CHAPTER 17: HIS WAYS
Vince's POV
Maaga ko gumising dahil pupuntahan namin ni Lean yung fireworks place sa Bocaue. Papagawa namin yung fireworks na gusto ko. Nakalimutan ko pang sabihin kila Lean na tutulong sila Tita sa pagluluto. Sila Nathan at Liam naman ay dederetso sa Dangwa para mag-canvass ng petals. At si June at Jay ay pupunta sa Divisoria para bumili nung kandila at baso. Bumaba na ako. Ng makababa ako nagkakagulo na sila sa dining area namin. Ang iingay parang mga nakawala sa coran. "Ano ba! Aga-aga ang iingay niyo! Mga bading ba kayo?!" Saway ko. "Tumahimik daw kayo sabi ni Mommy Vince." Sagot ni Nathan. "Good morning Vince." Bati ni Lean. "Walang good sa morning lalo na kung nasa hagdan pa lang ako rinig ko na kayo." Sagot ko. "Kalaki-laki kasi ng bahay mo hindi kami nagkakarinigan." Sagot ni June. "What do you expect to us Vince? Palagi ka kasing nagiisa sa Singapore eh." Sagot ni Jay. "Hindi ako nag iisa. Palagi kami magkasama ni Ems. Simula umaga hanggang sa pagtulog magkasama kami." Sagot ko. "Oh talaga?! So magkatabi kayo natutulog?" Sagot ni Liam. "Minsan." Sagot ko at binuntutan ng malisyosong tawa. "Aba nakaisa ka na bro?" Sagot ni Nathan. "Siraulo kayo! Hindi ganyan yung kaibigan ko!" Singit ni Lean. "Nagtatanong lang naman, Lean eh! May pangangailangan din kaya kaming boys!" Sagot ni Nathan. "Natural mente wala Nathan! Wag mo ko igaya sayo! Dati ganyan ako pero hindi na ngayon!" Sagot ko. "Real talkan na this!! Sino Team Vince? Isang libo ako!" Ani June. "Syempre Team Nathan ako! Dalawang libo!" Sagot ni Liam. "Maghain na lang kayo kesa nagpupustahan pa kayo sa mga bagay na wala namang kakwenta kwenta. Tsaka biya-biyahe pa kayo alalahanin niyo nga!" Sagot ni Lean. "Lamborghini gagamitin namin ni June." Ani Jay. "Lamborghini? Sa Dangwa kayo pupunta. Baka mamaya mabiktima kayo ng basag kotse gang. Sayang yung ipon ko. Hindi ko pa nga nagagamit yun tapos kayo magagamit na! Ano kayo siniswerte?" Sagot ko. "Oo sineswerte kami cause we have good looks!" Sagot ni Nathan. "Ayaw pahiram ni Vince yung Lambo niya. Lugi." Sagot ni Liam. "Kill joy mo Vince! Ano naman kung Dangwa yun? Papark namin sa SM." Sagot ni June. "Kahit na!" Sagot ko. "Okay sige. Back out na tayo guys. Ayaw pagamit ni Vince yung kotse niya." Sagot ni Jay. "Oo nga. Tara na." Sagot ni Liam. "Baka pagbibigwasan ko kayo! Okay lang. Sayang tutulungan pa naman kayo nila Tita sa pagluluto. Sayang naman kung papalampasin natin." Sagot ko. "Laborghini o back out?" Sagot ni Nathan. "May Chevrolet naman eh! Dun na kayong lahat sa Chevrolet!" Sagot ko. "Ok sige! Basta kayo ni Lean Porsche gagamitin." Sagot ni June. "Porsche? Pwede naman yung Mustang ko." Sagot ko. "Kita mo?! Napaka daya mo talaga!" Sagot ni Nathan. "Ha? Ako madaya? Eh iisang lugar lang naman yung pupuntahan niyo? Ang gastos niyo sa gas! Konti lang naman ata deprensya kapag Divi at Dangwa." Sagot ko. "Kesa prinoproblema niyo yung sasakyan eh isipin niyo na lang yung oras ng pagkikita natin sa label kasi si Vince eh pakakantahin natin!" Sagot ni Lean. "Oo nga pala. Ngayon mo papracticin yung Adore You." Sagot ni Liam. "Tsaka wag niyo kalimutan pasasayawin din natin siya ng Beautiful at My Type." Sagot ni June. "Alam ko takbo ng utak ni Ems kaya tuturo din natin kay Vince yung chorus ng Killing Me at Love Scenario." Sagot ni Lean. "Akala mo hindi ko pa yun alam Lean no? Kabisado ko na yung mga sayaw dun sa kanta na yon. Sa araw araw ko ba namang napapanood yun sa laptop at tv ni Ems eh." Sagot ko. "Aba Vince. Pakitaan mo kami mamaya ah." Sagot ni Liam. "Kumain na nga kayo! Dami niyo pang satsat eh!" Sagot ni Lean. Kumain na kami ng breakfast. Matapos kumain ay pumunta ulit ako sa kwarto ko para kunin yung susi ng Chevrolet na iniwan ni Mama at Mustang ko. Ayoko pagamit yung Lamborghini kasi baka magasgasan bago pa lang. Kakabili ko lang nun bago ako umalis. Regalo ko sa sarili ko for surviving highschool. Hindi ko rin naman magagamit pa kasi may Porsche ako sa Singapore. Gagamitin ko na lang kapag dito na ulit ako mags-stay. Bumaba na ulit ako at hinagis kay Jay yung susi. "Ingatan niyo! Kay Mama yung Chevrolet!" Sagot ko. "Oo!" Sagot niya. "Lean! Iwan mo na yan kay Liam! Tara na!" Tawag ko kay Lean na naghuhugas ng plato. "Liam! Ikaw na dito! Alis na kami ni Vince!" Sigaw naman ni Lean at lumabas na ng kusina. Nagpunas muna siya ng kamay bago kinuha yung bag niya. "Tara na." Saad niya. Sabay na kaming lumabas ng bahay. "Bahala na kayo diyan ah!" Ani ko. "Oo! Magingat kayo!" Sagot ni Nathan. Nagpunta na kami sa garahe. Sumakay muna ako sa kotse at inilabas ito bago ko pinasakay si Lean. "Oo nga pala Lean. Saan nga pala yung k-pop store dito sa Pilipinas?" Tanong ko. "Meron sa SM MOA. Bakit?" Sagot niya. "Eh balak ko kasi ibili si Ems ng green version ng Return para makumpleto niya yung mga versions ng Return tapos welcome back sana kaso sa Singapore na lang. I Decide na lang yung bibilhin ko dahil yun yung bago nilang album." Sagot ko. "Diba meron an si Ems nun?" Sagot niya. "Oo pero green version yung bibilin ko." Sagot ko. "Ahhh. Edi magpunta na tayo sa fireworks store tapos after deretso tayo sa Moa. Malapit lang naman dun yung label- wait lang. May tumatawag." Sagot niya. Nagsimula na ako magmaneho para puntahan yung fireworks store na nahanap ni Lean. "Hello." Bati ni Lean sa kausap niya sa malambing na tono. Hindi si Emily yung kausap niya. Iba kasi kapag si Ems halos magsigawan na silang dalawa. Hindi ko na sila pinakinggan at nagpatuloy na lang sa pagdadrive. Dumating kami sa place pasado 10 so bukas na. Pumasok na kami sa loob ng store. "Hi Sir! How may I help you?" Tanong ng receptionist ata ng shop. "Ah magpapagawa po ako ng fireworks." Sagot ko. "Ohhh. Pa fill up na lang po ng form namin. Kasama po diyan yung kung anong words yung gusto niyong included sa fireworks." Sagot niya at inabutan ako ng form. "Uhm Miss how much it will cost po ba kapag 10 minutes yung duration nung fireworks?" Tanong ko. "It will cost 15-20 thousand it depends po kung anong design yung pipiliin niyo." Sagot niya. "What if it's only for 5 minutes?" Saad naman ni Lean. "5-10 thousand po Miss. Depende pa rin po sa design." Sagot nung receptionist. "Vince, magtigil ka hindi ka pa ikakasal. Manliligaw ka pa lang. Sayang 20 thousand. Alalahanin mo hindi makukuha sa ganyan si Ems." Saad niya pagtingin sa akin. Mind reader ba 'to? "Oo na Lean. Talo mo pa Nanay ko." Sagot ko. Finill upan ko na yung form nila. Nilagay ki na lang dun yung design na gusto ko at yung words. Yung 10 thousand na lang yung kinuha ko dahil magaalburoto sigurado si Lean. Pagtapos namin magbayad ay umalis na kami sa place. "Saan tayo pupunta na? Maaga pa naman eh." Ani Lean. "Magpunta na tayong MOA para bumili nung album." Sagot ko. "Wag mo na kaya bilin yung Return. Sa Singapore niyo na lang din bilin. Yung solo ni Bobby na lang yung bilin mo. Love and Fall." Sagot niya. "Ha? Meron pala si Bobby na solo." Sagot ko. Hindi ko narinig yun ah. Di na kasi nakakapag-kwento sa akin si Ems about sa IKON puro kasi kami aral bago bumalik dito. "Meron. Nagahahanap ng album na yun si Ems. Dapat yun yung bibilin niya hindi yung welcome back kaso wala siyang mahanap na online store." Sagot niya. "Sige. Love and Fall na lang yung bibilin ko." Sagot ko. Nagsimula na ako magdrive ng tumunog ang phone ko. Nakalagay kasi iyon sa phone stand na nakainstall sa may aircon ng kotse ko. Nakita kong si Ems ang tumatawag video call. Nag signal ako kay Lean na wag siyang maingay. Sinagot ko na ito. "Hello Ems! Kamusta?" Bati ko at nagpatuloy sa pagdadrive. "Nasaan ka?" Tanong niya. "Ah nagdadrive ako here sa New York. Napatawag ka." Sagot ko. "Eh kasi namimiss na kita eh. Sana all nakakapag drive around New York." Sagot niya. Napaapak ako ng wala sa oras sa break. Napatingin ako kay Lean na muntik na masubsob. Buti na lang di nahulog yung phone. "HAHAHAHAHA. Mamaya na lang tayo mag-usap. Mababangga pa ako sa ginagawa mo eh. Oo nga pala so far di ko pa nakikita yung pagmumukha ng ex mo dito." Sagot ko. "Ano gagawin ko? Sapakin mo na lang kapag nakita mo." Sagot niya. "Usap na lang tayo later. Ingat ka diyan." Sagot ko. "Sige. Usap tayo later. Drive safely. Byeee!" Sagot niya at binaba ang tawag. "Vince naman! Mahal ko pa buhay ko! Di pa nga ako nakakapag debut as idol papatayin mo na ko! Tsaka maglalandian na lang kayo paparinig niyo pa sa akin. Konting galang naman sa mga single!" Ani Lean. "Sorry about that. Ganun kami magusap eh." Sagot ko. "Looks like she made it. Hindi niya na mahal si Ken." Sagot niya. "We never know Lean. Matalino si Ems pero nagiging tanga pagdating sa pag-ibig." Sagot ko. "Don't judge a book by it's cover! Sa tingin mo kung mahal niya pa si Ken eh sasagutin ka niya na "Namimiss lang kita eh." Ha sige paliwanag mo nga sa akin yun!" Sagot niya. "Kasi friends kami at madalas kaming magkasama sa Singapore okay?" Sagot ko. Wala naman kakaiba sa boses ni Ems ah. "Ay nako Vince. Ewan ko kung pinsan talaga kita eh! Napaka slow mo at hindi mo napansin yung tone ni Emily! Writer ka pa man din! Tinatakwil na kita!" Sagot niya. "Ano connect ng pagiging writer ko? Tsaka bakit mo naman ako itatakwil? Nanay kita? " Sagot ko. "Diba ang writer eh alam ang different tones ng voice? Bakit ikaw hindi mo alam? Itinatakwil kita bilang pinsan ko! Hindi ka karapat dapat maging Sawyer!" Sagot niya. "Hay ewan ko sayo. Ano ba meron sa boses ni Ems eh parang normal lang naman!" Sagot ko. "Eh kasi namimiss kita eh." Sagot niya na naguulit sa sinabi ni Ems. Sa mas malambing na tono. "Landi naman Lean!" Sagot ko. "See?! Bakit sa akin napansin mo yung kay Ems hindi! Ganun na ganun yung way ng pagsasalita niya!" Sagot niya. "Ha? Hindi ah!" Sagot ko. "Bakit bigla mo inapakan yung breaks nung narinig mo yun?" Sagot niya. "Natural nagulat ako kasi ganun yung sinabi niya." Sagot ko. "Hay bahala ka na nga sa buhay mo!" Sagot niya. "Oh talaga!" Sagot ko at nagpatuloy na sa pagdadrive. Pagdating namin sa SM moa ay dumiretso na kami sa bilihan nung album.
Lean's POV
Ewan ko ba kung saan nanggaling 'tong pinsan ko at hindi naintidihan yung sinasabi ko. Gusto na nga siya ni Ems! Argh! Kapag nalaman pa 'to ni Ems baka ma-turn off pa. Nandito na kami ngayon sa bibilihan niya ng album. Mabuti na lang meron silang Love and Fall album. Yung i Decide madali na yun hanapin dahil bago lang pero yung Love and Fall talagang mahirap. Yun rin kasi yung first solo ni Bobby. Pagkatapos namin bumili ng album ay inaya ko siya sa Starbucks. "Vince, Starbucks tayo!" Aya ko. "Sige. Tatawagan ko na din sila para malaman ko yung nabili nila." Sagot niya. Nagpunta na kami sa Starbucks. Umorder kami ng tig-isang frappe at cookies ang akin sa kanya naman ay cake. Ng makuha ang order ay umupo kami malapit sa glass wall. Agad niyang nilabas ang phone niya at nagdial. "Hello Nathan. Ano balita sa inyo?" Aniya. "Ah sige sige. Naglunch na kayo?" Saad niya sa kausap. "Wow. Sana all. Sige sige. Kita kita na lang tayo sa label. Oo. Nandito kami sa MOA eh. May binili pa kasi ko. Oo. Geh bye!" Sagot niya sa kausap at binaba ang phone. "Naglunch na daw sila. Maglunch na rin tayo. Almost lunch time na rin kasi." Aniya. "Mamaya na. Kita mong nagkakape tayo oh!" Sagot ko. "Okay okay." Sagot niya. "Oo nga pala. Bukas kayo magkikita nila Tita diba? Ano gagawin mo?" Sagot ko. "Basta sunduin mo sa kanila si Ems. Maggala kayo tapos ichachat kita kapag ihahatid mo na ulit siya sa kanila." Sagot niya. "Saan naman kami gagala? Sm Pampangga eh palagi na kaming nandun. Dun kami pumupunta kapag nagkikita kami." Sagot ko. "Alangan namang dalin mo siya dito edi napabili yun ng album." Sagot niya. "Aish tatanong ko na lang sa kanya!" Sagot ko at nilabas ang phone ko para ichat siya.
Me:
Ems, gala tayo bukas. Saan mo ba gusto?
Emily Savvanah:
MOA sana kaso walang kotse. Hindi ko pwede idrive yung kotse ni Kuya Mark kasi gagamitin nila Mommy. May lakad daw sila eh.
Me:
Dating gawi na lang ba?
Emily Savvanah:
Ganun na nga. Robinsons muna tapos SM para maiba naman HAHAHAHAH.
Me:
Sige sige. Sunduin na lang kita diyan sa inyo.
Emily Savvanah:
Susunduin mo ko dapat hatid mo din ako.
Me:
Oo. Hahatid din kita. Ako bahala sayo.
Emily Savvanah:
Sabi mo ah! Ganyan papaalam ko kay Mommy.
Me:
Gusto mo tawagan ko pa si Tita para sayo?
Emily Savvanah:
Wag na. Para kang si Vince!
"Na compare pa talaga ko sayo!" Reklamo ko. "Bakit? Ano ba sabi niya?" Sagot niya. "Inaya ko na siya na mag-gala. Sabi ko kasi hahatid ko din siya sa bahay nila. Tapos sabi ko gusto niya tawagan ko pa si Tita para sa kanya. Ganon ka din ba sa kanya?" Sagot ko. "Oo kapag nagaasaran kami. Kasi sa sobrang busy sa nursing school minsan na lang sila nagkakausap ni Tita." Sagot niya. "Ah kaya. Tara na nga. Magpunta na tayo sa label. Nandun na ata sila." Sagot ko. "Hindi na tayo maglulunch?" Sagot niya. "May time pa ba para maglunch? Magpadeliver ka na lang after practice." Sagot ko. Dinala na namin yung natira naming frappe at nagpunta na sa parking lot. Ng makasakay kami sa kotse ay mabilis niya itong minaneho papunta sa label. Hindi naman kalayuan dito yung label kaya saglit lang ang naging biyahe. Pagdating namin sa dance studio nagkakagulo nanaman yung pinsan ko. "Uy nandiyan na pala kayo. Kamusta gala?" Bati ni Liam. "Gala?! Kami?! Bumili lang kami ng album ni Ems." Sagot ni Vince. "Oo nga. Kayo ba? Ano nabili niyo?" Sagot ko. "Syempre yung mga inutos niyo. Yung kandila tapos baso. Yun lang. Kinailangan pa landiin ni Jay yung tindera para bigyan kami ng discount." Sagot ni Nathan. "Eh magkano daw yung petals sa Dangwa?" Sagot ni Vince. "500 roses na yun." Sagot ni June. "Hayst. Magconfetti na lang tayo. Marami kong papel sa dorm ko." Sagot ko. "Bond paper. Lugi." Sagot ni Jay. "Kamahal mahal ikakalat lang sa sahig." Sagot ko. "Eh Lean mayaman naman tayo eh." Sagot ni Liam. "Wala kong pake. Alam niyo kahit magkano gastusin niyo hindi naman yan papansinin ni Ems eh. Effort yung lalamang sa kanya. Kaya wag na kayo gumastos ng gumastos. Sinasabi ko sa inyo. Sayang din. Mas kikiligin pa siya sa sayaw niyo kesa sa mga kandila at roses kuno niyo! Magstretching na kayo! Ng makapagpractice na!" Sagot ko. Nagstretching na kami at nagwarm up. Pagkatapos ay nagsimula na kaming magsayaw ng 'My Type'. Pagkatapos namin magsayaw ay nagpahinga muna kami. "Vince, mag order ka na ng lunch natin. Hindi naman tayo kumain sa MOA diba?" Saad ko. "Bakit di pa kayo kumain dun? Dami daming kainan eh." Sagot ni Nathan. "Eh sa ayaw namin kayo paghintayin eh. Nakakahiya kasi kaapg pinaghintay kayo." Sagot ko. "Ewan ko sa inyo. Oorder na lang ako para matahimik na kayo. Ano ba gusto niyo?" Sagot ni Vince. "Jowa! May recommendation ka ba?" Sagot ni Nathan. "Pagkain Nathan! Wag kasing masyadong malandi!" Sagot ni Jay. "Gusto mo ng jowa? Pm mo Zoe Lizara Nightmare. Bestfriend ko yun. Wala pang jowa. Nagahahanap din. Kung gusto niyo naman ng LDR Andy Woods." Sagot ko. Binubugaw ko na yung mga single kong kaibigan. Yari ako kapag nalaman nila 'to. "Oh Nathan pm mo na." Saad ni June. "Lean baka naman meron ka pang bestfriend na wala sa ibang bansa. Reto mo naman ako." Ani Liam. "Wala na eh. Hindi pwede si Ems kasi magsasapakan kayo ni Vince pag nangyari yun." Sagot ko. "Gara naman si Nathan pa nakakuha nung last slot HAHAHAHAHAHAH." Sagot ni Liam. "Ikaw talaga Lean dami mong nirereto sa kanila. Yung mga nirereto mo pa eh matitinong babae. Si Zoe nagaaral din ata sa ibang bansa eh! Hindi nagpaparamdam sa gc eh. Kasabay ng pagkawala ni Sandra ang pagkawala ni Zoe. Si Andy you know naman na di yun interested sa relationshits na yan!" Saad ni Vince. "Hindi nag-aaral sa ibang bansa si Zoe. Nasa Franklin University pa rin siya. Syempre consistent student leader ang bestfriend natin. Busy lang siguro siya sa school. She's taking business course eh. Kaya hindi din nagpaparamdam sa gc madalas." Sagot ko. "Ahhh. Sorry naman. Eh ano nga kasi gusto niyong pagkain?" Sagot niya. "Bonchon na lang." Sagot ko. "Sus. Wag yun Vince. Jollibee." Sagot ni Jay. "Pambata naman yun Jay eh! Chowking na lang!" Sagot ni June. "Bonchon Vince. Sa'kin ka makinig. Mas maayos taste buds ko kesa sa kanila." Sagot ni Nathan. "Ewan ko sa inyo. Oorderin ko na lang kung ano yung gusto ko. Kinonsiderate ko lang yung existence niyo dito sa room." Sagot ni Vince.Habang naghihintay ng inorder ni Vince ay nagphone muna ako. Nakita kong may post si Ems na may caption "Alone at the mall". Agad naman akong nagcomment.
Lean Sawyer:
Sanaol nakakagala. Ako nandito sa studio para magpractice.
Vincent David Sawyer:
Hoy! Ikaw lang mag isa? Umuwi ka na! Baka mamaya may mangyari sayo eh. Wala ako diyan para mabantayan ka.
Emily Savvanah:
Nag eenjoy pa ko wag kang KJ Vincent David Sawyer!
Hindi na ako nagcomment pa dahil naiinggit lang ako. Pinaorder ko lang naman 'to ng pagkain nakipaglandian na sa facebook ano ba naman yan oh! Ng dumating yung inorder na food ni Vince ay naguunahan pang manguha ng pagkain yung mga lalaki kong pinsan. Akala mo mga hindi nakakain ng ganun. "Umayos nga kayo! Para kayong mga patay gutom!" Saway ko. "Bakit ba Lean? Minsan lang manlibre si Vince eh!" Sagot ni Liam. "Minsan?! Nilibre ko nga kayo pagdating na pagdating ko eh! Ako nagbayad nung samgyupsal na kinain natin kahapon!" Sagot ni Vince. "Maka minsan ka naman Liam!" Sagot ko. "Enjoyin niyo na lang. Mas masarap talaga ang pagkain kapag libre." Sagot ni Nathan. Gabi na ng matapos kami sa rehearsals. Kay Vince ulit ako sumabay. Dumaan muna kami sa bahay namin para kumuha ng damit ko. Ng makarating kami sa bahay nila Vince ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis. Sa sobrang pagod ko sa pagsayaw ay nakatulog agad ako. Nagising ako dahil may yumuyugyog sa balikat ko. "Hmmm ano ba?" Ani ko. "Gumising ka na! Puntahan mo yung reservation ko sa Tabang!" Sagot ni Vince. Narecognize kong siya si Vince dahil sa salitang "reservation". "Bakit ako? Kay Nathan mo na lang pagawa. Magpapahinga ako. Mamaya mo pa naman tetext sila Tita diba?" Sagot ko. "Aish sige na nga." Sagot niya at lumabas na ng kwarto. Nagbalik ako sa pagtulog dahil pagod na pagod talaga ko kahapon. Nagising ako ng bandang twelve pm dahil flooded na ng chats ang phone ko.
Emily Savvanah:
Lean ano na? Alas dose na ohhhh!
Lean magpaplano ng gala tapos late ka dadating dito sa bahay!
Agad akong nagreply.
Me:
Sorry nandito kasi ko sa bahay ni Nathan. Nasa rehearsals ako kahapon. Sorry. Pupuntahan na kita. Magbibihis lang ako.
Emily Savvanah:
Sige. Dun na lang tayo maglunch sa SM.
Me:
Sige sige.
Agad akong tumayo at pumunta na sa banyo ng kwarto at naligo. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at nagmamadaling inayos ang mga dadalin ko. Mabilis akong bumaba ng hagdan. "Hoy Lean saan ka pupunta?" Tanong ni Nathan. "Gagala kami ni Ems." Sagot ko at mabilis na lumabas na ng bahay. Tumatakbo ko palabas ng subdivision nila Vince. Mabilis akong pumara ng tricycle. Nagpahatid ako sa barangay nila Ems. "Oh Lean. Bakit nandito ka?" Bati ni Kuya Mark. "Ay hi Kuya Mark. Si Ems po?" Sagot ko. "Nandun sa taas eh. Aalis daw siya." Sagot niya. "Ah opo. Ako kasama niya." Sagot ko. "Oy Lean! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kitang 10 tinatawagan." Saad ni Ems. "Eh sorry. Galing ako manila kahapon. May rehearsals kami. Tapos pinaghanda ko pa sila Nathan ng kanilang dinner." Sagot ko. "Hay tama nga first impression ko sa mga pinsan mo. Mga tamad." Sagot niya. "May! Aalis na si Ate Ems mo! Magpaalam ka na!" Tawag ni Kuya Mark sa anak niya. "Bye bye Ate Ems! Say hello to Kuya Vince for me ah!" Saad naman ni May. "Oh hi Ate Lean! How are you?" Bati niya sa akin. "Hi! Tara na Ems. Tawagan mo na lang si Vince sabihin mo nakaalis ka na." Sagot ko. "Okay. Bye-bye May. Kita na lang tayo later!" Sagot ni Ems kay May. Sabay na kaming lumabas ng bahay nila. "Mahalagang paalala para sa mga chismosa. Bago kayo magpakalat ng chismis magresearch muna kayo!" Sigaw ko. Agad naman akong nakatikim ng hampas kay Ems. "Bakit? Papakalat nanaman nila na magjowa tayo? Eh si Vince jowa mo!" Saad ko. "Hindi nga kami ni Vince! Hindi nga nanliligaw yung pinsan mo na yon eh! Pero savage ka dun ah. Rinig na rinig ng mga chismosa sa tapat namin." Sagot niya. "Basta sa bagong taon meron ka nang manliligaw naprepredict ko. Ganon sa training namin. Sinisigaw namin yung nga hinanakit namin sa kapwa trainees namin para aware sila at walang chismis." Sagot ko. " Wow sana all naprepredict yung future. They raised you well." Sagot niya. Ng makarating kami sa labas ng barangay nila ay sumakay kami ng tricycle at nagpahatid sa bus stop. Habang naghihintay ng bus ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang dahilan ng pagtunog nito.
Nathan calling...
Aish! Bakit kaya 'to tumatawag? Sinagot ko na lang at baka masigawan ako paguwi. "Oh bakit?" Sagot ko sa tawag. "Eh sino ba sasama sa atin kay Vince?" Sagot niya. "Ano?! Sasamahan pa siya?! Tanongin mo nga kung hihingi ba ng permiso o mamanhikan siya. Nako! Hindi pa naman kasal pero sobra na yung paghahanda." Sagot ko. "Pinagpapawisan na ng malamig wala pa man din." Sagot niya. "Kaya niyo na yan. Oo nga pala. Sabihin mo kay Liam irehears siya sa Adore You kasi hindi pa niya napractice yun." Sagot ko. "Sige sige. Tinatanong niya kung yung fireworks daw ba eh ok na?" Sagot niya. "Bukas pa yon." Sagot ko. "Sige sige. Nasaan ka na ba?" Sagot niya. "Nandito sa bus stop. Naghihintay ng bus papuntang SM bakit?" Sagot ko. "Papuntahin ko na lang si June diyan. Papahatid ko kayo sa SM. Init init nandiyan kayo. Magagalit si Vince niyan." Sagot niya. "Sige. Anong magagalit? Sapakin ko pa mukha niya eh." Sagot ko at binaba ang tawag. "Sino kausap mo? Mukhang high blood ka. At sino yung magpapractice ng Adore You?" Tanong ni Ems. "Ah si Jay. Kasi si Liam ang pinakamagaling sa vocals sa amin. Yun kasi assigned song kay Jay para sa evaluation nila." Sagot ko. "Ah okay." Sagot niya. "Oo nga pala. Susunduin daw tayo ni June dito." Sagot ko. "Sige sige. Sasama din ba siya?" Sagot niya. "Hindi. May lakad din ata siya eh." Sagot ko. "Ahhh." Sagot niya. Habang hinihintay si June ay nagheadset na ako. Pinapakinggan ko yung ibang songs ng mgs k-pop idols na prinapractice naming sayawin.
Emily's POV
Something's strange this past few days. Kapag tinatawagan ko si Vince minsan randomly ko siyang naririnig na pinapatugtog yung Beautiful by iKON. Minsan My Type. At kay Lean medyo weird din siya. Lalo na ngayon. Hindi naman 'to nagaaya ng gala kapag pagod siya galing sa training eh. May huminto sa tapat naming Chevrolet SUV at binaba ang bintana nito. "Hi Lean. Tara na. Oh hi Emily." Bati ni June. "Hi!" Sagot ko. "Sakay na kayo. Hahatid ko kayo sa SM. Dun gala niyo diba?" Sagot niya. "Ah oo. Sa likod na ko. Si Lean na sa front seat." Sagot ko at sumakay na sa likod. Ng makasakay na si Lean ay nagsimula na siyang magdrive. "So what playlist do you listen Emily?" Tanong ni June. "iKON. Hindi na ako nakakapag search ng mga opm kasi mas madalas akong nagsstream ng mga tugtog ng IKON." Sagot ko. "So what's your favorite song of iKON?" Sagot niya. "Marami. Love Scenario, Apology, My Type, Good Bye Road pero yung pinaka favorite ko Adore You at Perfect." Sagot ko. "Eh sino naman bias mo?" Sagot niya. "Depende sa mood. Minsan si B. I, minsan si Bobby, minsan si Song. Pero this past few days si Chanwoo bias ko. Siguro next week si DK na o kaya si Ju-ne." Sagot ko. "Tunay ka nga talagang iKONIC. Hindi makapili ng bias eh. Pero interested ka naman ba sa ibang groups?" Sagot niya. "Oo naman. Gusto ko yung Astro kaso wala pa akong time para magresearch tungkol sa kanila. Tsaka magastos maging iKONIC. Kakabili ko lang nga ng full version nung debut album nila eh. May bago pang album si Bobby. Di ko pa nga nabibili yung luma niyang album." Sagot ko. "Okay lang yan Ems. Mabibili mo din yun." Sagot ni Lean. "Matanong kita. Kayo na ba ni Vince?" Tanong ni June. "Ha? Bakit mo naman natanong yan? Syempre hindi. Friends lang kami." Sagot ko. "Eh for example he will court you. Papayag ka?" Sagot niya. "Matagal na namin yan pinag usapan ni Vince. Kung manliligaw nga siya eh pwede naman. Basta kausapin niya sila Mommy HAHAHAHAHAH." Sagot ko. Hindi na siya sumagot at nagpatuloy na lang sa pagdadrive. Pagdating namin sa SM ay naglibot-libot muna kami ni Lean bago napag desisyonan na maglunch.
Vince's POV
Kinakabahan ako wala pa man din. Baka mamaya hindi pumayag si Tita. Hindi daw makakarating si Tita Mhel dahil may errands pa daw siyang gagawin sa Manila. "Wag ka kabahan Vince. Chill lang. Papayag yung mommy ni Emily." Ani Liam. "Maaga pa Vince. Para ka namang ewan eh. Paano ka na mamaya? Hindi ka naman namin masasamahan." Saad ni naman Nathan. "Nakakaba kaya. Kahit kilala na nila ko kinakabahan pa rin ako." Sagot ko. "Wag ka kabahan. Hindi ka naman mamanhikan eh." Sagot ni Liam. "Bakit ba kasi pinipilit niyo mamanhikan ako? Alam niyo ba ibigsabihin non?" Sagot ko. "Eh bakit ba kasi nagpapasama ka pa sa amin? Para ka namang ewan eh. Manliligaw ka pa lang naman." Sagot niya. "Bahala na mamaya. Matutulog na muna ko." Sagot ko. Weird pero para makalimutan ko yung kaba natutulog ako. Nagising ako ng 4:30 pm. Naligo na ako at nagbihis. Simpleng long sleeves lang at maong na pantalon ang suot ko. Nagpabango na din ako at binuksan ko yung phone ko. Chineck ko kung may chat si Lean.
Lean:
Vince, anong oras ko hahatid si Ems?
Me:
6 pm. Samahan mo muna siya sa bahay nila.
Lean:
Ok. Good luck! Wag ka kabahan. Kilala ka naman ni Tita eh.
Me:
Hindi kasi ikaw yung nasa part ko kaya di mo alam yung kaba. Bahala ka na kay Ems ah. Ingatan mo yan. Babalik pa kaming Singapore.
Lean:
Oo. Para namang sasaktan ko si Ems eh!
Me:
Baka ireto mo yan kung kani-kanino.
Lean:
Wala kang tiwala sa akin. Syempre hindi noh! Para kang timang!
Hindi na lang ako nagreply at ibinulsa ko na yung phone ko. Gusto ko sana sunduin sila Tita kaso maraming chismosa kila Ems kaya baka mapurnada din yung plano ko. Magpupunta muna kong mall para ibili sila ng gifts. Nakakahiya naman na wala akong dala para sa kanila. Lumabas na ako ng kwarto. "Wow Vince. Gwapo naman!" Bati ni Nathan. "Kulang ka nanaman sa pansin, Nathan. Mas maganda tawagan mo yung fireworks place at itanong mo kung nagawa na yung fireworks na pinagawa ko kahapon." Sagot ko. "Sige sige. Lumayas ka na. Ingat ka. Good luck!" Sagot niya. "Okay. Thank you." Sagot ko. Sumakay na ako sa kotse ko at nagpunta na sa mall para bumili ng gifts para sa kanila. Perfume na lang ang bibilin ko. Hindi ko alam gusto nila. Pagkatapos ko bumili ay umalis na ako ng mall at nagpunta na sa meeting place namin nila Tita. "Hi Sir. Do you have reservation?" Tanong nung isang babae na staff ng restaurant. "Ah yes. Vincent David Sawyer." Sagot ko. "This way Sir." Sagot niya at hinatid ako sa table na pinareserve ko. Nilabas ko muna yung phone ko at nagbrowse sa facebook ko. May nakita kong post sa isang wattpad page.
Two of your favorite wattpad authors is dating...
Tinignan ko ang comment section. May readers na nagmemention sa amin ni Ems. Grabe di lang pala sa k-pop may saseng pati pala sa aming wattpad authors meron din. Hindi na lang ako nagreact dahil baka maspoil sila. Habang nagbrobrowse ako ay nararamdaman ko nanaman ang kaba. Wala pa nga sila Tita kinakabahan na ako. Binulsa ko na ang phone ko dahil alam kong anytime ay dadating na sila. 5:30 na kasi. 6pm kasi sabi ko. "Nako Vince sorry late kami dumating." Bati ni Tita Edna. "Hindi po. Inagahan ko po para sa inyo." Sagot ko. "Hi Kuya Vince!" Bati ni May. "Hi May! How are you?" Sagot ko. "I'm good Kuya." Sagot niya. "Ay oo nga po pala Tita. Ito lang po yung nabili ko para po sa inyo." Saad ko at inabot sa kanila yung binili kong perfume. "Nag-abala ka pa." Sagot ni Kuya Mark. " Okay lang Kuya Mark. Hindi ko kasi kayo naibili nung pabalik ako dito eh. Have a seat na po." Sagot ko. "Excuse me Miss." Tawag ko sa waitress at inabutan kami ng menu. Sinabi na nila yung mga order nila pati na rin ako. "So... For what reasons at bakit tayo nandito?" Tanong ni Ate Gab at may mapang asar na ngiti. Huminga muna ko ng malalim bago nagsalita. "Gusto ko po humingi ng permiso na ligawan ang anak niyo." Sagot ko. "Teka muna. Bilang tumatayong tatay ni Ems eh paano mo magagarantiya sa amin na hindi mo siya sasaktan katulad ng ginawa ni Ken?" Sagot ni Kuya Mark. "Oo nga. How will you give us assurance na hindi mo siya sasaktan katulad ng ginawa ni Ken?" Sagot ni Tita Edna. "Handa ka bang magsibak ng kahoy at mag igib ng tubig para kay Emily?" Sagot naman ni Tita Marie. "Matagal na po kami magkaibigan ni Emily at alam ko po kung gaano siya nasaktan ni Ken. Ayoko na po maulit sa kanya yung nangyari sa kanila ni Ken." Sagot ko. Napahinto na lang kami sa paguusap dahil dumating na yung pagkain. Kumain muna kami. Pansamantala akong nakahinga ng maluwag dahil dumating na yung pagkain. Habang kumakain ay nagvibrate ang cellphone ko. Nilabas ko ito sa bulsa ko at pasimple kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Nathan lang pala. Kinancel ko na lang ito at nagpatuloy na lang kumain. Pagkatapos namin kumain ay sinerve na ang dessert. "So going back to the topic. How can you guarantee to us na hindi mo sasaktan si Ems? Hindi dahil sa matagal na kayong magkaibigan o alam mo kung gaano siya nasaktan dahil kay Ken." Saad ni Kuya Mark. "Mahal ko po si Emily. Kapag mahal mo ang isang tao hindi mo kakayanin na saktan sila. Para sa akin po kasi kapag nag grilfriend ako hindi pang laro lang katulad ng ginawa ni Ken. Ako po yung tipo ng lalaki na kapag nagirlfriend sinisigurado ko po na maihaharap ko siya sa altar." Sagot ko. "Mahal mo si Ems pero paano kung hindi ka pa niya mahal? Paano kung yung companionship mo lang yung gusto niya? We all know that she's still into Ken. Kahit di natin nakikita sa mga kilos niya." Sagot ni Tita Edna. "Hihintayin ko po yung araw na mahalin niya din ako. Kung magiging rebound po ako okay lang. Kakayanin kong masaktan at least naranasan ko ang mahalin niya." Sagot ko. "Paano kung di dumating yung araw na yun?" Tanong ni Ate Gab. "Edi kung hindi ihahatid ko siya kay Ken. Alam ko naman po na si Ken ang happiness niya pero hindi ko na po kayang nakikita na nasasaktan siya dahil sa kanya at sa bestfriend niya. I will take the risks even though at the end, I'll get hurt." Sagot ko. "Wow. Mahal mo nga talaga pinsan ko. Hindi pa ako nakaka-encounter ng ganyang lalaki sa modern society." Sagot ni Kuya Mark. "Aasahan ko yan Vince. Hahayaan kita ligawan yung anak ko kasi alam kong hindi mo siya sasaktan. Pinagkakatiwala ko na sayo ang anak ko lalo na at malayo siya sa amin. Ikaw ang aasahan kong magalaga sa kanya at si Ate Gab mo." Sagot ni Tita. Tuluyan na akong nakahinga ng marinig ito. "Thank you po Tita! Aalagaan ko po talaga si Ems." Sagot ko. "Nanay. Why is Kuya Vince so happy?" Tanong ni May. "Ah kasi baby Kuya Vince will finally have the chance to be with your Ate Emily." Sagot ni Ate Gab. "Hindi pa po ba sila together kasi diba po they go to school with you?" Sagot niya. Cute talaga ni May. Parang noon lang kinakarga-karga lang namin siya ngayon malaki na siya. "You will understand it kapag malaki ka na." Sagot ni Ate Gab. Pagkatapos ng dinner namin ay nagkanya-kanya na kaming uwi. Pagdating ko ng bahay nagkukumpulan na sila sa sala. Pati si Lean nandun na din. "Oh bakit nandito ka na Lean? Sabi ko diba samahan mo si Ems." Saad ko. "Kaya niya na daw sarili niya." Sagot niya. "Oh kamusta pamamanhikan mo, Vince?" Tanong ni Jay. "Jay, hindi nga yon pamamanhikan. Humihingi lang ng permiso na ligawan yung anak nila." Sagot ko. "Oh ano nga nangyari?" Sagot niya. "Well, okay naman. Nakapasa ko." Sagot ko. "Wow! That's good. Edi makakapag practice ka na ng mapayapa?" Sagot ni June. "Oo nga at makakanta ka na din ng Adore You na hindi pumipiyok?" Sagot naman ni Liam. "Sabi ko sayo Vince eh! Papayag naman si Tita eh! Pero may isa ka pang kailangan daanan HAHAHAHA. Si Andrea Lj Woods. Ang mother ng seener squad. Sa tingin mo basta basta ka na lang? Si Andy pa. Pagtapos mo kay Andy tapos na talaga lahat." Sagot niya. "Andy? Sige! Bukas! Set mo ko ng meeting sa kanya. Akyat na ako. Magpapahinga na ako para makapag practice tayo ng maaga bukas." Sagot ko. "Dun na lang tayo sa garahe magpractice bukas. Nakakatamad lumuwas eh." Sagot ni Nathan. "Sige." Sagot ko. Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos maligo ay nakipag-video call lang ako kay Ems at natulog na.
A/N: Enjoy reading Bemskies! Sana nagustuhan niyo yung update ko. Please vote, comment and share! Thank youuu!❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top