CHAPTER 23: MEDLLE
Ken's POV
Nagising ako na masakit ang ulo. Huli kong naalala inaya ko sila Ate na magbar pero hindi ko na matandaan kung ano ang ininom ko. Bakit parang hard drinks ata ang nainom ko? Sobrang sakit ng ulo ko eh. Naligo muna ko bago ko bumaba. Gabi na pala. Akala ko umaga na. "The prince of hard drinks is here!" Bati ni Kuya. "A-anong hard drinks?" Sagot ko. "Uminom ka lang naman ng brandy, gin at vodka ng magkakahalo. Nakalimutan mo na?" Sagot niya. "Ano?! Ginawa ko yun." Sagot ko. "Ken, ewan ko kung lasing ka nung sinabi mo yun pero yun yung ininom mo kanina. Umagang-umaga nag-aya ka sa bar." Sagot niya. "What the??? Di nga?" Sagot ko. "Oo nga! Ayan! Inom pa Ken! Nakalimutan mo na lahat ng mga ginawa mo." Sagot naman ni Ate. "Eh hindi ko na talaga maalala. Huli kong naalala inaya ko kayo sa bar. Tapos di ko na alam after that." Sagot ko. "The first thing we did is I asked you what will you drink then you answered 'brandy, gin and vodka magkakahalo' then Ate answered na umiinom ka pala ng hard drinks. Baka malasing ka niyan. Then you aswered 'don't under estimate me ate. I can drive evern after this.' So we let you drink. Tapos nung uuwi na nagpapaiwan ka pa tapos nagjapanese at korean ka pa." Sagot ni Ate. "A-ahh. Wala naman ba kong katangahang ginawa?" Sagot ko. Baka kasi meron kabisado ko ang sarili ko kapag nalalasing. "Wala naman siguro. Pinasilip kita kay Kenneth kanina eh." Sagot ni Ate. Nabaling naman ang atensyon ko kay Kuya. "Well wala naman. Hindi na katulad dati na pag-uwi mo eh lasing na lasing ka at may pasa tapos tinatawag mo pa si Emily." Sagot niya. Natawa naman ako sa sinagot niya. "Ikaw talaga Kuya. You can't let go of the past." Sagot ko. "Eh bakit ikaw? You can't let go of the past." Sagot niya. Natahimik naman ako sa sinagot niya at sinamaan na lang siya ng tingin. "Kumain ka na, Ken." Sagot ni Ate. "Nasaan si Kyle?" Sagot ko ng makaupo. Naglagay na ako ng pasta sa plato ko. "Pinasundo ni Mama. Magbobonding ata sila. Di ko alam eh." Sagot ni Ate. "Ah okay." Sagot ko. "By the way. Gusto ni Kyle magpuntang Disneyland bukas. Nabook ko na yung ticket natin. G ba kayo?" Sagot niya. "Hindi pwedeng tumanggi sa grasya kaya G ako!" Sagot ko. "Wow. Makasagot kala mo namang di ko binayaran yung ininom mo kanina." Sagot niya. "Kulang pa yon!" Sagot ko. "Wow Ken. Mas excited ka pa ata kay Kyle." Sagot ni Kuya. "Ikaw kaya magkulong sa kwarto ng halos two weeks." Sagot ko. "Sa bagay. Kami lang ata ni Ate ang manhid at nakatiis sa pagharap kay Ana. Gumaan ang buhay ko nung nawala siya." Sagot ni Kuya. "Kahit si Kyle mainit dugo dun. Arte kasi." Sagot naman ni Ate na tinawanan ko na lang. Pagtapos namin kumain ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Mamayang gabi pa daw ang dating ni Kyle eh.
Emily's POV
Naghahanda na ako sa pagbalik namin sa klase. Hindi ko na masyadong iniinda yung whereabouts ni Ken at Sandra. Iniyakan ko lang sila pero wala talaga kong pake. You know? Nadala lang but I'm chill now. Nakabalik na din dito si Ate Gab kaya hindi na ako natutulog sa condo ni Vince. Matapos kong ayusin ang gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Naabutan ko si Vince na nasa hapag-kainan na. "Wow Vince. Nandito ka nanaman. Makikikain ka nanaman." Saad ko. "Wala man lang good morning Babe ah! Sakit ah. Tsaka sorry ka hindi ako nandito para makikain. Nandito ako para makasabay ka kumain." Sagot niya. "Edi wow." Sagot ko na lang at pinagsawalang bahala ang tibok ng puso ko na akala mong nagpapalpitate dahil sa kalandian niya. Ang aga-aga ang landi-landi. Umupo na ako sa tabi niya. "Ate Gab, punta tayo Universal Studios sa weekend. Sigurado kasi hectic nanaman schedule namin ni Ems after this week eh." Saad ni Vince. "Sige. Night shift naman ako ng weekends eh. Tuesday off ko." Sagot ni Ate Gab. "Gastos nanaman, Vince. Kakagasta mo lang bago tayo umalis ng Pinas." Tutol ko sa sinabi niya kanina. "Aish. Eh anong gusto mo? Bulokin ko na lang yung pera ko sa bangko? Dami-dami non hindi nagagamit. Nadadagdagan lang." Sagot niya. "Yun na nga eh. Palagi mo na lang ako nililibre. Ako na lang magbabayad ng entrance ko. Sasakripisyo ko yung pambili ng album ko para masamahan kita sa Universal Studios." Sagot ko. "Kaya nga kita ililibre para masave mo yan pambili ng album eh." Sagot niya. "Susko pala. Edi sa bakasyon na lang. 2nd sem na naman eh." Sagot ko. "Aishhhh!! Bahala ka na, Ems. Kami na lang ni Ate Gab magpupuntang Universal Studios." Sagot niya. "Okay lang. Mamasyal kayo ni Ate Gab tapos ako magrereview kasi baka mamaya may surprise long test good luck sayo Babe." Sagot ko. Kala niya siya lang sanay lumandi ah. "Uyyyy naglelevel up na kayo ah." Saad ni Ate Gab. "Oo nga, Ate Gab eh. For the first time bumanat na ng hindi corny si Ems." Sagot ni Vince. Binatukan ko naman siya. "Corny pala ah! Upakan kita diyan eh!" Sagot ko. "Tama na yan, Tama na yan. Magsikain na kayo ng makaalis na tayo." Saway ni Ate Gab. Nagsimula na kami kumain. "Oo nga pala Ate Gab. May luma ka bang iPad? Kailangan ko lang kasi for school purposes." Tanong ko. "Ay nako wala eh, Ems. Ginagamit ni May sa Pilipinas. Si Kuya Mark mo naman hindi mahilig sa ganun." Sagot niya. "Kulang pa po kasi yung ipon ko eh. Malapit na matapos first year wala pa kong iPad." Sagot ko. "Kinausap mo na ba si Tita Mhel tungkol diyan?" Sagot niya. "Hindi pa po. Nasa Canada pa daw siya eh. May project siya dun." Sagot ko. "Bibigay ko na lang sayo yung luma kong iPad Pro. Nakabili na kasi ko ng iPad Air eh." Sagot ni Vince. "Legit?! Babayaran ko na lang. Magkano ba?" Sagot ko. "Hindi na. Regalo ko na yun sayo. Pahabol ng Christmas." Sagot niya. "Aishhh. Babayaran ko pa rin. Masyado nang marami yung binibigay mo sa akin." Sagot ko. "Bahala ka. Yung ibabayad mo ibabayad ko na lang din sa Universal Studios." Sagot niya. "Hindi na lang pala kita babayaran. Bibili na lang kita Army Bomb." Sagot ko. "Ayieeee. Exchange sa merchhhhh! Thank youuuu babeee!" Sagot niya. Nag-init naman ang pisingi ko dahil sa sinabi niya. "W-welcome." Sagot ko. Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami at pumasok sa school. The day went smoothly kahit maraming pinagawa. Panibagong review nanaman mamaya at dadagdag nanaman sa eyebags ko. "Ano plano mo ngayong hapon?" Tanong ni Vince. "Wala naman. The usual review hanggang gabi." Sagot ko. "Ahh. Hindi ka mag-uupdate?" Sagot niya. "Tsaka na muna. Marami pa tayong ginagawa sa school eh." Sagot ko. "Sa bagay. Makakain nga naman yung time natin ng weekends ng mga activities natin sa school." Sagot niya. "Ems, nandiyan nanaman yung Tita mo." Sagot niya. "Ha? Sinong Tita?" Sagot ko. "Ayun oh. May kasamang matanda." Sagot niya. Tumingin ako sa tinuro niyang direksyon. Bumuntong hininga na lang ako at hindi sila pinansin. "Tara na." Sagot ko. Sumunod naman sa akin si Vince at hindi na nagtanong. "Emily." Tawag ni Tita Trixie. Bumuntong hininga na lang ako at bumaling sa kanya. Sigurado ako pipilitin nanaman nila ko itake over yung empire na yun. "Bakit po?" Sagot ko sa malamig na tono. "Nabalitaan namin na binabash ka sa writing platform mo." Sagot naman ni Lola. Hindi ko maalala yung pangalan. 2 dekada na kasi kaming hindi nagkikita. Nakalimutan ko na yung pangalan niya. "Ano po gagawin ko? Magpapahanda po ba ko?" Sagot ko. "Sinabihan na kita. Tigilan mo yang pagsusulat na yan. Wala ka namang mapapala diyan." Sagot ni Tita Trixie. "Oo nga tama ang Tita Trixie mo. You're just wasting ink on a nonsense story." Sagot ng Lola. "Sumama ka na lang sa amin. Maganda pa buhay mo." Sagot naman ni Tita Trixie. Kapal naman ng mukha nila insultuhin yung pagsusulat ko. Hindi ko nga sila nakasama ng dalawang dekada tapos ganito pa sila. "Ganyan lang ho ba ang sasabihin niyo? I pity Yohan for having you as his family. Hindi niyo susuportahan yung bata sa pagsusulat. Sa bagay. Yan lang naman alam niyo eh. Ang manginsulto ng tao para may masabi kayong naging ambag sa buhay ng apo niyo na iniwan niyo 20 years ago. You don't know what writing did for me to survive kaya wag kayong magsalita ng ganyan. Kinakahiya ko kayo bilang pamilya ko." Sagot ko. "Sinabi lang namin yung insights namin tungkol sa talent mo binabastos mo na kami." Sagot ni Tita Trixie. "Magpasalamat nga po kayo kinakausap ko kayo eh. Kayo pa po ba yung nababastos sa lagay na ito? Eh paano naman po ako? Hindi po ba kabastusan yun sa akin? Mahiya naman po kayo sa kasama ko." Sagot ko. "Ems, halika na. Umuwi na lang tayo... May quiz pa tayo diba? Excuse lang po Miss. Alis na po kami ng girlfriend ko." Saad ni Vince at hinila na ako paalis sa harapan nila. Kung normal siguro ang pangyayari ay siguradong naghuhuromentadp nanaman 'tong puso ko pero sa ngayon wala akong maramdaman kundi pamamanhid. Pagdating namin sa parking lot ay dun na parang nanghina ang mga tuhod ko at napaupo na lang sa sahig kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. "They keep meddling in my life. I'm living peacefully not until they came and bug me about their company. They left me so why are they coming back? Huh?" Saad ko. "Shhhhh. Ems, tara na. Mag ice cream tayo tapos tumambay sa roof top." Sagot ni Vince. Inalalayan akong tumayo ni Vince at sinakay sa kotse niya. "I'm sorry Ems. Tinuro ko pa sayo. Kung alam ko lang na ganun ang gagawin nila sana hindi ko na sila tinuro sayo." Saad ni Vince. "Okay lang. Hindi mo naman sila makikita kung hindi ito ang nakatadhanang mangyari." Sagot ko. Huminto muna kami sa isang convenient store dahil bumili si Vince ng ice cream. Umalis din kami agad at umuwi ng condo. Night shift ata si Ate Gab ngayon kaya nakaalis na. Almost 6 pm na din kasi. Pagkatapos ko magbihis ay dumiretso na ako sa roof top. Dun ko na lang aantayin si Vince. Kumuha pa kasi siya ng kutsara para sa ice cream. Akala ko tapos na ang lahat ng kadramahan sa buhay ko hindi pa pala. Chinat ko na rin si Mommy tungkol sa nangyari.
Vince's POV
I never thought it would happen. Kung alam ko lang na ganun ang gagawin nila sana hindi ko na lang itinuro kay Ems yung magnanay na yun. She's hurt big time I know it. She loves writing and She'll prefer insulting her body than insulting her passion. It's like her soul and life. "Kain ka muna ice cream. I know that ice cream is your comfort food." Saad ko ng nasa roof top na. "Thank you. Sorry ang drama ko nanaman. Akala ko kasi tapos na yung pakulo ng tadhana eh. Hindi pa pala. May pahabol pa." Sagot niya. "Ang buhay ay parang life." Sagot ko. Agad niya naman akong binatukan. "Yung seryoso ka na tapos bigla kang gumaganyan! Akala ko naman may advice na lalabas diyan sa bibig mo eh." Sagot niya. "Ito naman. Pinapangiti lang kita. Ayoko kasi na umiiyak ka." Sagot ko. "Eh diba sabi nila when you cry that doesn't mean you're weak that means you're tired of being too strong for a long time." Sagot niya. "Tama ka. Walang mali sa pag-iyak. Just know your limitations kasi baka mamaya madehydrate ka niyan. Hindi kana libre sa hospital namin." Sagot ko. "Gusto mo ba mahospital ako?! May sinumpaan akong pangako! Hinding-hindi ako babalik ng hospital kung hindi pa ako nurse. Babalik ako dun hindi bilang pasyente kundi bilang nag-aalaga ng pasyente!" Sagot niya. "Edi wow. Pero seryoso, Ems. Kahit inaapakan ka nila maging matatag ka. As I said before make them your inapiration. Make them the ink of your pen. Cause one day all of this will pay back to you. Hinahanda ka ni Lord sa mas malaking alon. Sa mas malalaking pagsubok." Sagot ko. "Yes sir! Magiging published author pa ko! Hindi ko hahayaan na matalo nila ko. Papakita ko sa kanila kung ano yung walang kwenta. Papakita ko sa kanila na kaya ko." Sagot niya. "That's my Emily. She's back!" Sagot ko. Kumain kami ng ice cream habang nanunuod ng sunset. Pagbaba namin ng roof top ay dumiretso na siya sa condo nila. "Diyan ka na lang ba matutulog? Hindi sa condo ko?" Tanong ko. "Yep! Dito na lang. Gagawa pa ko reviewer eh! Thank you sa ice cream! Don't worry wala kong gagawin sa sarili ko. Magrereview lang ako." Sagot niya. "Siguraduhin mo, Ems. Call me kapag may kailangan ka." Sagot ko. Tumango naman siya bago pumasok ng condo nila. Umakyat na rin ako sa condo ko. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbukas ng laptop at iPad. Sa iPad ako gumagawa ng mga reviewer ko. Binuksan ko na yung libro ko. Binabasa ko yung lessons na inaral namin kanina at yung mga next lessons para makasagot sa recitation at long tests. The next day nung pumunta ko sa unit nila Ate Gab ay nakita kong walang ganang kumakain si Emily. Napabuntong hininga na lang ako sa nakikita ko. Tumingin naman sa akin si Ate Gab na may pag-aalala. Ngumiti na lang ako sa kanya. "Ems! Galaw-galaw! Paano ka papasok niyan kung ganyan ka katamlay." Saad ko. "H-ha?" Sagot niya. Halatang may iniisip nanaman. "Wag masyadong malayo iniisip. Baka yung utak mo nakarating nang New York samantalang yung katawan mo nandito sa SG. Nagreview ka na ba?" Sagot ko. "Oo naman!" Sagot niya. "May naintindihan ka ba?" Sagot ko. "Oo!" Sagot niya. "Sige kung talagang nagreview ka. What is angina in layman's term?" Sagot ko. "It is the pain related to the heart that comes and goes." Sagot niya. "Then what is the difference of benign and malignant?" Sagot ko. "Benign is the term used for non cancerous cease or polyp while malignant is the term used for cancerous cease or polyp." Sagot niya. "Nag-aral nga." Sagot ko. "Tama na yang mini-quiz mo, Vince. Kumain ka na. Gutom lang yan." Sagot naman ni Ate Gab. Umupo na ako at kumain. Pagkatapos namin kumain ay pumasok na kami sa school. Dumiretso naman agad kami sa klase namin dahil muntik na kami malate. Ng magbreak ay nakita kong lumabas si Ems ng room kasama si Louise. "What's up Vince! How's your vacation?" Tanong niya. "Okay naman." Sagot ko. "Nabalitaan ko yung ginawa mo nung new year." Sagot niya. "Ah yun ba? Aish. Kalat kami sa wattpad pages." Sagot ko. "Alam mo ang swerte ni Emily sayo. You are supporting her on her passion and to the guys she love. Ako kasi iniwan dahil mas mahal ko daw yung iKON kesa sa ex ko." Sagot niya. "Well, if he really loves you then he should accept the things came before him. The things that makes you happy. He should support you not leave you just because he can't accept the things you love." Sagot ko. "Tatandaan ko yan, Vince! Umaasa nga ko na sa susunod na mamahalin ko eh sana fanboy. Kahit hindi ng iKON ok lang." Sagot niya. "Mahahanap mo rin yung tamang lalaki para sayo hintayin mo lang." Sagot ko. "Malay mo Louise si Vince na pala yung para sayo. Nobody knows diba?" Sagot naman ni Ems. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ano ka ba Emily? Sayo na si Vince kahit ang sinabi niyo before bawal magsama ang dalawang writer kasi magkakaagawan ng idea." Sagot ni Louise. "Tara na nga. Ang daldal niyong dalawa. Kumain na lang tayo. Saan niyo ba gusto?" Sagot ko. "Ay nako ako hindi ako kakain. May aaralin pa ko. Una na ko sa inyo ah. Byeee!" Paalam ni Louise. "Okay. Ingat ka. Kita na lang tayo next class." Sagot ni Emily. "Bye." Sagot ko. "Saan mo gusto kumain?" Tanong ko kay Ems. "Tingnan natin kung may Mcdo sa mall ng school." Sagot niya. "Sige. May titingnan din ako sa Chanel eh. Bibili ko si Mama ng bag. Favorite niya yun eh." Sagot ko. "Sige." Sagot niya. Less hassle na din yung hindi na namin kailangan magpunta pa sa ibang mall para lang bilin yung mga gusto namin. Pagdating namin sa loob ng mall ay hindi naman kami nahirapan maghanap ng Mcdonald's dahil popular naman ang fast food na yun dito. "Oo nga pala, Vince. Anong meron at bibilihan mo ng Chanel bag si Tita?" Tanong ni Emily. "Malapit na kasi yung birthday niya." Sagot ko. Next week na kasi yung birthday niya and gusto ko siya regaluhan ng Chanel bag. "Bakit Chanel bag? Pwede namang necklace or bracelets. Mas thoughtful kaya yung ganon." Sagot niya. "I haven't found the right necklace for my mom." Sagot ko. "Edi tutulungan kita pumili. Hindi man ako magaling sa ganon pero naregaluhan ko na ng ganun si Mommy. Moon necklace." Sagot niya. "Sige. Let's check sa jewelry stores dito." Sagot ko. Pagkatapos namin kumain ay naghanap kami ng jewelry store dito. Wala kaming prof ng dalawang subject kaya maraming free time. "Ems, hiatus ka ba sa wattpad?" Tanong ko. "Oo. Gusto ko muna magfocus sa studies natin. Gusto ko makagraduate ng may latin honors." Sagot niya. "Oh mabuti naman at nag hiatus ka. Bukod dun sa mga bashers mo eh medyo toxic na rin yung community para sayo." Sagot ko. "Oo nga. Parang break ko na din yung hiatus ko. Pero while hiatus ako aapurahin ko outline ng return series." Sagot niya. Ng makarating kami sa jewelry store ay siya na ang nagsimulang maningin. Tumingin na din ako ng mga designs ng necklaces nila. Nakakuha ng pansin ko ang isang feather necklace. Siguradong magugustuhan yun ni Mama. "Ems, if that feather necklace. What do you think? Will she like it?" Tanong ko. "Of course she'll like it. Maganda yung napili mo. Yun na lang ang regalo mo kay Tita." Sagot niya. "Sige." Sagot ko. "Hi Sir. Have you chosen the right piece?" Tanong nung babaeng receptionist. "Ah yes. That feather necklace." Sagot ko. "Nice choice Sir. It's our limited edition jewelry piece." Sagot niya. "Oh. How much is it?" Sagot ko. "20,000 dollars Sir." Sagot niya. "Okay." Sagot ko at inabot sa kanya ang ATM ko. "Thank you, Sir." Sagot namna nung babae nung inabot na sa akin yung alahas. Ngumiti na lang ako at lumabas na kami ni Ems ng store. Tumingin ako sa orasan ko para makita kung ilang oras pa ang spare time namin. "May two hours pa tayo. Saan mo gusto magpunta?" Tanong ko habang nilalagay sa back-pack ko yung binili naming necklace. "Sa university garden na lang. Gusto ko magrelax." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. Nagpunta na kami sa university garden. Umupo kami sa isa sa mga bench dun. "So, how are you doing?" Tanong ko. "Of course I'm fine. Anong klaseng tanong yan Vince?" Sagot niya. "No. What I mean is your emotions, your feelings." Sagot ko. "So far so good. I'm fine." Sagot niya. "You're not. I know you. You're saying you are fine but deep inside you're not." Sagot ko. "Well, that's life. You need to deal with the pain to grow. To learn and to know what to improve to yourself to be the best version of yourself." Sagot niya. "Right. All of your tears and pain will make sense someday. Na mapapasabi ka na lang ng 'mabuti pala lumaban ako noon kasi kung hindi? Hindi ako makakarating sa pwesto ko ngayon.'" Sagot ko. "Yup. It'll all make sense. Hindi naman mangyayari tong mga 'to kung hindi naman ginusto ni Lord eh." Sagot niya. "Just be a fighter, Ems. I'll be with you in everything. If you're tired of fighting I'm always here to be your comfort and rest." Sagot ko. Ngumiti naman siya ng may contentment. "Thank you for not leaving, Vince. Thank you for staying with me kahit mahirap at madrama kong kasama." Sagot niya. "Hindi magiging mahirap kung mahal mo yung tao. Remember yung sinabi ko sayo nung nasa Singapore River tayo? It's worth the pain. It's always worth the pain kapag si Emily Savvanah Howards." Sagot ko. "Kapag nasasaktan na kita ng sobra okay lang na iwan mo ako. Sobra na yung pagtitiis mo sa akin eh." Sagot niya. "Paano kita iiwan hindi pa nga nagiging tayo?" Sagot ko. "Oo nga pala." Sagot niya. "Kunin mo yung iPad sa akin mamaya ah." Sagot ko. "Okay. Pumunta tayo sa kpop store sa Sabado para maibili kita ng Army bomb." Sagot niya. "Sige! Thank you, Ems. You know how to get me." Sagot ko. "Binigyan mo na ko ng VIP tickets tapos bibigyan mo pa ko ng iPad. Kulang pa nga yung Army bomb eh. Kapag nakaipon ulit ako Map Of The Soul 7 naman ang bibili ko sayo." Sagot niya. "Sweet mo naman. Pero kahit wag na yung Map Of The Soul 7, gawa mo na lang ako tula." Sagot ko. "Sure. Makakatipid pa ko." Sagot niya. "Thank you Emssss!" Sagot ko. I want to experience how Emily Savvanah write poems. Hindi niya kasi pinapabasa sa akin yung mga poems na ginawa niya dati. After two hours bumalik na kami sa klase namin.
Emily's POV
After ng klase namin ay inaya ko si Vince magmilk tea. Palagi namang ganito dahil milk tea is my comfort food. Sobrang stress ko kasi kanina dahil sunod-sunod yung quizes at recitation. Pagkatapos namin bumili ng milk tea ay dumiretso na kami sa favorite naming tambayan na park after school. "Hay salamat. Tapos na ang school. Narelax pansamantala yung utak ko. Meron nanamang quiz kay Professor Smith. Bwisit!" Saad ko. "Terror talaga yung professor na yun. Nakakainis palagi siyang nagpapa-quiz di naman palaging present. Pumapasok lang ata tuwing gusto niya." Sagot niya. "Oo nga eh. Kala mo kung sinong nagtuturo araw-araw." Sagot ko. "By the way hanggang kailan ka hiatus?" Tanong ko. "Next month lang. Kasi diba bakasyon na ng March." Sagot niya. "Yup. Anong plano mo?" Tanong niya. "Hmmm. Dito lang ako sa bakasyon. Ayoko umuwi ng Pilipinas. Aayusin ko din kasi yung translation ng trilogy ko." Sagot ko. May natanggap kasi kong offer sa isang platform na babayaran nila yung author kapag nagpublish ng novel sa platform nila. "Translation? Bakit?" Sagot ko. "May nag offer sa akin na isang writing platform para ma-monetize yung novel." Sagot ko. "Wow. Congrats! Para ka na niyang published author." Sagot niya. "Hmmm. Iba pa rin kapag may pinipirmahan kang libro at may readers kang hinaharap." Sagot ko. "Oo nga eh. Iba pa rin yung fullfillment. Wag ka mag alala Ems konti na lang makakapag publish na tayo!" Sagot niya. "Yep! Malapit na tayo matapos ng 1st year college!" Sagot ko. "Congrats sa ating dalawa for surviving the first year." Sagot niya. "Congrats! Excited na ko sa second year." Sagot ko. "Nandun na yung kinakatakutan mo. Magdi-disect ng palaka." Sagot niya. "Palaka ata sisira ng pangarap ko." Sagot ko. Tinawanan niya lang ako. "Kaya mo yan. Si Emily Savvanah pa?" Sagot niya. "Hayst! Hopefully maitawid ko ang second year." Sagot ko. "Third year ako excited eh. Kasi finally makakapag scrubs na tayo." Sagot niya. "Oo nga eh. Mararanasan na natin yung feeling ng naka scrubs." Sagot ko. This is really my dream and I'm really close to that dream. "Alam mo dati sinusumpa ko ang nursing. Sabi ko ayoko maging nurse pero nung nag-first year tayo nahanap ko yung enjoyment na gusto ko sa college." Sagot niya. "Well expect the unexpected ika nga diba? Ako pangarap ko talaga ang maging nurse. Kasi diba nurse si Kuya Mark tapos si Ate Gab. Tapos dagdag mo pa yung experiences ko na hindi naexperience ng mga normal na bata noon." Sagot ko. Inaalala ko yung childhood ko. At the age of 10 I know how to use a glucometer and I know how to inject insulin. At the age of 13 I know how to use a sphygmonameter. And at the age of 17 I know how to feed a person in NGT. "Charting na lang ata hindi mo alam eh." Sagot niya. "Marunong din ako pero hindi yung pang nurse talaga. May sarili kong chart." Sagot ko. Naalala ko noon nung mga huling araw ni Nanay. May chart ako ng mga kinain at ininom niya. "Nasa puso mo talaga ang pagiging nurse. Matutupad natin yan! Magtiis na lang muna tayo sa dami ng mga pinapagawa." Sagot niya. "Oo naman. Jusko naman, Vince. Writer tayo. Bago tayo gumawa ng thesis gumagawa muna tayo ng updates. Kung patagalan lang sa computer kaya natin yan." Sagot ko. Ng maghapon na ay nagpasya kaming umuwi na. Morning shift ngayon si Ate Gab kaya siguradong nasa bahay na siya. "Ano gusto mong dinner?" Tanong ko dahil pati dinner ay sa condo namin ni Ate Gab siya kumakain. "Beef steak." Sagot niya. "Pork na lang. Mahirap magpalambot ng baka." Sagot ko. "Sige." Sagot niya. Dumaan muna kami sa isang grocery store para makabili ng ingredients at dumiretso na kami sa condo. Nagbihis muna ako bago ako magluto. "Uy Ems, ano yang lulutuin mo?" Tanong ni Ate Gab. "Pork steak po Ate. Yun po gusto ni Vince eh." Sagot ko. "Wow. Hindi ko pa natitikman yung pork steak mo. Sarapan mo ah. A way to a man's heart is through his stomach kaya sarapan mo ang pagluluto." Sagot niya. "Si Ate Gab talaga. Kung ano-ano sinasabi. Pagod lang po yan Ate. Tatawagin na lang po kita kapag luto na." Sagot ko. Saglit lang ay nakaluto na ako. Nandito na din si Vince at naglalaptop. "Sana Vince dinala mo na yung iPad." Saad ko habang naghahain. "Dinala ko. Chill." Sagot niya. "Uupo ka na lang diyan? Tulungan mo ko maghain. Ligpit mo muna yang laptop mo. Mamaya na yan." Sagot ko. Niligpit niya naman yung laptop at mga papel. Tinulungan niya ako maglagay ng mga plato at kanin sa lamesa. "Ate Gab kain na tayo!" Tawag ni Vince kay Ate Gab na nasa sala at nanunuod ng tv. Loko talaga kala mo kung sinong kaedad lang ni Ate Gab. Lumapit na sa'min si Ate Gab at naglagay ng kanin sa pinggan niya at ulam. "Sarap naman ng luto mo, Ems. Paano mo yan natutunan?" Saad ni Ate Gab pagkatapos niya sumubo. "Tinuro po sa akin ni Mommy kasi paborito ko yung ulam na yan." Sagot ko. Napatingin naman ako kay Vince. Halos maubos niya yung serving nung ulam. Hindi pa nga ako nakakaupo at nagsisimulang kumain paubos na agad yung nilagay kong ulam. "Vince, pwede magkwento. Wag mo naman solohin." Saad ko. "May something sa luto mo Ems. Hindi ko kayang tigilan." Sagot niya. "Maliit na bagay. Ako lang 'to Vince. Yung babaeng mahal mo." Sagot ko. Nasamid naman siya kaya binigyan siya ni Ate Gab ng tubig. "Wag ka naman nambibigla sa mga banat mo Ems. Muntik na tuloy ako mabilaukan." Sagot niya. "Wow. Ikaw din naman unexpected bumanat eh." Sagot ko at kumain na lang. Masayang natapos ang dinner namin. Pagkatapos namin kumain ay Nag-aral na kami ni Vince at nakiprint pa siya ng transes. Ako naman ay nagreview para sa upcoming quiz namin. Gabi na ng umuwi si Vince. Ginawa ko naman ang night routine ko bago matulog.
A/N: Sorry for the late update Bemskies. Been busy preparing for the third book and my anniversary. Anyways 15 chapters na lang matatapos na ang book two. So watch out for book three. And an unexpected thing would happen in the plot. So stay tuned! Happy 41 followers pala sa atin HAHAHAH! Good night Bemskies!❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top