CHAPTER 2: SOMEONE FROM THE PAST

Emily's POV

Nandito kami ngayon sa student's park dahil napaka laki ng school na 'to. May sarili pa nga silang mall sa loob ng school eh. "Pasyal tayo sa mall. Tignan natin kung ano meron." Ani ko. Magkaharap kami ngayon at kasalukuyang gumagawa ng report para sa biochemistry. "Sige. Magtext ka kay Ate Gab na malelate ka ng uwi ah." Sagot niya. "Ilan pa bang class meron tayo?" Tanong ko. "Tatlo pa. Yung huling klase natin di tayo magkaklase." Sagot niya. "Ah yung nutrition class." Sagot ko. Kanina nga pala yung isang class na di kami magkaklase yung biochemistry. Nagulat nga ako kasi research agad eh. May mga nakilala naman ako na foreigners pero hindi ko sila nakaclose. Si Chase lang ang nakilala kong Pilipino sa biochemistry class. Mabait naman siya pero may mga ibang kaibigan siyang foreigners kaya di na siya sumama sa amin. "Kanina sa biochemistry class ko may nakilala ko." Ani Vince habang nagtatype. "Oh ano gagawin ko?" Sagot ko. "Share ko lang." Sagot niya. "Hay Vince kung gusto mo bakit di mo ligawan?" Sagot ko. "Hindi pa handa magmahal ulit yung gusto ko eh." Sagot niya. Natahimik ako sa sinagot niya. Naguguilty ako kasi di ko pa kaya magmahal ulit. Di pa ako handang magmahal ng panibagong lalaki sa buhay ko. Nasasaktan pa rin ako sa nangyari sa amin ni Ken. Nandito pa yung sakit pero alam ko isang araw mawawala din 'to. "Binibini, may tanong ako sayo." Tawag niya sa atensyon ko. "Ano yun?" Sagot ko. "Kung magmamahal ka ulit sino ito?" Sagot niya. "Ako? Kung magmamahal ulit ako gusto ko yung lalaki na katulad mo. Masaya kasama, palaging nandiyan kapag kailangan ko at hindi magsasawang makinig sa mga rants ko kahit paulit-ulit na." Sagot ko. "Bakit hindi na lang ako?" Sagot niya. "Pwede HAHAHAHA." Sagot ko. Di naman kasi mahirap mahalin si Vince eh. "Hihintayin ko yung araw na handa ka nang magmahal ulit. Kahit hindi man ako ang mahalin mo palagi pa rin akong nandiyan sa tabi mo." Sagot niya. "Drama natin Ginoo! Tapos na ko sa mga kadramahan sa buhay." Sagot ko. Gusto ko positive vibes lang. Ayoko na ulit maramdaman yung lungkot. "Gusto ko lang naman sabihin sayo na hindi kita iiwan kahit may mahalin ka nang iba at kahit may mahalin na rin ako." Sagot niya. "Aya thank you. Sobrang naappreciate kita." Sagot ko. "Soon Ems I love you na yan di na yan Thank you." Sagot niya. Tinawanan ko lang siya at tiningnan ang oras. "Uy next class na natin." Saad ko. "Tara na." Sagot niya. Tinulungan niya ako mag ayos ng mga gamit ko at sabay na kaming pumunta sa next class namin. Pagkatapos ng nutrition class namin ay hinintay niya ako sa labas ng room namin. "Kanina ka pa?" Tanong ko. "Hindi naman kakalabas ko lang din." Sagot niya. "Oh okay. Balik ko lang 'tong book ko sa locker tapos alis na tayo." Sagot ko. "Sige samahan na kita." Sagot niya. Sabay kami nagpunta sa locker area. Nilagay ko lang saglit ang book ko at humarap na kay Vince. Nagulat ako ng nasa harapan ko na siya at magkalapit ang mga mukha namin. "B-bakit?" Saad ko. Wala siyang sinabi at hinalikan lang ako sa pisngi. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko at hindi nakapag react agad. Pakiramdam ko namumula ako. "Ang cute mo pag nagbublush Binibini." Saad niya. Hinampas ko siya sa braso. "Siraulo ka talaga! Tara na nga!" Sagot ko at tinakbuhan siya. Nakakahiya hindi naman ako napa-blush ni Ken ng ganto eh. Si Vince lang nakagawa sakin ng ganito. "Uy sorry na. Hindi ko sadya." Saad niya. Nagulat pa ako dahil kasabay ko na siya. Sa bagay halos ka-height ko lang din naman siya kaya di na ko magtataka kung mabilis siyang nakasunod sa akin. "Oo na. Tara na sa mall dito." Sagot ko. Sabay na kaming naglakad papunta sa mall. Ang ganda ng interior. Nagsusumigaw ng karangyaan. May MAC store dito at may mga boutiques ng branded na mga damit. "Ang ganda." Saad ko na namamangha. "Oo nga ang ganda." Sagot niya. Ng lingunin ko siya ng nakatingin siya sa akin ng matiim. Nakipag-titigan din ako sa kanya pero agad ko ding binawi ito dahil nailang ako. "Saan mo gusto pumunta?" Tanong niya. "Magwindow shopping lang tayo ng mga damit tapos maghanap tayo ng maganda na pwedeng mapag ipunan at mabili." Sagot ko. Siguro naman may affordable na damit na pwedeng mabili. "Okay. Tara na. Tapos meryenda tayo pagkatapos. Wag ka mag alala libre ko." Sagot niya. "Okay. Wait lang. magtetext muna ko kay Ate Gab na late ako makakauwi ngayon." Sagot ko. "Sige." Sagot niya. Nilabas ko ang phone ko at nagtext kay Ate Gab na maglilibot kami dito sa mall ng school kaya late ako makakauwi. Naglakad na kami papunta sa department store. Maraming varieties ng damit ang meron dito at puro magaganda. Pero isa lang ang nakatawag ng pansin sa akin. Yung mga hoodies and pants. Pipili na lang ako ng isang pair para mapag ipunan ko. "Ganda niyan Ems bagay sayo kaso mas maganda ka kapag nakadress." Ani Vince. "Dress? Ayoko. Mga foreigner mga tao dito eh baka majudge lang ako." Sagot ko. "Hindi yan. Mas maganda ka kapag nakadress." Sagot niya. "Tignan ko kung may babagay sa akin." Sagot ko. Bagay sakin yung mga light colors dahil sa morena ako. Sabi ng iba kong kaklase nung grade ten nagiging kahawig ko daw yung mga makalumang dalagang Pilipina kapag nagfilipiña ako. Kaya ang nangyari ako ang ginawa nilang Maria Clara nung nag role play kami. Si Vince naman si Crisostomo Ibarra. Masaya kaya yun irole play. "Hi Sir what do you need?" Tanong ng sales lady kay Vince. "Ah we want a dress." Sagot niya. "Huy! Anong dress ka diyan." Sagot ko. "A very special girl deserves a very special treat. And for me you're special." Sagot niya. "Ano? May pa ganyan ka ah. First day lang natin ganyan ka na." Sagot ko. "This way Sir." Sagot nung sales lady. Sumunod kami sa sales lady. Nagtataka ko kung ano meron at ibibili niya ako ng dress. "Anong meron?" Tanong ko. "Check mo wattpad mo. Yun ang meron ngayon. Kanina kasi nung bored ako sa nutrition class nagbukas ako ng wattpad then binisita ko yung account mo." Sagot niya. Agad kong kinuha ang phone ko at binuksan ang wattpad ko. 200k reads na ang first book ng story ko. "Happy 200k reads Ems." Saad niya at yinakap ako. Para kong nakapako sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat. "200k ka na bakit di ka makagalaw?" Tanong niya. "In shock pa ko. Kaka 100k ko lang bago tayo umalis ng Pinas eh." Sagot ko. 2 weeks before ng flight namin nagcelebrate kaming magkakaibigan dahil nag 100k na nga ang first book ko. "HAHAHAHA. Kaya gusto kita regaluhan ng damit." Sagot niya. Di ko pa ulit nabibisita yung wattpad account ko dahil naging busy nitong mga nakaraang araw. "Sweet mo naman." Sagot ko. Natouch ako sa ginawa niya. "Syempre. Ayoko naman mag celebrate ka mag isa." Sagot niya. May nalalaman pa siyang "a very special girl deserves a very special treat." Yun naman pala eh may achivement akong natamo. Pero masaya pa rin ako kasi nandiyan siya para samahan ako magcelebrate ng isang milestone sa buhay ko. Matapos niya ko ibili ng dress ay lumabas na kami ng department store. "Ano pang gusto mo Binibini?" Tanong niya. "Bakit ikaw nanlilibre? Diba dapat ako? Kasi ako yung may achivement." Sagot ko. "Alam ko nagtitipid ka ng allowance mo kaya ako na ang magtretreat sayo sa araw na 'to. Tsaka mo na lang ako ilibre kapag pwede na." Sagot niya. "Hala. Thank you talaga." Sagot ko. "Kanina ka pa nagtethank you binibini." Sagot niya. "Wala lang. Sa lahat kasi ng naging kaibigan ko eh ikaw yung pinaka understanding." Sagot ko. "Bakit? Yung pinsan ko ba hind understanding?" Sagot niya. "Understanding pero higit ka sa kanila eh." Sagot ko. "Syempre. I must share my blessings eh." Sagot niya. Hindi lang pala 'to biniyayaan ng gwapong mukha at talen eh pati pala pag uugali may ibubuga 'to yun nga lang masyadong friendly. "Hindi ka lang pala gwapo. Mabait din. Ewan ko bakit ka biniyayaan ng pagka malandi ni Lord eh." Sagot ko. "Grabe siya oh. Pero I'll take that as a compliment." Sagot niya. "Compliment naman talaga yun eh." Sagot ko. "Compliment na may halong pambabash?" Sagot niya. "Parang ganun na nga HAHAHAHHA." Sagot ko. "Hay. Tara milktea." Sagot niya. "Sige." Sagot ko. Nagpunta kami sa isang milktea store dito sa mall. Matapos nito ay nag-arcade kami. Napupuno ng kasiyahan ang puso ko. Hindi ko lubos maisip na yung binatang nakilala ko lang noon pagkababa ng van galing Tagaytay ang isa sa mga taong magpapasaya sa akin at magiging parte ng buhay ko. Hindi ko lubos maisip na magiging dahilan siya kung bakit ako masaya. Ngayon ay naglalakad na kami papunta sa parking lot ng school. Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Vince ng makakita ako ng bulto ng lalaki na palaging nagdadala sa akin ng takot at pangamba. Siya ang dahilan kung bakit halos kalahati ng elementary days ko absentee ako. Hanggang ngayon natatakot pa din ako sa kanya. "V-vince, b-balik t-tayo s-sa l-loob." Ani ko na nanginginig ang boses. "Ha? Bakit tayo babalik— bakit ka umiiyak?" Sagot niya. Niyakap ko lang siya ng mahigpit. "N-natatakot a-ako. N-nand'yan y-yung t-tatay k-ko." Sagot ko. "Wag ka matakot kasama mo ako." Sagot niya. "Wag mo ko ilalabas ng school baka hindi na ako makauwi ng Pilipinas." Sagot ko. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko eh. Ang makasalubong siya sa ibang bansa. Pero naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Vince sa buhok ko. "Wag ka matakot Binibini." Paulit-ulit niyang bulong. Somehow I felt safe. Naramdaman kong hindi niya talaga ko pababayaan. Matanda na ako pero naririto pa rin sa puso ko yung takot at pangamba sa prisensya niya.



Vince's POV

This is the first time I saw my lady in fear. This is the first time I saw her trembling like this and I can't afford to see it. Her eyes are crying not because of happiness nor sadness but because of the emotion I barely see her and I don't like it. Hindi ito yung Emily na kilala ko. Kasi siya yung tipo ng tao na nabubuhay sa masayang lifestyle. Walang room sa kanya ang depression ever since nung na-overcome niya yung breakdowns niya. "Shhh. Hindi kita papabayaan. Tawagan natin si Tita." Saad ko. Dinala ko muna siya sa student's park para kahit paano ay kumalma siya. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Tita. "Hello Vince. Bakit napatawag ka?" Masayang bati niya. "Tita ano po kasi eh." Sagot ko. Di ko alam paano sabihin. "Bakit? Anong problema? May problema ba si Ems?" Sagot niya. "Nagpakita po kasi yung tatay niya eh. Kanina pa po siya umiiyak. Di ko po alam gagawin ko." Sagot ko. Hindi pa rin kasi siya humihinto sa pag-iyak simula pa kanina. "Ganito. Dalin mo siya sa place na malayo sa gate ng school niyo then pakainin mo siya nung comfort food niya na ice cream. Tatawagan ko na lang siya. Salamat Vince." Sagot niya. "Sige po Tita. Bye po." Sagot ko. "Bye. Ingat kayo." Sagot niya at ibinaba ang tawag. "Ems, let's have some ice cream." Aya ko. Tila kumislap naman ang mga mata niya sa narinig. "Tara!" Sagot niya. Nagpunta kami sa cafeteria ng school at umorder ng ice cream. Tig isa kami. Kahit paano ay napanatag na ang loob ko na kalmado na siya. Ng maubos ang ice cream ay naisipan ko nang subukang ayain siyang umuwi. "Ems, hatid na kita sa condo niyo ni Ate Gab. 5:00 na oh. Alam mo naman na out ni Ate Gab ay 7:00 diba? Kailangan mo na maghanda ng dinner niyo." Saad ko. "B-baka b-baka... N-nandoon p-pa s-siya." Sagot niya. "Hayaan mo siya. Ako bahala sayo." Sagot ko. "S-sige. P-pero samahan mo m-muna ako sa condo hanggang makauwi si Ate Gab." Sagot niya. "Sige." Sagot ko. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad papunta sa gate. Sinalubong kami ng isang lalaki na matangkad. Halos kasing tangkad ni Tita Edna tapos maputi at medyo singkit. "Emily." Tawag niya. Akmang lalapitan niya si Emily ng pumunta ito sa likod ko. "Excuse me gusto ko makausap ang anak ko." Pakiusap niya sa akin. Humigpit ang kapit ni Emily sa braso ko na parang nanghihingi ng tulong. "Ah mawalang galang na po Sir. Sa akin po kasi pinagbilin ni Tita Edna si Emily hindi niya ho pinayagan na makipag-usap siya sa ibang tao." Sagot ko. "Pero hindi naman ako ibang tao. Ako yung tatay ni Emily." Sagot niya. "Ems, tatay mo daw." Ani ko na parang hindi ko alam. "H-hindi k-ko s-siya k-kilala." Sagot ni Ems. Talagang ayaw niya ng presensya ng tao na 'to dito kaya itinatanggi niya. Bakit kaya nagkaganito siya? "Pasensya na po kayo Sir hindi daw po kayo kilala ng bestfriend ko eh. Kung maari po padaanin niyo na kami para makauwi na siya sa Ate Gabrielle niya." Sagot ko. "Ah pwede ko ba mahingi ang address?" Sagot niya. "Hindi po pwede. Yun po yung ibinilin sa akin ni Tita Edna." Sagot ko. Inilabas niya ang wallet niya at nagaabot ng pera kay Emily. "Eto Emily allowance mo." Saad niya. "Pasensya na po pero sapat po yung allowance na binibigay ng Tita ko at mommy ko para mabuhay." Sagot ni Emily. "Sige na. Tanggapin mo na 'to." Sagot naman nung lalaking nagpakilala na tatay niya. "Pasensya na po Sir pero tumanggi na po yung tao wag niyo na po ipilit pa. Excuse me po ihahatid ko na po siya sa Ate Gabrielle niya." Sagot ko at hinawakan sa kamay si Emily para makalakad na kami palayo sa lalaki. Sa peripheral vision ko nakita kong pinanunuod niya lang kaming makalayo. Alam ko yung feeling na ganito ni Ems dahil naramdaman ko din ito. Pero nawala din dahil hindi ako tinuruan ni Mama na magtanim ng sama ng loob sa tatay ko. Alam kong ganun din naman si Emily pinangunahan lang ng takot. Alam ko kasing nangaliwa ang tatay niya pero meron pang higit pa doon at hindi pa siya handang ikwento ito kaya di ko na lang aalamin. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at umikot na ako papunta sa driver's seat. "Ayos ka na?" Tanong ko ng makaupo ako. "Oo. Thank you di mo na inalam kung bakit ganun ang naging reaksyon ko." Sagot niya. "Alam ko naman na di ka pa handang sabihin yun kaya di ko na tinanong." Sagot ko. "Thank you for understanding me Vince. Thank you for always being here at my side when I need someone the most. Salamat din dahil niligtas mo ko sa kanya. Everytime I see his face I always remember how cruel he was." Sagot niya. I could feel the pain in her voice. "Okay lang Ems. Wag mo na ikwento. Ayokong makita kang umiiyak. I want to see you smiling and laughing not trembling in fear okay? Hindi ko gusto na makita ka ulit na ganun. Always remember that we're always here. Ate Gab, Kuya Mark, Kuya Mike, Tita Mhel, Tita Marie, Tita Edna and the seeners to support you and fight for you. We got your back. So don't be afraid anymore." Sagot ko. "I know. Thank you." Sagot niya. "Ano ka ba? Wala yun." Sagot ko. Ng makarating kami sa condo ay hinatid ko siya sa unit ni Ate Gab. Inenter na ni Ems yung passcode niya at nakita ko na nandun si Ate Gab sa kitchen at nagpreprepare ng dinner nila. "Ems, nandito ka na pala. Kamusta ka? Okay ka na ba? Tumawag agad si Ate Edna sa akin eh." Bungad ni Ate Gab. "Okay lang namN po ako Ate Gab. Nakausap ko naman na po si Mommy." Sagot ni Emily. "Uy Vince. Dito ka na magdinner." Aya ni Ate Gab. "Nako wag na po. Okay na po ako sa condo. Para din po makapagpahinga si Ems." Sagot ko. Alam kong hindi hahayaan ni Ems na si Ate Gab ang mag-asikaso sa akin dahil bisita niya ako. "Sige. Sabi mo. Ingat ka sa pagluluto ah." Sagot ni Ate Gab. "Opo naman. Sige na Ems. Alis na ako para makakain at makapag-pahinga ka na. Ako na magtutuloy nung research mo. Send mo sa akin yung file mo." Sagot ko. Alam kong gustong-gusto niya na magpahinga kaya ako na magtutuloy ng research niya sa biochemistry. "Talaga? Sige. Sesend ko sayo mamaya." Sagot niya. "Aantayin ko na lang. Tapos send ko sayo kapag tapos ko na." Sagot ko. "Salamat talaga Vince." Sagot niya. "Sige na. Uwi na ako. Ate Gab uwi na po ako." Paalam ko at kumaway sa kanila. Pumunta na ako sa unit ko. Nilagay ko ang bag ko sa sofa ko at dumiretso sa kwarto ko para magbihis. Matapos magbihis ay nagluto na ako ng para sa dinner ko. Mamaya na lang ako magdidinner mga 7 pm para makapag start na ko sa research ko naman habang hinihintay yung file niya. Ilang saglit pa ay sinend na ni Ems yung file.

Emily Savvanah:

Biochemistryresearch.docx

Thank you. Bukas libre kita ng luch.

Me:

Wag na. Okay lang. I know you need rest that's why I'm doing this for you.

Emily Savvanah:

Thank you. Bukas na lang ulit inaantok na ako. Tapos na kami magdinner ni Ate Gab.

Me:

Good night. Sleep well. Wag mo na isipin yung research. Ako na bahal dun.

Emily Savvanah:

Opo.

Matapos non ay pinindot ko na yung file para macheck ko yung informations na nilagay niya. Konti na lang pala ay matatapos na siya. Sobrang bilis niya naman. Nag-iingay naman yung phone ko dahil may tumatawag. Chineck ko kung sino ang tumatawag. Sigurado ko si Sandra 'to para makausap si Ems. Sinagot ko ang tawag. "Hello guys." Bati ko. "Hello Vince! Kamusta?" Bati ni Sandra. "Kamusta kayo diyan?" Bati ni Zoe. "How you guys doing? How's college?" Bati naman ni Andy. "Hello pinsan kong anak ni Don Juan." Bati naman ni Lean. "Okay naman kami ni Ems dito. Nagkaproblema lang kanina. Sigurado kong tulog na si Emily ngayon." Sagot ko. "Bakit naman at paano mo nalaman?" Tanong ni Lean. "Syempre nagpaalam siya. Ako nga nagtutuloy ng research niya eh." Sagot ko. "Ikaw? Sana all. Kami dito kami-kami lang." Sagot ni Sandra. "Ay diba pre med mo nursing din? So kamusta?" Sagot ko. "Ayun sandamakmak na research at librong binabasa." Sagot niya. "Well that's nursing life. Ganyan din kami ni Ems dito." Sagot ko. "Eh bakit ikaw gumagawa niyan? Never nagpagawa ng research si Ems. Alam nating lahat yan." Sagot ni Lean. "May nangyari nga at siguradong napagod siya." Sagot ko. "Anong nangyari?" Sagot niya na may kakaibang kislap sa mata. "Hindi gano'n yun Lean! Napakadumi talaga ng isip mo eh! Basta. Wala ako sa lugar para sabihin." Sagot ko. "Ayan kasi Lean. Ilugar mo paminsan-minsan yung isip mo." Saad ni Andy. "Eh pasensya ka na. Sabi niya may nangyari eh at napagod si Ems. Ano gusto mo isipin ko?" Sagot ni Lean. "Hayst Lean. Malay mo nagpaquiz muna yung teacher nila sa biochemistry bago iaannounce yung research." Sagot ni Sandra. "Oo nga. Dumi talaga Lean. Linisin mo naman!" Sagot ko. "Paano ko 'to lilinisin? Papabukas ko bungo ko tapos pacleaning ko sa neuro para malinis yung utak ko?" Pamimilosopo niya. "Nako sige gawin mo yan Lean ng mapadali buhay mo. Don't worry libre lang yun sa hospital namin." Sagot ko. "Kapag ba namatay ako ikaw magpapalibing?" Sagot niya. "Oo. Ako na bahala sa St. Peter mo. Para mabawasan na ang germs dito sa mundo." Sagot ko. "Napaka-sama mong pinsan." Sagot niya. "Got to go guys. I need to talk to my aunt about my school. Our flight is on Saturday night so bye!" Paalam ni Andy at umalis sa call. "Ako din magpapaalam na at gagawin ko pa research ni Ems at research ko." Paalam ko. "Sige. Ingat kayo diyan ni Ems." Paalam ni Lean. "Bye Vince and see you after 4 years." Paalam naman ni Sandra. Tinawanan ko lang siya at kumaway bago ibinaba ang tawag. Tinuloy ko na yung research ni Emily. 7:30 ko na ito natapos. Sinend ko muna sa kanya bago ako tumayo para kumain. Hay salamat nakakain din. Pagkatapos naman kumain ay gagawin ko na yung research ko at mag-aadvance studies na din ako. Matapos nito ay tinuloy ko na yung pending chapter ko. Sabay kami magpupublish ni Emily sa Saturday eh. Matapos nito ay naligo na ako at ginawa ang mga night routines ko at natulog na.

Emily's POV

Mabuti na lang kahapon at tinawagan agad ni Vince si Mommy para mapakalma ako kahit paano. Nag-under time si Ate Gab para masamahan ako. Matanda naman na ako pero nandito pa rin sa puso ko yung takot. Takot na baka kunin niya ako sa mommy ko at dalin ako sa ibang bansa. Tinangka niya na yun gawin sa akin nung araw na naghiwalay sila ni Mommy muntik pa kaming bumangga sa six wheeler truck. Mabuti na lang at nasundan agad ako ni Mommy at ibinaba sa kotse ng huminto ito. Naulit yun nung grade six naman ako. Nageskandalo siya sa school kaya hindi ako nakapasok ng ilang araw dahil sa kahihiyan at takot. Hindi ko ito kinwento sa mga kaibigan ko dahil sa tuwing naaalala ko ito ay nanginginig ang katawan ko sa takot. Thinking of its thoughts making me tremble and cry with fear. Minsan pa nga akong nilagnat dahil sa takot eh. Kahapon ko lang ulit naramdaman yun at hindi ako nakatulog ng maayos. Pagising gising ako sa gitna ng tulog ko dahil napapanaginipan ko ang mga nangyari. Naghanda na ako sa pagpasok sa school. Nakita ko na din ang sinend ni Vince na tapos nang research ko. Chineck ko kung tama ito at lahat naman ay tama may additional pang informations about sa pagtingin ng nursing students sa biochemistry. Naisipan ko na lang na igawa siya ng grilled cheese bilang pasasalamat sa paggawa ng research ko kagabi. "Oh Ems bakit ikaw nagluto? Alam ko napagod ka kahapon dahil sa nangyari." Saway ni Ate Gab ng makalabas. "Hindi po Ate. Okay lang ako." Sagot ko. Okay naman talaga ko nagbreak down lang. Buti nga hindi tulad dati na nagkakasakit ako. "Ako na magtutuloy niyan maghain ka na lang." Sagot niya. "Hindi na po Ate. Gagawan ko din po kasi ng grilled cheese si Vince para na rin pathank you sa paggawa ng research ko." Sagot ko. Ayaw niya ng libre edi eto na lang may tinapay at cheese naman kami eh. Matapos kong ilagay ang grilled cheese sa ziplock ay ihinain ko na yung mga niluto kong sinangag at bacon and egg. "Oo nga pala Ems bukas night shift ako. Wala kang kasama dito kaya ilock mo ng mabuti yung mga pintuan ah." Saad ni Ate. "Sige po Ate. Anong oras po uwi mo sa umaga?" Sagot ko. "Mga 7 am kasi 7pm-7am ako bukas." Sagot niya. "Sige po." Sagot ko. Matapos namin kumain hindi na ako pinag-urong ni Ate Gab dahil baka daw hinihintay na ako ni Vince. Pumunta muna ako sa kwarto ko para magtooth brush. Matapos ko magtooth brush ay lumabas na ako ng kwarto ko at kinuha yung grilled cheese na ginawa ko para kay Vince. "Ate alis na po ako. Ingat ka po sa pagpasok." Paalam ko. "Sige Ems. Ingat din kayo ni Vince sa pagpasok. Wag masyado kaskasero sabihin mo kay Vince." Sagot niya. "Sige po. Makakarating." Sagot ko at lumabas na ng condo. Nakita ko siya na hinihintay ako dito sa tapat ng unit namin. "Kanina ka pa?" Tanong ko. "Hindi naman. Ngayon ngayon lang." Sagot niya. "Eto nga pala. Ayaw mong ilibre kita eh. Edi ginawa na lang kita ng snack." Sagot ko. "Wow. Sweet mo naman. Thank you." Sagot niya. "HAHAHAHAH. Sweet na ba yun? Eh grilled cheese lang yan." Sagot ko. "Kahit na ba. Gawa mo pa rin naman eh." Sagot niya at nilagay sa bag niya yung grilled cheese. "Halika na baka malate pa tayo." Sagot ko. "Sige. Let's go." Sagot niya at sabay kami na naglakad papunta sa elevator. Ng makarating kami sa parking lot ay siya na ang nagbukas ng pinto ng shotgun seat para sa akin. Wala naman gaanong traffic dito para ngang di uso yung ganun dito eh. Ngayon sa first unang subject naman kami di magkaklase dahil nutrition ito. "Oh paano dito na ko sa room ko. Kita na lang tayo mamaya." Paalam ko. "Sige. Kita na lang tayo next class." Sagot niya bago sumibat papunta sa classroom niya. Nilabas ko muna ang phone ko at nagchat ka y Mommy na nandito na ako sa school. Pumasok na ako sa room pumwesto na ako sa pinakalikod ng room. Mas nakakapag focus ako kapag malayo sa mga tao. Hindi ako gaano nakikipag socialize dahil sa social status nila. Kaya kay Vince lang ako sumasama. "Excuse me. Is someone seated beside you?" Tanong sa akin ng babaeng nakasalamin na malaki at kulot ang buhok. "No no one. You can have the seat." Sagot ko. "I'm Louise By the way. Are you from the Philippines?" Sagot niya ng makaupo. "I'm Emily Savvanah. I'm scholar of David Medical Center." Sagot ko. "Ah ikaw yung kasama ni Sir Vince." Sagot niya. "Oo. Kaibigan ko siya." Sagot ko. "Oh. Hoping to be close with you." Sagot niya. "Sure." Sagot ko. Hindi na kami nakapag-usap pa dahil dumating na yung professor namin.

A/N: Short update lang 'to dahil kailangan ko magpahinga. Masyado na kong abuso sa katawan ko kaya kailangan ko magpahinga. Nagtuturo din kasi ko ng modules sa mga bata dito sa amin so medyo busy and konti lang time sa pagsusulat. Kadalasan gabi na ko nakakasulat pero ilang araw na akong puyat kaya pinapagalitan na ako. So yun guys bare with me po kasi tao din po ako napapagod din. So yun! Enjoy reading! Love you Bemskies!❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top