CHAPTER 19: BASHING
Yohan's POV
Yesterday when I attended the annual Time Square ball drop I saw someone close to Ate Emily. I saw her ex boyfriend, Ken. I knew him because his parents is our business partner and one of Ate Emily's girl friends. At first I thought that they are just someone who looks like them but I suddenly remember that the girl is in one of the photos of Ate Emily. When it's finally time for the ball drop at exactly 12 am they kissed. I immediately took out my phone and took photos of them kissing. I was abput to send it to Ate Emily when one of my fellow co reader sent screenshots of picture of Ate Emily and Kuya Vince. The next day my news feed on facebook is full of harsh comments about Ate Emily and Kuya Vince. They are both trending. Most of their readers are supporting them while one of the fandoms is bashing Ate Emily and calling her gold digger. I badly want to fught for her but I can't because she's not yet ready to tell that she's also a heir of the fastest rising empire in Asia. I decided to send it to Kuya Vince so that he would know since he's also friends with the girl.
Me:
Hi Kuya Vince, this is Yohan Ate Emily's brother I saw two of your friends here in NYC.
Then I sent the photos I took last night.
Vince's POV
Umagang-umaga ay nagising ako sa ringtone ng phone ko dahil sa chat ng mga readers and admins namin ni Ems. Meron daw na nangbabash sa amin. Trinetrace pa daw nila kung saang fandom sila kabilang. Agad ko namang binuksan ang facebook ko para malaman ko kung ano na ang mga pinagsasabi nila.
'The gold digger bitch is at it again.'
'Vince is her new victim'
'After the son of largest group of companies she's now after the son of biggest hospital in the world.'
'Dapat tanggalin yung scholarship niya.'
What the fuck are they saying? Nilalagay nila sa peligro yung scholarship ni Ems. Agad kong dinial ang number ni Mama para mainform siya sa nangyayari at makiusap. "Hello Ma, may situation dito. Inuulan ng bashing si Ems at lumabas yung past articles nila ni Ken. Ngayon tinitira na nila yung scholarship niya." Saad ko. "Alam ko na anak. Wag ka mag-alala sa scholarship niya. Kahit anong gawin ng bashers niya kahit magpetition at rally pa sila hindi pwedeng ilift ng hospital ito unless bumagsak siya at hindi maabot ang grading standards ng scholarship o siya mismo humiling sa hospital na ilift yung scholarship." Sagot niya. "Thank you Ma. Thank you for supporting us." Sagot ko. "Hay nako anak. Pati ba naman sa telepono madrama ka pa rin. Sige na. Puntahan mo na si Emily. Baka kung ano na nangyari dun." Sagot niya. "Sige po. Tatawagan na lang po kita kapag may problema." Sagot ko. "Sige 'nak. Ingat ka diyan." Sagot niya at binaba ang tawag. Mabilis akong naligo at nagbihis para puntahan si Ems. Binuksan ko ang messenger ko para makahingi ng update sa admin namin.
Me:
Nahanap niyo na kung sino?
Ella:
Kuya Vince pareho lang din. Liza Writes.
Jen:
Oo nga Kuya Vince.
Me:
Sige thank you.
Sino naman kayang writer ang nasa likod ng account na yun? Yun din yung nambash kay Emily noon. Nagbukas ako ng message requests dahil baka merong concern citizen na magmessage sa akin about sa bashing. Pero isang pangalan ang nakatawag pansin sa akin. Yohan Howards. Agad kong binuksan ito para malaman kung ano ang message niya.
Yohan Howards:
Hi Kuya Vince, I'm Yohan, Ate Emily's brother. I saw two of your friends here in NYC.
Yohan sent a photo
Yohan sent a photo
Nagulat ako sa nakita ko. Si Sandra at Ken naghahalikan. Alam na kaya 'to ni Andy? Hindi 'to pwede malaman ni Emily dahil kapag nalaman niya lalo lang makakapagpalala sa sitwasyon.
Me:
Sinend mo ba yan sa Ate mo?
Yohan Howards:
Hindi po Kuya.
Me:
Wag mo isesend. Alam mo naman sitwasyon namin ngayon diba?
Yohan Howards:
Opo. Please assist her po Kuya. Wala po kong magawa para sa Ate ko. Gustuhin ko man po na ipagtanggol siya hindi po pwede.
Me:
Oo naman. Ako na bahala sa Ate mo. Ingat ka diyan.
Yohan Howards:
Opo Kuya. Thank you po.
Me:
Welcome.
Pagkatapos namin magchat ay nagmamadali akong bumaba. "Vince! Saan ka pupunta?" Tawag ni Jay. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na sa garahe para kunin yung mustang ko. Mabilis pa sa alas kwatro ng makarating ako sa bahay nila. "Vince! Buti na lang dumating ka na. Tatawagan na sana kita. Kanina pa hindi lumalabas ng kwarto si Emily. Baka ano na nangyari dun." Saad ni Tita Edna. "Sige po. Aakyat na po ako. Wag na po kayo mag-alala. Susubukan ko po siya palabasin." Sagot ko. Mabilis akong umakyat sa taas nila at kinatok ang kwarto niya. Rinig hanggang dito sa labas yung tugtog. Just Go yung tumutugtog. "Ems, buksan mo 'tong pinto. Nandito na ako pwede mo ako kausapin." Saad ko habang kumakatok. Agad namang huminto ang tugtog at bumukas ang pinto. Nakita ko siyang nakaupo sa desk niya at nagpapahid ng luha. Ayoko sa lahat ng nakikita siyang umiiyak. Hahanapin ko talaga kung sino ang nasa likod ng Liza Writes na yun at pagbabayarin ko siya. Agad akong lumapit sa kanya. "Sorry HAHA. Hindi ko narinig agad yung pinto." Saad niya. Wala akong sinabi at niyakap lang siya. Sa bisig ko siya umiyak ng umiyak. "Shhhh. Everything will be fine. I will make it fine no matter what. Just stay strong for us." Saad ko. Unti-unti naman siyang kumalma. Ng kumalma siya ay tumingala siya sa akin. Pinunasan ko naman ang luha niya. "Paano ko haharap sa Mom mo? Nadamay ka nanaman sa buhay ko. Sorry." Sagot niya. "Hindi. Wag ka magsorry. Hindi mo naman kasalanan kung hindi nila tayo matanggap eh. This will never be your fault." Sagot ko. "Tsaka wag mo na muna isipin si Mama. Maiintindihan ka nun." Dagdag ko pa. "Paano yung scholarship ko? Natatakot ako. Baka ilift nila bigla yun. Gusto ko talaga maka-graduate ng Nursing, Vince." Sagot niya. "Wag ka mag-alala. Sabi ni Mama it will only be lifted if bumagsak ka or ikaw mismo magrequest na ilift nila yun." Sagot ko. "Thank you, Vince." Sagot niya. "Gusto mo pumunta muna tayo sa Tagaytay?" Sagot ko. I know Tagaytay is her comfort place. "Sige." Sagot niya. "In one condition. Lalabas ka ng kwarto at kakain tayo ng breakfast." Sagot ko. "Ayoko. Pag nakita ko sa labas pagchichismisan nila ako. Na kesyo gold digger daw ako, malandi, lumalapit sa mayama para yumaman ako." Sagot niya. "Hay nako. Bobo naman ng mga chismosa niyo. Eh mas mayaman ka pa sa'kin eh. Empire nga sayo eh." Sagot ko. Natawa naman siya at hinampas ako. "Ang dami mong alam." Sagot niya. "Bakit? Wag ako. Baka ichismis ko sila in a writer's way eh. Gusto mo gawan ko sila ng newspaper." Sagot ko. "Siraulo ka HAHAHAHAHA." Sagot niya. Napangiti naman ako dahil sa wakas napangiti ko siya. "Tara na. Siguradong hinihintay ka na nila Tita." Sagot ko. "Hay. Pasalamat ka sa corny mong joke." Sagot niya. Lalapit sana siya sa desk para ishut down ang laptop ng maunahan ko siya. "Bakit? I-shushut down ko lang." Saad niya. "Hindi. Ako na magshushut down. Baka magbasa ka pa eh." Sagot ko. "Shut down lang promise." Sagot niya. "Ako na." Sagot ko at umupo sa desk chair niya. Nilog out ko muna yung facebook niya at klinose lahat ng windows. Expected ko na isa sa members ng iKON ang wallpaper niya pero hindi. Isa ito sa picture namin. Yung picture namin sa Singapore habang magkasama kaming nagu-unwind sa park. "S-sabi ko naman sayo ako na magshu-shut down. A-ayan tuloy nagulat ka pa." Saad niya. Natawa na lang ako at nagpatuloy sa pagshut down. "Crush mo talaga ko." Sagot ko. "H-hindi noh! Kapal naman ng face mo!" Sagot niya na namumula pa ang pisngi. "Sige lang, Ems. Deny mo lang. The more you deny the more you love." Sagot ko. "Ano? May ganon ba? Diba the more you hate the more you love? Pauso ka talaga, Vince!" Sagot niya. "Ganun na rin yun. Ayaw mo yun may imbensyon na future jowa mo?" Sagot ko. "Bumaba na nga tayo." Sagot niya. Sabay kaming bumaba pero nagulat kami nang nasa sala nila si Lean kausap si Tita. Tinignan kami ni Lean ng may pag-aalala maging si Tita. "Bakit ka nandito, Lean?" Tanong ko. "May lumabas na article galing sa hospital niyo. Siguro tatay mo ang gumawa. Kasi kung si Tita yun hindi tungkol sa private relationship mo." Sagot niya. "Bakit? Tungkol ba saan yung article?" Sagot ko. "Binuksan ulit ng tatay mo yung rumors na dinedate mo ulit yung rumored ex girlfriend mo. Si Alliza Evangeline Ford." Sagot niya. "Ano?" Sagot ko. "Sino yun?" Tanong naman ni Emily. "Naalala mo yung rumors ko nung grade 10?" Sagot ko. "Ah oo. Yung writer din. Bakit naman nalink ka ulit dun? Ano ba past relationship mo dun? Hindi mo pa nasabi sa akin." Sagot niya. "Siya dapat yung naka-arrange marriage sa akin. Katulad nung kay Ken para din sa business. Kaya ako bumalik sa Pilipinas noon dahil gusto kong matakasan yun. Dati ko 'yong kaibigan." Sagot ko. "Ahhh. Tapos nahulog sayo?" Sagot niya. "Oo. Nagpunta siya sa Canada nung pumunta ko dito." Sagot ko. "Alam niyo feeling ko nga siya yung nasa likod ng bashing kay Ems eh. Kasi ikaw lang naman yung lalaking malapit kay Ems." Saad ni Lean. "Siya nga. Liza Writes ang sabi ng mga admin namin eh. Tatawagan ko muna si Mama para tanungin kung bakit niya yun hinayaan lumabas." Sagot ko. Tumango naman sila.Lumabas muna ako at sumakay sa kotse ko bago tinawagan si Mama. "Hello Ma, paano nanaman bumukas yung topic namin ni Liza? Diba tinanggihan ko na ang kasal na yun?" Saad ko. "Hindi ko din alam anak. Nandito ko sa bahay ng lola mo. Sinabi lang sa'kin ng tita mo na may ganun ngang article. Papunta na ko ngayon sa bahay ng daddy mo para maayos 'to." Sagot niya. "Bakit ba kasi nabuksan nanaman yun?" Sagot ko. "Bumalik na daw si Liza." Sagot niya. Nagulat naman ako sa sinagot niya. Bumalik na? Bakit kaya? "Ano? Bakit? Ano gagawin niya?" Sagot ko. "She's really forcing your marriage with her. This is the first step. Paniguradong nakipagsabwatan siya sa daddy mo para magawa ang mga ito." Sagot niya. "Trending na nga ako sa facebook at twitter hindi pa rin niya alam na may nililigawan na ako. Kailangan ko na ba talaga magpakasal para lang tantanan niya ko?" Sagot ko. "Alam niya yun syempre. Kaya nga diba binabash ng mga troll readers niya si Emily." Sagot niya. "Ah so kailangan ko pa magpa press conference para mainform ko sila?" Sagot ko. "Anak kahit tawagan mo pa lahat ng media hindi ka nila papakinggan. Kasi for them Emily is just nobody but just your toy." Sagot niya. "Ma, she's not nobody. Ayoko lang na pangunahan siya but Ma, she's the heiress of the fastest rising empire in Asia and now dominating the US." Sagot ko. "You mean she's the daughter of Lincoln Howards?" Sagot niya. "Yes, Ma. Kung akala nila di sila kayang durugin ni Emily, kayang-kaya niya. Di niya lang ginagawa." Sagot ko. "Sige anak. Aayusin ko na." Sagot niya at binaba ang tawag. Pagkatapos namin ay pinatay ko na ang makina ng kotse ko at bumaba na. Bumalik na ako sa loob. "Ano sabi ni Tita?" Tanong ni Lean. "Bumalik na daw si Liza. Posibleng nakipagsabwatan siya sa tatay ko para ilabas yung article na yun. Aayusin na daw ni Mama yung tungkol dun sa article." Sagot ko. "Vince, matanong nga kita. Sinabi mo ba sa Mama mo yung sikreto ni Ems?" Tanong ni Tita na nagpapatungkol sa pagiging tagapagmana niya. "Eh kailangan po eh. Baka mamaya po kasi ineexpect nila na kayang kaya nila si Ems." Sagot ko. Agad naman akong nakatikim ng batok galing kay Ems. "Bakit mo sinabi sa Mama mo? Kapag ako nawalan ng scholarship ikaw may kasalanan." Saad naman ni Ems. "Hindi mo pa kasi kilala yung tatay ko. Lahat ng mga taong mas mababa sa kanya dinudurog niya. Gagawin niya lahat para lang makuha ang gusto niya." Sagot ko. "Oo nga Ems. Noon dapat magau-audition si Vince sa entertainment company na pinagt-trainingan namin ngayon pero hindi siya tinatanggap kasi hinaharang ng Papa niya. Kahit sa ibang company hindi siya tinanggap. Hanggang sa sumuko na lang si Vince. Distraction daw sa kanya yung mga training at hindi niya daw mamanage ng maayos yung hospital nila kapag naging trainee siya." Sagot ni Lean. "Pero Vince, hindi pa rin tama na gamitin ko sila sa pansarili kong ginhawa." Sagot naman ni Ems. "Alam ko kaya sorry talaga. Sorry din po Tita." Sagot ko. "Hayaan mo na. Okay lang yun. As long as hindi naman maapektuhan yung pag-aaral ni Ems." Sagot ni Tita. "Kumain na nga tayo. Pupunta pa kaming Tagaytay ni Vince." Sagot ni Ems. "Kayo lang? I-third wheel niyo naman ako. Wala naman akong training ngayon eh." Sagot ni Lean. "Sige Lean." Sagot ko. Pumunta na kami sa dining area nila at kumain ng breakfast.
Third Person's POV
Pinuntahan ni Mina ang bahay ng kanyang dating asawa na si David. Nais niyang malaman kumg bakit may ganoong article siyang inilabas tungkol sa kanilang anak. Hindi naman siya nahirapan sa pagpasok sa bahay nito dahil kilala siya ng bago nitong pamilya. Kakagaling niya lang sa bahay ng kanyang nanay at sinabi ng isa niyang kapatid na may ganoong article nga ang kanyang anak. Kaya maaga siyang nagpaalam at dumiretso na sa bahay ng dati niyang asawa. Gusyo niyang maagapan ang pagpapaniwala ng mga ito sa mga tao na may relasyon si Vince kay Liza. Maaari din kasi itong makadagdag sa pambabash ng mga tao kay Emily. Ng makapasok siya ay laking gulat niya ng nandoon ang dating kaibigan ng anak na si Liza kausap si David. "You're just right in time, Tita Mina. We're just talking about you." Bati ni Liza. "Oh then let me join your dinner." Sagot ni Mina kahit kakain lang naman niya. "Here tita. Have a seat." Sagot ni Liza. "So what are yout talking about?" Tanong ni Mina ng makaupo. "We're just talking about Vince's wedding with Liza." Sagot ni David. "What did you say? I guess you didn't know that Vince is in a relationship." Sagot ni Mina. "In a relationship with a girl that is nobody but just your scholar." Sagot ni Liza. Agad namang naginit ang ulo ni Mina sa narinig. Kaya ayaw niya ito para kay Vince dahil sa ugali nito. "I guess you didn't background check her thoroughly. Well let me inform you, she's not someone who's good to mess on." Sagot ni Mina. Hindi niya sinabi ang kulang na impormasyon dahil alam niyang maaari nila itong ilabas sa media at lalong makadagdag pa sa isipin ng dalaga. "Why? Is she a member of a gang or something?" Sagot ni Liza. "No she's not but she can crush you in just minutes. She's not as wealthy as you but she can surpass you." Sagot ni Mina. "Surpass Liza? Are you crazy? No one can surpass Liza. She has brains, talents, looks and wealth." Sagot ni David. "Emily also has all of that and she's also a writer like you, Liza." Sagot ni Mina. "I'm sure all of her works is just a product of plagiarism. She's not a good writer unlike me. My works are so perfect that it gathered millions of reads in just minutes." Sagot ni Liza. "She may not have millions of reads at least she didn't plagiarise nor hire hire other authors to write her works." Sagot ni Mina. Agad namang nawalan ng kulay ang mukha ni Liza ng marinig ito. Napagalaman kais ni Mina na wala naman itong interes sa pagsusulat at ang ilan sa mga gawa nito ay kinopya lamang sa ibang manunulat. Ilan sa kanyang mga gawa ay binili lang sa ibang manunulat. Gumaya lang ito ng malaman niyang sikat na si Vince sa wattpad. "Stop with your introductions Mina. I know your not here because of that. What is it?" Singit ni David sa kanilang usapan. "Delete the article. I want you to do it yourself." Sagot ni Mina. "Why?" Sagot ni David. "Why? Simple. Because Vince is your son." Sagot ni Mina. "I know that he's my son but why I should do that?" Sagot muli ni David. "If I'm the one who ordered to delete it I will tell to the media that it's only mere rumors and nothing is true about it. I did this just to consider your existence." Sagot ni Mina. "No Mina! Investors will not invest to us if you will do that." Sagot ni David. "Ah so now your using your own son as a business propaganda. Don't worry I'll inform Vince about this.I'll also call press conference once I come back on Singapore to clarify the rumors." Sagot ni Mina at umalis na sa kinauupuan niya. "No, Mina!" Tawag ni David pero patuloy lang si Mina sa paglabas. Habang pauwi siya sa hotel na tinutuluyan ay tinawagan niya ang isa sa mga tauhan niya sa publishing company. Pinabura niya ang article at mapabulaanan ang issue ng anak.
Emily's POV
Nandito kami ngayon nila Lean sa Tagaytay. Pagkatapos namin kumain ng agahan ay pinagbihis lang nila ko at umalis na kami. Wala akong pictures namin sa phone ko dahil pinapatay ni Vince ang phone ko at pinaiwan sa bahay. Nagpunta kami sa isang theme park at nagfood trip. Nagsilbi itong despidida namin ni Vince dahil bukas na ang alis namin. Sinisikap nilang mapasaya ko at makalimutan ang mga bashers ko at masaya ko dahil giangawa nila ang best nila para masaya ako. "Iniisip mo nanaman ba yung article ni Vince?" Tanong ni Lean. "Nako, wag mo na isipin yun. Hindi ko gagawin sayo yung ginawa ni Ken. Takot ko lang kay Tita, Kuya Mark at kay Andy. Swerte nga niya hindi pa kita kilala nung time na yun at ako mismo ang sumapak sa mukha niya." Sagot ni Vince. Natawa naman ako sa sinabi ni Vince. "Hindi ko yun iniisip. Kayoa ng iniisip ko. Thank you for making me forget everything." Sagot ko. Ngumiti naman ng may satisfaction si Lean habang si Vince naman ay may ngiting tagumpay. "Wala yun. Para saan pa't naging magkaibigan tayo." Sagot ni Lean. "I don't want to see you crying again kaya hanggat makakaya ko poprotektahan kita sa mapanghusgang mundo. Hindi ko hahayaang kunin nila yung maganda mong ngiti." Sagot ni Vince. "Makata Vince? Ayan ka nanaman sa mga banat mo na panahon pa ata ni Balagtas eh." Sagot ni Lean. Natawa naman ako sa sinagot ni Lean. "Sana all fluent pa rin sa tagalog. Anyways, thank you. Please stay with me for a long time." Sagot ko. Sobrang thankful talaga ko dahil without them by my side I will not make it through. Eight years ago akala ko katapusan ko na kasi sinugatan ko ang pulsuhan ko at kinulong ang sarili ko sa kwarto. Mabuti na lang at nabuksan ni Vince ang pinto. Kung hindi dumating si Vibce ay siguradong patay na ako. Matapos namin magkape ay umuwi na rin kami. Si Lean na ang pinaupo ko sa passenger's seat dahil gusto ko umidlip. "Ems, nagtext si Tita. Tinatanong kung pauwi na tayo." Saad ni Vince. "Geh. Pahiga muna ko dito sa backseat. Inaantok na talaga ko." Sagot ko. Nakatulog ako buong biyahe. Ginising na lang ako ni Lean ng nasa tapat na kami ng bahay namin. Bumaba na kami ng kotse at nakita namin na nasa tapat ng gate si Mommy at nag-aabang. "Tita, uuwi na po kami. Hinatid ko lang po si Emily dito." Paalam ni Vince. "Sige Vince. Salamat. Ingat kayo ni Lean." Sagot ni Mommy at yumakap sa kanilang dalawa. "Magchat ka kapag nakauwi ka na." Sagot ko. "Yes babe. Chat yah later. Pasok ka na. Malamig na." Sagot niya. "Umalis ka muna bago ko pumasok." Sagot ko. "Aish sige na nga." Sagot niya. "Ingat kayo, Lean. Good night." Saad ko. "Oo. Good night." Sagot ni Lean at sumakay na sa kotse. "Good night babe." Sagot naman ni Vince at yumakap sa akin bago sumakay ng kotse. Ng makaalis sila ay pumasok na kami sa loob ng bahay. "Akyat na po ako Mi. Magbibihis muna po ako." Paalam ko. "Sige anak. Pupuntahan na lang kita dun." Sagot niya. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos ko magbihis ay pumasok na si Mommy sa kwarto. "Bukas aalis ka na. Ayos na ba yung mga gamit mo? Wala ka na bang nakalimutan?" Aniya. "Ayos na po Mi. Wala na po akong nakalimutan. Mamimiss po kita. Kayo ni Tita Marie." Sagot ko. "Mag-iingat ka palagi dun. Mag-aral ng mabuti. Wag mo hayaan na makasira ng pag-aaral mo yung panliligaw ni Vince sayo." Sagot niya. "Opo naman po Mi. Si Vince pa. Kung hindi ako nun sasabayan magreview sasabayan naman ako nun magsulat."Sagot ko. "Kay gusto ko para sayo si Vince eh. Naghihilahan kayo sa tagumpay at hindi ka niya hinihila sa masama." Sagot niya. "Yun nga po yung isa sa qualities na nagustuhan ko sa kanya eh." Sagot ko. "Bagay na bagay kayo ni Vince." Sagot niya na tinawanan ko na lang. "Kamusta naman yang utak mo?" Bigala ay tanong niya. "Hmmm. Ok naman po. Hindi ko na iniisip yung mga bashers ko. Okay na po ako. Napasaya ko nila Vince ngayong araw." Sagot ko. "Mabuti naman. Huwag mo na ulitin yung ginawa mo eight years ago." Sagot niya. "Opo naman. Edi nagalit sa akin si Vince at kapag daw gusto ko ulitin yun hindi magdadalawang isip si Andy na umuwi dito para gawin sa'kin yun." Sagot ko. "Natutuwa naman ako at masaya ka na ngayon. Hindi ka naman ba ginugulo nung mga hinalimaw?" Sagot niya. "Pagkatapos nung pagpunta nila sa eskwelahan ko at sa pagpapakilala sa akin ni Yohan eh hindi na sila nanggulo. Tsaka kahit naman malaman nila yung mga pambabash sa akin wala na akong pakialam. Hindi naman naapektuhan yung negosyo nila kaya hindi nila yun pwede pakialaman." Sagot ko. "Eh diba sinabi ni Vince sa Mama niya yung sikreto mo. Paano yung scholarship mo? Baka mamaya ilift sayo yun kasi nalaman nila na tagapag mana ka. Tsaka baka galawin ng mga hinalimaw yung scholarship mo." Sagot niya. "Hindi naman pwede galawin nung mga hinalimaw yung scholarship ko. Nakausap na nga rin ni Vince si Tita about dun dahil may nakita kong mag petition na ilift yung scholaraship ko. Hindi naman daw yun makakaapekto unless daw na bumagsak ako or ako mismo yung humingi sa kanila na ilift ito. Kakausapin ko din siya pagbalik ko sa Singapore." Sagot ko. "Mabuti yun anak. At humingi ka ng dispensa dahil naistorbo pa siya ni Vince para maipabura yung article." Sagot niya. "Opo Mi. Sandali lang po pala. Bubuksan ko muna po yung cellphone ko baka nagtext na si Vince." Sagot ko. Tumango naman siya. Pumunta ko sa desk ko at kinuha ang phone ko. Binuksan ko ito at tadtad ng mga notifications sa mga social media ko. Binuksan ko ang messages ko.
Vince:
Nakauwi na ako babe. Good night!
Me:
Ok. Good night!😘
"Anak, matulog ka na. Baba na ako. Maaga pa ang flight mo bukas." Paalam ni Mommy. "Sige po. Good night." Sagot ko at humalik sa pisngi niya. "Good night." Sagot niya at humalik din sa pisngi ko. Binuksan ko muna ang maleta ko para malaman ko kung may mga nakalimutan pa ako. Nasa hand carry ko naman yung albums na binili ko para hindi ito masira. Ng makita kong kumpleto ang mga dapat ay nasa maleta ay sinarado ko nang muli ito. Chineck ko naman yung back pack ko kung nandun na lahat ng kailangan ko. Laptop, headset, powerbank at albums. Ng makita kong kumpleto naman ay sinara ko na rin ito. Linibot ko muna ang tingin ko sa kwarto para makita kung may naiwan pa ako. Wala naman na. Chinarge ko lang ang cellphone ko at nahiga na. Mamimiss ko ang Pilipinas kapag umalis ako. I'm now ready to face my 2nd semester in college. Ilang saglit pa ay nakatulog na ako.
A/N: Happy 200 reads! Thank you for reading! Ito na yung regalo ko sa inyoooo. Sorry kung ngayon lang napost. Love you Bemskies! Stay with me for a long time😭💖
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top