CHAPTER 26: CHANCE
Ken's POV
Isang linggo mahigit akong walang update sa internet dahil marami kong inayos para sa semester namin. Ang dami kong plates na pinasa at ang daming pinagawa sa opisina. Gusto ko lang magpahinga pero nagulat ako sa nakita ko sa facebook. I didn't expect na may magkakapal ng mukha para kopyahin yung gawa ni Emily. Agad kong inalam kung ano ang nangyayari. Laking gulat at dismaya ng malaman kung sino ito. Sandra... Bakit? Bakit mo nagawa kay Emily ang ganito? They are friends for pete's sake. Matagal ko na ding napapansin kay Sandra na medyo ginagaya niya yung style ni Emily at nagsusulat din siya ng mga poems. Palagi niyang pinapakita sa akin yuny poems niya. Parang inaral niya talaga yung writing style ni Emily pero lagi kong nararamdamang may kulang. May kulang sa emotions ng gawa niya. Parang palaging pilit at parang ginagawa niya lang ito for something. I don't know why did she came this far. Hindi naman ako manhid para di maramdamang may gusto siya sa akin pero isa lang talaga gusto ng puso ko. Kahit maging carbon copy pa siya ni Ems ay hindi ako mahuhulog. For sure Emily is hurt big time. I know that she treasures her works a lot and the fact that the one who did it is special to her life. I badly want to comfort her but I suddenly remember that Vince is at her side to comfort her. Bumaba na lang ako para kumain. Tahimik akong nagsandok ng pagkain ko. Kumakain ako ng umupo si Ate sa tapat ko. "Kawawa naman yung kanin nadurog na ng husto. Maglulugaw ka ba pagkatapos?" Saad niya. Napatingin ako sa pinggan ko at nadurog nga ng husto yung kanin. "Anong iniisip mo at bakit ka nagkakaganyan ha?" Saad niya pa. Bumuntong hininga muna ako bago nag-isip ng isasagot. "May nangyari nanaman kasi." Sagot ko. "Ano? Hindi tinanggap ng prof mo yung plates mo? O may nakalimutan kang report?" Sagot niya. "Hindi. Someone plagiarised Emily's book." Sagot ko. "Oh bakit mo prinoproblema yun? Ang layo mo sa kanya. Tsaka bakit ba pilit mong iniinvolve yung sarili mo sa bagay na hindi ka naman dapat involved?" Sagot niya. "I'm involved here Ate. Si Sandra kasi yung gumawa nun." Sagot ko. Natigilan naman si Ate sa narinig. "What?" Sagot niya. "She copied the first book of Emily's trilogy. Currently 100k reads ang meron sa original. Halos 10k reads na yung plagiarised version. And I know why that thing happened. Because of me." Kahit ilang buwan lang relationship namin ni Ems alam ko fashion style niya and I noticed it to Sandra. Lalo na nung New Year." Sagot ko. "Yeah. Right! I also noticed it. She dress up like Emily and sometimes I saw her tried to compose poems." Sagot niya. "See? I don't know what to do now. I don't know how will I fix this mess." Sagot ko. "I'll give you the best advice I could think of. First, find out Sandra's side. Know her reasons why she did that. Then try to understand her. Kasi sa tingin ko kaya siya nagkakaganyan kasi wala siyang kaibigan sa tabi niya. Wala siyang companion. Feeling niya mag-isa lang siya." Sagot ni Ate. "Thank you for the advice Ate." Sagot ko. "No worries. Wag mo masyado isipin yun para makapag-pahinga ka. Isang week lang yan sulitin mo na. Alam mo naman sila Mama diba? Siguradong bibira nanamn yun ng utos after a week." Sagot niya. "Oo. Magshoshopping na lang ako sa Time Square. Matagal na nung huli kong nagshopping eh." Sagot ko. "Time Square ka pupunta 'no?" Sagot niya. "Oo." Sagot ko. "Sa Saturday bar hopping tayo." Sagot niya. "Friday night na lang. May gagawin kasi ko ng Sabado." Sagot ko. "Makikipag date ka no?" Sagot niya. "Hindi! Basta. Sa'kin na lang yun kung ano gagawin ko." Sagot ko. Every Saturday ko kasi ginagawa yung webtoon ko. Kaya tinanggihan ko si Ate sa bar hopping ng Sabado. "Sige Friday night." Sagot niya. "Akyat na nga ulit ako Ate. Sige na. Kakausapin ko pa si Sandra." Sagot ko. "Tandaan mo yung advice ko ah. Wag ka magpadalos-dalos at pagalitan agad siya." Sagot niya. "Oo." Sagot ko at umakyat na. Kinuha ko yung phone ko at tiningnan kung online si Sandra. Buti na lang may recent chat siya na hindi ko pa nababasa. Pinindot ko ito.
Sandra:
Morning Kuya!
Me:
Sup Sandra.
Siguradong may ginagawa pa siya sa oras na 'to. Mamaya pa siya makakapag-reply. Binuksan ko na lang ang laptop ko para makita kung may activities bang sinend sa amin. Kinuha ko na yung iPad ko at yung apple pencil para masimulan na yung plate na kailangan naman ipasa ngayon. Pagkatapos ko magdrawing ng plate ay binuksan ko naman ang email ko para makita kung may sinend ba sa aking update sa construction sa Singapore at renovation sa Canada. Sa akin kasi lahat binibigay ng mga trabahong ganito. Mabuti na lang at wala silang sinend sa akin ngayon. Maliligo na lang muna ako at magbibihis. Gusto ko ng milktea at para din makapasyal-pasyal ako. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nagkakaingay nanaman sa baba bakit kaya? "Why are you here, Ana?" Tanong ni Ate nung nasa baba na ako. "Mom is inviting us for dinner." Sagot niya. "What? I didn't received her text." Sagot ko. "Ah it's because she told me to visit you here and tell you that she invites you for dinner." Sagot niya. "I have something to do. Please leave me alone. I only have one week to rest and you're showing up here. How will I rest if you're face is showing up huh? I'm stressing out just by seeing your face." Sagot ko. "Please give my brother a rest please. He's so tired of his training in our company. If you really care for him give him a time out." Sagot naman ni Ate. "Eh what will I do ba? My mom invites him. If he didn't show up she will get my car." Sagot ni Ana. "Then tell her I'm busy. I don't have time. And it's broad daylight why are you inviting me for dinner?" Sagot ko. "No! She told me to tell you earlier so that you can prepare yourself." Sagot niya. "Don't tell me it's a dinner with the business partners?" Sagot ko. "I don't know." Sagot niya. "Ate, ask mom about this. Hindi naman yan mangungulit kung talagang kami lang nila Tita Annalin eh." Sagot ko. "Okay." Sagot ni Ate at nagdial sa phone niya. "Hello Ma." Saad ni Ate. "What? I thought it's his rest week." Sagot ni Ate sa kausap. "Okay. Bye." Sagot pa ulit ni Ate at binaba ang tawag. "You're right, Ken. It's dinner with the business partners. Kasama kami. 8 pm later." Sagot niya. "Aish. Okay." Sagot ko at bumalik na sa taas. Nagbihis na lang ulit ako ng pambahay at binuksan ang laptop ko para manuod ng anime sa netflix. Makikita ko nanaman yung pagmumukha ng tatay ni Ems. Tapos katabi ko nanaman sa hapag kainan si Ana mamaya. Hopefully makakain ako ng maayos lalo na't kinamumuhian ko yung mga kasama ko sa hapag. Tapos hindi ko pa alam paano makikipag-usap kay Sandra dahil sa laki ng time difference namin. Tiningnan ko ang oras. 8 am pa lang so 8 pm pa lang sa Pilipinas. Pwede ko na siguro siya kausapin. Agad kong kinuha ang phone ko. Ng makitang may recent chat siya ay agad kong binuksan ito.
Sandra:
Okay naman. Kahit maraming bashers.
Me:
I'll be straight to the point Sandra. Hindi ako against sayo gusto ko lang malaman yung dahilan mo. Kung bakit mo ginawa yun. Bakit mo ginawa yung bagay na alam mong makakasakit sa kaibigan mo?
Matagal bago siya nakapag reply sa akin.
Sandra:
Ganyan naman kayo lahat eh. Lahat kayo nasa side ni Emily. Hindi lang naman si Emily yung nasasaktan dito. Ako din! Gusto ko lang naman maging kagaya niya ah! Bakit ganyan kayo?
Me:
I'm not siding anyone. Gusto ko malaman yung dahilan mo para maintindihan kita. Kung ganyan ka hindi ka talaga papakinggan.
Sandra:
It's because I also want to be appreciated! I also want to be noticed! If copying her is the only way for you to notice me then I'll do it! I also want you to see me as a woman not as your younger sister!
Now I know why... It's because I'm treating her as my younger sister. Sorry Sandra kung di kita magustuhan.
Sandra:
Give me a chance Kuya. Please. Ngayon ko lang pinili yung sarili ko. Pagbigyan mo na ako please.
Mahirap na desisyon 'to. Masyadong magulo ang buhay ko para pasukin niya pa. Masyadong complicated ang life story ko at siguradong susukuan niya din ako. Hindi madali ang pumasok sa relationship na may buhay na katulad ko.
Me:
Give me time to think about it. Honestly Sandra, mahirap makasama sa isang romantic relationship ang katulad ko. May fiancee ako at future heir ng malaking kompanya. Ano pa bang aasahan mo sa katulad ko? Mahihirapan ka lang.
Sandra:
Haharapin ko lahat. Kinaya ko nga na sirain yung friendship namin para sayo eh. Para sa chance na ito. I'll give you 1 week. Chat me back kapag nakapagdesisyon ka na.
Argh! Nahihirapan na ako mag-isip ng solution sa problema na 'to. May lamat na ang relasyon nila ni Emily bilang magkaibigan. Mahirap nang ayusin. Binaba ko na lang ang phone ko at napahawak sa sentido ko. Ang dami kong kailangan ayusin.
Me:
Sandra, before we end this conversation I have some request to you. Please delete the story. If gusto mo talaga maging writer magproduce ka ng sarili mong gawa. Hindi yung kokopya ka ng gawa ng iba. Mas maganda pa rin na mula sa puso yung gawa mo.
Sandra:
Okay.
Binuksan ko yung wattpad app sa cellphone ko para makasiguradong dinelete niya na. Pagkatapos ng usapan namin ni Sandra ay nanuod na ako ng anime. After hours dinner came. Nagbihis na ako ng tux ko at inayos ang buhok ko. Lumabas na ako ng kwarto at chineck kung ready na ba sila Ate. "Saan mo iiwan si Kyle?" Tanong ko kay Ate ng makababa. "Pupunta dito yung isang katulong sa mansion para bantayan si Kyle." Sagot ni Ate. Nakasuot siya ng red backless dress at may black purse. Si Kuya naman ay naka blue tuxedo na pinartneran ng Gucci shoes. "By the way Ate, you're beautiful just like the moon." Saad ko. "Galing talaga mambola ng kapatid ko! Kaya maraming nahuhulog sayo eh. Hindi mo naman sinasalo." Sagot niya. "Kasi kahit ilang babae pa mahulog sa akin isa lang sasaluhin ko. Yun nga lang may nakasalo nang iba." Sagot ko. "Bitter!" Saad naman ni Kuya. "At least ako nagkagirlfriend na Kuya. Unlike you na puro hook ups at flirts lang!" Sagot ko. "Sorry my brother but girlfriends doesn't exist in my vocabulary. Tsaka ikakasal na ko sa hindi ko kilala bakit pa ko magbobother maghanap ng girlfriend?" Sagot niya. "Ang tanong mahal mo ba yung papakasalan mo?" Sagot ko. "Pwede namang aralin yung pagmamahal eh." Sagot niya. "Kuya, hindi lahat naaral. Minsan mararamdaman mo na lang." Sagot ko. "Tama na yang pagtatalo niyo tungkol sa pag-ibig. Mararamdaman niyo yan kapag nakita niyo na yung tamang tao na makikita niyo." Sagot ni Ate. "Sad to say yung nahanap kong tao para sa happiness niyo kaya umayos kayong dalawa. Lalo ka na Ken!" Dagdag pa niya. "Susko naman Ate. Umaayos na naman ako ah." Sagot ko. Habang naghihintay sa yaya na darating ay magcellphone muna ko. "Ml tayo Kuya Ken!" Tawag ni Kyle. "Online ka na." Sagot ko. Naglaro muna kami ni Kyle hanggang sa dumating na yung yaya niya. "Kyle, be good here. Saglit lang kami. Kakain lang kami tapos uuwi na. Uuwian ka na lang namin. What do you want ba?" Saad ni Ate. "I want milktea and subway. " Sagot ni Kyle. "Okay." Sagot ni Ate. "Ate, kailan ko ba makikita sila Mama at Papa?" Tanong ni Kyle. Napaiwas naman ng tingin si Ate. "A-ah... I'll ask them about it later." Sagot ni Ate. "Ah Kyle. Umakyat ka na lang ssa kwarto mo tapos basahin mo yung bagong novel ni Ate Emily mo sa wattpad." Sagot ko naman. "Tapos na Kuya. Wala na ko mabasa." Sagot niya. "Yung kay Kuya Vince mo na lang. Basahin mo." Sagot ko. "Ayoko." Sagot niya. "Oh bakit?" Sagot ko. "Sobrang bagal ng update niya. Wala pa siyang bagong update." Sagot niya. "Magml ka na lang. Tapos bumaba ka na lang kapag gutom ka na. Magpatulong ka kay Ate Lyn mo." Sagot ko. "Okay." Sagot niya at umakyat sa kwarto niya. "Napaakyat mo si Kyle ah. Galing." Sagot ni Kuya Kenneth. "Syempre. Ako pa." Sagot ko. "Tara na." Sagot ni Ate. Pagkatapos ng mga bilin ni Ate sa magbabantay kay Kyle ay umalis na kami. Isang kotse na lang yung ginamit namin dahil iisang bahay lang din naman yung uuwian namin. Nagtext na ko kay Mama na kasabay kong pumunta sa dinner sila Ate kaya di ko masusundo si Ana. Pumayag naman siya dahil tinawagan din siya ni Ate. Pagdating namin sa venue puro business man ang nakakasalubong namin. Puro mamahalin din ang suot. Halos lahat magaganda at gwapo. Pumunta na kami sa table kung nasaan ang mga magulang namin at si Ana. Nagsimula na ang program at walang katapusang speeches. Kaya ayoko pumupunta sa mga ganito. Puro speech na lang yung naririnig ko. Matapos ang walang katapusang speeches ay lumibot naman kami para magpakilala sa kung sino-sinong business man at woman. Kabisado ko na nga sinasabi ng mga yun eh.
"Wow. You look good together." o kaya "When is that big day?" pertaining to the wedding day. Kabisado ko na yung mga sinasabi nila at nakakasawa. Ng bumalik kami sa table ay may mga partners nang nagsasayaw sa dance floor. "Ken, why don't you dance with Ana?" Saad ni Tita Annalin. "Uh... I don't know how to dance, Tita." Sagot ko. Ayoko kasi makipag sayaw sa kanya. I'm not in the mood. "Don't worry. Ana knows how to dance." Sagot niya. Bumaling naman ang masamang tingin ni Mama sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi ang makipag-sayaw kay Ana. "Ken, can you send me home after this?" Malanding saad ni Ana. "I don't have my car with me." Sagot ko. "Okay." Sagot niya. Pagkatapos namin magsayaw ay bumalik na kami sa table. Uminom ako ng isang basong wine. Matapos ang ilang speeches ay umuwi na kami. Dumaan muna kami sa nahanap naming subway at milktea store para kay Kyle. Pagdating namin ng condo ay naabutan namin si Kyle sa sala na nanunuod ng tv. Wala na ang katulong na pinadala nila Mama. "Kyle, here's your request na. Magpapahinga na si Ate ah." Bati ni Ate. "Sige po Ate." Sagot niya at kinuha yung pasalubong namin. "Kyle, matutulog na ko ah. Wag ka masyado magpuyat." Saad naman ni Kuya Kenneth. "Magbibihis lang ako Kyle. Baba din ako." Saad ko. "Okay, Kuya." Sagot niya. Umakyat muna ko saglit at naglinis ng katawan bago nagbihis. Bumaba na rin ako. Nanunuod pa rin siya ng anime. Umupo ako sa tabi niya. "Kuya, mahal ba ko nila Mama at Papa?" Tanong niya habang kumakain ng sandwich ng subway. Natahimik ako sa tanong na narinig niya. "O-oo naman. M-mahal ka nila." Sagot ko. Masyado pa siyang bata para sagutin ng sagot na hindi sigurado. "Bakit parang naghesitate ka pa sa sagot mo sa akin Kuya?" Sagot niya. "Hindi ako naghesitate. Mahal ka nila." Sagot ko. Kahit ako mismo hindi ko alam kung mahal ba ko ng sarili kong magulang. "Bakit di natin sila kasama? Bakit hindi tayo nasa iisang bahay katulad ng normal na pamilya?" Sagot niya. Napabuntong hininga ako sa narinig. "Kasi diba may kompanya tayo? Inaasikaso nila yun at gusto nila na maging independent tayo." Sagot ko. "Yes I know but I also want to have bonding with them. Like we would go to park with them, I want to play with Papa and I want to taste the food that Mama cooked. Things like that." Sagot niya. I'm sad at the same time hurt because of what I heard with my younger brother. He long for our parent's love. "Someday you'll experience it. We're thinking of ways don't worry." Sagot ko. I also want him to experience it. Kahit siya na lang kahit di na ako. "Inaantok na ko Kuya. Bukas na lang ulit." Sagot niya. "Sige. Magtooth brush ka bago matulog ah." Sagot ko. "Oo." Sagot niya at umakyat na sa kwarto niya. Niligpit ko yung pinagkainan niya at pumunta muna ko sa kusina para makapagtimpla ng gatas. Nahihirapan kasi ko makatulog nitong mga nakaraan. Habang nagtitimpla ay nakita kong pumasok sa kusina si Ate. "Akala ko ba matutulog ka na?" Saad ko. "Hindi ako makatulog kaya bumaba muna ko. Ano yung napag-usapan niyo ni Kyle?" Sagot niya. Umupo muna ko sa dining area namin. "Nagtanong siya sa akin bigla kung mahal daw ba siya nila Mama. H-hindi ko alam yung sasagot ko kanina. Kasi ako mismo hindi ko din alam kung mahal nila ko." Sagot ko. "Normal lang naman na magtanong siya ng ganon kasi bata pa siya. Kahit ikaw naman tinanong mo din sa akin yun dati. Parehas lang tayo, hindi ko din alam yung isasagot ko sayo kaya ang sinagot ko 'oo' pero hindi din ako sigurado sa sagot ko." Sagot niya. "Ang sakit pala ng ganun 'no Ate? Yung itatanong ka ng mas bata mong kapatid kung mahal ba sila ng sarili nating magulang. Then he said he wants to play with papa and taste the foods that mama prepared." Sagot ko. "Kung masakit sayo paano pa kaya sa akin? Ang sakit isipin na ganun na pala naiisip niya sa mura niyang edad. Yung hindi niya alam yung pakiramdam ng may magulang." Sagot niya. "Oo nga Ate eh. Gusto ko matupad yung gusto niya pero hindi ko alam kung paano." Sagot ko. "I think I should take over the company. Yan lang naman yung sagabal sa kanila eh." Sagot niya. "Wag muna Ate. Masyado pang maaga. Humanap na lang muna tayo ng alternatives." Sagot ko. "Let's make time for him. Like gawin natin yung mga sinabi niya." Sagot niya. "Oo nga. Pwede-pwede." Sagot ko. "Bukas natin planuhin. Su-surprise natin siya. Like I'll cook some of his favorites for breakfast tapos magpunta tayo sa park." Sagot niya. "Pwede." Sagot ko. "Sige na. Ubusin mo na yang gatas mo at umakyat ka na. Matutulog na ako ah." Sagot niya. Tumango ako sa kanya at nagpatuloy inumin ang gatas. Pagkaubos ng gatas at matapos ko hugasan ang baso ay umakyat na ako sa kwarto ko. Nakatulog naman ako agad dahil sa tulong ng gatas. Maaga kong gumising para matulungan si Ate sa kusina. Ng makababa ako ay naabutan ko si Ate na nagmimix ng pancake batter. "Good morning Ate!" Bati ko. "Good morning Ken." Bati niya. "Nagkape ka na?" Tanong ko. "Yep. Merong milo diyan sa pantry kumuha ka na lang. Nakahanap kasi ako sa isnag Asian store diyan." Sagot niya. "Okay. Thank you Ate." Sagot ko. Nagpunta na ako sa pantry at kumuha ng milo. Nagpainit na ako ng tubig aa electric kettle dito. Kumuha na din ako ng tasa. Pagkatapos ko magtimpla ay tinulungan ko na si Ate sa paghahanda. "Anong oras ba klase ni Kyle? Baka may klase siya ngayon." Saad ko. "Wala siyang klase ngayon. Sembreak na nila." Sagot niya. "That's nice. Mapapasyal natin siya." Sagot ko. "Oo nga eh." Sagot niya. "Iluto mo 'tong bacons ip-plating ko yung pancake." Sagot niya. "Okay." Sagot ko at kinuha yung bacon sa lamesa. Binuksan ko na ang kalan at nagpainit ng kawali. Ng uminit na ito ay nilagyan ko na ito ng mantika at nilagay ko na ang bacon. Pagkatapos ng ilang minuto ay naluto na ang bacon. Nilagay ko na ito sa isang plato at nilagay na sa dining table. "Gisingin mo na Kuya Kenneth mo. Gigisingin ko si Kyle." Utos ni Ate. Nako tulog mantika pa naman yung Kuya ko na yun. "Okay." Sagot ko. Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ni Kuya. Tama nga yung hula ko na tulog pa rin ito at binabalandra pa ang kanyang katawan kahit di naman macho. "Kuya! Gumising ka. Breakfast na!" Saad ko at tinanggal ang kumot niya. "Hmmm. Mamaya na. Inaantok pa ko." Sagot niya. "Bahala ka. Wag mong intayin si Ate na pumunta dito at buhusan ka ng tubig." Sagot ko at lumabas na ng kwarto niya. Bumaba na ako at pumunta sa dining nakita ko ang masayang ngiti sa labi ni Kyle at bakas ang kasiyahan niya sa nakikitang mga pagkain. "Oh asan na si Kenneth?" Tanong ni Ate. "Nandun natutulog. Inaantok pa daw siya." Sagot ko. "Talaga naman! Humanda nga siya sa akin." Sagot ni Ate at lumabas ng dining area. "Nasurprise ka ba Kyle?" Tanong ko at umupo sa tabi niya. "Oo Kuya. Nakahain lahat ng favorite ko eh." Sagot niya. "Pinaghirapan namin ni Ate yan kaya kumain ka ng marami." Sagot ko. "Oo Kuya." Sagot niya. Sumandok na ako ng fried rice at bacon para sa akin. Kumuha din ako ng bread at hotdog. Habang kumakain kami ni Kyle ay dumating na din si Ate at Kuya. "Hindi niyo talaga ko hinintay." Saad ni Kuya. "Bakit Kuya? Kami ba ang late nagising?" Sagot ko. "Kumain na lang Ken. Masama nagbabangayan sa harap ng pagkain." Sagot ni Ate. "Pagkatapos niyo kumain magsiligo na kayo. Aalis tayo." Sagot ni Ate. "Saan tayo pupunta naman?" Sagot ni Kuya. "Sa park." Sagot ni Ate. "Talaga Ate?" Sagot ni Kyle. "Yep. Kaya bilisan niyong kumain." Sagot ni Ate. "Magpipinic tayo?" Sagot ni Kyle. "Oo. Naprepare ko na yung mga dadalin natin sa picnic." Sagot ni Ate. Pagkatapos kumain ay naligo na kami at nagbihis ng mga damit. Shirt at jeans lang ang sinuot ko at pinartneran ko ng rubber shoes. Bumaba na ako at nakita kong ready na si Kyle. Tumabi ako sa kanya. "Excited ka ba?" Tanong ko. "Oo Kuya. Thank you dahil tinupad niyo yung gusto ko kahit hindi sila mama at papa ang kasama ko at least kasama ko kayo. Sobrang thankful ko na kayo yung naging kapatid ko." Sagot niya. Napangiti naman ako sa narinig ko. He never failed to make me smile. "Hayaan mo. Sa susunod kasama na natin sila Mama." Sagot ko. "I'm waiting for that day Kuya." Sagot niya. "Mangyayari yun. Wag ka mag-alala." Sagot ko. Ng makababa na si Ate ay lumabas na kami ng condo dala ang mga gamit na gagamitin namin sa picnic. Ako na ang nagdrive ng kotse dahil si Kuya ang nagdrive kahapon.
Kassandra's POV
Nandito na kami sa park at naglalatag na ng picnic mat. I'm doing this because I want to make Kyle happy even though he's with us. "Ganto! Since this is our first picnic bakit di tayo maghabulan?" Saad ni Kenneth. "Kayo na lang nila Kyle. Babantayan ko na lang yung mga gamit natin dito." Sagot ko. "Sige Ate. Oh paano ba yan Ken at Kyle? Sino taya?" Sagot ni Kenneth. "Maiba taya na lang para walang lugi!" Sagot ni Ken. "Iwan niyo sa akin yung phone niyo." Sagot ko. Nilabas naman nila sa mga bulsa nila yung mga phone nila. "Maibaaaaa! Taya!" Sigaw ni Kyle. Si Ken ang taya dahil siya lang ang nakaitim. "Oh! Si Kuya Ken taya! Magbilang ka na Kuya!" Sagot ni Kyle. "One! Two!" Sigaw ni Ken. Kumaripas naman ng takbo ang dalawa. Hinabol na sila ni Ken ng makasampu ang bilang niya. Masaya kong nakikita silang ganyan kasaya. Makita ko lang ang mga ngiti nilang ganun eh okay na ako. Hindi ko na kailangan piliin yung bagay na ikakasaya ko kung masaya naman yung mga kapatid ko. Kaya kong bitawan lahat ng meron ako maging masaya lang ang mga kapatid ko lalo na si Kyle. Makita ko lang yung genuine na ngiti niya kumpleto na ang araw ko. Wala na akong mahihiling pa kundi ang kasiyahan nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top