CHAPTER 25: I'LL MAKE YOU HAPPY

Vince's POV
Nagdidiscuss ngayon yung professor namin pero mukhang hindi nakikinig si Emily dahil tulala lang siya. "Miss Howards?" Tawag ng professor kay Ems pero mukhang lutang na lutang talaga siya. Kinalabit ko siya. "Bakit?" Sagot niya. "Si Prof tawag ka." Sagot ko. Tumayo naman siya at binaling ang atensyon kay Prof. "What is the color code used to determine cardiac arrest?" Sagot ng professor. "The code used to determine cardiac arrest is blue." Sagot ni Emily. "What is the use of biopsy?" Sagot naman ng professor. "It is the tissue sample used for testing purposes." Sagot ni Emily. "You may seat down." Sagot ng professor kaya umupo na siya. "You. Mister Sawyer." Saad bigla ng professor. Tumikhim muna ako bago tumayo. "What is blood cloth in medical terms?" Tanong niya. "It is called embolism." Sagot ko. "Then what is the color code used in your hospital to determine a pediatric or neonatal cardiac arrest?" Sagot niya. "In our hospital we used the color pink to determine neonatal cardiac arrest cases." Sagot ko. "You may seat down." Sagot niya. Umupo na ako. Ng magbreak ay nakita ko nanamang tulala si Ems habang nagbabasa. "Huy. Ano bang problema mo?" Tanong ko. "W-wala." Sagot niya. Bumuntong hininga na lang ako dahil kahit anong tago niya malalaman at malalaman ko pa rin. "Iniisip mo nanaman ba yung nangyari kahapon?" Sagot ko. "Hindi ko naman pwedeng basta na lang yun kalimutan kasi libro ko yung kinuha niya eh. Akin yun eh." Sagot niya. "I'm finding ways on how to remove it on wattpad. Wag mo na lang tingnan ng tingnan." Sagot ko. "Hindi ko naman yun maiwasan kasi hindi ko alam kung bakit nila ko ginaganito. Sobrang sakit na, Vince. Hindi ba siya nakuntento kay Ken at pati gawa ko kinuha niya. Gusto ko malaman kung bakit? Ano bang kasalanan ko at pati gawa ko kinuha nila?!" Sagot niya. Naalala ko yung pag-uusap namin ni Lean at ang sinabi niya ay wala lang daw at hindi kaso kay Ems yun kasi magkaibigan sila. "Gusto mo talaga malaman?" Sagot ko. "Oo Vince! Napapagod na ko mangapa!" Sagot niya. Tumingin ako ng deretso sa mata niya bago sumagot. "Wala lang daw at hindi naman daw yun big deal dahil magkaibigan kayo." Sagot ko. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig at tuluyan na lang naiyak. Ang sakit sa kalooban ko na makita siyang ganito. Hindi ko man gusto na mahirapan siya pero yun ang pinakamadaling paraan para maibsan ang pagkalito niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Wag ka na umiyak. Hindi nila deserve luha mo. Alam mo sa sobrang pag-iyak mo nitong mga nakaraang araw pwede ka nang magtayo ng water refilling station. 10,000 pesos isang galon." Saad ko. "I-i j-just c-can't u-understand w-why I-i k-keep h-hurting b-because o-of t-the s-same p-person." Sagot niya. "Because they are once part of your life. They once became your happiness." Sagot ko. "I just want to be happy pero parang palaging pagkatapos ko maging masaya bigla akong bubuhusan ng ganitong problema. Masama ba kong tao at ginaganito nila ko?" Sagot niya. "Hindi Ems. Binigay yan sayo kasi kaya mo yan lampasan. Kaya mo yan talunin. Nagtitiwala ako sayo na matatalo mo yan. Ikaw pa? Eh si Emily Savvanah ka." Sagot ko. "Nakakapagod pala maging ako. Kasi habang pinaglalaban ko yung pangarap ko nawawala yung mga taong pinahalagahan ko. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod. While I am aiming high for my dreams isa-isa nila kong iniiwan. Una si Nanay, tapos si Ken ngayon naman si Sandra. Baka sa susunod ikaw na Vince." Sagot niya. "No. Bakit kita iiwan? Hindi kita iiwan. Mananatili ako sayo hanggang sa marating mo yung pangarap mo. I will be with you until the end." Sagot ko. Yumakap lang siya sa akin ng sobrang higpit na parang sa akin na nakadepende ang buhay niya. Paano ko iiwan ang babae na 'to kung ganito siya kahina? Paano ko magagawang hayaan na lang siya na ganito? She's so vulnerable. Hindi ko alam paano siya pasasayahin sa ganitong state niya. Pagkatapos namin mag-usap ay pumunta na kami sa susunod naming klase. Nawalan na ng gana si Ems sa mga sumunod na klase. Ng mag-uwian ay nanatili lang siyang tahimik. "Uy Ems! Patugtog ka naman ng iKON." Saad ko. "Hay. Okay." Sagot niya. Binuksan niya yung phone niya at kinonect niya sa radio ng kotse ko. Una niyang pinatugtog yung recent song ng IKON na Why Why Why. Title pa lang alam ko na kung bakit niya yan pinapatugtog. Nakakarelate siya diyan sa kantang yan. Pagdating namin ng condo building ay dumiretso na lang siya sa condo unit nila. Bumuntong hininga na lang ako at pumunta na rin ako sa unit ko. Pagdating ko sa kwarto ko ay binuksan ko ang laptop ko para makapag-post ng update. Unti-unti na din nagsusubside yung issue ni Emily at Sandra nung nagcheck ako ng facebook. Naglog out din ako ng facebook dahil nag-iisip ako ng paraan para mapasaya si Emily. Habang nag-iisip ay sumagi sa isip ko ang sinabi niya bago sila umalis ng Pilipinas.

"Gusto ko puntahan yung Singapore Flyer kaso wala kong pera. Masyadong mahal daw kasi dun."

"Gusto ko puntahan yung Singapore Flyer kaso wala kong pera. Masyadong mahal daw kasi dun."

"Gusto ko puntahan yung Singapore Flyer kaso wala kong pera. Masyadong mahal daw kasi dun."

Alam ko na kung saan ko siya dadalin. Agad kong pimuntahan yung website nila para makapag book ng ticket. Mabuti na lang hindi sila fully-booked ngayong week. Marami kasing turista ang nagpupunta dito. Pagkatapos ko magbook ng ticket ay umalis na ulit ako ng unit ko para magpunta ng mall. Bibili ko si Emily ng crunch na chocolate dahil isa pa ito sa comfort food niya. Pagakatapos ko bumili ng chocolate ay bumalik na ako sa condo building namin. Pumunta muna ako sa unit nila Emily. Siguradong nandito na si Ate Gab dahil morning shift siya. Kumatok muna ko bago pumasok. Naabutan ko sila na kumakain. Mukhang wala sa mood si Emily at patuloy lang kumakain kahit nandito na ako. "Uy Ate Gab! Pakain naman!" Bati ko. "Sige lang, Vince. Kuha ka diyan ng pinggan." Sagot ni Ate Gab. "Thank you po." Sagot ko. Nilagay ko sa tabi ni Emily yung plastic ng chocolate. Nagsimula na din akong kumain. "Kamusta school niyo, Ems?" Tanong ni Ate Gab. "Ayos naman, Ate Gab." Malatang sagot ni Emily. Tumingin naman sa akin si Ate Gab na para bang nagtatanong kung bakit ganon si Emily. Nagkibit balikat na lang ako. Pagkatapos kumain ni Emily ay tumayo na siya at nilagay sa lababo yung pinagkainan niya at pumasok na sa kwarto niya. "Ano nangyari sa school, Vince? Bakit ang lata niya tapos namumugto pa yung mata?" Tanong ni Ate Gab. "Alam na namin kung bakit kinopya ni Sandra yung  book niya." Sagot ko. "Bakit daw?" Sagot niya. "Wala lang daw at hindi naman daw yun magiging problema dahil magkaibigan naman daw sila." Sagot ko. "What? She crossed the boundaries of friendship." Sagot niya. "Yun nga po Ate eh. Kaya nga sobrang nasaktan si Emily dahil dun. Like bakit siya kokopya ng gawa ng iba just for none specific reason diba?" Sagot ko. "Oo nga naman. Kahit nga ang magnanakaw may sariling dahilan kung bakit sila nagnakaw diba?" Sagot niya. "Yun nga po yung hindi namin maintindihan. Siguro po gusto niya maimpress si Ken and yun yung way niya. I'm thinking of ways nga po para mapasaya siya eh." Sagot ko. "Wag ka mag-alala tutulungan kita diyan." Sagot niya. "Sige po Ate Gab. Puntahan ko po muna si Ems sa kwarto niya." Sagot ko. Kinuha ko yung plastic ng chocolate at kumatok muna sa kwarto ni Ems bago pumasok. Naabutan ko siyang nanunuod ng variety show sa laptop niya. Siguro nandun sa variety show na yun yung kinikilala niyang group. Tinanggal ko na sa plastic yung chocolate at nilagay sa tabi niya. "Thank you." Saad niya. "Arat roof top?" Sagot ko. Tumango naman siya at kinuha yung phone niya at yung mga chocolate. Lumabas na kami ng kwarto niya. "Ate Gab punta po muna kaming roof top." Paalam ko. "Sige. Bumalik kayo before 10 ah." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. Sumakay na kami ng elevator. Pagdating namin sa roof top ay dumiretso na siya sa usual spot namin. Nagbukas siya ng chocolate at naglagay sa kaliwang tenga niya ng inpods. Kumuha na din ako ng chocolate at binuksan ko ito. Nakisabay na rin ako sa pagmumuni niya. "What if hindi ako umalis ng Pilipinas? Ganito pa rin kaya? What if tinanggap ko agad yung offer ng Franklin U na dun na lang din ako mag college? What if tinanggihan ko 'to?" Tanong niya sa kawalan. "Kapag di ka umalis ng Pilipinas you will not meet I
iKON. You will not experience to have a independent life. Ma-s-stuck ka sa mga taong may toxic mentality." Sagot ko. "You have a point pero sana maayos pa din yung pagkakaibigan natin kung di ako umalis." Sagot niya. "Hindi dahil sa pag-alis mo nagkagulo ang friendship natin. Nagkagulo ito dahil sa kalituhan ni Sandra." Sagot ko. "Pero hindi pa rin naman natin dapat isisi sa kanya ang lahat dahil tayo ang nang-iwan sa kanya." Sagot niya. "Hindi natin siya iniwan, Ems. Inuna lang natin abutin yung mga pangarap natin." Sagot ko. "Pero that doesn't mean na kailangan natin magkaganito." Sagot niya. Sobrang bait ng babae na 'to. Siya na yung nasasaktan pero patuloy pa rin siya na umaasa na sana maaayos na yung pagkakaibigan namin. "Hindi naman Ems eh. Hindi naman magkakaganito kung may nakuntento. Kung hindi niya pinagdiskitahan yung gawa mo." Sagot ko. "Kung nalaman ko lang ng maaga na may feelings pala siya para kay Ken edi sana pinigilan ko na lang yung sarili ko." Sagot niya. "Lahat ng yun ay tapos na Ems. Nangyari na. Wag na tayo magregret na nangyari. Lesson na lang ito para sa atin." Sagot ko. Tumango naman siya. Tumahimik naman ang paligid katulad ng gabi. "Ano pala plano mo bukas?" Tanong ko upang mabasag ang katahimikan. "Wala. Papasok sa school tapos uuwi. Ayoko gumala tinatamad ako." Sagot niya. "Gagala tayo sa ayaw at sa gusto mo." Sagot ko. "Saan naman tayo pupunta? Sa mall? Nalibot na natin buong mall, Vince." Sagot niya. "Hindi. Dadalhin kita sa lugar na matagal mo nang pinangarap puntahan." Sagot ko. "Pupunta tayong Malaysia? O Indonesia? Kasi as far as I remember Singapore ang dream place ko eh." Sagot ko. "Hindi naman sa mga bansa. Within SG lang. Ikaw naman." Sagot ko. "Oo na. May magagawa pa ba ko eh plinano mo na for sure." Sagot niya."Yan ang gusto ko! Ngumingiti ka na." Sagot ko. "Bakit? Di ba ko ngumingiti kanina?" Sagot niya. "Hindi eh. Tapos ang lata mo pa. Nag-aalala tuloy sayo si Ate Gab." Sagot ko. "Hay. Madami na kong napapagalalang tao. Hindi na ko dapat maging ganito." Sagot niya. "Hmmm. Tara na nga. Baba na tayo. Gabi na. Baka malate pa tayo ng gising." Sagot ko. "Okay." Sagot niya. Bumaba na kami at hinatid ko na siya sa condo unit nila. "Good night. Thank you for tonight." Paalam niya at yinakap ako. "You're always welcome. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng kausap. Good night." Sagot ko. Inantay ko muna siya makapasok bago ako umalis. Bumalik na ako sa condo ko at ginawa ko yung night routine ko. Pagkatapos ko gawin ang mga ito ay humiga na ako sa kama ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nagulat ako na si Mama ito. Bakit kaya siya tumatawag? Agad ko na lang itong sinagot. "Yes Ma?" Bati ko. "Anak, possibly 2 weeks from now dadating diyan si Liza." Sagot niya. "What? Akala ko ba malinaw na sa kanila na walang kasalang mangyayari?" Sagot ko. "Ewan ko ba diyan sa Daddy mo." Sagot niya. Bagong problema nanaman. Kahit kailan naman yang lalaki na yan. Binigay ko na nga yung gusto niya na magnursing tapos pati ba naman love life ko papakialaman. "Aish. Madami pa kong inaayos dito Ma. Alam mo naman nangyayari sa writing journey namin eh." Sagot ko. "I know anak. Nagulat na nga lang din ako na tumawag sa akin ang Tita Evangeline sabi pinapapunta nga daw ng Daddy mo diyan si Liza." Sagot niya. "Bahala na si Batman sa akin. Kapag naiwan nanaman ako dahil sa kanya hindi ako magdadalawang isip itakwil siya." Sagot ko. "Anak, wag kang ganiyan. Hindi kita pinalaking ganiyan." Sagot niya. "Ma naman. Nabuhay tayo ng wala siya tapos gusto mo pa iconsiderate ko siyang tatay. Ma naman. Ginagawa ko naman kaso kung ganito siya? Hindi ko na kaya na pinapakialaman ako." Sagot ko. "Pagpasensyahan mo na lang anak." Sagot niya. "Ma naman! May mga anak na siyang iba. Maawa naman kayo sa akin baka pati si Emily mawala sa akin. Gusto ko din piliin yung sarili ko. Gusto ko maging masaya at si Emily lang nakagawa sakin nun. Babawiin niyo din ba?" Sagot ko. Naramdaman ko na lang na may tumulo nanamang mga likido sa mata ko. "Nak, pasensya ka na. Kailangan mong maranasan yung mga ganito. Pasensya ka na kasi hindi ko napigilan tatay mo. Pero pangako anak sisikapin kong maprotektahan yung kasiyahan mo." Sagot niya. "You don't need to be sorry Ma. Sanay na ko. And it's not your fault. It will never be." Sagot ko. "Sige na anak. Magpahinga ka na. Alam kong patulog ka na. Pasensya ka na at naistorbo pa kita." Sagot niya. "Okay lang po. Hindi kayo istorbo sa akin. I miss you po Ma." Sagot ko. "I miss you too. Puntahan mo ko kapag may time ka." Sagot niya. "Opo. Sige po ibaba ko na po 'to." Sagot ko at binaba ang tawag. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. I never thought na magiging ganito ulit ako. Akala ko tapos na. Akala ko tapos na yung kabanata na 'to sa buhay ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Emily's POV
Kakatapos lang ng first period namin at si Vince naman ngayon ang mukhang walang gana. Hindi siya ganito dahil siya lagi ang bumubuhay ng mood. "Huy! May problema ka ba?" Tanong ko. "Wala. Ayos lang ako." Sagot niya. "Akala ko ba may gala tayo?" Sagot ko. "Meron nga." Sagot niya. "Oh bakit parang wala kang gana?" Sagot ko.  "Masama lang pakiramdam ko." Sagot niya. "Wag na kaya tayo tumuloy." Sagot ko. "Hindi. Okay lang ako. Hindi ko lang feel yung klase kanina." Sagot niya. "Sa bagay. Sino nga namang di sasama ang pakiramdam kung ang pinaquiz eh naaral." Sagot ko. Pumunta na kami sa cafeteria ng school at umorder ng makakain. Ng makahanap ng table ay sumunod naman sa amin si Louise. "Hello! Kamusta klase?" Bati niya. "Ayun badtrip. Hindi namin nareview yung quiz. Buti na lang at may natandaan ako kahit konti sa inaral kahapon." Sagot ko. "Eh ano naman nangyari sa lalaki na 'to?" Sagot niya at tinuro si Vince. "Masama daw pakiramdam dahil napiga utak sa quiz." Sagot ko. "Ah. Sige una na ko. Chineck ko lang talaga kayo." Sagot niya. "Sige." Sagot ko. "Ano gusto mong kainin?" Tanong ko kay Vince. "Kahit ano." Sagot niya. "Okay. Order na lang kita ng palagi mong ino-order." Sagot ko. Pumila na ako sa linya at bumili ng pagkain. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na ulit kami sa mga klase namin. Nung pauwi kami ay dun lang nabuhay ulit yung energy ni Vince. Dumadaldal na ulit siya at hindi na tahimik katulad kanina. "Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko. "Basta. Magugustuhan mo." Sagot niya. "Ha? Magugustuhan? Saan nga kasi?" Sagot ko. "Singapore Flyer." Sagot niya. "Weh?" Sagot ko. "Oo nga. Hindi ako nagbibiro." Sagot niya. "Sure ka? Fully booked yun ngayon kasi maraming turista." Sagot ko. "Oo sure ako. Nakapag book na ko" Sagot niya. "Weh?" Sagot ko. Hindi pa rin ako naniniwala dahil alam ko na maraming turista ang pumupunta dun. "Oo nga. Nandun sa bag ko yung ticket." Sagot niya. "Patingin." Sagot ko. "Kunin mo sa bag ko. Nakaipit sa red notebook." Sagot niya. Inabot ko yung bag niya at hinanap yung red notebook na sinasabi niya. Binuksan ko ito at meron ngang nakaipit na dalawang ticket. "Legit nga..." Sagot ko. Hindi talaga nagbibiro si Vince kapag sinabi niya sinabi niya at mangyayari. "See? Diba sabi ko dadalhin kita dun? Pupuntahan na natin." Sagot niya. "Thank you. I'll pay for this one day." Sagot ko. "No need to pay just stay with me kahit anong mangyari." Sagot niya. "Oo naman. Kahit anong mangyari hindi din kita iiwan katulad ng ginawa mo sa akin." Sagot ko. Ng makarating kami sa Singapore Flyer ay talagang namamangha pa rin ako kahit nakikita ko na ito sa malayuan. Mas nakakamangha pa rin talaga pag malapitan. Pumunta na kami sa ticketing station nito at binigay na yung ticket namin. 5:30 pm na. Sakto sa paglubog ng araw. Sabi sa mga articles ay tanaw mo dito yung buong Singapore at ilang parts ng Indonesia at Malaysia. "Dito na din tayo magdidinner." Saad niya habang pasakay kami. "Weh?" Sagot ko. Ala kong may elevated dinner experience dito pero masyadong mahal na yun. "Oo. 6 pm iseserve." Sagot niya. "Talaga?" Sagot ko. "I want you to experience all the things that Singapore Flyer offers." Sagot niya. "Hindi kaya sobra na Vince?" Sagot ko. "Walang sobra basta ikaw." Sagot niya. Sumakay na kami sa ferris wheel. Ang laki ng loob at talagang tanaw mo talaga ang paglubog ng araw. Dahan-dahan kang inaangat nito. Nakatayo lang ako at tinitingnan ang nagtataasang gusali ng Singapore. Sobrang ganda dahil unti-unti na ring lumulubog ang araw. Ang gandang scenery kaya kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ito. "Vince! Tara dali! Picture tayo." Saad ko. Lumapit naman siya sa akin at nilabas ang phone niya. Humarap kami sa scenery at nagpicture. Nagpicture din kami sa phone ko. "Picturan mo ko nakatalikod sa camera." Saad ko. "Sige." Sagot niya. Tumalikod na ako at tumunghay sa scenery na nakikita ko. "Okay na Ems! Pwede ka na humarap." Saad niya kaya humarap na ako. "Yan! Wag ka gagalaw!" Sagot niya at pinicturan ako sa cellphone niya. Rinig na rinig yung camera click kaya alam kong pinicturan niya ko. "Loko ka! Pinicturan mo pa ko." Sagot ko. "Ganda mo eh." Sagot niya. "Edi wow!" Sagot ko. Ng mag six pm ay pumunta na kami sa parang dinner table sa sinakyan naming  cab. Malaki ang cab halos kasing laki ng isang kwarto. Binubuo ito ng malalaking salamin upang makita ang paligid. Naabot na namin ang pinakamataas. Mabagal lang ang pag-ikot ng ferris wheel. Nagsimula na kaming kumain. Unang sinerve ang appetizer. Mushroom soup ang sinerve bilang appetizer. Iced tea lang ang drinks dahil alam ni Vince na hindi ako umiinom. Every new year lang ako umiinom. Nagsimula na kami kumain. "Satisfied ka ba?" Tanong niya. "Oo naman. Thank you." Sagot ko. "You're welcome. Promise sa susunod na punta natin hindi na friends label natin."Sagot niya. "Looking forward ako diyan at syempre looking forward din ako sa proposal mo." Sagot ko. "Paghahandaan ko yun Ems. Wait for me." Sagot niya. "Of course. I'll wait for you." Sagot ko. "By the way. Sino yung bagong group na kinikilala mo?" Tanong niya. "Ah. Treasure." Sagot ko. I'm into them this past few day at kinikilala ko na sila ng mabuti. "Ano sila? Boy group? Girl group?" Sagot niya. "Boy group." Sagot ko. "Katulad ng iKON?" Sagot niya. "Oo. Pero mas bata sila sa iKON. Rookie group pa lang sila." Sagot ko. "Ahhh. Ilan sila lahat?" Sagot niya. "Twelve." Sagot ko. "What?! Kilala mo lahat?" Sagot niya. "Oo." Sagot ko. "Sige nga." Sagot niya. "Hyunsuk, Jihoon, Junkyu, Yoshi, Asahi, Haruto, Mashiho, Yedam, Jaehyuk, Jeong Woo,  Junghwan." Sagot ko. "Kabisado members ng Treasure pero di kabisado human anatomy." Sagot niya. "Ibang usapan na yan." Sagot ko. "Ikaw talaga. Wag ka masyado magpuyat ah. Baka mamaya eh hindi ka na nakakatulog kakanuod sa kanila." Sagot niya. "We're nurses. Malakas tayo magpuyat." Sagot ko. "Edi wow Ems." Sagot niya. Ng maubos namin yung soup ay sinerve na ang main course. Steak ang main course. "Yayamanin ka talagang lalaki ka. Steak talaga main course ah." Saad ko ng makaalis ang waiter. "Syempre." Sagot niya. "Nag-c-crave nga ako ng samgyupsal eh." Sagot ko. "Sige. After finals samgyup tayo." Sagot niya. "Sige." Sagot ko. "How was your experience here?" Tanong niya ng makababa kami. "Hmmm. Saya. Sobrang memorable. Isa nanamang first time ko kasama kita." Sagot ko. "Oo nga eh. Sana hanggang sa first book signing mo magkasama tayo." Sagot niya. "Oo naman. Makakarating din tayo diyan at sabay tayong pipirma ng mga libro natin." Sagot ko. "I can't wait for that day." Sagot niya. "Umuwi na nga tayo. 7 na. Nagchachat na rin si Ate Gab na nadun na siya sa condo. Nagluto daw siya. Kumain ulit tayo." Sagot ko. "Ikaw talaga! Puro kain na lang nasa isip mo." Sagot niya. "Eh anong magagawa ko? Hanggang lalamunan lang yung steak eh." Sagot ko. "Wow ah. Talaga lang. Nakadalawa ka nga eh." Sagot niya. "Eh nagugutom pa ko eh. Minsan lang makakatikim ng lutong kapampangan." Sagot niya. "Oo nga. Sa bagay. First time ko lang din matitikman yung luto ni Ate Gab." Sagot niya. "Tara na." Sagot niya. Pumunta na kami ng parking lot. Pinagbukas niya ako ng pinto ng kotse. Sumakay na ako at siya naman ay umikot na papunta sa driver's seat. Nagdrive na siya pauwi sa condo namin. Pagdating namin sa unit namin ay naghahain na si Ate Gab habang kausap sila Kuya Mark at May. "Hello Ate Gab." Bati ni Vince. "Uy. Saan kayo galing ha?" Sagot ni Ate Gab na may mapang-asar na ngiti. "Si Ate naman. Diyan lang Ate Gab. Gumala." Sagot ko. "Kumain lang sa Singapore Flyer, Ate Gab." Sagot ni Vince. "Wow. Sana all." Sagot ni Ate Gab. "Puntahan natin yun Pare kapag pumunta kami diyan ni May." Singit naman ni Kuya Mark sa cellphone. "Oo nga Nanay. Si Ate Emily at Kuya Vince naman iwan natin." Segunda naman ni May sa sinabi ni Kuya Mark. "Hello Kuya Mark!" Bati ko. "Hello Ems. Baka puro gala inaatupag mo diyan ah." Sagot niya. "Hindi ah. Nag-aaral ako mabuti Kuya." Sagot ko. "Mabuti. Baka nasasayang lang yung allowance mo ah. Meron ka pa bang allowance?" Sagot niya. "Meron pa Kuya. Nagpadala si Mommy at Tita Mhel ng for 3 months. May pang album nanaman ako." Sagot ko. "Hoy! Itabi mo yung iba para hindi ka hingi ng hingi kay Ate Mhel." Sagot niya. "FYI lang Kuya Mark. Nag iipon talaga ko para sa album hindi ko ginagalaw yung allowance ko kasi for emergency purposes yun." Sagot ko. "Mabuti." Sagot niya. "Tama na yan. Kumain na tayo." Saad ni Ate Gab. Umupo na kami sa kanya-kanya naming pwesto. Naglagay na ko ng kanin ko sa plato ko at nilagyan ko din ang kay Vince. Kumuha na din ako ng ulam. Beef steak at chopseuy ang ulam. Chopseuy ang kinuha ko dahil kakain ko lang ng beef. "Oh Ems. Bakit di ka kumuha nung beef steak?" Tanong ni Ate Gab. "Eh nung kumain po kasi kami sa Singapore Flyer eh yan din po kinain ko steak po." Sagot ko. "Ah kaya naman pala. Naka steak ka pa Ems ah." Singit ni Kuya. "Oo Kuya Mark. Nakadalawa nga yan eh." Sagot naman ni Vince. "Edi wow Vince." Sagot ko. Kumain na kami habang nagkwekwentuhan. "By the way Ems. Pupunta pala tayo sa Universal Studios sa Saturday. Nagleave na ako para sayo." Sagot niya. "Universal Studios?" Sagot ko. "Oo. Sagot ko lahat wag ka mag-alala. Bumili na ko ng ticket natin. Kasama ka Vince." Sagot ni Ate Gab. "Wow. Sumweldo ka na ba Ate?" Sagot ni Vince. "Oo. Nakapagpadala na din ako sa Kuya niyo kaya okay lang na gumastos ng konti." Sagot ni Ate Gab. "Nako Ate. Sana pinadala mo na lang kila Kuya yun." Sagot ko. "Hindi. Okay lang. Nakabili na ko. Hindi na pwede i-refund." Sagot niya. "Hay. Ano pa nga bang magagawa ko? Libre na 'to. Minsan lang ka lang manlibre Ate." Sagot ko. "Regalo ko na din 'to sa inyo ni Vince dahil nakasurvive kayo ng first sem ng nursing." Sagot niya. "Thank you po Ate Gab." Sagot ni Vince. Ito naman ang nakakatuwa kay Vince kasi kahit ahead siya sa amin financially ay hindi niya naman dinedegrade ang estado namin sa buhay. "Thank you Ate." Sagot ko. "Don't mention it." Sagot ni Ate Gab. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na din si Vince sa unit niya. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit mg pantulog. Umupo na ako sa desk ko at binuksan ang laptop ko at libro para mag-advance review. Ayoko nang mawindang ulit katulad kanina. Habang gumagawa ng reviewer ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Mommy. Agad ko namang sinagot ito. "Hello Mi." Bati ko. "Kamusta?" Sagot niya. "Okay naman po. Busy sa school. Gumala din ako kanina." Sagot ko. "Saan ka naman nakarating?" Sagot niya. "Sa Singapore Flyer Mi. Ganda. Kapag nakagraduate na ko dadalin din kita dito." Sagot ko. "Nagdate kayo ni Vince 'no?" Sagot niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. "Mi naman. Hindi. Kumain lang kami dun." Sagot ko. "Date na din yun." Sagot niya. Tinawanan ko na lang siya sa sinabi. "Kamusta naman yung nangyari sa novel mo?" Saad niya. Nawala naman ang ngiti ko ng maalala ito. "Ah ayos lang po. Hayaan niyo na. Kanya na yun. Kaya ko naman irevise yun kapag pinublish na." Sagot ko. "Hindi anak. Hindi ayos yun. Hindi porque friends kayo may karapatan na siyang gawin yun. Everything has boundaries and she's not exempted on it." Sagot niya. "Alam ko po. Pero intindihin din po natin siya. Ako po kasi yung nawala sa tabi niya at hindi siya nakakausap. Ako po yung nagkamali." Sagot ko. "Hindi anak. Hinding-hindi mali ang unahin ang pangarap. Kaya nga may pangarap tayo diba?" Sagot niya. "Opo. Pero hindi po dapat na kalimutan ang kaibigan." Sagot ko. "Hindi mo naman siya kinalimutan eh. Hindi ka lang niya naintindihan." Sagot niya. "Sige na po Mi. Late na po. Matulog na po kayo. Magrereview na po ako." Sagot ko. "Sige anak. Bye." Sagot niya. "Bye po." Sagot ko. Binaba niya na ang tawag at ako naman ay nagbasa na ng libro. Gumawa na din ako ng reviewer. Ng matapos sa ginagawa ay nagskin care na ko at nahiga na sa kama. Inalala ko nanaman yung sinabi ni Mommy. Sa problemang ito hindi ko alam kung sino ang mali. Para kaming nasa plot na hindi masulosyunan ng manunulat kaya lalong humaba. The best way to stop this  saga is to not deal with anything. Let it be. Cry if you want then after you cry get up and be strong again. That's how life works. Mabilis lang lumipas ang mga araw at Sabado na. Nagcommute na lang kami papuntang Universal Studios. Nagpicture muna kaming tatlo sa malaking globe na may nakalagay na Universal Studios. Pagkatapos ay pumasok na kami sa mismong park. "Saan niyo gusto unang sumakay na rides?" Tanong ni Ate Gab. "Lalayo pa ba tayo Ate? Battlestar Galactica na tayo." Sagot ni Vince. "Ikaw mag-isa Vincent David Sawyer. Bahala ka diyan." Sagot ko. "One time lang Ems. Sige na?" Sagot niya at nagpacute pa. Alam niya talaga kahinaan ko. "Wag ka na magpacute. Mapapayag mo lang ako eh." Sagot ko. "Tara na Ate! Pila na tayo!" Sagot ni Vince. "S-sure ba kayo?" Sagot ni Ate Gab. "Ate naman. Sulitin na natin yung binayad mo." Sagot ni Vince. "Oo nga Ate. Hindi pwedeng kami lang." Sagot ko. "Hay. Minsan lang naman. Tara na." Sagot niya. Pumila na kami. Sumakay na kami sa roller coaster. Sumakay din naman kami ni Kuya Mark ng roller coaster pero hindi ko nakikita yung riles. Ito iba kitang-kita mo mismo. "Basta kapag may nangyari sa akin dito Vince free admission sa hospital niyo ah!" Saad ko bago sumakay. "Oo." Sagot niya. Nagsimula nang umikot ang ride. Hilong-hilo ako ng makababa. "Ayoko na. Nakakahilo." Saad ko. Si Vince parang wala lang kami ni Ate Gab hilong-hilo. Marami pa kaming ginawa at nanuod ng mga play dito. Nakita din namin yung mga characters sa minions. Ng maggabi ay napagdesisyonan na lang namin na kumain sa mall at umuwi. "Nag-enjoy ba kayo?" Tanong ni Ate Gab. "Oo Ate kahit paulit-ulit ako hinilo ni Vince." Sagot ko. "Wow kasalanan ko? Sadyang ganun attractions nila eh." Sagot ni Vince. "Dami mong dahilan. Magdrive ka na lang papunta ng mall. Gutom na ko." Sagot ko. Sa McDonald's na lang kami kumain dahil ayoko na maglakad pa. Pagkain ay umuwi na kami. Ng maalala ko yung army bomb ni Vince. "Ah Vince hintayin mo ko sa sala. May bibigay ako sayo." Saad ko ng makarating kami sa unit namin. "Ha? Ano?" Sagot niya. "Basta." Sagot ko. "Okay." Sagot niya at pumunta na lang sa sala kahit di alam kung ano ang bibigay ko. Mabilis kong prinint yung tula niya at tinupi ito. Nilagay ko ito sa paper bag kasama nung army bomb at project loki set. Lumabas na ulit ako ng kwarto ko. Naabutan ko siya nagcecellphone. "Vince." Tawag ko. Lumingon naman siya at binulsa ang phone. "Bakit?" Sagot niya. "Oh. Sana magustuhan mo yung laman niyan. I know it's not much but that's the only thing I know para mapasaya kita." Sagot ko at inabot ang paper bag. Binuksan niya naman ito. "Army bomb! Thank you Ems!" Sagot niya at yumakap sa akin. "You're welcome." Sagot ko at gumanti din ng yakap. Umalis din siya pagkatapos ng tagpo na yun. Pumunta naman ako sa kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Sobrang saya ng araw na ito. Pansamantala kong nakalimutan yung mga problema ko at naging masaya kahit papaano. Sobrang thankful ko dahil may mga taong pumipilit sa akin ilaban ang buhay ko at hindi sukuan na lang.

A/N: Sorry for the late update Bemskies. I'm preparing na kasi for the book binding ng book 1 kaya hindi ako nakapag update agad. Anyways, thank you for waiting! Malapit na pala ko mag 1 year sa wattpad so advance Happy 1st anniversary sa atin! Love you Bemskies!❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top