CHAPTER 24: BROKEN FRIENDSHIP

Disclaimer: All of the scenes and dialogues are FICTIONAL. Pawang imahinasyon lamang ang lahat ng aking sinulat sa update na ito. Everything I write is FICTIONAL and that does nothing to do in reality. Ang lahat ay imahinasyon lamang ng writer at dapat manatiling imahinasyon. Thank you.

Emily's POV
Kakauwi ko lang galing ng mall dahil binili ko si Vince ng Army bomb. Hindi na ako nagpasama sa kanya kasi gusto ko siya isurprise. Nagbihis na ako ng pambahay at nagsimula nang magbasa ng mga past lessons namin. Nagsimula na din ako sa part ko sa research. Habang nagtatype ako ng mga facts ay bigla na lang tunog ng tunog yung cellphone ko. Tiningnan ko ang dahilan kung bakit. Nagmemessage sa akin yung admins at ilang readers ko. Agad ko itong binuksan.

Liza:
Ate Emily may nag-plagiarise ng Still You.

Ash:
Ash sent a photo.

Jen:
Ate @Emily Savvanah buksan mo yung wattpad mo.

Marami pang readers ko ang nagsend ng mga screenshots na plagiarised version ng libro ko. Napahawak na lang ako sa sentido ko. Hiatus na nga ako tapos may ganito pang nagaganap. I badly want to rest but I need to know who is it. So I opened my wattpad app on the iPad and search for the title of my story. Alam ko namang popular na yung title ng story ko pero they don't have the rights to copy my ideas. Ng mahanap ko ang nasabi nilang libro ay laking gulat ko kung sino ang nagplagiarise ng gawa ko. Sa lahat ng tao, bakit siya pa? Ano bang mali ang ginawa ko sa kanya? Sa kanya na nga si Ken eh ano pa bang gusto niya? Ano pa bang gusto niyang gawin ko? Naggive way na ko para sa feelings niya sa taong minahal ko pero ganito pa ang matatanggap ko. I love writing so much. Isa siya sa saksi kung paano ko iniligtas ng pagsusulat tapos ganito pa gagawin niya. Hindi pa nga tapos yung sa issue ng tita ko at ako tapos dadagdag pa siya. Hanggang kailan ba ako masasaktan ng dahil sa mga taong minahal ko? Hanggang kailan ba ako magtitiis ng ganito? I'm always giving them the love they deserve but they always give me heartaches that I think I don't deserve. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko tumayo at sinalang sa cd player ko yung Return Album ko. Hindi ko na alam gagawin ko kaya napagdesisyonan ko na lang na abalahin ang sarili ko sa pagaaral. May pangarap ako at hindi pwedeng iyak na lang ako ng iyak dahil sa kanya. Pero kahit anong pigil ko sa luha ko ay kusa pa rin siyang tumulo sa mga mata ko. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Naghahalo-halo ang pakiramdam ko. Galit ako at nalulungkot at the same time nalilito sa kung bakit niya ginawa yun.

Vince's POV
Kanina pa tumutunog yung cellphone ko pero dahil busy ako sa pagsisimula ng research paper ko ay hindi ko na lang ito pinansin. Pero nasa kalagitnaan na ako ng pagtatype ng tumunog nanaman ulit. Nairita na ako kaya napilitan akong tingnan ito.

Elle:
Kuya Vince may nagplagiarise sa gawa ni Ate Emily.
Elle sent a photo.

Ara:
Kuya @Vincent David Sawyer halos lahat pati dialogue pareho. Pangalan lang iniba.

Marami pang readers at admins ng SavvFam ang nagmessage sa akin at ilang mga Vincesters tungkol dito. Siguradong alam na 'to ni Emily. Kaya kinuha ko ang iPad ko at binuksan ang wattpad app nito para makita kung sino yung nagplagiarise ng story ni Emily. Laking gulat ko ng makita ang writing account ni Sandra. I didn't expect that she'll come this far. Kung makipag halikan kay Ken makakaya ko pa na ginagawa niya pero ito hindi ko na kaya. Inaapkan niya na talaga si Emily. Sobra niya nang inaapakan yung pride ni Emily as a writer. Walang ginawa si Emily kundi ang pagbigyan siya ng pagbigyan pero this time this is too much. I can't take it anymore. This is the worst part of being a writer that someone will plagiarise their works. It takes time to write a book and it's so hard to write one. So bakit kailangan pang kopyahin? Bakit kailangan pang pagdiskitahan na nakawin? I know she want's to write pero hindi pagsusulat ang ginawa niya. It's not that we don't want her to write but plagiarism of someones work isn't writing. I remember what she said before. "Gusto ko kayo gayahin, gusto ko din maging writer sa wattpad." I never thought na literal niyang ginaya si Ems. Naisip kong puntahan si Ems dahil baka nagsosolo nanaman siya ng luha. Mag-isa lang siya sa condo nila ngayon dahil morning shift si Ate Gab. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto niya ay sinalubong ako ng malakas na tugtog galing sa cd player. Gumagalaw ang balikat niya taas baba parang umiiyak. Lumapit ako sa kanya at inalo siya. "W-why are they like this? I'm always giving way to them? Bakit kailangan pa nilang kunin yung gawa ko? Pinaghirapan ko yun, Vince. Pinaghirapan ko yun bakit ganon? Bakit palagi na lang nila ko sinasaktan??" Saad niya. Mababakas sa boses niya ang sakit at lungkot. "I-i feel betrayed and hurt. Hindi naman porque mapagbigay ako sasamantalahin na." Dagdag niya pa. "Shhhhh. Everything will be fine. Kumalma ka muna, Ems. Baka hikain ka niyan." Sagot ko. "H-hirap n-na h-hirap n-na k-ko V-vince. I-i a-already g-gave w-way t-to t-them. I-i w-want t-to k-know w-why d-did s-she d-do t-that." She sobbed. Pinatay ko muna ang tugtog at inalalayan siyang makaupo sa kama. Hinawakan ko ang mukha niya at pinalis ang mga luha niya. Nahihirapan akong makita siyang ganito at hindi maatim ng sistema ko na ganito ang nararamdaman ng babaeng mahal ko. "Just calm down. Rest for awhile then we'll seek answers for that okay? Matulog ka muna para mapahinga yung utak mo. Wag mo muna yun isipin at magpahinga ka okay?" Sagot ko at inalalayan siyang mahiga sa kama. Binuksan ko yung aircon ng kwarto niya dahil medyo mainit na. I brushed her long hair using my fingers to let her relax more and help her sleep. Minsan ganito ang ginagawa ko kapag nagmemental breakdown siya dahil sa pressure sa nursing school. Ng sigurado kong tulog na siya ay inayos ko ang mga gamit niya at napansin ko na may picture kaming dalawa sa study table niya at picture frame na may post card ni Chanwoo. Picture pa ata namin yun nung graduation namin ng senior high. Matapos kong ayusin yung study table niya ay lumabas na ako ng kwarto niya. Binuksan ko ang phone ko at nakita kong punong-puno ng messages ni Lean at ng mga pinsan ko. Siguro nalaman nila dahil na din sa influence ng social media.

Jay:
Kamusta si Emily?

June:
Oo nga. Kamusta siya Vince?

Nathan:
Nag-aalala na si Zoe sa kanya.

June:
Tigilan mo muna yang kalandian mo Nathan!

Liam:
Hoy! Si Emily yung topic hindi si Nathan. Btw kamusta na siya Vince?

Lean:
Magsitigil nga kayo! Wag niyong tanungin ng tanungin si Vince tungkol diyan.

Me:
Napatulog ko na siya wag na kayo mag-alala.

Lumipat naman ako sa private message ng kapatid ni Emily.

Yohan Howards:
Kuya kamusta si Ate? Tinatry ko po tawagan hindi siya sumasagot.

Me:
Nothing to worry about Yohan. Nagpapahinga na siya ngayon.

Tumatawag naman si Tita Edna kaya sinagot ko na ito. "Hello Vince. Nabalitaan ko yung nangyari. Kamusta na si Emily? Tinatawagan ko hindi sumasagot." Saad ni Tita pagkasagot ko ng tawag. "Natutulog po Tita. Napatulog ko na po wag na po kayo mag-alala." Sagot ko. "Mabuti naman. Wag mo iiwan ah. Baka mamaya hikain siya walang mag-aayos ng nebulizer niya." Sagot niya. "Opo Tita. Ako na po bahala sa kanya." Sagot ko. "Nakausap niyo na ba si Sandra?" Sagot niya. "Hindi pa po Tita. I'm working on it na po." Sagot ko. "Thank you Vince. Hindi ako makakapunta diyan agad agad dahil maraming trabaho dito." Sagot niya. "Okay lang po. Wag na po kayo mag-alala sa kanya." Sagot ko. "Sige na Vince baka may ginagawa ka pa. Ibaba ko na to. Kinamusta ko lang si Emily dahil nag-aalala na talaga ko." Sagot niya. "Sige po Tita. Mag ingat po kayo diyan at wag na po kayong mag-alala kay Ems. Babantayan ko po siya." Sagot ko. Binaba na ni Tita ang tawag. Agad ko namang nakita ang message ni Andy.

Andy:
How is she?

Me:
She's fine. Nagpapahinga na.

Andy:
That's good. I'm working on talking to Sandra. I'll get back to you when she replied.

Me:
Okay.

Pagtapos ng chat namin ni Andy ay si Lean naman ang nagchat sa akin.

Lean:
Kamusta si Ems? Sigurado ko nalilito siya sa nangyayari.

Me:
Nakatulog naman na. Nagmamakaawa siya sa akin na alamin kung bakit yun ginawa ni Sandra.

Lean:
Isn't it obvious? It's Ken.

Me:
Oo it's Ken kasi sa dinami-dami ng libro ni Ems yun pa ang napili niya.

Lean:
Ano kaya say ng sadboi na yun?

Me:
Hindi ko na aalamin. It's not worth my time.

Lean:
Dadayuhin ko siya sa Bulacan. Gusto ko malaman kung bakit.

Me:
Mabuti pa nga kausapin mo ng harapan. Kung makakapunta lang ako diyan ginawa ko na. Mas maganda kasi ang harapan kesa sa chat hindi mo alam kung sincere ba or what.

Lean:
Ano pa nga bang magagawa ko? Lahat kayo nasa ibang bansa. Mabuti nga at hindi nagn-name drop yung mga readers niyo sa kung sino yung nagplagiarise.

Me:
Sinabihan ko na sila na kapag may mga issue tungkol sa amin eh wag na silang gumatong pa.

Lean:
You raised your readers well Vince. I'm proud of you.

Me:
Thank you Lean.

Pagkatapos namin magchat ay pumasok ulit ako sa kwarto ni Emily para icheck siya. Ng makitang nahihimbing pa rin siya ay bumalik muna ako sa condo ko para kunin yung laptop at iPad ko. Pagkatapos ko kunin ang mga ito ay bumalik na ako sa condo nila Ems at dun na tinuloy yung research ko.

Lean's POV
Alam ko naman na simula't sapul si Ken na ang pinanggalingan ng plagiarism na naganap. Hindi naman mangyayari ang plagiarism na yun kung hindi lang nalito si Sandra sa feelings niya. Agad kong kinuha ang cellphone ko para makita kung online si Zoe. Ng makitang online siya ay agad akong nagmessage sa kanya.

Me:
Zoe, nakausap mo na ba si Sandra?

Zoe:
Hindi pa. Hinahanap ko siya dito sa campus pero wala siya. Sabi ng mga blockmates niya absent siya.

Me:
Ahhh. Eh sa dorm chineck mo na?

Zoe:
Oo. Wala pa siya sa dorm niya.

Me:
Gusto ko sana siya kausapin eh. May number ka ba niya?

Zoe:
Ito lang yung number na nakasave sa akin. 09562563476

Me:
Thank you.

Dinial ko yung number na binigay sa akin ni Zoe. Agad namang may sumagot sa tawag. "Hello? Who's this and how did you get my number?" Tanong ni Sandra. "Magkita tayo sa Robinson's Starbucks. May dapat tayong pag-usapan. Si Lean 'to." Sagot ko. "Oh! The over-protective friend of my dear bestfriend. Of course I'll meet you." Sagot niya at binaba ang tawag. Siya na nga yung may mali siya pa yung pabalang sumagot. Ang sarap niyang sabunutan. Kung ganito lang din ipapakita niyang ugali then I'll show her the bitch version of Lean. Hindi niya pa kilala ang isang Leanna Fedora Sawyer kaya wag ako ang hinahamon niya. Naligo na ako at nagbihis. Malayo pa kasi 'tong dorm ko kaya kailangan kong maaga umalis. Hindi ko na inabala yung mga pinsan ko dahil sigurado namang nangchichicks yung mga yun. Ang layo ng kinommute ko para sa kanya kaya siguraduhin niya na darating siya kundi kakaltukan ko siya. Hindi pala kaltok sabunot na lang para mas masakit. Katulad nga ng kagustuhan ko ay nauna kong dumating sa kanya. Umorder na lang ako ng paborito kong black coffee habang hinihintay siya. Matapos ang ten minutes ay nakita ko na siya sa entrance. Pati pananamit niya ay nagbago. Dati puro jeans siya ngayon nagd-dress na siya. Parang si Ems pero mas maganda ang taste ni Ems sa pananamit. "Sorry matagal ka bang naghintay?" Tanong niya. "Hindi naman." Sagot ko. Gusto kong sabihin pa vip ka ghorl? "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam mo kung bakit ka nandito." Sagot ko. "I'm sorry. Hindi eh. Ikaw lang ang tumawag sa akin at pinapunta ako dito." Sagot niya. "Bakit mo plinagiarise yung gawa ni Emily?" Sagot ko. "Wala lang. Trip ko lang. Tsaka paano ka nakasigurong plinagiarise ko yung gawa ni Ems?" Sagot niya. "Sinong niloko mo? Readers kuno mo? Wag ako Sandra. Paano ka makakagawa ng novel na kaparehas ng writing style ng kay Emily kahit ng mga words at maging yung tula ay katulad ng kay Emily. Kilalang-kilala ko si Emily kesa sa inyo na matagal niyang nakasama." Sagot ko. "So what? Did you ever read one of her works? I bet not kasi wala ka namang time sa ganun. Puro ka k-pop at pangarap mong maging idol." Sagot niya. "Sure ka? Bago mo mabasa yung mga update niya nababasa ko muna kaya wag kang magsalita na parang ikaw lang yung reader niya." Sagot ko. "So what kung kinopya ko yung libro niya? Libro lang yun! Friends naman kami eh! Wala lang sa kanya yun." Sagot niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumipad sa pisngi niya ang palad ko. Kanina pa ako nagtitimpi sa kanya. "Alam mo ba kung anong sinakripisyo ni Emily at Andy para sayo ha?! Tapos ganyan ibabalik mo! Alam mo bang sinakripisyo ni Emily yung mental health niya para maging masaya ka ha?! Tapos sinakripisyo ni Andy yung oras ng pahinga para matapos lang 'tong gulo na 'to! Tapos ganyan pa maririnig ko sayo! Anong klaseng kaibigan ka?! Para sa lalaki Sandra? Para sa lalaki itatapon mo yung friendship natin! Ginayuma ka ba ni Ken at naging ganyan ka?" Saad ko na puno'm puno ng galit. "Ano bang pakialam mo? Gagawin ko lahat ng paraan magustuhan niya lang ako. Tapos na akong magsakripisyo para kay Ems! Oras na para piliin ko yung sarili ko." Sagot niya. "Mali yung paraang ginagawa mo. Tsaka na tayo mag-usap kapag bumalik na sa tamang takbo yang utak mo." Sagot ko at iniwan na siya dun. Kumopya siya ng libro ng iba tapos nung tinanong kung bakit wala lang ang sagot? Tapos sasabihin wala lang yun kay Emily?! I know she cried a river. She's so insensitive on Emily's feelings. Hindi ko na alam nangyayari sa pagkakaibigan namin. Hindi ko na talaga alam kung maayos pa namib 'to. Malaking lamat na 'to sa samahan ni Sandra at Emily. Kahit anong gawin namin talagang mahihirapan kaming ayusin 'to.

Sandra's POV
I don't know why they are blaming me for copying Emily's work. Alam kong mali pero gusto kong ma-appreciate naman ako ni Ken. I just want to be appreciated and not to be seen as a younger sister. I'll do everything to at least be appreciated by him. I want him to appreciate me as a lady and not as his younger sibling. Gagawin ko lahat makita lang niya ang ako bilang babae kahit maging carbon copy pa ko ni Emily. Kahit itapon ko pa ang pagkakaibigan namin. Ako naman kasi yung nauna at hindi siya. Palagi akong nasa tabi ni Ken sa lahat ng pagsubok niya sa buhay. Lalo lang naman gumulo ang buhay niya nung nagustuhan niya si Ems. Sana ako na lang yung nagustuhan niya. Sana ako na lang yung minahal niya ng pangmatagalan. Masama nang kaibigan kung masama pero nagmamahal lang ako. Nagmamahal lang ako ng tao na alam kong kahit kailan ay di ako mamahalin. Pero tapos na ang pagtitiis ko. Gagawin ko ang lahat para makita niya ako. Gagawin ko lahat ng kaya ko para makuha ko ang puso niya kahit pagkakaibigan pa namin ni Ems ang kapalit nito.

Andy's POV
I don't know what's the right solution for this. We're friends for almost 8 years but this happened. I don't know what to do to them. They are both hurting and they both don't deserve any of this. I'm not blaming someone here I just want to fix our friendship. It hurts seeing them like this. This is not my friends anymore. It all started when Sandra got confused of her feelings. I want to go back to the Philippines to fix this but I can't because of school. I contacted Sandra to ask her what happened.

Me:
Sandra, what happened?

Sandra:
Nothing. Wag ka na makialam Andy sa amin na lang 'to.

Me:
What? Do you think you can fix this alone? Why did you change?

Sandra:
Walang nagbago Andy. Nawala ka lang.

Me:
Distance does not matter when it comes to friendship. If that's what you think then ok. That's not my problem anymore. I just want to fix our friendship.

She didn't reply anymore. It's hard to fix thia because of what happened. I'm only hoping that someday everything will be back to where it all started. I wish that our friendship will be back just like before. She change and I don't know why. I'll just hope for the better.


Gabrielle's POV
Ng makauwi ako kinagabihan ay inabutan ko si Vince sa sala ng condo namin na naglalaptop. Gumagawa ata siya ng school works. "Oh Vince. Bakit nandito ka?" Tanong ko. Bihira kasi siya magstay dito ng Saturday nights dahil alam ko binibisita niya ang mommy niya. "May nangyari kasi Ate Gab." Sagot niya. "Anong nangyari? Tsaka bakit mukhang malungkot ka?" Sagot ko. "Eh yung gawa ni Emily may nagplagiarise eh" Sagot niya. "Ano? Paano nangyari yun? Diba hiatus si Emily?" Sagot ko. "Hindi ko rin alam Ate. Nalaman na lang namin na meron nang kumopya. Iniba lang yung pangalan at book cover. Binasa ko kanina eh. Kamukhang kamukha kasi ng writing style ni Emily." Sagot niya. "Baka coincidence lang." Sagot ko. "Hindi Ate. Nakita ko sa libro na yun yung poem na nasa libro ni Ems. Hindi naman pwedeng pati yun eh coincidence lang." Sagot niya. "Nalaman niyo na kung sino?" Sagot ko. "You won't believe it Ate kapag nalaman mo kung sino." Sagot niya. "Bakit? Sino ba?" Sagot ko. "Sandra. Alesandra Divina Harrington." Sagot niya. Natulala ako sa narinig ko sa kanya. So it means si Sandra yung kumopya ng gawa ni Emily? They are friends right? So bakit? "P-pero bakit?" Sagot ko. "Natatandaan mo yung ex ni Ems? Si Ken?" Sagot niya. "Oo. Galit dun si Kuya Mark mo eh. Ano naman connect niya sa nangyari?" Sagot ko. "Gusto din ata yun ni Sandra." Sagot niya. "Ano?" Sagot ko. I didn't expect like that would happen cause they are close with each other. "Gusto din ata ni Sandra si Ken." Pag-uulit niya sa sinabi niya kanina. "Paano nangayari yun?" Sagot ko. "Hindi rin namin alam Ate. Nabigla na lang kami na may ganun na." Sagot niya. "Eh kamusta naman si Emily?" Sagot ko. "Ayun. Iyak ng iyak. Muntik na nga siyang hikain kung hindi ko lang siya naabutan. Pero nakatulog na siya." Sagot niya. "Sige. Magbibihis muna ko tapos ichecheck ko siya." Sagot ko. Pagkatapos ko magbihis ay kumatok muna ko sa kwarto ni Emily bago ko pumasok. Hindi niya ata napansin na may kumakatok kaya tumuloy na ako. Nakita ko siya na nakahiga siya sa sahig at may hawak na cutter may sugat ang palapulsuhan niya. Ginapangan ako ng kaba pero pinagsawalang bahala ko ito para matulungan ko siya. Agad akong lumapit sa kanya para makita kung may iba pa ba siyangs sugat. "Vince! Tulungan mo ko!" Tawag ko kay Vince. "Ate--Ems!" Sagot niya at lumapit sa amin. "Sinasabi ko na nga ba! Dinali nila yung gawa ni Emily ito mangyayari!" Frustrated na sigaw ni Vince. "Buti hindi malalim yung sugat niya at walang tinamaang ugat." Sagot ko. Sa tingin pa lang sa sugat ni Ems ay alam ko nang hindi malalim ito. Inilipat namin si Ems sa kama at kinuha ko yung first aid kit namin. Ginamot ko na ang sugat Ems. "Sinisinat siya Ate." Saad ni Vince. Lumapit ako kay Ems at hinawakan ang noo. "Kawawa naman si Ems. Ang dami niyang sinakripisyo para sa pagkakaibigan niyo tapos ganun pa naiganti sa kanya. She doesn't deserve this kind of treatment." Saad ko upang mabasag ang nakabibinging katahimikan. "Hindi pa nga tapos yung issues niya sa Daddy niya tapos ganito pa yung mangyayari. Hindi na sila naawa kay Ems. Hindi porque malakas si Ems kaya niya na lahat ng binabato sa kanya." Sagot ni Vince. "Sige. Wag mo muna iwan si Ems. Gagawa na ako ng dinner natin." Sagot ko. "Sige po Ate. Ako na bahala sa kanya." Sagot ni Vince.  Nagluto na ako ng kakainin namin ngayong dinner at naghain na. Dun na lang kami kumain ni Vince sa kwarto ni Emily para mabantayan siya. "Tatawagan ko lang Kuya Mark mo. Para makita ko na din si May." Saad ko. "Sige po Ate." Sagot niya. Lumabas na ako at kinuha ang phone ko para matawagan na si Mark. "Hello Nanay. Nandun kila Mama si May kaya wala siya dito. Kamusta duty?" Bati ni Mark. "Maayos naman Tatay kaso may problema." Sagot ko. "Anong problema?" Sagot niya. "Si Ems. Nagattempt nanaman mag suicide. Buti na lang sumilip ako sa kwarto niya at mabuti nga't hindi malalim yung sugat niya." Sagot ko. "Ano? Bakit?" Sagot niya. "May nagplagiarise ng gawa niya." Sagot ko. "Nalaman na ba nila kung sino?" Sagot niya. "Oo. Kaibigan din nila." Sagot ko. "Hay. Sobrang dami na ngang prinoproblema ng bata na yun nadagdagan pa." Sagot niya. "Kaya yun ni Ems. Suportahan na lang natin." Sagot ko. "Oo nga. Yun na lang naman ang magagawa natin eh." Sagot niya. Nag-usap pa kami ng matagal bago binaba ang tawag. Nakatulog ako pagkatapos namin mag-usap.

Emily's POV
Nagising ako dahil parang may mabigat na nakapatong sa balikat ko. Kaya idinilat ko ang mata ko at nakita ko si Vince na umiiyak at nakayakap sa akin. "U-uy. B-bakit k-ka umiiyak?" Tanong ko. "Wag mo na uulitin yun. Natatakot ako 'kala ko mawawala ka na." Sagot niya. Nagulat ako sa sinagot niya. Hindi ko pa nakikitang umiyak ang lalaki na 'to. Sobrang tatag nito katulad ni Lean. Kaya pati tuloy ako ay nagbagsakan na ang mga luha. "O-oo. S-sorry. S-sorry p-pinagalala k-kita." Sagot ko. "Please Ems, wag ka muna sumuko. Magiging published author pa tayo at gagraduate pa tayo ng sabay diba? Please Ems wag mo na gawin yun. Nandito naman ako eh. Kausapin mo ko kung kailangan mo kong saktan OK lang. Wag mo lang gawin yun." Sagot niya. "S-sorry. I-i j-just w-want t-to r-rest." Sagot ko. "Ems naman hindi ganun yung rest." Sagot niya. "Kinuha na nila lahat eh. Yun na nga lang yung nagpapasaya sa akin kinuha pa nila. I'm always choosing her over anything kasi kaibigan ko siya. T-tapos p-pati y-yung n-nagiisang k-kasiyahan k-ko k-kinuha p-pa n-niya." Sagot ko. "Hindi lahat ng tao na sinuportahan ka sa una ay susuportahan ka hanggang sa dulo. Kung sino pa yung mga taong hindi mo inexpect na tatraydor sayo sila pa ang tumraydor sayo. Kaya expect the unexpected Ems. Hindi lahat ng kaibigan mo sa una kaibigan mo pa rin sa dulo." Sagot niya. "A-ang h-hirap lang kasi iprocess ng lahat. H-hindi pa nga ako nakaka-usad sa pang iinsulto ng tita ko tapos ganito nanaman." Sagot ko. "Umakyat na lang tayo sa roof top para makapag isip-isip ka." Sagot niya. Tumango lang ako. Lumabas na kami ng kwarto ko at pumunta na sa roof top. Alam kong nagalala sila sa akin kaya bigla na lang umiyak si Vince kasi hindi ito yung una. Ginawa ko na din ito noon pero naligtas pa rin ako ni Vince. Hindi ko inexpect na aabot sa ganito. Kung gusto niya yung novel ko edi gumawa siya ng kanya hindi yung gagayahin niya yung akin. Lahat naman tayo may imagination kaya gamitin niya yun. Kasi ako pinaghirapan kong tapusin yung mga nobela ko. Kahit anong gawin niya hinding hindi niya pa rin magagaya yung writing style ko. Kasi nasa puso ko ang pagsusulat at yun ang wala sa kanya. Lahat ng nobela ko at tula ay mula sa puso hindi basta sulat na lang. Kadalasan kasi ng mga iniisip nila eh basic lang yun pero hindi kaya sobrang sakit sa akin ng ginawa niya. Oo basic ang grammars pero kahit kailan hindi magiging basic ang paglalagay ng damdamin sa sinusulat mo. Kung akala niya na titigil ako sa pagsusulat dahil sa ginawa niya hindi. Dahil kahit kailan hinding-hindi ko iiwan ang bagay na nagiisang umintindi sa akin. Ng lumalim ang gabi ay inaya ko na si Vince na bumaba. "Sure ka bang okay ka na?" Tanong niya. "Oo. Wag ka na mag-alala sa akin." Sagot ko. "Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng ka late night talks ah." Sagot niya. Tinawanan ko na lang siya at tinulungan magligpit ng mga gamit niya na nasa sala. Pagkatapos ko ihatid si Vince sa pinto ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nanuod na ng k-drama hanggang sa nakatulugan ko na ang panunuod.










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top