CHAPTER 18: D-DAY

Emily's POV
Bakit kaya walang tao pagdating ko? Kinawit lang nila yung lock ng gate. Hindi din nagchat sa akin si Kuya Mark na uuwi na sila sa Pampangga. Saan kaya sila nagpunta? Sabi ng mga CCTV dito eh hapon na daw sila umalis. Pinauwi ko na si Lean dahil kanina pa tumatawag sa kanya si Nathan. Kinacancel naman niya yung tawag. Nakulitan siguro kaya nag-aya na umuwi. Hindi nga kami nakapag-robinson dahil si June eh binaba kami sa SM. Hinatid na lang ako ni Lean sa kanto namin at pinasakay ko na siya sa tricycle pauwi sa kanila. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Matapos ko magbihis ay binuksan ko na ang laptop ko at nilagay yung cd ng welcome back album sa cd player nung laptop. Nilagay ko sa phone stand yung phone ko. Hindi ko pinatay dahil baka tumawag si Mommy. Habang nagtatype ako ng draft ng Chapter two ay nagring ang phone ko. Nakita kong si Mommy ang tumatawag kaya pansamantala kong hininto muna ang ginagawa at sinagot ito. "Hello Mi, nasaan kayo? Sabi ng mga CCTV dito hapon na daw kayo umalis." Sagot ko. "May kinausap lang kami. Wag ka na magsaing ah." Sagot niya. "Eh sige. Bili niyo na lang ako ng Mcdo." Sagot ko. "Hindi ba kayo nagmeryenda ni Lean?" Tanong niya. "Eh hindi na po kami nakapag meryenda kasi hinahanap na siya ng pinsan niya." Sagot ko. "Ok. Anong oorderin sa Mcdo?" Sagot niya. "Chiken fillet tsaka ice cream and fries." Sagot ko. "Okay. Ano drinks mo?" Sagot niya. "Coke." Sagot ko. "Sige. Magdadrive na ko. Ingat ka diyan." Sagot niya. "Sige po. Magpapatay akong cellphone ah. Magsusulat kasi ako. Kinawit ko lang yung lock ng gate." Sagot ko. "Sige. Bye." Sagot niya. "Bye Mi." Sagot ko at binaba ang tawag. Pinatay ko na yung phone ko at binalik sa phone stand. Sa laptop na lang ako nagonline ng messenger dahil baka mag-alalala si Vince na hindi ako sumasagot sa calls niya. Habang nagpapatugtog ako ay may narinig akong ingay sa labas. Mga batang naglalaro ng pogs nanaman. Nasa taas na ako naririnig ko pa rin at nangingibabaw yung boses ni Kreisler. Bumaba na ako dahil nahihirapan akong magfocus kapag nakakarinig ako ng ingay. "Kayo! Ang dadaya niyo! Magbayad kayo! Walang sado-sado dito! Ayaw kutos, di magbayad sapak!" Sigaw ni Kreisler sa mga kalaro niyang bata. "Kreisler! Gabi na naglalaro ka pa! Ang ingay mo alam mo yun? Nasa taas na ko naririnig pa rin kita." Saad ko."Eto kasi Ate Ems eh! Mga hindi nagbabayad!" Sagot niya. "Bayaran niyo na kasi si Kreisler ng tumahimik na! Naririnig ko kayo sa taas ang iingay niyo! Magsiuwi na nga kayo at magsikain!" Sagot ko. "Thank you Ate Ems." Sagot ni Kreisler. "Nako. Ang ingay mo kasi eh!" Sagot ko. "Thank you pa din." Sagot niya. "Welcome HAHA." Sagot ko at pumasok na ulit sa bahay. Umakyat na ulit ako at nagsulat na. Ng matapos ako sa draft ay pumunta na ako sa messenger at tinawagan si Vince. Ganito ang routine ko nitong mga nakaraang araw. Agad naman niya itong sinagot. "Hello Ems! How's your day?" Bati niya. "Okay naman. Kakatapos ko lang ng draft nung chapter two. Wait lang. Hindi ko natanggal yung cd kaya may tugtog pa rin sa headset ko HAHAHA." Sagot ko. Tinanggal ko muna yung cd at ibinalik ito sa lalagyan niya kasama nung mga photobook at photo cards. Hindi ko pa naiaalis yung nga photo cards sa album dahil wala pa akong binder. "So ano? Kamusta diyan sa America?" Tanong ko. "Malamig. Gusto ko ng kayakap." Sagot niya. "Kawawa naman baby ko. Umuwi ka na lang kasi dito para mayakap kita." Sagot ko. "A-ano?" Sagot niya. Nakita kong namumula ang tenga niya. "Umuwi ka na lang dito. Para hindi mo na kailangan ng kayakap." Sagot ko. "Hindi. Hindi naman yun yung sinabi mo kanina eh. Ulitin mo nga." Sagot niya at may mapang asar na tingin. "Ayoko. Wala nang feelings kapag inulit ko." Sagot ko. Ewan ko ba at bigla-bigla na lang yun lumalabas sa bibig ko. Nadadala ko na sa reality yung mga banat ng characters ko. "Sige na babe ulitin mo na." Sagot niya sa malambing na tono. Ako naman ang natahimik at napaiwas ng tingin sa kanya. "U-umuwi ka na lang dito para hindi mo na kailangan ng kayakap." Paguulit ko sa sinabi ko kanina kahit hindi naman yun ang sinabi ko. "Sige ka kapag di mo inulit yung tama magpapayakap ako sa iba." Sagot niya. Agad nagpanting ang tenga ko sa narinig at parang kumulo ang dugo ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. "Subukan mo lang. Mawawalan ka ng partner in writing." Sagot ko. "Okay lang yun Babe. Ikaw naman mawawalan ng editor ng book cover pag nangyari yun." Sagot niya. "Fine! Uulitin ko na!" Sagot ko. "Nice one Babe! Go repeat it." Sagot niya. "Awww kawawa naman si Vince. Sayang wala ako diyan para sapakin ka." Sagot ko. "Aish! Magpapayakap na lang talaga ko sa iba." Sagot niya. "Malamig lang naman eh. Edi magkumot ka! Wala ka sa below zero na temperature na bansa kaya hindi mo kailangan ng body heat. Heater ang kailangan mo hindi yakap! Heater okay?!" Sagot ko. "Oo na. Magpapabili ko ng maraming heater para di ako lamigin tapos magkukumot ako ng doble para ramdam kong kahit paano eh pagpawisan ako." Sagot niya. "Tama yan. Kesa mambabae ka diyan ganyan na lang gawin mo. Tapos magupdate ka kasi flooded yung notification ng gc ng SavvFam at Vincesters na wala ka pa daw update." Sagot ko. "May draft ako. Busy nga lang ako sa mga bagay-bagay kaya di ako makapag-update. Tsaka mamaya-maya may kakausapin pa ko." Sagot niya. "Magchat ka kasi sa gc para informed yung readers mo. Ako nga twice a week akong nakikipag-chat sa kanila eh." Sagot ko. "Oo na po." Sagot niya. Bumukas naman ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Mommy. "Anak, ito na yung pinabili mong mcdo at ice cream." Aniya. "Wait lang Vince." Ani ko at tinanggal sa tenga ko yung headset. Lumapit ako kay Mommy at kinuha ito. "Thank you po Mi. Kamusta po pala yung lakad niyo?" Sagot ko. "Ayos naman. Hintayin mo magbagong taon. Meron ka nang bagong pag-ibig. Hiningi ka na niya sa amin eh." Sagot niya. "Mommy alam mo para kang si Lean. Ganyan din sinasabi niya sa akin. Maghintay ka sa new year may kapalit na si Ken." Sagot ko. "Meron naman na talaga eh. Hintayin mo lang mag new year. Yun na daw regalo sayo ni Bella." Sagot niya. "HAHAHAHAHAH. Ay mag-hi ka po pala kay Vince." Sagot ko at bumaling sa laptop at tinanggal ko ang headset para magkarinigan sila. "Hi Vince! Kamusta?" Bati ni Mommy. "Hi po Tita. Okay lang naman po. Kayo po ba diyan, kamusta po? Wala naman po bang dumarating na parcel under sa pangalan ni Ems?" Sagot ni Vince. Ay loko talaga kahit kailan pati ba naman pagdating ng mga parcel inaalam. "Wala pa naman. Pero mukhang may balak nanaman." Sagot ni Mommy. "Nako Ems ah. Baka pagbalik mo ng Singapore wala ka nang ipon." Sagot ni Vince. "Ay Mommy sige po. Magbihis na po kayo. Mag-uusap na po ulit kami ni Vince." Saad ko. "Okay anak. Good night." Sagot niya. "Good night po." Sagot ko. Lumabas na siya ng kwarto at ako naman ay binuksan ang ice cream para maprevent ang pagtunaw nito. Nagbalik ako sa upuan ko at nagsimula na kumain. Sinasawsaw ko sa ice cream yung fries. "Ay may papakita pala ko sayo. Wait lang." Saad niya. "Geh lang kumakain pa ko." Sagot ko. Nagpatuloy ako sa pagkain. "Ems!" Tawag niya napatingin naman ako sa camera. Agad naman nagningning ang mga mata ko ng makita ko yung i Decide green version at Love and Fall yung solo ni Bobby. "Halaaaa. Bibilhin ko sayo yannnn. Di ko yan mahanap sa mga shops online ehhh." Sagot ko. "Binili ko 'to para sayo. Bibigay ko sayo pag nagkita tayo." Sagot niya. "Ehh. Nakakahiya. Naghati tayo sa merch ko tapos sinagot mo pa yung concert ticket ko." Sagot ko. "Okay lang yun. Ipon ko naman yung ginagastos ko dun eh." Sagot niya. "Ehhhh. Hayst. Hahanap kita ng kapalit niyan. Anong album ba ng BTS gusto mo?" Sagot ko. Kahit di pa ko nakakabawi sa welcome back album ibibili ko siya. "Map of the soul 7 version 1." Sagot niya. "Mahal yun pero para sayo bibilin ko. Makikipag-bardagulan ako sa twitter para sayo. Sale nun sa binibilan ko eh." Sagot ko. "Wag na. Joke lang. Hindi muna ko magcocollect ng merch ng BTS kasi wala pa kong paglalagyan. Wattpad book na lang para may mababasa ko kapag free time natin sa Singapore." Sagot ko. "Bibigay ko na lang sayo. Ano bang gusto mo sa collection ko?" Sagot ko. "Yung Project Loki. Sa'kin na lang tapos peram ako nung He's into Her set mo." Sagot niya. "Sure ka na ba? Baka gusto mo rin hiramin yung possesive series set ko." Sagot ko. Nakumpleto ko na kasi yun at lahat kasi ng books ko nasa Singapore na. Konti na lang yung nandito. "Hindi. Mabait po ako. Nagdadasal ako gabi-gabi at hindi ako nagbabasa ng ganyan." Sagot niya. "Edi wow. Sinong niloko mo? Nagsusulat ka kaya ng bed scenes. Gusto mo bigay ko pa exact chapters eh." Sagot ko. Sa sobrang tagal na namin magkasamang nagsusulat nakabisado ko na siya. "Hindi porque nagsusulat ng bed scene ganun na iniisip. Ikaw nga nagbabasa non pero hindi ka pa naman nagiging green minded." Sagot niya. "Hindi lahat ng nakikita ay totoo. Kahit matagal na tayong friends may hindi ka pa din nakikitang side ko." Sagot ko. "Edi wow. Ay mamaya na lang ulit Ems. Online na yung kakausapin ko." Sagot niya. "Sige. Bye. Ingat ka diyan." Sagot ko at inend ang call namin. Matapos namin mag-usap ay binuksan ko na nag phone ko. Shinut down ko na ang laptop ko at lumipat na sa kama. Nagbrowse na lang ako sa fb.

Two of your favorite wattpad authors is dating...

Maraming nagcocomment at minemention kami ni Vince sa post. Meron pang mag nagscreenshot ng story ko sa fb before na pictures naming magkasama. Akala ko sa k-pop lang may mga Sasengs pati pala sa amin meron. Pero wala naman akong kinoconfirm na kahit ano sa readers ko pati na rin si Vince.

Vince's POV
Agad kong chinat si Andy.

Me:
I have something to tell you. Are you busy?

Andy Woods:
Nope. What is it?

Me:
Can I call you?

Andy Woods:
Sure.

Agad ko namang pinindot ang video call button. "Yow Vince wassup. I heard nandito ka din sa America. Let's meet na lang." Bati niya ng sagutin ang tawag. "Wala ko sa America. Nandito ko sa Pilipinas." Sagot ko. "Ha? Kala ko magn-new year ka dito sa America? Ano nangyari at nakarating ka diyan sa Pilipinas?" Sagot niya. "Nandito ako para manligaw." Sagot ko. "Wow. Kanino?" Sagot niya. "Kay Emily." Sagot ko. Agad naman lumamig ang tingin niya sa akin kaya nagsimula nanaman akong kabahan. "Wait. Stop there. Why?" Sagot niya. "We all know na may romantic feelings ako para kay Ems." Sagot ko. "I don't want to repeat my mistake before na I trusted the wrong person for my friend. You two are my friends and I'm worried that when things go wrong I will loose two of my friends and I don't want that." Sagot niya. "Yes I know. I also know the risks. Alam ko kung ano mawawala sa akin pero at least I tried. I will sleep every night with no regrets." Sagot ko. "Well if you know the risks at kung anong mawawala sayo edi support kita just if things goes wrong please stay with us. With her. I noticed that ever since she met you she's always happy and smiling. Like nothing is going on between Sandra and Ken. And I thank you for that. I'm looking forward on your relationship. Just don't make her cry okay?" Sagot niya. "Oo naman. S-so your giving me your blessing?" Sagot ko. "Why not? I know you love her. You are willing to risk your friendship with her just to love her." Sagot niya. "Thank you, Andy! Thank you!" Sagot ko. "No worries. For the happiness of the both of you." Sagot niya. "You really are a true friend of ours." Sagot ko. "Sige na. Got to go. Sasamahan ko pa yung Tita ko sa mall para bumili ng mga hahanda namin sa new year." Sagot niya. "Okay. Thank you ulit Andy." Sagot ko. Tumango lang siya at inend na ang call. "Yes! Tapos na ang mga pagsubok ko! Yung plano na lang!" Sigaw ko sa kwarto. After namin mag-usap ni Andy ay naligo na ako at nagchat sa gc ng Vincesters at SavvFam. Sinabi ko na mag-uupdate ako mamaya. Binuksan ko na ang laptop ko at inasikaso yung pag-uupdate para hindi na nila kulitin si Ems. Matapos ko mag-update ay shinut down ko na ulit yung laptop ko. Pumunta na ako sa higaan ko at binuksan ang tv. Nanuod na lang ako ng movies dahil mabubugbog nanaman ang katawan ko sa sayaw bukas. Luluwas pa kami dahil gusto din daw ng mga loko na gumala.

1 week later...

Today is the day! Maaga ko gumising para magayos ng mga dadalhin ko sa paghahiking namin. Susunduin ko siya sa sementeryo kung saan nakalibing ang lola niya. Alam ko kung saan ito dahil sinama niya na ako dun bago kami umalis papuntang Singapore at nung highschool graduation namin. Lamborghini na lang gagamitin ko para naman hindi niya maalala si Ken. Pagbaba ko ay kumakain na sila ng breakfast. "Morning Vince!" Bati ni Lean. "Morning! Ikaw na bahala dun sa fireworks at yung sound system. Ayusin niyo na mamaya ah." Sagot ko. "Yes po Sir Vince." Sagot ni Nathan. Tinawanan ko lang siya at kumain na din. Pagkatapos ko kumain ay tumayo na ako at bumalik sa kwarto ko para magtooth brush. Ng makababa ako hinahanda na rin nila yung dadalin kila Emily. "Hoy! Ingatan niyo yung mga baso tapos baka may nakalimutan pa kayo!" Ani June. "Wala wala." Sagot ni Nathan. "Oo nga pala Vince. Dala mo na ba yung album ni Ems?" Tanong ni Lean. "Oo nilagay ko na sa Lamborghini kagabi. Handa na ba yung bouquet of ballpen ko?" Sagot ko. Yun kasi yung bibigay ko kay Ems. Alam ko kasing ayaw niya ng bulaklak at napaka rami niya na ding wattpad books. "Oo. For pick up na mamaya. Kukunin na lang namin bago pumunta kila Ems." Sagot ni Lean. "Alam mo, Vince. May binigay ka ngang ballpen wala namang notebook anong klaseng manliligaw ka?" Sagot ni Liam. "Meron. Kasama dun sa bouquet." Sagot ko. "Meron nang bouquet of ballpen meron pang bouquet of chocolate. Talaga nga naman. Spoiled na spoiled sayo si Ems." Sagot ni June. "Syempre. Ligaw nga eh." Sagot ko. "Ewan ko na lang kapag di ka pa sinagot ni Emily." Sagot ni Lean. "Sige na. Diyan na kayo. Susunduin ko na siya. Sa court kayo magdedesign ah." Sagot ko. "Oo kala mo namang hindi namin gagawin eh. Ito na nga oh hinahanda na namin." Sagot ni Nathan. "Huwag kayong lalandi dun ah. Nakakahiya. Mahiya kayo kay Tita at sa mga chismosa dun." Sagot ko. "Yes boss!" Sagot ni Nathan na pinakamalandi sa kanilang lahat. "Nako talaga Nathan! Mahiya ka nga sa mga iniisip mo! Sige na alis na ako!" Sagot ko. "Ingat ka." Sagot ni Lean. Tumango lang ako at lumabas na ng bahay. Dumeretso ako sa Lamborghini ko. Nagppunta muna ako sa drive thru ng Mcdonalds dahil nagc-crave daw siya ng iced coffee. Nakita ko sa mga shared posts niya. Bumili na din ako ng favorite niyang cheesy eggdesal na namimiss niya nang kainin dahil wala nito sa Singapore. Pagtapos ko magdrive thru ay dumeretso na ako sa sementeryo na pinaglibingan ng lola niya.

Emily's POV
"Ikaw ba Ems eh may manliligaw na?" Tanong ni Tita Mhel. "Hala. Wala po ah." Sagot ko. Nandito kami sa puntod ni Nanay dahil nakagawian na namin ang dumalaw sa kanya every 31. Agad kaming napalingon sa sasakyan na bagong dating. Ang ganda at ang mahal ng kotseng ito. Nasabi kong mahal ito dahil Lamborghini sports car at blue ang kulay. Ang ganda. Huminto ito sa likod ng kotse ni Kuya Mark. Siguro dadalaw din ang may-ari nito sa isa sa mga magagandang museleyo. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong si Vince ang bumaba ng kotse. Akala ko ba nasa America siya? Bakit siya nandito? "Uy Ems diba si Vince yun?" Tanong ni Ate Gab. "H-ha?" Sagot ko na hindi naalis sa tingin kay Vince na ngayon ay naglalakad na palapit sa amin. Agad nagtama ang paningin namin at ngumiti siya. Nakakarinig ako ng hagikgikan sa paligid ko. Ng makalapit siya ay agad niyang nginitian sila Tita Mhel. "Good morning po Tita." Bati niya. "Oh kala ko ba wala kang manliligaw Ems. Bakit nandito si Vince ng kay aga-aga?" Tanong ni Tita Mhel. "Aba Tita anong malay ko diyan eh kavideo call ko yan kagabi at sinabing malamig daw sa America." Sagot ko. "Surprise babe. I'm here. Let's go." Sagot ni Vince. Agad ko naman siyang hinampas sa braso. "Saan naman tayo pupunta?" Sagot ko. "Tagaytay." Sagot niya. "Ano? Hindi ako prepared. Nakapantulog pa ko oh." Sagot ko. Hindi ako nakapagbihis ng maayos kanina kasi late na ko nagising kaya nagpunta na lang ako dito ng nakapantulog. "Meron kang damit sa kotse. Kunin mo na lang. Ito yung susi. Nasa harap. Yung itim na sling bag. Meron din dung rubber shoes." Sagot ni Mommy. "Alam mo rin na nandito si Vince sa Pilipinas Mi?!" Tanong ko kasi mukhang di naman sila nagulat. "Oo. Siya yung kausap namin nung umalis kami." Sagot niya. "Ano?! Alam niyong lahat ako lang hindi?" Sagot ko. "Wag ka na magreklamo Ems. Magbihis ka na lang sa cr dun bago kayo lumabas nitong sementeryo." Sagot ni Kuya Mark. "Oo nga, Ems. Diba hiniram mo din yung kotse last time kasi sabi mo pupunta kang Tagaytay? Oh ayan na si Vince para dalin ka dun wag ka na magreklamo." Ani Kuya Mark. "Aish. Sige na nga. Sasama na ko. Basta siguraduhin mo aakyat tayong Taal ah. Kapag hindi sinasabi ko sayo, Vince. Hindi ka pa nanliligaw hindi na kita sasagutin." Sagot ko. "Huwag ganun. Kumilos ka na diyan malelate pa tayo." Sagot ni Vince. Agad na lang akong pumunta sa kotse na ginamit namin kanina at kinuha yung itim na sling bag. Chineck ko muna kung ano ang laman. Isang dark blue shirt at leggings tapos nandito din yung favorite kong rubber shoes at may extra white shirt pa. Matapos kong makuha ito ay sinarado ko na yung binuksan kong pinto at nilock na ang kotse. Binalik ko kay Mommy yung susi. "Ingat kayo ni Vince ah." Ani Mommy. "Opo." Sagot ko. "Yes po Tita. Iingatan ko po talaga siya. Wag kayo mag-alala." Sagot ni Vince. "Ingat din kayo sa charisma nito Mi. Baka naloloko na kayo." Sagot ko. "Buti pinagdala kita ng damit mo kundi aakyat ka ng Taal ng nakapantulog." Sagot ni Mommy. Tumawa na lang sila Tita Mhel at si Vince. "Tawa-tawa ka pa. Humanda ka sa'kin mamaya!" Saad ko. "Ah Tita alis na po kami. Matagal pa po kasi biyahe eh." Paalam ni Vince. "Ah sige. Ingat kayo." Sagot ni Mommy. Sabay naman kami tumalikod ni Vince sa kanila. "Ilang araw ka na dito sa Pilipinas?" Tanong ko. "Malapit na mag two weeks." Sagot niya. "Ano?! Two weeks?! Ano ginagawa mo nung buong isang linggo?" Sagot ko. "Hmmm. Basta. Makikita mo mamaya." Sagot niya. Sumakay na kami sa kotse niya. "Ito oh. Kain ka muna. Alam kong namiss mo yang cheesy eggdesal dahil hindi mo yan mahanap sa Singapore. Ito pa iced coffee." Saad niya sabay abot ng paper bag ng Mcdo at yung plastic ng iced coffee. Sumipsip muna ko ng iced coffee. Huminto muna kami sa tapat ng main office ng sementeryo dahil nandun yung cr. Nagbihis muna ako ng damit at leggings. Sa kotse ko na lang isusuot ang sapatos ko. Bumalik na ako sa kotse. Ng makasakay ako ay nagsimula na siya magmaneho. "Anong playlist papatugtogin natin?" Tanong ko. "Syempre yung sayo. Wag naman yung Love Scenario yung simulan mo. Ibang song naman." Sagot niya. "Sige sige." Sagot ko. Binuksan ko na ang phone ko at pumunta sa spotify ko. "Oo nga pala paano ko i-blu-bluetooth yung phone ko sa music player ng kotse mo?" Tanong ko. "Ah yung name nito is Vince's car." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. Binuksan ko yung bluetooth at kinonect sa player niya. Sinimulan ko na lang sa Climax para bago sa pandinig niya. Sinimulan ko nang kainin yung cheesy eggdesal na lumamig na pero ayos lang dahil namiss ko talaga ito. "Sino sumundo sayo sa airport?" Tanong ko ulit. "Sila Lean. Yung gabi na nagkita kayo ni Lean sa kainan ng Samgyupsal kakadating ko lang nun dito. Nasa infinitea ako." Sagot niya. "Talaga? Pati yung mga pinsan mo naloko ko." Sagot ko. "Alam na ni Tita na uuwi ako. Hindi lang sinabi sayo." Sagot niya. "Edi ikaw na. Oo nga pala. Bakit mo naman naisip na dalin ako sa Taal ngayon?" Sagot ko. "Eh kasi diba nagpunta kayo ni Lean dun. Nag-Starbucks lang naman kayo. Tsaka alam ko naman na gusto mo mapunta dun pag-uwi natin." Sagot niya. "Naalala mo pa yun. Naalala ko nga pala. Nasaan yung Love and Fall album?" Sagot ko. "Nandun sa likod. Mamaya mo na lang tignan." Sagot niya. "Thank youuu! Papalitan ko yun ng Project Loki set." Sagot ko. "Welcome. Basta ikaw." Sagot niya. After four hours ay nakarating na kami. Kumain na din kami ng lunch bago kami pumunta sa mismong park. "Ready ka na ba maghiking ulit?" Tanong niya. "Oo naman! Finally! After a year makakaakyat na ulit ako!" Sagot ko. Pumunta na kami sa bilihan ng ticket. Hindi ako nagdala ng phone dahil gusto ko ienjoy yung scenery at yung moment. Matapos namin kumuha ng ticket ay nagsimual na ang briefing kasama yung tour guide namin. Wala gaanong mga naghi-hiking dahil disperas ng bagong taon. Matapos ang briefing ay nagsimula na kaming maghiking. 2 pm kami nagsimula maghike so probably by 5 nasa taas na kami. Hindi ko maimagine na mauulit ito ulit pero iba na ang kasama ko. Aaminin ko na sa tuwing umaakyat ako dito iniimagine kong si Ken pa rin ang kasama ko pero ngayon hindi na. Si Vince na ang nasa isip ko. Hindi na rin siya ang iniisip ko tuwing umaakyat ako dito. "Ems, may papagawa ako sayo pag nasa taas na tayo." Saad ni Vince. "Ano naman?" Sagot ko. "I want you to shout your feelings. Lahat ng feelings na itinatago mo sa akin at sa lahat ng tao." Sagot niya. "Wala naman akong tinatago eh." Sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad pero unfortunately mali yung apak ko kaya nadulas ako. Agad naman akong sinalo ni Vince gamit ang dalawang kamay niya. Napatitig ako sa mata niya at parang nitong hinihigop ang lakas ko. "Ang ganda ng mata mo." Saad ko. "Ha?" Sagot niya. "Ay sorry sorry. Tara na lakad na tayo." Sagot ko at nagmamadaling umakyat. "Hoy! Ingat ka! Baka madulas ka nanaman walang sasalo sayo!" Sigaw niya dahil medyo malayo na ako sa kanya. "Okay lang! Sanay na kong hindi sinasalo!" Sagot ko na pasigaw din. Finally after four hours naabot na rin namin ang tuktok ng bundok Taal. Napatulo na lang ang luha ko ng mapagmasdan ang kapaligiran. The last time I watched the sunset here is with them. Before our highschool graduation we climbed up here. In this mountain as the trees and the sunset as the witness we promised that will never leave each other and will always be behind each other. Naalala ko pa dito din nangako si Ivan na papakasalan niya si Sandra eh. Pero tignan mo nangyari sa group namin. Wala na. Hindi na yun matutupad ngayon dahil sa nasira ng emosyon namin. Hindi na magagawa ni Ivan yung pangako niya kasi nandun na si Sandra kay Ken. "Alam ko meron kang tinatago diyan sa puso mo Ems. Let it out. Tayo lang naman nandito eh." Ani Vince. "Gusto mo talaga?" Tanong ko. "Oo. I want to see the other side of Emily Savvanah Howards. I want to see the Emily that is letting her thoughts out." Sagot niya. "Huwag ka magseselos o kung ano man pagkatapos nito ah!" Sagot ko. "Oo. Sigaw mo na!" Sagot niya. Tumayo ako sa medyo malapit sa cliff. "Hoy Ken! Happy Anniversary nga pala! Magpakasaya ka kay Sandra ah! Magpakasaya kayo diyan sa mga landas na pinili niyo! Ikaw Sandra! Sana alam mong nasasaktan ako sa ginagawa mo! Masakit pero anong magagawa ko? Diyan ka masaya eh! Diyan kayo masaya! Sana nakakain kayo ng maayos knowing na nakasakit kayo ng mga kaibigan niyo! Pero kahit ganito ginagawa niyo sa akin sana maayos kayo! Sana nagaaral kayong mabuti kasi mahirap na hindi pumasa sa boards! Lalo ka na Ken! Nako kapag di ka pumasa sa boards magagalit yung demonyita mong nanay  wala kang uuwian pag nagkataon! Mahirap maging homeless sa New York! Mag ingat kayo palagi! Thank you sa memories!" Sigaw ko. Ng maplingon ako kay Vince ay nakita kong mayroon siyang proud na ngiti na nakapaskil sa labi niya. Lumapit ako sa kanya. "Bakit nakangiti ka?" Tanong ko. "Is it a good bye? It sounds like your closing the chapter with them. Like sinasabi mo "good bye Ken and Sandra. Magpakasaya kayo kasi ako masaya na."" Sagot niya. "Yes. I'm finally closing the chapter with them." Sagot ko. "Then I'm proud of you. You made it." Sagot niya. "Eh hindi pwedeng ako lang. Dapat ikaw din." Sagot ko. "Gusto mo talaga?" Sagot niya. "Oo. May nararamdaman kasi kong di mo sinasabi sa akin eh." Sagot ko. "Gustong-gusto mo talaga?" Sagot niya. "Oo nga eh! Kung ayaw mo edi wag!" Sagot ko. "Hindi-hindi. Joke lang." Sagot niya at tumayo na malapit sa cliff. "Gusto kita Ems! Matagal na! Unang pagkikita natin alam ko may something na! Kaso sa kasamaang palad the same day na magkita tayo sinagot mo na si Ken! Alam ko naman na gusto mo pa rin si Ken pero hayaan mo ako na gustuhin at mahalin ka rin! Hayaan mo sana ako na mahalin ka hanggang sa mapagod na ako! I love you Emily Savvanah Howards!" Sigaw niya at lumingon sa gawi ko ng may fulfilled na ngiti. Hindi naman ako makaganti ng ngiti dahil sa gulat na naramdaman ko. Yung tibok ng puso ko parang sasabog sa sobrang bilis ng tibok dahil sa narinig. "Uy wag ka namang ganyan. Magsalita ka naman. Baka mamaya yung confession ko dinala lang ng hangin." Saad niya. "S-sorry. Hindi ko expected ganun sasabihin mo. Pero honestly. Meron nga akong nagugustuhan ngayon. Hindi na si Ken. Magsama sila ni Sandra! Pag umpugin ko pa sila eh!" Sagot ko ng makabawi sa pagkagulat. Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya at the same time ay sakit. Oras na para sabihin ko rin ang nararamdaman ko. In a mysterious way. "T-talaga? S-sino?" Sagot niya. "First clue. He's an author on wattpad." Sagot ko. "Anak ng. Sino? Author din ako. Ayoko magmukhang assuming." Sagot niya. "Second clue. Aspiring nurse din siya." Sagot ko. Napaka-slow talaga niya jusko. Ito yung isa sa traits ni Vince na nahihirapan ako icope up. Yung pagiging slow niya. Ewan ko kung sobra ba siya sa puyat o sadyang gusto niya lang palabasin sa bibig ko na siya yung gusto ko. "Nurse din ako Ems. Mag-aassume na talaga ko." Sagot niya. "Hayst. Hindi mo na kailangan mag-assume kasi ikaw naman yung dinidescribe ko. Hay hirap naman umamin sayo in a mysterious way." Sagot ko. Agad naman siyang tumawa ng napakalakas. "Finally! Naarinig ko rin sayo ang matagal ko nang gustong marinig." Sagot niya at yinakap ako. Ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso niya. Maging ang akin ay ganun din. Pagkatapos namin magkaaminan ng feelings ay bumaba na kami. Halos 3 hours din yung tinagal namin sa pagbaba. "Saan mo gusto magdinner? 3 hours din yung biyahe natin." Tanong ni Vince nang naghahanda na kami sa pag-alis sa park. "Sa nearby Mcdonalds na lang." Sagot ko. "Okay." Sagot niya. Sumakay na kami sa kotse.  "Magbibihis din ako. Kapag nadaan tayo sa gasoline station." Saad ko. "Merong towel dun sa likod abutin mo na lang para mapunasan mo yang pawis mo. " Sagot niya. Inabot ko ang towel na sinasabi niya at pinunasan ko ang sarili. Binuksan ko ang phone ko at tadtad ng chats mula kila Lean at mommy ang meron. Agad naman akong nagreply sa kanila.

Me:
Mi,  hindi na po ako nagdala ng phone paakyat dahil gusto ko po itreasure yung moment.

Mommy:
Ok lang anak. Nagtext sa akin si Vince bago kayo umakyat.

Me:
Naghahanda na po kami pauwi diyan.

Mommy:
Ok. Ingat kayo pauwi.

Me:
Opo.

Nag-auto connect naman ang phone ko sa player ng kotse ni Vince. "Kapag inaantok ka matulog ka lang. Gigisingin na lang kita kapag may nadaanan na tayong gasoline station." Saad ni Vince. "Okay lang? Napagod kasi talaga ko kanina eh." Sagot ko. "Yep. Just sleep." Sagot niya. Nagsimula na siyang magmaneho ng kotse.

Lean's POV
Nandito pa rin kami sa court at inaayos ang mga design para sa surprise ni Vince kay Ems. Maraming tao na pinagtitinginan kami kasi hindi naman nila alam 'to. Tumulong din sila Tita sa pagdedesign at pagset up nung candles. "Freestyle tayo! Bling bling gamitin nating song!" Aya ni Nathan. "Game game!" Sagot naman ni Jay. "Hoy hindi pa kayo tapos sa confetti!" Sagot ko. "Tara na Lean! Dami mo pang sinasabi eh." Sagot ni Liam at hinila ko sa gitna. Si June naman ang nagplay ng kanta para sa amin. Nag-freestyle naman kami at piannuod kami ng mga bata at mga dalaga. "Wuhooooo! Nathan jowain mo na kooooo!" Sigaw ng isang malandi dito. "June ang hot mo naman!" Sigaw ng isa pa. "Kayong dalawa wag nga kayo nagpapadala sa mga ganyan!" Saway ko kay June at Nathan na nagpa-flying kiss pa. Matapos namin magsayaw ay nagpatuloy na kami sa pagdedesign. "Nathan, bili mo naman kami ng coke. Matapos mo kami pasayawin hindi mo kami bibigyan ng inumin!" Reklamo ni Liam. "Pumunta ka dun sa bahay nila Ems. May coke dun. Dun mo dinala lahat ng snacks natin eh." Sagot ko. "Ayan Liam ang feeling close mo kasi. Imbis na sa kotse na lang nilagay pinalagay mo pa sa ref nila Tita." Sagot ni Jay. "Eh ano gusto niyo uminom ng binilad sa araw na coke?" Sagot niya. "Alam niyo kesa nagtatalo kayo kunin niyo na lang kaya dun kay Tita yung coke." Sagot ni June. "Ako na nga lang. Alam ko naman na kahit ganyan kayo eh may hiya pa rin naman kayo. Bantayan niyo na alng yung nga gamit natin dito baka may kumuha." Sagot ko at tumayo na. Naglakad na ako papunta sa bahay nila Ems. Sakto naman at nagbabantay ng ihawan nila si Tita. "Tita, pwede ko na po ba kunin yung coke. Kasi po nauuhaw daw po sila eh." Saad ko. "Ay sige. Teka lang kukunin ko." Sagot ni Tita Edna. Pumasok na siya sa bahay nila at kinuha ang coke at yung mga snacks na binigay ni Liam. "Thank you po, Tita. Luto na po ba yung steak?" Tanong ko. Kailangan kasi yun sa lamesa mamaya. "Hindi pa namin niluluto kasi hindi na yun masarap kapag lumamig na. " Sagot niya. "Ah sige po Tita. Thank you po. Babalikan ko na po yung mga pinsan ko at baka hindi nanaman magkamayaw sa kakalandi sa mga babae dito." Sagot ko. "Oh sige." Sagot niya. Naglakad na ulit ako pabalik sa court. Jusko po dinudumog nanaman sila ng mga babae. Agad akong lumapit sa kanila at pinagbabatukan sila. "Ate, wag kang epal hindi ka naman nila jowa diba?" Saad ng isang warfreak dito. "Oo nga. Nakikipag-usap lang naman kami sa kanila kaya wag kang epal." Sagot naman nung kabarkada nung warfreak. "Alam niyo kasi hindi naman nandito yang mga pinsan ko para landiin kayo kaya wag kayong papansin. Di porque mga dayo sila dito eh ganyan na pinapakita niyo. No wonder bakit ayaw sa inyo ng bestfriend ko eh. Pang basurahan yung mga ugali niyo!" Sagot ko. "Maayos nga ugali ng bestfriend mo gold digger naman." Sagot nung warfreak. "How dare you call her gold digger eh wala ka pa nga sa kalingkingan niya! Kung siya gold digger at least nasa international school siya as a scholar." Sagot ko. Kung demonyo na siya mas demonyo ako. "Kung hindi lang nakilala ni Vince si Emily ako na pinaghahandaan niya ng ganyan eh." Sagot nung barkada ng warfreak. "Vince has a high standards when it comes to girls at sa tingin ko pa lang sayo hindi mo na naabot yung standards ni Vince. Yung mga type niyang babae eh may papatunguhan yung buhay hindi yung palandi-landi lang diyan sa tabi-tabi. At tsaka kapal naman ng mukha mo para pagpantasyahan yung mga pinsan ko eh hindi ka nga ata nagaaral ng maayos eh." Sagot ko. "Dayo ka lang dito wag ka sumagot sagot ng ganyan ah." Sagot nung babaeng may makapal na lipstick. "Lean, enough. They are not worth your time. Excuse me miss we're minding our business here so just fuck off. In tagalog, lumayas kayo sa harapan namin. Inaayos lang namin yung para sa pinsan namin dito aalis din kami." Sagot ni Liam sa malamig na tono. Walang nagawa yung mga war freak na yun kundi ang umuwi sa mga bahay nila dahil sa sinabi ni Liam. "Oh eto na yung coke niyo! Mga bwisit kayo! Anong pumasok sa isip niyo at nakipaglandian kayo dun? Alam niyo ba na mapapaaway ako sa ginagawa niyo?" Saad ko at isa-isa silang pinagbabatukan. "Hindi naman kami nakikipaglandian. Sila yung lumapit samin habang naggugupit kami nitong mga confetti. Ewan ko nag kung paano nila nakilala si Nathan tsaka si June eh." Sagot ni Jay. "The influence of tiktok." Sagot ni Nathan at June. "Nako sa pagiging flirt niyo pa lang mahihirapan na yung future managers niyo kakasaway." Sagot ko. "At least di akmi nakikipag flirt sa kapwa trainee." Sagot ni Nathan. "Sorry ka hindi trainee kalandian ko ngayon. Kaklase ko." Sagot ko. 8 pm ng magdesisyon si Nathan na bumili ng pagkain. Siya at si Liam na lang yung pinaalis namin. Binuksan ko ang phone ko para tawagan si Vince at sabihin na okay na ang lahat. "Hello Vince. Okay na lahat." Ani ko ng sagutin niya ang tawag. "Talaga? Malapit na rin kami." Sagot niya. "Nasaan na ba kayo?" Sagot ko. "Nasa Manila na kami. Natutulog nga ngayon si Ems eh. Kumain lang kami ng konti sa Mcdonalds tapos bumiyahe na." Sagot niya. "Oh sige. Drive safely. Ingat ka." Sagot ko. "Sige. Bye." Sagot niya. Binaba ko na ang tawag matapos nito. Pagdating ni Nathan ay kumain na kami sa kotse.  Nakakahiya kasi kung kila Tita pa kami kakain. Habang kumakain kami ay lumapit sa amin si Tita. "Kumain na ba kayo?" Tanong ni Tita. "Ay ito po kumakain na kami. Dito na lang po kami sa kotse kumain kasi baka mawala yung mga gamit namin." Sagot ni Jay. "Ah sige. Kapag nagugutom kayo ulit pumunta lang kayo dun sa bahay ah." Sagot niya. "Opo Tita. Thank you po." Sagot ko. "Thank you po Tita!" Sagot nila June. "Sige. Nako Lean magingat ka. Nakaaway mo pala dito yung mga inggit kay Emily." Sagot niya. "Nako Tita. Hindi ko na kailangan magingat. Sila ang magingat sa akin." Sagot ko. Tumawa lang si Tita at umalis na. Nagpatuloy naman kami sa pagkain. Maya-maya lang ay nagset up na si Liam ng malaking LED screen. Pinadala na din ni Vince sa amin yung laptop niya dahil anndun yung video. 9 pm nakita naming dumaan yung Lamborghini ni Vince. Naayos na namin lahat pati yung fireworks. Habang nakaupo ako sa may stage ay biglang may umakbay sa akin. Nilingon ko ito at tiningnan kung sino. "Vince! Ikaw lang pala. Ano kamusta lakad niyo? Nasaan yung kotse mo?" Tanong ko. "Nandun sa tapat nila Emily." Sagot niya. "Bakit nandito ka? Masisira mo pa ata sarili mong plano." Sagot ko. "Hindi. Tulog pa si Emily. Papagising ko na lang mamayang 12. Sobrang saya ko ngayon." Sagot niya. "Eh syempre ngayon yung araw ng surprise mo sa kanya eh." Sagot ko. "Hindi. Gusto din ako ni Emily." Sagot niya. "Hay nako. Matagal na Vince. Slow ka lang." Sagot ko. "Eh bakit ba? Gusto ko siya mismo magsabi sa akin. Akala mo ba hindi ko nahahalata yun? Nahahalata ko pero hindi ako nagaassume." Sagot niya. "Ang sabihin mo slow ka. Pinatagal mo pa ng ganito katagal." Sagot ko. "Hindi nga! Pero alam mo she finally closed the chapter with Ken." Sagot niya. "Paano mo nalaman? Sinabi niya sayo?" Sagot ko. "Pinasigaw ko siya kanina ng mga nararamdaman niya at yung mga bagay na hindi niya sinasabi sa akin. Pero alam mo kahit sinarado niya yung chapter na yun ang huling sinabi niya 'sana maayos kayo at nagaaral ng mabuti.' She deserved to be loved." Sagot niya. "Kilala ko si Ems. Ganun talaga siya kahit sinaktan mo siya? Mahal ka pa rin niya at palagi siyang nasa likod mo. Practicesin nga natin yung Adore You." Sagot ko. "Sige." Sagot niya. Nagsimula na kami magduet. Pinagtitinginan nanaman kami ng mga tao dahil ito yung first time na narinig nila si Vince kumanta. Matapos namin magduet ay nag apir kami. "Galing mo Vince! Walang kupas!" Ani Nathan. "Syempre! Ako pa." Sagot ni Vince. Ng mag 11 pm ay hinanda na ni Liam yung video ni Vince na ip-play mamaya. Nagbihis na si Vince kila Tita. Mabilisang bihis lang dahil baka magising anytime si Ems. Ako din ay nagbihis na kila Tita. Sila Liam sa kotse na lang nagbihis. After namin magbihis ay magisang pasada muna kami ng sayaw bago pinapatay yung ilaw. Matapos namin magsayaw ay bumalik sa bahay nila Ems si Vince para maghintay dun. 11:50 na. 10 minutes na lang at mangyayari na ang most awaited date ni Vince at ang magpapasabog ng wattpad world. Isa kasi sila sa mga authors na shiniship ng mga readers. Naghire pa talaga ng professional photographer si Vince pars icapture ang most awaited day niya. Pinasindihan ko na rin kila Nathan yung kandila. Ng mag 11:59 na ay nakita namin si Vince at Ems na nakablind fold. Nakapatay kasi yung ilaw kaya hindi kami nakikita dito sa stage. Ng makarating si Vince at Emily sa gitna ay plinay na ni Liam yung video. Umakyat naman dito sa stage si Vince. "Ems,  tanggalin mo na yung blindfold mo." Utos ni Vince. Tinanggal ni Ems yung blindfold niya at tumingin dun sa LED screen.

Emily's POV
Ng marinig ko yun ay lumingon ako sa LED screen na napakalaki. Nakita ko yung mga past pictures namin ni Vince. May mga stollen pictures pa ako at napakarami nito nung concert. Ng matapos yung slideshow ng mga pictures ay yung video naman namin nung nag 100K reads yung Still You ang nagplay. Napangiti naman ako ng maalala ito. Matapos nun ay nagplay naman ang video niya. "Hi Ems! I'm sure kapag napapanuod mo 'to ay nakangiti ka na. Huwag mo na aalalahanin yung mga taong nakasakit sayo. Nandito lang kami para sayo. You deserved to be loved. You deserve to love. Hindi mo deserve masaktan. Kapag may problema ka nandito lang kami para sayo. I love you Ems!" Saad ni Vince sa video. Matapos nun ay nagdilim ang screen at napalingon naman ako sa stage ng bumukas ang ilaw. Nagplay ang Beautiful by iKON. Isa sa mga favorite songs ko. Nagulat ako dahil nandun si Lean at mga pinsan niya.

Di ko expected na marunong magsayaw si Vince. Pwede na siyang maging idol. It runs in the blood. Ang galing nilang magpipinsan. Matapos magsayaw ng Beautiful ay nagplay naman yung My Type.


"Yahhhhh! Wag ganon Vinceeeee!" Sigawan ng mga babae dito na chismosa dahil kumindat si Vince sa akin. Napangiti naman ako dahil sa nakikita. Hindi ko akalain na gagawin 'to ni Vince para sa akin. Noon sinabi ko na 'to sa kanya.  Na kapag may nanligaw ulit sa akin gusto ko sumayaw siya ng songs ng iKON. Naalala niya pala yun. Akala ko hindi niya na naaalala yun nagpuputukan na din isa pa yun sa nagparomantic ng moment na 'to. Sabay naming sinalubong ang new year. Pagkatapos nilang sumayaw ay bumaba ng stage si Vince at pumunta sa kotse na nakapark. Binuksan niya yung trunk nito at nilabas ang bouquet of pens. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "I know na ayaw mo ng flowers gusto mo yung magagamit mo. So as a writer ito yung naisip kong ibigay sayo. So here Ems. Happy new year." Saad niya. Natawa naman ako at the same time ay kinilig dahil sa natanggap. "Ayieee. Thank youuuu. Happy new year." Sagot ko at yinakap siya. Naghiwalay kami sa yakap. "Surprises tonight is not finished yet." Saad niya at bumalik sa stage. Bumaba naman sila Nathan. Biglang nagplay yung minus one ng Adore You.


Nagsimula na silang kumanta. Oh my god. I didn't expect that Vince knows how to sing. Parang meant to be siyang maging idol. Yung mixture ng voices nila ni Lean ay sobrang ganda. Habang kumakanta sila ay bigla namang nagfireworks kaya napatingin ako sa langit. Ang ganda mg fireworks. Nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin. Habang kumakanta ay nakatingala din siya at inaadmire ang ganda ng fireworks. Nagulat ako ng mabasa ang ending nung magandang fireworks display. "i'm officially courting Emily Savvanah Howards." Wow. I never knew he could pull off something like this. Yinakap niya naman ako. "I love you Ems." Aniya. "Thank you for pulling this off Vince. I appreciate it." Sagot ko. "Gusto ko bago tayo bumalik ng Singapore may naipon kang happy memories kasama ako." Sagot niya. "Thank you." Sagot ko. Pagkatapos nung fireworks display ay pumunta na kami sa lamesa na nakaready dito. Sila Nathan ang waiter namin. Natawa ako dahil kanina sila ang dancers ngayon waiter na sila. Talagang naka plating pa yung steak at may pa wine pa. "Abaaa. Talaga nga naman. Pinaghandaan niyo lahat 'to?" Saad ko. "Oo. Kinuntsaba pa namin sila Tita. Si Tita Marie at Tita Edna ang nagluto ng steak." Sagot niya. "Wala naman kayong naging problema sa paghahanda nito?" Sagot ko. "Nako marami. Lalo na yung mga war freak dito." Sagot ni Lean na dumaan sa gilid ko. "Nako pagpasensyahan niyo na sila. Wag niyo na rin pinagpapansin." Sagot ko. Nagsimula na kaming kumain. "Pagkakain natin dito kumain ulit tayo sa bahay ah." Saad ko. "Oo naman." Sagot niya. "Sama mo yung mga pinsan mo." Sagot ko. "Okay." Sagot niya. Nagsimula na kaming kumain. Konti lang ininom kong wine dahil napapaitan ako dito. Kahit kada bagong taon naman umiinom ako nito. Tinulungan ko sila magligpit ng mga pinagkalatan nung surprise. Nandito din yung pinagrentahan nila ng sound system at niligpit na rin ang mga ito. Matapos namin magligpit ay pinalagay ko yung Chevrolet nila sa tapat ng bahay para ligtas sa mga nangagasgas. Gasgas kotse gang dito sa barangay. Mahal pa naman yung kotse. Although kaya naman nila ipagawa nakakahiya naman na dito pa magagasgasan yung kotse nila. "Kumain lang kayo ng magana." Saad ni Mommy. "Thank you po Tita." Sagot ni Lean. "Kumain ka ng kumain, Lean. Kayo din. Hindi na 'to mauulit." Sagot ni Mommy. "Bakit naman po Tita? Ayaw niyo na po ba kami makita ulit?" Sagot ni Jay. "Syempre hindi na ulit mauulit to kasi babalik na ng Singapore sila Vince sa isang araw. January 5 daw balik nila eh." Sagot ni Mommy. "Mommy naman. Pinapaalis mo na ba kami?" Sagot ko. "Oo nga naman Tita. Ayaw pa namin bumalim dun. Mananawa nanaman kami kakaenglish." Sagot ni Vince. "Reklamo ka pa Vince eh excited ka rin naman bumalik kayong Singapore para maflex si Emily kay Tita Mina eh." Sagot ni June. Natawa naman kami sa sagot ni June. Ng matapos kaming kumain ay pinaghanda na namin sila sa paguwi. "Thank you nga pala ngayong araw ah." Saad ko. "Wala yun Ems basta ikaw. Hope to see you again soon." Sagot ni Nathan. "Dadalawin ka namin sa Singapore kapag nagbakasyon at lumuwag yung schedules ng training namin." Sagot ni Lean. "Hahatid ka na lang namin sa airport." Sagot ni June. "Uy galing mo kanina June. Nakuha mo din yung signature move ni June ng iKON kanina." Sagot ko. "Ay wala yun basic." Sagot niya. Natawa naman ako sa naging sagot niya. Sumakay na silang lahat sa Chevrolet. "Tita, thank you po sa pagtulong sa mga pinsan ko. Pagpasensyahan niyo na rin po si Lean dahil napaaway siya dito. Uwi na po ako." Saad ni Vince. "Wala yun Vince. Your always welcome. Sino pala kasama mo sa bahay niyo?" Sagot ni Mommy. "Sila Lean po. "Oh sige na. Magingat ka paguwi." Sagot ni Mommy. "Hahatid ko lang po siya sa labas." Saad ko. Tumango naman si Mommy.  Lumabas na kami ni Vince. "Ingat ka pag-uwi. Magchat or text ka kapag nakauwi ka na." Saad ko. "Okay. Good night." Sagot niya at yinakap ako. "Good night." Sagot ko. "Bigyan mo naman ako ng good night kiss." Sagot niya at itinuro ang pisngi niya. Hinalikan ko lang siya at mabilis na tinulak siya sa kotse niya. "Good night! Ingat ka! Magchat ka ah!" Saad ko. Bwinelta niya na ang kotse niya at sumunod na sa Chevrolet na hinihintay siya malapit sa may court. Ng hindi ko na sila matanaw ay bumalik na ako sa loob ng bahay. "Oo nga pala Ems. Inabot sa akin 'to ni Vince nung binaba ka niya sa kotse." Saad ni momy at inabot sa akin yung plastic. Sinilip ko uto at nakita kong i Decide album at Love and Fall album ito. "Thank you po Mi. Akyat na po ako." Sagot ko. "Ok sige anak. Good night." Sagot niya. Matapos namin magpaalaman ay umakyat na ako sa taas. Hinintay ko muna yung chat ni Vince na nakauwi na siya bago ako nakatulog.







A/N: Long update dahil ito na yung last update ko. Hindi ako makakapag update within a month dahil may inaayos ako sa personal life ko. And it's another way to intoxicate my life. Sana pagbalik ko basahin niyo pa rin yung update ko. Sana mahintay niyo kung ano mangyayari sa love story nila Emily at Vince at ano yung mga obstacles na pagdadaanan nila. Enjoy reading Bemskies! Mamimiss ko kayoooooo! Please vote, comment and share❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top