragile and soft hearted so better take care of her if you really love her." Sagot niya. "I will not show my face in front of her family if I'm not sure on my feelings for her. I won't introduce her to Mama if I'm not sure that I love her." Sagot ko na nakatingin ng deretso sa mata niya. Hindi ko naman gagawin ang mga bagay na yun kung hindi ako sigurado sa feelings ko. Kung hindi ako siguradong mahal ko talaga siya. "Okay. I'll step down. Just always remember that I'm just here waiting for you. Wag mo siya sasaktan ah. Ako na makakaharap mo." Sagot niya. Napangiti ako. Bumalik na yung bestfriend ko. Akala ko hindi na siya yung nakilala ko eh. "Oo hindi ko siya sasaktan. Bumalik na yung bestfriend ko. Yung maalalahanin sa feelings ng iba at hindi harsh magsalita." Sagot ko. "Ginawa ko lang naman yun kasi umaasa ko na baka mapansin mo ko. Baka sakali lang naman. Baka naman. Pero hindi mo pa rin ako napansin. As a friend pa din tingin mo sa akin." Sagot niya. "Hindi mo naman kailangan gawin yun. Kita mo nangyari hindi kita pinansin ng matagal. Kasi ayoko ng ganon." Sagot ko. "Sorry. Nagsisi tuloy akong tinawag ko siyang house keeper. Pero ang galing niya mag Chinese. Para siyang native speaker nung narinig ko siya. Tama lahat ng pronounciation pati nung Korean niya. Ang galing niya magshift ng languages." Sagot niya. "Yung Korean hindi pa siya ganun kagaling. Chinese ang master na langguage niya kasi inaral niya yun senior high pa lang kami. Yung Korean inaral niya lang after namin umattend ng concert ng iKON." Sagot ko. "Pero ang galing niya ah. Sino inspiration niya mag-aral ng mga languages na yun?" Sagot niya. "Kim Jinhwan. iKON member." Sagot ko. "She's an amazing girl. I tried to read some of her works at sobrang ganda ng writing style niya. Meron na siyang writing voice. Sana all nakakatapos ng novel." Sagot niya. "Bakit? Eh ano ba yung mga completed works sa account mo?" Tanong ko. Alam ko meron siyang account sa wattpad. "May ghost writer na nagsusulat para sa akin. Pero lahat ng ideas sa akin. Akala nga ni Tita na nagplagiarised ako ng works." Sagot niya. "Naghire ka pa talaga ng ghost writer kung pwede mo naman aralin kung paano." Sagot ko. "I tried pero sabaw na sabaw yung nasusulat ko." Sagot niya. "Ganun talaga kapag nagsisimula pa lang. Lahat naman tayo nagsisimula sa scratch. Napagdaanan ko din yan." Sagot ko. "I'm so busy sa med school eh. Daming ginagawa. Tinetext ko lang sa ghost writer ko yung mga plot na naiisip ko." Sagot niya. "Hay. Kahit kailan ka talaga." Sagot ko. Napatingin siya sa risk watch niya. "It's already 8 na pala. I should go na. Late na. Kita na lang tayo nila Emily bukas after ng school niyo. Flight ko na din pabalik ng US bukas ng gabi." Sagot niya at tumayo na. "Hatid na kita. Baka kung ano pa mangyari sayo." Sagot ko. "Nope. Tinext ko na yung driver ko kanina. Papunta na siya." Sagot niya. "Okay. Tara na lang hahatid na lang kita sa lobby." Sagot ko. "Sige." Sagot niya. Lumabas na kami ng condo unit ko at hinatid ko na siya sa lobby. Hinintay ko munang dumating yung driver niya bago ko bumalik sa unit ko. Niligpit ko muna yung pinagkainan namin ni Liza bago pumanhik sa taas. Pagkatapos ko ayusin ang mga ito ay umakyat na ako sa taas. Ginawa ko na yung skin care routine ko. Pinatay ko muna ang ilaw dahil gusto ko bago ko matulog ay patay ang ilaw. I don't know but it's comforting. Umilaw ang cellphone ko na nasa side table ko kaya kinuha ko ito at binuksan.
Mama:
Anak, birthday ko na sa Sabado. Puntahan mo ko dito sa bahay sama mo si Emily.
Me:
Opo Ma.
Matapos ko magreply ay binalik ko na ito sa side table ko. Ng maalala ko ang libro ni Ems. Agad-agad kong kinuha yung cellphone ko at pinuntahan yung wattpad app para malaman kung dinelete niya na ba yung libro ni Ems. Sinearch ko ang pangalan niya at ng makita kong wala na ang plinagiarise niyang libro ni Ems ay laking tuwa ko. Magiging masaya siguro si Ems kapag nalaman niya ito. Sigurado ginagawa niya pa ang thesis part niya hanggang ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung nasa active list ko ba siya. Ng makitang online siya ay agad ko siyang tinawagan. Ng sagutin niya ang tawag ay naka anti-radiation glasses pa siya. "Hello Ems." Bati ko. "Sup." Malatang sagot niya. "Ang lata naman Ems. May nangyari ba?" Sagot ko. "Tanong mo sa sarili mo." Sagot niya. Hay... Alam ko na kung bakit! Nagseselos siya kay Liza. "Ah selos ka? Wag ka mag-alala kumain lang kami ng dinner dito sa condo tapos umalis na siya." Sagot ko. "Share mo lang?" Sagot niya. Napangiti ako sa mukha niya. Halatang-halatang nagseselos. "Wag ka na magselos. Friends lang kami promise." Sagot ko. "Share mo lang ulit?" Sagot niya. "By the way sabi ni Mama. Puntahan daw natin siya sa Sabado kasi birthday niya." Sagot ko. "Sabihin mo sa kanya hindi ako makakarating. Tatapusin ko pa yung thesis part ko at may research paper pa kong gagawin." Sagot niya. "My babe is jealous..." Sagot ko. "Do I look like jealous huh?" Sagot niya. "Yes." Sagot ko. "Dun ka na kay Liza. Wag mo ko pinagkakausap." Sagot niya at binaba ang tawag. Loko talagang babae 'to. Kapag ba talaga nagseselos required babaan ng telepono? Ganito pala kapag nagseselos ang isang Emily Savvanah. Nagiging dragon. Chinat ko na lang siya.
Me:
Wag ka na magselos we're just friends.
Emily:
Friends your face. Nakita ko kayo sa lobby hinatid mo siya eh. Hinalikan ka pa nga sa pisngi eh.
Ah kaya pala mukhang may tinitingnan si Liza kanina sa likod ko bago ko halikan sa pisngi. Luka-luka talaga yung babae na yun.
Me:
Friendly kiss lang yun. Bakit? Tayo din naman hug ah.
Emily:
Bahala ka na nga sa buhay mo.
Me:
Itulog mo na lang yan Ems. See you tomorrow.
Emily:
Geh. Good night.
Me:
Good night.
Pagkatapos namin magchat ay natulog na ako. Kinaumagahan ay mabilis akong naligo at nagbihis. Naisipan ko kasing tulungan si Ate Gab sa paggawa ng breakfast. Baka sakaling masuyo ko si Ems. Pero mukhang mahihirapan ako kasi di pa naman siya nagselos ng ganito. Pagkatapos ko ayusin yung mga gamit ko ay pumunta na ako sa condo nila. "Good morning Ate!" Bati ko kay Ate Gab na nagluluto ng breakfast. "Uy Vince. Morning. Ang aga mo ata." Sagot niya. "May kailangan akong suyuin Ate eh." Sagot ko. "Ah. Hindi pa lumalabas. Naliligo pa." Sagot niya. "Sige po. Tulungan na po kita." Sagot ko. "Sige. Itimpla mo na lang yung mga coffee natin." Sagot niya. Ginawa ko ang sinabi niya. Saktong pagkatapos ko magtimpla ng kape ay lumabas na si Emily ng kwarto niya. "Good morning, Ems!" Bati ko. "Morning." Sagot niya sa malamig na boses. "Gininaw ako dun ah. Bakit ang cold mo?" Sagot ko kahit alam ko naman ang sagot. "Why don't you ask yourself?" Sagot niya. "Ah you're jealous of me and Liza? Don't worry papakilala kita sa kanya." Sagot ko. "Hindi ko na kailangan pang marinig yung pangalan ng babae na yun. Palagi ko lang naaalala ang tinawag niya sa akin." Sagot niya. "Anyways upo ka na. Kumain ka na ng breakfast para hindi na kumukulo yang dugo mo." Sagot ko. Pinagsilbihan ko siya sa agahan pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko siya magligpit ng mga pinagkainan. Hindi pa rin siya umiimik sa akin. Hanggang makaalis kami hindi pa rin siya umiimik. Hinayaan ko na lang at baka nag-iisip-isip din siya. Nagfocus na lang ako sa mga classes namin.
A/N: It's been a year since I became a wattpad writer. Happy first anniversary Bemstories! Thank you for reading Bemskies!💖
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top