CHAPTER 22: HIS POV AND LEAN'S INSIGHTS
Lean's POV
Unang pumasok sa isip ko nung nakita ko ang mga litrato ay "Paano 'to madadigest ng utak ni Ems at Ivan?" Wala pang dalawang linggo ang pag-alis ni Ivan ng Pilipinas may ganun na agad na lumabas. Hindi man lang nahiya si Sandra na halikan yung EX ng kaibigan niya. Sobrang nasaktan si Ivan nung naghiwalay sila ni Sandra tapos ito gaganti niya. Halos araw-araw naglalasing yung tao sa sobrang sakit ng nararamdaman. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Ivan o hindi. Matapos kong malaman ang nangyari kay Ems. For sure she cried a river. Kaibigan mo at dati mong kasintahan ay may kababalaghan. Kaya ayokong magkaroon ng kaibigang sulutera eh. Kung magkaka boyfriend ako hindi ko ipapakilala sa kanya. Baka mamaya sulutin nanaman niya. Hindi ko na alam nangyayari sa Seener Squad. Nagsimula lang namang magulo ang lahat nung nagsimulang magpost si Sandra ng mga misteryosong pictures eh. Hindi naman masisira ang relasyon nila kung hindi nagkaganon si Sandra eh. Pero ano pa bang magagawa natin? Nangyari na eh. Sumasakit ulo ko kakaisip sa kanila. Nagbukas na lang ako ng messenger para makita kung online si Andy. Ng makitang online siya ay agad ko siyang chinat.
Me:
Andy, do you have time? Can I talk to you?
Andy:
Sure. About what?
Me:
About everything that's happening.
Andy:
Oh it's about the photos.
Me:
Yes.
Andy:
You'll call or just chat?
Me:
Let's call.
Agad ko naman pinindot ang video call button. "Hello Lean! How's life?" Bati niya. "Well I'm fine. Nakakapagod nga lang yung sunod-sunod na trainings." Sagot ko. "Me and Vince are done talking about the issue. I think by now Vince already told Ems about it." Sagot niya. "Yun na nga eh. Paano si Ivan?" Sagot ko. "I don't know. But one thing is for sure. Everything that is happening now is because Sandra is confused." Sagot niya. "Confused of her feelings for Ken and Ivan? Am I right?" Sagot ko. "Yes." Sagot niya. "I'll be true to you Andy. Ayoko kasing nagpapakaplastic sa mga tao. But this time hindi ko na gusto yung ginawa ni Sandra. I know you're trying your best to protect our friendship with her pero siya na mismo sumisira nito. Isn't she aware na EX ng best friend niya yung hinalikan niya? Tsaka paano kapag nalaman 'to ni Ivan? Mararanasan niya nanaman yung mala impyernong sakit dahil kay Sandra? Si Ems. Hindi niya inisip si Ems bago gawin yun. Alam niyang scholar si Ems at merong emotional break down! Hindi naman sa biased ako pero Andy. For seven years she's hurting for the past seven years. Pagpahingahin na natin si Ems. Besides she's starting to love my cousin." Sagot ko. "I know Lean. Chill. I tried to talk to Sandra about the topic but she didn't respond anything to me." Sagot niya. "Did you try to talk to Ken?" Sagot ko. "No. I can't find his social media. Sandra unfriend him on facebook after we knew that Ken and her has a contact with him." Sagot niya. "Makipag-usap ka kay Sandra. Linawin mo sa kanya yung feelings niya." Sagot ko. "I will. I'm sorry in behalf of Sandra. I'll try to chat her." Sagot niya. "Sige. Magpahinga ka na alam kong gabi na rin diyan. Ingat ka." Sagot ko. "You too. Stay safe. I'll update you." Sagot niya at binaba ang tawag. Agad ko namang tinawagan si Vince kaso cannot be reached na. Siguro natutulog na. Hay gulo talaga ng squad namin. Napahinto ako sa pag iisip ng tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang nagtext.
Him:
Hey. How are you? If you're still thinking about your friends they will be okay. Everything will fall into places.
Me:
I'm okay. I'm not thinking about it.
Him:
No you're not. I know you.
Me:
Wow. I just kissed you and now you know me.
Him:
Ang dali basahin ng ugali mo. Btw you're good at kissing.
What the??? Hindi ko na lang siya nireplayan at nagpunta na lang ako sa laptop ko at sinimulan nang tapusin yung research ko.
Ken's POV
*Flashback*
"Happy New Year!" Sigaw ni Sandra ng matapos ang countdown. Nagsimula nang magpatugtog ng malakas at magpaputok ng fireworks. Habang pinapanuod ko siya ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Happy New Year Kuya!" Bati niya. "Happy New Year, Sandra" Sagot ko. Pagkatapos niya ko batiin ay hinalikan niya ako sa labi. Hindi ko alam pero wala akong naramdaman sa halik niya. "Happy New Year ulit Kuya! I love you!" Saad niya. Malakas man ang music ay narinig ko siya dahil magkalapit lang kami. "Halika na Sandra. Ihahatid na kita sa hotel mo. Pagod lang yan." Sagot ko. "Wait lang! Wala pa tayong picture!" Sagot niya. "Wag mo na ko isama sa picture. Ikaw na lang. Pipicturan kita." Sagot ko. "Ehhh. Pleaseeeee. Pag kay Ems hindi ka naman ganyan. Nagpapapicture ka agad." Sagot niya. Iba kasi si Ems at iba ka. You make me miss her more. "Sige na nga." Sagot ko. Nilabas niya na yung phone niya at nagpicture kami. Ngumiti lang ako ng tipid sa camera. Pagkatapos namin magpicture ay sumakay na kami sa kotse ko na nakapark. Hinatid ko na siya sa hotel niya at ako naman ay umuwi na sa condo namin. Pagdating ko sa condo namin ay nakita ko si Ana sa sala na umiinom mag-isa. Hindi ko na lang siya pinansin at aakyat na sana sa kwarto ko ng magsalita siya. "Where have you been? Mom is looking for you when I attended our dinner." Saad niya. "I'm with a friend." Sagot ko. "You don't have friends here." Sagot niya. "I invited a friend to celebrate the new year with me." Sagot ko. "Friend or GIRLFRIEND? huh?" Sagot niya. "Bakit kailangan mo pa tanungin?" Sagot ko. "Beacause I saw you at the Time Square Ball Drop. You're with a girl and you two are kissing. My bad I didn't took a photo of you to send it to Tita." Sagot niya. "So what?" Sagot ko. "Is that the way you answer you fiancee?!" Sagot niya. "Oh yes! That's my way!" Sagot ko. "Ken! Ana! Anong ingay nanaman yan?! Nagpapahinga na kami." Saway ni Ate Kass. "Siya nagsimula Ate Kass! Lahat na lang kailangan alam! Simula nung bumalik ka dito sa condo gumulo na buhay ko!" Sagot ko. "Kuya Ken! You're so loud! I can't sleep." Saad naman ni Kyle. "Sorry, Kyle. Aakyat na ko Ate. Baka ano pa magawa ko sa babae na yan." Sagot ko. "You Ana! Go to your room! Diba gusto mong tumira dito? Then ayusin mo yung buhay mo! Ayusin mo yung ugali mo! Hindi pwede ang spoiled brat na katulad mo dito! Kababae mong tao hindi ka sanay magluto at maghugas ng pinagkainan! Paano mo pagsisilbihan yung kapatid ko kapag kasal na kayo ha?!" Sagot ni Ate. "Stop your nonsense sermon Ate Kass. I don't have time to listen. And I don't want to stay here na anymore! I'll go to my house! Ayoko na makipag argument sa kapatid mo and sayo din. I'll be back Ken. Tita will surely know this." Sagot niya. "Go ahead. Kala mo natatakot ako sayo? I can live my own. Tsaka kahit isumbong mo pa ko wala kang magagawa. Sirang-sira na image ko sa family ko. Wala na silang pake sa akin." Sagot ko. "Then tell her. Walang pumipigil sayo." Sagot ni Ate Kass. Wala siyang nagawa kundi ang pumunta sa kwarto niya at kunin ang mga gamit niya. Mabuti pa nga na umalis siya para bumalik sa dati ang buhay namin.
*End of Flashback*
Binuksan ko yung Achlys Nyx account ko dahil matagal ko nang hindi nakakausap si Ems. Naglike ako ng ilang wattpad pages at nag-add ng ilang spazzers para magkaroon naman ako ng knowledge sa wattpad at updates tungkol sa kanya. Unang bumungad sa akin ang mga pictures nila Emily at Vince. Parang sinurprise ni Vince si Ems nung new year. Meron ilang videos na sumasayaw at kumakanta si Vince. I'm hurt and sad at the same time kasi hindi ko yun nagawa kay Emily. Hindi ko siya napahalagahan noon. I'll just bid my good bye to her. Pumunta ako sa messenger at nakita kong online siya. Agad akong nagchat sa kanya.
Me:
Long time no chat Emily.
Emily Savvanah:
Oi! Long time no chat! Kamusta?
Me:
Okay naman. Nabalitaan ko nga pala na nililigawan ka na pala ni Vince.
Emily Savvanah:
Hay bilis ah. Siguro nakuha nila yung ibang photos na pinost ko HAHAHAHAHA.
Me:
Congratulations! Finally you found the guy for you.
Emily Savvanah:
Oy hindi pa kami. Wag kang ganyan!
Me:
I'm glad that you're finally happy. Sana all masaya na.
Emily Savvanah:
Mahahanap mo rin yung happiness mo in the right time. Hindi mo pa oras kaya siguro di mo pa nahahanap yung babaeng para sayo.
Me:
I found her 8 years ago pero di ko siya napahalagahan. Ngayon masaya na siya sa iba.
Emily Savvanah:
Well maybe if given a chance na makasama mo siya ulit pahalagahan mo na. Masakit kapag hindi napahalagahan.
Me:
I messaged you because I'm going to bid good bye.
Emily Savvanah:
Good bye? Bakit? Saan ka pupunta?
Me:
I'm gonna deactivate my account soon.
Emily Savvanah:
Why?
Me:
Kasi may mga gagawin na ko sa buhay ko.
Emily Savvanah:
Ohhh. Okay.
Me:
Always remember that someone out there loves you even if you're busy loving someone else. He's always proud of you and the person you have become. Padayon future nurse and published author!
Agad akong naglog out para hindi na mabasa yung reply niya dahil kapag nabasa ko pa baka lalo lang akong mapatagal sa pag deactivate. After deactivating the account ay lumabas na ako. Nakita ko si Ate at Kuya na mukhang problemado. "Ken, nagsumbong nanaman ang magaling mong fiancee. Pinatatawag tayong tatlo sa office ni Papa." Saad ni Kuya Kenneth. "Kayo na lang ni Ate pumunta. Ayoko nang masapak masakit kaya sa mukha." Sagot ko. "Hinihingi presence mo dun. Hindi pwede na wala ka dun." Sagot ni Ate. "Jusko naman. Kailangan ba nila ng punching bag? Yaman-yaman natin di sila makabili." Sagot ko. "Pumunta ka na lang para alam nila yung side mo. Nagsisimula ka nanaman ah, Ken." Sagot ni Kuya. "Ano naman sinisimulan ko Kuya? Promise nga hahabulin ko na yung naiwan kong school works. Kaya nga hindi ako sasama eh." Sagot ko. Pero ang talaga niyan ay plano ko lumabas at magbar hopping tutal winter pa naman dito. "Magba-bar hopping ka lang. Kilala kita, Ken. Wag mo ko pinagloloko. At alam kong tapos na yung mga school works mo kasi dumating na yung card mo. Mabuti naman at hindi ka bumagsak!" Sagot ni Ate. "Hay. Sige na nga. Ano pa bang magagawa ko?" Sagot ko. Naghanda na ako ng sarili ko at sumabay na lang sa kotse nila Ate. Si Kuya Kenneth ang pinag drive ni Ate. Pagdating namin sa building ng kompanya ay pinagtitinginan kami ng mga empleyado. Siguro ngayon lang nila nakita yung tatlong heir and heiress ng kompanya na pinagtatrabahuhan nila. Ng makarating kami sa floor ng opisina ng papa namin ay sinalubong kami ng secretary niya. "Miss Kassandra. Your father is waiting for you in the conference room." Aniya at iginiya kami papunta sa conference room. Sila Mama, Papa at Tita Annalin. Wala si Ana. Siguro nagba-bar hopping at naghahanap ng ka-flirt. Sana all paganon-ganon lang. Sinalubong ako ng madilim at malamig na tingin ng aking ama. Hindi naman ako nagpa-apekto dahil kaya ko rin naman gawin yung ginagawa niya. Hindi ako nagpakita ng kahit anong expresyon sa mukha ko. Umupo na kami nila Ate sa mga upuan sa conference room. "Ken." Baling sa akin ni Papa. "What?" Sagot ko ng walang emosyon. "Anong gulo nanaman 'to?" Sagot ko. "Anong gulo? Wala kong matandaan na may sinimulan akong gulo." Sagot ko. "Ana went home last week crying. She told me that pinagtulungan niyo daw siya. She also told me na pinipilit mo daw siya maglaba, Kassandra. " Sagot ni Tita Annalin. "Oh that's it? Well I just said my answer to her question." Sagot ko. "Tita, hindi po namin pinagtulungan ang anak niyo. May mineet up lang na kaibigan yung kapatid ko tapos kung makapag-react yung anak niyo parang kasal na sila ng kapatid ko. Ako na nga po nagmamalasakit sa inyo na turuan yung anak niyo ng gawaing bahay tapos kayo pa po yung nagagalit." Sagot naman ni Ate. "Dear, I never brought her to this world para maglaba ng mga damit niyo." Sagot ni Tita Annalin. "Kassandra, hindi kita pinalaking ganyan." Sagot ni Mama. "Yes Ma. Because hindi ka naman naging ina sa amin eh. Ako na ang tumayong ina para sa mga kapatid ko kasi you're always busy." Sagot ni Ate. "Kassandra! Hindi ka namin tinuruan na sumagot ng ganyan! Hindi porque may narating ka na sa buhay magiging ganyan ka na!" Sagot ni Papa. "Masyado kayong busy para pagtuunan ng pansin yung mga anak niyo kaya naging ganito kami! Tapos isang tawag lang ng fiancee ni Ken ganyan na kayo! Nung si Ken muntik magcommit ng suicide nasaan kayo?! Nung halos mamatay na siya sa sakit dahil dami ng pinapagawa niyo sa kanya nasaan kayo?! Pero itong kadramahan ng fiancee niya one call away kayo! Alam niyo ba ginawa non noon?!" Sagot ni Ate. Nawala na ang paggalang niya. "She invited people in our condo and we caught her making out with a guy. Kami pa naglinis ng kalat nila! Ganung klase ba ng babae gusto niyong ikasal sa anak niyo ha?!" Dagdag pa ni Ate. Wala na ang paggalang sa boses niya. "We're very sorry for the attitude of our daughter, Annalin." Paghingi ng paumanhin ni Mama. "It's okay. I think I should go. You should talk to her." Sagot ni Tita Annalin at lumabas ng conference room. "Kenneth, is that true?" Tanong ni Mama. "Yes Ma." Sagot ni Kuya Kenneth. Si Kuya Kenneth talaga ang may malinis na image sa amin sa mata nila. Nasira ang image ni Ate dahil pinursue niya ang pangarap niya bilang doctor samantalang ako naman ay wala daw akong kwentang anak dahil hindi ko nameet yung standards nila. Kaya ginagawa ko na lang ang gusto nila kahit ayaw ko. I never chose myself to please them. I never picked the choice for me to be happy to please them. Isang beses ko lang pinili ang sarili ko pero pinakialaman pa rin nila. "Why are you so addicted to that wedding? Kung business partner niyo naman ang may-ari ng fastest rising empire as of the moment." Sagot ko. "Kasi Ken halos 8 years na kayong engaged pero wala paring nangyayaring kasalan mapapahiya tayo nito sa media. Dinadala mo talaga ang pamilya natin sa kahihiyan!" Sagot ni Papa. "Palagi naman eh." Sagot ko at lumabas na ng conference room. Tinawag pa ko ni Mama pero di ko na siya pinansin. Sumunod na sa akin si Ate at Kuya. "Oh bakit kayo umalis dun? Ate, magsorry ka dun. Baka mamaya itakwil ka niyan. Ikaw Kuya baka mamaya hinahanap ka dun." Saad ko. "Itakwil nila. Hindi ako dapat magsorry kasi totoo yung sinasabi ko." Sagot ni Ate. "Nako. Pakialam ko sa kanila." Sagot naman ni Kuya. "Parang others naman kayo. Magulang niyo yun." Sagot ko. Hindi ko ininclude ang sarili ko dahil di ko naman ramdam. "Si Ate lang kilala kong magulang ko." Sagot ni Kuya. Hindi kami takot mag-usap ng ganito dahil di naman kami naiintindihan ng mga empleyado. Ilan lang ang Pinoy dito at halos lahat Amerikano at Amerikana na. "Wow Kuya ah. Ayos kaya ng image mo sa kanila. Tapos ginaganyan mo sila." Sagot ko. "Gusto mo sirain ko image ko sa kanila?" Sagot niya. "Wag na Kuya. Lalo tayong masasabon." Sagot ko. Ng makarating kami sa kotse ay agad na nagdrive si Kuya. "Magbakasyon kaya tayong tatlo. Tutal busy naman sila sa trabaho di nila mararamdaman na nawala tayo. Sama natin si Kyle." Bigla ay saad ni Ate. "Saan naman tayo pupunta?" Sagot ko. "Kahit saan. Basta yung wala sila at yung kompanya. Nakakapagod lang kasi. Gusto ko mag unwind." Sagot ni Ate. "Edi SoKor tayo. Gusto mo dun Ate diba?" Sagot ni Kuya. "Nako nanawa na ko dun. Nagpabalik-balik na ko dun. Nakaattend na ko ng concert ng iKON at BTS dun. 2018." Sagot ni Ate. When I heard the word 'iKON' I suddenly remember her. "Earth to Ken! Ano ba yan! Kanina ka pa tinatanong ni Ate hindi ka sumasagot!" Sagot ni Kuya. "S-sorry. May iniisip lang." Sagot ko. "Si Emily nanaman. Hay nako, Ken. Pwede namang si Sandra na lang! Hiningi na nga ni Sandra yung blessing namin eh." Sagot ni Kuya. Nagulat ako sa narinig ko. Naririnig niya ba ang sarili niya? "Kuya! Mahiya ka naman sa sinasabi mo! Kaibigan ni Emily yun tapos ganyan sinasabi mo. I thought you like Emily for me?" Sagot ko. "She's causing you too much pain." Sagot niya. "I don't care. I won't have another girlfriend unlesss it's Emily." Sagot ko. "Emily has Vince, Ken. Wake up! She's not coming back to you! It's either you being married to Ana or you with Sandra! Choose!" Sagot niya. "Why would I choose if I can live alone?" Sagot ko. "Man up, Ken! You're already 24 yet you don't have a girlfriend. You don't want to get married. Gusto mo bumalik sayo si Ems pero wala ka namang ginagawa para bumalik siya. Binibigyan ka na ng chance ni Sandra pero hindi mo tinatanggap." Sagot niya. "The problem is nagkaroon tayo ng kapatid na duwag Kenneth. Pumunta ng Singapore para umattend ng iKON concert kahit hindi fan para makita si Ems. Tapos hindi naman nilapitan." Sagot ni Ate. "Nako Ate. Hindi lang duwakang Ate. TORPE pa!" Sagot ni Kuya. Pinagtutulungan nanaman ako ng mga kapatid ko. "Bar na lang tayo." Sagot ko. "Bar?! Himala. Hindi milk tea iniinom mo ngayon. Tara! Basta ikaw magbabayad!" Sagot ni Kuya. "Nako pala kayo. Napaka gara niyo naman. Minsan na nga lang ako magyaya ganyan pa kayo." Sagot ko. "Oo na, Ken. Ako na magbabayad." Sagot ni Ate. "Nice!" Sagot ko. Nagdrive na si Kuya sa pinakamalapit na bar na madadaanan namin. Pagdating namin sa bar ay dumiretso na kami sa isang table. "Ate wag ka masyado uminom ah." Saad ni Kuya Kenneth. "Oo. Alam ko naman na magwawalwal kayo ngayon eh. Ikaw na dumamay kay, Ken. Ako na maguuwi sa inyo kapag nalasing kayo." Sagot ni Ate. Siguradong magwawalwal talaga kami dahil ito ang first time na nagkasama-sama kami sa inuman. Wala akong idea kung gaano kalakas uminom si Kuya ang alam ko lang nung nagbar hopping sila ni Ate nung new year eh mukhang hindi tinamaan. "Ano iinumin mo, Ken?" Tanong ni Ate. "Brandy na may halong gin at vodka." Sagot ko. "Ikaw?! Iinom ng hard drinks! Seryoso ka ba?!" Sagot ni Ate. "Oo naman. Don't under estimate me, Ate. Kaya ko pa magdrive pagkatapos ko uminom niyan." Sagot ko. "I'm proud of you lil bro!" Sagot ni Kuya. "Umorder ka na lang, Kuya." Sagot ko. Tumawag na si Kuya ng waiter at sinabi ang order namin. Jack Daniel's ang iinumin niya samantalang ako ay tatlong klase ng hard liquor. Nagsimula na kaming uminom ng dumating ang mga alak. Nakakailang lagok na ako ng mgkakahalong alak pero hindi ko pa rin maramdaman ang pagkalasing.
Kassandra's POV
Si Kenneth alalay lang din ang pag-inom. Tumatawag na nga si Kyle at hinahanap kami pero hindi naman namin maawat si Ken sa pag-inom. Kaya tinext ko muna si Kyle.
Me:
Wait for us bunso. We're just fixing your Kuya Ken because he's already drunk.
Kyle:
Okay Ate. Take care.
"Kenneth. Awatin mo na si Ken. Umuwi na tayo. Hinahanap na tayo ni Kyle." Saad ko. "Sige, Ate." Sagot niya. Sinubukan awatin ni Kenneth si Ken pero hindi talaga papigil. Lumapit na ko kay Ken. "Ken, umuwi na tayo. Hinahanap na tayo ni Kyle." Saad ko. "Ayoko pa umuwi! Iwan niyo na lang ako dito." Sagot niya. "Ano ka ba naman Ken! Hindi ko naman expect na ganito ka kapag nalalasing!" Sagot ko. "Ken, tara na. Tama na yan." Saad naman ni Kenneth. "No! Let me rest for awhile. I'm so tired dealing with the pain. I just bid my good bye this morning to her because she's now happy with other guy. I'm happy for her but shit the pain is still here. I'm dealing with it naman Kuya eh. I'm trying my best pero wala eh! I always found myself coming back to her." Sagot ni Ken na lumuluha. Naawa ako sa kanya umiiyak nanaman siya dahil sa babae. I never expected he'll be like this. "Umuwi na tayo. Mag-isa lang sa condo si Kyle. Almost lunch time na. Bibili na lang kita ng alak dun ka sa bahay uminom." Sagot ko. Hindi naman na bago kay Kyle na may umiinom sa bahay at may umuuwing lasing. Palagi niya kasing inaabutan si Ken noon na umuuwi ng lasing at may ilang mga pasa sa mukha. "Dito na muna ko Ate." Sagot niya. "Hindi nga pwede. Wala kang kotse paano ka uuwi ha? Umuwi na tayo. Bibili kita ng alak. Ilan ba gusto mo?" Sagot ko. Kahit doctor ako kung yun ang makakatulong sa paghilom ng sugat ng kapatid ko hahayaan ko siya. Aware naman ako na masama sa katawan ang pag-inom pero sino ba ko para pigilan yung kapatid ko kung ako mismo umiinom din. "Oo na. Uuwi na." Sagot niya. Tinulungan namin siya na tumayo at isakay sa kotse. Ako na ang nagdrive dahil nakainom na din si Kenneth. Jusko sumasakit ulo ko sa mga kapatid ko na 'to. As expected. Ken would be wasted dahil na rin sa mga sinagot sa kanya ng mga magulang namin. He's always in pain and I can't do anything to lessen it. Kung pwede ko lang saluhin lahat ng sakit na nararamdaman niya ayos lang. Ang mahalaga masaya siya. Mahal na mahal ko yung mga kapatid ko pero hindi ko alam paano ko sila matutulungan. Pinagtulungan namin ni Kenneth na iakyat si Ken sa kwarto niya. "Magbibihis muna ko Ate. Ikaw na magbihis kay Ken." Saad ni Kenneth. "Sige. Pagluto mo na rin ng lunch si Kyle." Sagot ko. "Yup." Sagot niya. Binihisan ko muna si Ken bago ko nagbihis. Bumaba na ako at kinuha yung planggana at bimpo para mapunasan ko si Ken. Pag-akyat ko sa kwarto niya ay pinunasan ko na siya. Matapos ko punasan ay inayos ko ang kumot niya para makatulog siya ng maayos. Bumaba na rin ako para magsimula na sa trabaho ko. Si Kenneth naman ay matutulog daw muna dahil tinamaan siya sa Jack Daniel's. "Ate." Tawag ni Kyle. "Yes Kyle?" Sagot ko. "Disneyland tayo." Sagot niya. "Kailan?" Sagot ko. Matagal na rin pala nung huli kami nag amusement park. May Disneyland dito sa America ilang oras lang ang pagitan from here. "Pwede bukas?" Sagot niya. "Bukas? Eh pwede ba sa isang araw? Mahaba-haba pa naman yung bakasyon niyo eh. Kailangan ko kasi magbook pa ng ticket. Tapos kakausapin ko pa si Kuya Ken at Kenneth mo." Sagot ko. "Sige Ate. Aasahan ko yan ah! Tagal ko na kasing hindi nakakapunta dun eh." Sagot niya. "Oo." Sagot ko. Gagawin ko lahat para sa ikasasaya ni Kyle. Lahat ng gusto niya ibibigay ko at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mailayo siya sa masakit na pinagdadaanan namin. Ayokong matulad siya kay Ken na hindi makapili ng babaeng mamahalin dahil palaging pinangungunahan at ayokong matulad siya kay Kenneth na kulang na lang tumira sa loob ng laptop at magpakasal sa paper works para lang ma-please ang mga magulang namin at tignan sila kahit saglit. Lalo naman sa akin na nakamit nga ang pangarap pero kapatid naman ang nagdusa. Gusto ko maranasan niya yung hindi namin naranasan katulad ng pagiging malaya at masaya. Bilang Ate nila gusto ko mapasaya sila at hindi masaktan. Gagawin ko lahat kahit anong kapalit basta lang mapalaya ko ang mga kapatid ko sa masakit na buhay na ito. Itaga nila sa bato hindi ko hahayaan na makapag-pakasal si Ken sa babaeng di niya naman mahal at hindi niya pinili. Nagpatuloy na ulit ako sa pagtatrabaho ng makaakyat si Kyle sa kwarto niya.
A/N: I'm sorry for the late updates Bemskies. This past few days has been rough and hard for me to write but I still did my best to update. We're road to 1 year! Kely niyo 1 year na next month! Belated 11 months to us! Please vote and comment! Thank you!❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top