CHAPTER 15: TOUCH DOWN PHILIPPINES
Ken's POV
Matatapos na ang taon pero may pahabol pa talaga. Pinapatawag ako ngayon sa opisina dahil dun sa article na nilabas ng ewan ko ba kung sino. Nilabas pa talaga nila yung nangyari sa conference room. Masasabon nanaman ako nito. Pagdating ko sa opisina ay dumeretso na ko sa opisina ni Papa. Kilala na ako ng secretary niya kaya di ko na kailangan magpakilala pa. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang malamig na tingin ng aking ama. "You met her on your trip to Singapore right?" Saad niya. "It's none of your business." Sagot ko. Wala naman talaga siyang pake kung nagkita ba kami ni Emily o hindi eh. "Sumasagot ka pa talaga ah. Anong meron sa kanya at nagiging ganyan ka Ken?" Sagot niya. "Meron sa kanya? Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon meron pa rin kayong anak na walang kwenta katulad ko! At least sa kanya naramdaman ko na worth it ako. Hindi katulad dito na palagi na lang kayo pumipili para sa buhay ko!" Sagot ko. Agad siyang lumapit sa akin at kwinelyuhan ako. Tiningnan ko lang siya ng malamig. "Ano Papa? Saktan mo na lang ako kesa pinapahirapan niyo ko ng ganito!" Saad ko. Hindi na siguro siya nakapagtimpi kaya niya ako sinapak. Pumutok ang labi ko sa pagkakasapak niya. Pinunasan ko ang dugo at lumabas na. Umuwi na ako sa condo. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang masamang tingin ni Ate. "Your messing Ken. What is this I heard that after your flight in Singapore you stopped attending classes. Ano bang gusto mo sa buhay ha?!" Tanong ni Ate pagkapasok ko. "At tignan mo 'tong grades mo?! Ano ba 'to?! Ha! Hindi ka naman ganyan nung senior high ah!" Aniya pa. "You know what. I just want to rest. Just keep your mouth shut please." Sagot ko. Lumapit siya sa akin at sinampal ako ng napakalakas. Yung tipong namasa yung mukha ko. "Ganyan ka na sumagot sa Ate mo nga yon ah!" Sagot niya. Hindi na ako sumagot at umakyat na sa kwarto ko. Okay na yung isang sapak at sampal. Gusto ko na magpahinga. Kinuha ko na lang yung cellphone ko at binuksan ito para mag online sa Achlys Nyx account ko. Ichachat ko na lang si Emily baka sakali magreply.
Me:
Usap tayo?
Naghintay ako sa reply niya pero umabot na ng gabi wala pa rin kaya naglog out na lang ako. Habang gumagawa ako ng digital drawing sa iPad ko ay biglang nagring ang phone ko. Si Bunso tumatawag. Sinagot ko na lang ito at nilagay sa phone stand ko. Nagpatuloy ako sa pagd-drawing na ani mong walang kausap. "Ano nangyari kuya? Kilala kita. Nagd-drawing ka nanaman. Alam kong bad trip ka." Saad niya. Tumingin naman ako sa camera. "Its just that. I'm fcking tired of everything. Kung pwede lang ako bumalik ng Pilipinas eh." Sagot ko. "Gusto mo diyan ako sa US magnew year. Sasamahan kita. Meron naman akong ipon dito. Plano ko kasi magpunta diyan sa summer break eh. Kaso mukhang mapapaaga." Sagot niya. "No wag na. Wag mo na galawin yung ipon mo. I'll just book you a ticket. Send me your details. Para naman ma-experience mo ulit yung new year in time square." Sagot ko. "Talaga Kuya?" Sagot niya. "Oo. Namimiss na rin kita eh. Para din makapagrelax ka after sem." Sagot ko. "Thank you Kuya." Sagot niya. "Wala yun." Sagot ko. Nagpatuloy na ako sa pagd-drawing. "Tapos na exams niyo?" Tanong ko. "Oo Kuya. Di na ko magpupuyat." Sagot niya. "That's good. Ayoko napupuyat ka eh." Sagot ko. "Si Kuya naman. Ikaw kaya may narinig ako hindi ka na daw umattend sa classes mo pagdating mo galing Singapore. Bakit?" Sagot niya. "Wag mo na muna tanungin yun bunso. Maraming nangyari ngayong araw." Sagot ko. "Sige Kuya. T-teka. Bakit putok labi mo? May sumapak ba sayo?" Sagot niya. "Ako sasapakin nila? Baka mauna ko pa silang masapak eh. Wala 'to. Wag mo na lang pansinin. Malayo sa bituka." Sagot ko. "Alam mo ba Kuya na kapag di yan nalinis pwedeng mainfect yan at mamaga?" Sagot niya. Naalala ko nursing student nga pala siya. "Oo na bunso. Lilinisin ko na. Baka di ka makatulog diyan eh." Sagot ko. "Sige Kuya. Linisin mo yan. Ngayon din. Sa harap ko." Sagot niya. "Bunso naman." Sagot ko. "Ay nako Kuya. Bilis na." Sagot niya. "Sige na nga." Sagot ko. Kinuha ko sa drawer ko yung first aid kit ko. Nilinis ko na yung sugat ko habang nasa call. Matapos nito ay tinuloy ko na yung drinadrawing ko. "Ano ba yang drinadrawing mo Kuya?" Tanong niya. "Comics." Sagot ko. "Wow. Saan mo pupublish yan?" Sagot niya. "Basta. Sa'kin na lang muna 'to." Sagot ko. Nagpatuloy ako sa pagd-drawing. Matapos ang call namin ni Sandra ng 10 dahil may kailangan pa daw siyang gawin. Pinatay ko na yung iPad ko at binuksan naman yung laptop ko para ibook ng flight si Sandra dito. Sinend ko na sa kanya yung flight details niya at binayaran ko na din yung ticket niya at accommodations dahil siguradong hindi siya patutuluyin dito ni Ana.
Vince's POV
Bukas ang alis ni Ems dito kaya nandito ako ngayon sa kwarto niya para magimpake. Habang nagtutupi kami ay naisip kong asarin siya dahil dun sa nangyari nung nakaraan. Nagulat ako katabi ko na siya nung paggising ko tapos si Ate Gab naman ay nakatingin sa amin mula sa pinto. "Uyyy Ems. Crush mo talaga ko 'no? Tinabihan mo ko sa kama eh!" Saad ko. Agad naman siyang pinamulahan dahil sa hiya. "Ako may ari ng higaan ako pa mawawalan. Loko ka ba?" Sagot niya. "Aminin. Chansing ka din eh." Sagot ko. "Ano papatulugin mo ko sa sahig? Pagod na pagod na ako eh. Wala na kong choice." Sagot niya. "Oo na. Wala ka nang choice. Pero nag enjoy ako. Lambot ng kama eh." Sagot ko. "Enjoy enjoy ka diyan di na yun mauulit 'no!" Sagot niya. "HAHAHAHAHAHA!" Sagot ko. Nagpatuloy na kami sa pagtitiklop. "Oo nga pala. Nabalitaan mo ba? Delayed flight ni Lean." Ani ko. "Weh? Edi hindi siya makakarating mamaya?" Sagot niya. "Oo. May problema dun sa documents niya eh." Sagot ko. "Problem sa documents? Bakit naman siya magkakaproblem sa documents eh diba galing siyang Korea?" Sagot niya. Alam niya kasi bago magpasukan eh pumunta siyang Korea para magbakasyon. "Eh nag-expire na kasi yung passport niya. Nakalimutan magrenew." Sagot ko. Ang totoo niyan may inutos ako kay Lean na asikasuhin dahil may surprise ako kay Ems sa New Year's eve. Nakita ko kasi last time yung shinare niya na may boyfriend na sinurprise yung girlfriend niya by dancing Killing Me by IKON. So syempre hindi ako papahuli. Ako din HAHAHAHA. Pagtapos namin magimpake ay nagpaalam na ako. "Uwi na ako Ems." Paalam ko. "Sige. Lumayas ka na. Isang linggo ka kaya dito na natutulog at kumakain." Sagot niya. "Grabe. Hindi na ba mauulit?" Sagot ko. "Sa next sem na mauulit." Sagot niya. "Edi wow. Sige na uwi na ako." Sagot ko. "Lumayas ka na. Tatawag na lang ako kapag kailangan kita." Sagot niya. Tumango ako at umalis na. Pagdating ko sa condo ko ay chinat ko na si Lean.
Me:
Kamusta preparations mo diyan?
Lean:
Ok na yung sound system. Sa 31st na lang daw nila iseset up. Ikaw ba? Napractice mo na ba yung mga sayaw?
Me:
Yup. Hirap. Sabi mo Beautiful na yung pinakamadali pati My Type pero ang hirap pa rin eh.
Lean:
Oh sige. Rhythm Ta na lang mas mabilis yun. Love Scenario naman magmumukha ka namang nakikipag-break.
Me:
Yung Adore You potek hirap ng pronounciations.
Lean:
Ginusto mo yan eh. Gawin mo.
Me:
Ito naman eh! Di porket k-pop aspirant ka ganyan ka na.
Lean:
Umuwi ka na lang dito as soon as possible ng maaral natin ng sabay yung steps.
Me:
Geh geh.
Matapos namin mag-usap ay tinuloy ko na ang pag-edit nung video na p-play sa New Year's eve. Marami kong mga stollen pics niya lalo na nung concert. Wala lang trip ko lang na kuhanan siya ng mga stollen pics para kapag naiisip niya na ang panget panget niya may maipapakita kong picture niya na kahit stollen maganda siya. Tsaka sobrang ganda niya nung concert. Sobrang lawak ng ngiti niya na akala mong nanalo sa lotto. Habang gumagawa ay pinapakinggan ko yung Adore You na kakantahin ko sa New Year's eve. Sana magustuhan niya yung hinanda ko para sa kanya. Matapos ko mag-edit ay chinat ko na si Tita Edna.
Me:
Tita pwede po ba kitang tawagan?
Tita Edna:
Tawag? Bakit? Nagkaproblema ba jan?
Me:
Naku hindi po. May ipagpapaalam lang po ako.
Tita Edna:
Ano? Wag na tawag dahil masyadong busy dito sa opisina.
Me:
Sige po. Uuwi po ako sa Pinas sa susunod na linggo kung pwede po eh tulungan niyo po sa paghahanda yung pinsan ko.
Tita Edna:
Anong handa? Para kay Emily ba?
Me:
Opo. Para po sa New Year's eve. Wag niyo po sasabihin kay Ems.
Tita Edna:
Sige. Ingat ka jan ah.
Me:
Opo Tita. Thank you po.
After namin magchat ni Tita ay nagbook na ako ng ticket going to Philippines. Alam naman ni Mama na uuwi ako.
Next Day...
Emily's POV
Kinabukasan maaga kaming gumising dahil 5 am flight namin. Dapat 1 hour before flight nandun na kami sa airport. Plano kasi namin na sa airport na lang kumain para less time and kapag kailangan na mabilisan na lang. Nagulat ako tumatawag sa akin si Vince. Agad ko na lang itong sinagot. "Hello Ems. Sorry hindi kita maihahatid ngayon ah. May gagawin kasi ko eh." Saad niya. "Okay lang. Magpahinga ka na lang. Aalis ka pa going to US diba?" Sagot ko. "Sige. Ingat na lang kayo sa biyahe. Sabihin mo kay Ate Gab ah." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. "Bye Ems. Have a safe flight." Sagot niya. "Bye. Thank you." Sagot ko at binaba ang tawag. Matapos namin mag-usap ay umalis na kami ni Ate Gab at pumunta na sa airport. Nagcheck in muna kami at tumambay sa lobby dahil 5 pa ang dating ng eroplano namin. Chinat ko na si Mommy na nandito na kami sa airport. Pati rin sila Andy dahil alam nilang uuwi ako ngayon. After hours of waiting finally makakasakay na ulit ako ng eroplano. Makakabalik na ulit ako sa Pilipinas. Namiss ko ang buhay sa Pinas kahit ilang buwan pa lang ako sa ibang bansa. Habang biyahe ay nagmumusic lang ako at pa-idlip idlip. "Ems nandito na tayo." Ani Ate Gab. Pagdilat ko maliwanag na. Finally touch down Philippines. Suot ko yung hoodie ni DK. Kinuha na namin yung mga bagahe at tinawagan na ni Ate Gab si Kuya Mark para sunduin kami. Ilang saglit lang ay dunating na si Kuya Mark. "Welcome back, Ems. Kamusta nursing school?" Aniya. "Katatapos lang ng exams namin. 3rd ako sa ranking. Galing pa ko nun ng concert ng IKON." Sagot ko. "Galing ah. Bukas sa Wawa tayo." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. Sinakay niya na yung mga bagahe namin at nagdrive na siya paalis ng airport. Natulog ako buong biyahe namin dahil may jetlag ako. Ginising na lang ako ni Kuya Mark nung nasa tapat na kami ng bahay. Binaba ko na yung bagahe ko. "Emily, nakauwi ka na pala. Kamusta sa Singapore? Tsaka bakit di mo kasama yung lalaki na palaging nagpupunta diyan sa inyo? Wala ka bang pasalubong sa amin?" Tanong ng isa naming kapit-bahay. "Nandun po sa Singapore binabantayan yung merlion. May pabaon po ba kayo nung umalis ako at hinahanapan niyo ko ng pasalubong?" Sagot ko at pumasok na sa loob. Wag kasi kong binabanatan ng ganun kapag may jetlag ako. "Nak! Pasensya ka na hindi kita nasundo. May ginawa pa kasi sa opisina eh." Ani Mommy. "Okay lang po. Pwede na po ba ko matulog? Inaantok talaga ko eh." Sagot ko. "Sige. Nilinis ko na yung kwarto mo. Pati yung mga posters mo dun pinagpupunasan ko na." Sagot niya. "Thank you po. Kayo na po bahala sa bagahe ko. Inaantok na talaga ko." Sagot ko. Tumango lang siya. Yumakap muna ko kay Mommy bago ko umakyat. Pumasok na ako sa kwarto ko na halos puro poster ng IKON ang naging wallpaper. Dinala ko sa Singapore yung mga hindi ko naidikit na poster tapos yung bed sheet ko na pinacustomize na logo ng IKON. Hindi na ako nakapagbihis humiga na lang ako at natulog na. Nagising ako ng magring ang phone ko. Tiningnan ko kung bakit ito tumutunog. Si Vince pala tumatawag. "Hello. Bakit?" Sagot ko. "Wala lang. Tinawagan lang kita kasi gabi na. Kumain ka na. Wala ako diyan para paalahanan ka kumain." Sagot niya. "Thank you. Ikaw ba nagdinner ka na?" Sagot ko. "Oo. Kumakain ako ngayon. Buksan mo yung app ng school natin mamaya ah. Sinend na daw dun yung final ranking at cards natin. Sige na ingat ka diyan palagi." Sagot niya. Nabuhay lahat ng dugo ko ng marinig ko ito at nawala ang antok ko. "Halatang may jetlag ka pa nga. Nakalimutan mo ata eh." Sagot niya. "Oo nga pala. Sorry. Naapektuhan yung memorya ko ng jetlag." Sagot ko. "Sige na. Kumain ka na. Tawag na lang ulit ako." Sagot niya. "Okay. Bye." Sagot ko at binaba ang tawag. Sakto naman na pagkababa ko ay naghahain na sila. "Gising ka na pala. Aakyat sana ko para gisingin ka eh." Ani Mommy. "Eh tumawag po si Vince. Nangangamusta kung may jetlag pa ko." Sagot ko. "Ahhh. Kare-kare ulam natin. Yan na pawelcome namin sayo." Sagot niya. "Bukas dapat ibili niyo ko ng palabok ah. Meron akong surprise." Sagot ko. "Ano yun?" Sagot ni Tita Marie. "Saglit po." Sagot ko. Nilabas ko na ang phone ko at binuksan yung app ng school namin at nilagay sa images nung ranking.
2. Sawyer Vincent David
3. Howards Emily Savvanah
"Ito po." Saad ko at hinarap sa kanila yung images ng rankings. "Galing naman ni Ems! Galing ka pa ng concert niyan at nagsusulat ka pa. Ang sipag mo namang bata." Sagot ni Tita Marie. "Galing mo naman anak. Galingan mo pa lalo para tantanan ka na nila." Sagot ni Mommy. "Opo." Sagot ko. Gagawin ko ito bilang motivation. "Kaya gusto ko para sayo si Vince eh. Matalino na gwapo pa." Sagot ni Tita Marie. "Nako wag niyo yan paparinig kay Vince at lalaki ang ulo." Sagot ko. "Oh siya. Kumain na tayo." Sagot ni Mommy. Umupo na kaming lahat at nagsandok na ng kanin. Habang kumakain ay biglang may tinanong si Mommy. "Anak, kamusta naman yung step brother mo?" Aniya. "Ayos naman po. Hindi siya tulad nung iba na susungitan yung mga kapatid. Nasungitan ko pa nga nung una kasi akala ko sugo nila eh. Pero nung binuksan ko yung album na binigay niya may sulat dun tapos tumawag ako sa kanya para makapagsorry. Kumain lang kami nila Vince. Tapos hinatid namin sa hotel niya." Sagot ko. "Ahhh. That's good." Sagot niya. "Kayo ni Vince? Kamusta?" Tanong naman ni Tita Marie. Agad naman akong nasamid sa tanong. "Ano ba yan Ems. Bakit nasasamid ka?" Ani Mommy at inabutan ako ng tubig. Matapos uminom ng tubig ay sumagot ako. "Kami? Wala namang kami Tita. Ikaw talaga eh." Sagot ko. "Weh? Eh nakikita ko kayo sa facebook palaging magkasama." Sagot niya. "Syempre po parehas kami ng school. Minsan sa condo siya natutulog kapag wala si Ate Gab." Sagot ko. "Ano? Eh saan mo naman siya pinapatulog?" Sagot ni Mommy. "Sa sofa po. Minsan ako naman natutulog sa condo niya kapag meron kaming group researches." Sagot ko. "Ano?! Saan ka naman natutulog?" Sagot niya. "Sa guest room po." Sagot ko. "Syempre sabi mo palagi kayong magkasama kapag wala si Ate Gab mo. Minsan ba may time na nagkatabi kayo?" Sagot niya. Agad namang lumaki ang mata ko sa tanong ni Mommy. "W-wala p-po." Sagot ko. "Bakit nabubulol ka?" Sagot niya. Kinagat ko ang labi ko para mag-isip ng dahilan. "M-meron n-na p-po p-pero kasi sobrang pagod na po ako nun. Katatapos lang nun nung exams tapos may mga requirements na pinapasa mga research. Eh kailangan magprint nasa kwarto ko yung printer kaya po yun. Nakatabi ko siya kasi dun siya sa kama ko nakatulog." Sagot ko. "Aba. Dahil pa rin sa eskwela. Ems naman. Bigyan mo na ng chance. Malay mo kayo talaga para sa isa't isa. Tsaka umaasa ka pa din ba kay Ken? Hindi na yun babalik." Sagot ni Tita Marie. "Yun na nga eh. Ewan ko bakit ginagamit pa rin ng mga hinalimaw yun. Aba ang dahilan sa'kin eh kapag daw tinanggap ko yung kompanya nila papakasal ako kay Ken. Eh kinasal na yon!" Sagot ko. "How dare they used Ken! Wala namang kinalaman yun sa negosyo nila." Sagot ni Mommy. "Business partner ata nila yung tatay ni Ken kaya ganun. May chismis pang sila ang isa sa major stock holder ng kompanya nila Ken." Sagot ko. "Hay nako. Kaya kay Vince ka na lang Ems kesa kay Ken. Mahihirapan ka lang. At least kay Vince nasa field of medicine ang negosyo." Sagot ni Mommy. "Wala pa naman sa mga plano ko yan Mi. Kailangan ko muna makagraduate at makapagtrabaho. Tapos kailangan ko pa magpublish ng libro." Sagot ko. Si Mommy talaga parang gusto na ko ipakasal kay Vince. "Tama. Mag-aral ka muna at ng makapagtrabaho ka sa Singapore katulad ng Ate Gab mo." Sagot ni Tita Marie. "Opo." Sagot ko. Matapos namin kumain ay nagtoothbrush na ko at umakyat na sa kwarto ko. Inakyat na pala nila yung bagahe ko. Maliit na maleta lang ang dinala ko at halos puro pang alis lang dahil meron naman akong mga pambahay dito. Binukas ko na lang yung maleta ko para kapag aalis ay hindi na ako mahirapan magbuklat pa. Magpapaalam ako na magpunta sa Tagaytay bago mag New Year. Meron akong ipon na para dun lang. Hindi naman ako pwede magpunta bukas dahil death anniversary ni Nanay. Hihiramin ko na lang yung lumang kotse ni Kuya Mark. Marunong naman ako magdrive at may lisensya ako na kinuha bago ako pumunta ng Singapore. Si Lean at Vince lang ang matapang na sumakay nung una kong nagdrive sa highway. Sila Andy natakot baka daw maroad to heaven sila. Agad kong binuksan ang phone ko para tingnan kung may message si Vince. May missed call pa. Tinawagan ko ulit siya. "Hello. Bakit ka tumawag?" Bati ko. "Wala namiss lang kita. Matutulog ka na ba?" Sagot niya. "Hindi pa. Ichachat ko pa si Lean. Pupunta kaming Tagaytay sa isang araw. Magpapaalam na lang ako kay Mommy." Sagot ko. "Magdadrive ka?" Sagot niya. "Oo. Kukunin ko pa sa Pampangga yung kotse ni Kuya eh." Sagot ko. "Isang oras kalahati papuntang Tagaytay ah." Sagot niya. "Alam ko." Sagot ko. "Maraming zigzag dun." Sagot niya. "Edi mas maganda. Mas nakakaenjoy. Nakapag-drive na ako sa may zigzag. Subic. Kami nila Tita Mhel." Sagot ko. "19 ka pa lang nun. 22 ka na ngayon. Baka mabangga pa kayo ni Lean." Sagot niya. "Ay. Nako ka Vince. Asikasuhin mo na lang yung mga natitira mong gawain diyan para makaalis ka na papuntang US." Sagot ko. "Opo. Aayusin ko na para makapunta ko sayo." Sagot niya. "Ano?" Sagot ko. "Wala. Aayusin ko na para kako makaalis na ko." Sagot niya. "Ahhh. Kala ko kung ano na eh." Sagot ko. "Sige na. Magpaalam ka na kay Kuya Mark. Bukas na lang tayo mag-usap. Gabi na din eh." Sagot niya. "Dadalaw kami kay Nanay. Gabi na lang tayo makakapag-usap." Sagot ko. "Okay lang. Ingat ka diyan ah. Tsaka kapag nagdrive ka." Sagot niya. "Yes. Ikaw din. Ingat ka." Sagot ko. "Opo. Sigeee bye na. Matulog ka na. Baka mapuyat ka nanaman kaka-outline o kaya kakanood ng Run BTS." Sagot ko. "Sorry ka. IKON tv na pinapanood ko. Next week pa yung Run BTS eh." Sagot niya. "Edi wow. Sige na nga. Bukas na tayo mag-usap." Sagot ko at binaba na ang tawag. Kapag sumagot pa siya hahaba lang usapan. Chinat ko na si Lean.
Me:
Lean Tagaytay tayo.
Lean:
Arat na. Kailan ba?
Me:
Sa isang araw. Kukunin ko pa sa Pampangga yung kotse.
Lean:
Aakyat nanaman ba tayo sa bundok?
Me:
Natural. Yun lang naman pinupuntahan natin dun eh.
Lean:
Okay.
Matapos ko ichat si Lean ay tinawagan ko si Kuya Mark. "Hello Ems. Bakit?" Sagot niya sa tawag. "Kuya, peram kotse. Magta-Tagaytay lang kami ni Lean sa isang araw." Sagot ko. "Oh sige. Kunin mo na lang dito bukas." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. "Sumabay ka na lang sa amin pauwi. Tapos drive mo na lang yung kotse." Sagot niya. "Okay. Kita na lang tayo bukas. Bye." Sagot ko. "Bye." Sagot niya at binaba ang tawag. Matapos namin mag-usap ay ginawa ko na ang skin care routine ko tapos natulog na dahil pagod talaga ko. Kinabukasan ay pumunta kami kay Nanay at nagsalo-salo. Advance christmas celebration na namin ito. Nagsiuwian din pagkatapos dahil may kanya-kanyang gawain. Kila Kuya Mark ako sumakay dahil kukunin ko yung kotse sa Pampangga. "Bakit naisipan mo magTagaytay Ems?" Tanong ni Ate Gab. "Tradisyon na po." Sagot ko. "You will climb the mountain Ate?" Tanong naman ni May. Minsan ko na kasing nakasama si Kuya Mark maghiking sa Mt. Taal. "Yes baby. Ate will climb mountain." Sagot ko. "Bakit ka po magc-climb dun? Meron po bang money dun?" Sagot niya. "Ah no baby. Diba Ate is with Nanay outside the country? Ate is always studying there kaya wala nang time si Ate para magrelax. Kaya I will climb the mountain to relax." Sagot ko. "Magrelax ka po dun ah. Tapos po kapag big girl na ako sama mo din ako." Sagot niya. "Oo naman." Sagot ko. Ng makarating kami sa bahay ay pinalabas ko na lang kay Kuya Mark yung kotse. Dahil maaga pa naman naisip ko na sa susunod na lang na pagbalik ko tsaka ako umakyat ng Taal. Tatawagan ko na lang si Lean para masundo ko sa dorm niya na malapit dito. "Hello Lean. Sunduin kita. Tagaytay tayo ngayon." Saad ko. "Ngayon?! Teka teka may ginagawa pa ako." Sagot niya. "Tsaka mo na ituloy yan. Hindi naman tayo aakyat ng bundok eh. Mags-starbucks lang tayo." Sagot ko. "Sira ka ba? 1 hour drive para sa Starbucks?! Eh mag-SM na lang tayo kung ganyan lang din pala!" Sagot niya. "Ayoko. Walang overlooking dun." Sagot ko. Gusto ko talaga puntahan yung Starbucks na may ovelooking dahil hindi ko pa ito napuntahan kahit tradisyon ko na. Madalas kasi nalate kami ng dating tapos kailangan pa namin umakyat ng bundok baka gabihin naman kami sa trail kaya deretso park na kami. "Ay magsky way ka kapag ganyan!" Sagot niya. "Skyway?! Eh hindi pa nga ako nakakapagdrive ng flyover." Sagot ko. "Hay. Kakauwi mo lang at magagalit pa sakin si Vince kapag tinanggihan kita kaya kita na lang tayo sa SM Pampangga. Wag ka na magpunta dito." Sagot niya. "Okay. Kita tayo." Sagot ko. Matapos namin mag-usap ay nagpaalam na ako kila Kuya Mark. Alam naman nila Mommy na pupunta kong Tagaytay ngayon. Nagpatugtog ako ng playlist ko na puro IKON dahil mas masarap magdrive kapag sila ang naririnig ko. Nagpunta na ako sa SM Pampangga. Naglibot-libot muna ako sa SM dahil nakakamiss rin naman ang mall sa Pinas.
Lean:
Nasan ka na? Nandito na ako sa may Ferris Wheel
Me:
Geh. Puntahan na kita diyan.
Nagpunta na ako sa may tapat ng ferris wheel. Nakita ko nga siya dun. "Welcome back, Ems. Ano kamusta na?" Bati niya. "Ayun. Ganun pa rin. Nakakabaliw maging nursing student." Sagot ko. "Bakit naman? Hindi ka ba tinutulungan ni Vince?" Sagot niya. "Syempre tinutulungan pero partly lang. Swerte nga niya na pre-med niya nursing tapos meron pang tumutulong sa kanya. Talagang sana all." Sagot ko. "Ay tara na nga. Magdrive ka na at isang oras din yun." Sagot niya. Nagpunta na kami sa parking kung saan ko pinark yung kotse. Sumakay na kaming dalawa. "So bakit ba tayo pupuntang Tagaytay ngayon?" Tanong niya. Nagsimula na ako magdrive. "Hmmm. Gusto ko sana maghike eh kaso pagod ako galing sa biyahe kahapon." Sagot ko. "Hindi mo naman sinagot eh. Nagkwento ka lang." Sagot niya. "Eh ano bang sagot gusto mo? Tradisyon ko naman na na umakyat dun kasi it's the last place where seeners are complete." Sagot ko. "Dahil nanaman ba 'to dun sa nabuksang usapan tungkol sa kompanya niyo na kapag tinake over mo yun eh makakasal ka kay Ken?" Sagot niya. "Well isa na rin yun pero alam mo naman na malapit na mag-29 eh hindi naman ako makakapunta ng 29 kasi marami nang gagawing paghahanda para sa new year." Sagot ko. "Oo nga pala. Malapit na din kayo mag 8 years no? Ano bang balak mo? Siya may bago na dapat di ka papakabog!" Sagot niya. "Di talaga noh! At sinong may sabi sayong wala? Meron din ako 'no?" Sagot ko. "Meron?! Sino?" Sagot niya. "HAHAHAHAHAHA! Syempre wala 'no! I can't do both na eh. Masyado kong busy sa college." Sagot ko. "Sinasabi ko sayo pagsapit ng bagong taon meron ka nang jowa. Kung hindi man jowa eh manliligaw." Sagot niya. "Hayst. Sana nga. Para hindi ako mastuck sa IKON. Baka tumanda na akong dalaga." Sagot ko. "HAHAHAHAHAHA!" Sagot niya. "Maiba tayo. Kamusta love life mo? Palagi na lang kasi love life ko ang topic eh. Maiba naman tayo." Sagot ko. Palagi na kong nasa spotlight eh dapat siya naman. "A-ako? N-natural wala! Busy ako sa training at school 'no? Wala na kong panahon para maglandi." Sagot niya. "Bakit nauutal ka? Meron na 'no?" Sagot ko. "Wala nga. Wag ka ngang ano!" Sagot niya. "Hay sige na nga. Hihintayin ko na lang sa news yung revelation ng relationship mo. Headline for tonight the famous Lean Sawyer is spotted dating someone." Sagot ko. "Loko! HAHAHAHAHAHA!" Sagot niya. After one hour drive ay dumating na kami sa Tagaytay. Kumain na lang kami sa Wendy's dahil yun ang pinakamalapit na kainan sa Starbucks. "Ikaw sa lunch natin ako sa Starbucks." Saad ko. "Okay. Basta burger lang." Sagot niya. "Kumukunat ka ata. Kakadating ko lang tapos burger lang lilibre mo? Ano ka ba naman." Sagot ko. "Hay. Sige na nga. Chicken and spaghetti lang ah." Sagot niya. Napangiti naman ako sa sinagot niya. "Chicken tsaka rice na lang." Sagot ko. Wala naman ako sa birthday party para yun pa orderin namin. Matapos namin kumain ay pumunta na kami sa Starbucks. Hindi na ako nagpaorder ng drinks dahil gusto ko maenjoy yung starbucks dito. "Hay! Tagal kong inintay 'to. Habang nasa Singapore kaya ako ito iniisip ko HAHAHAHAH." Ani ko. "Masyado mong namiss ang Pinas." Sagot niya. "Oo nga eh. Eh syempre naman mas madali dito." Sagot ko. Umorder na kami ng drinks namin at cookies. Sa labas namin pinili umupo dahil meron ngang over looking. "Ano na plano mo? Ilang araw na lang bagong taon na." Saad niya. "Wala. Ano bang dapat pang planuhin? Isa na lang naman kulang sa bucketlist ko eh." Sagot ko. "Ano naman yun?" Sagot niya. "Maging published author." Sagot ko. "Ah kasi yung recent is yung concert. Sana all." Sagot niya. "Magiging k-pop artist ka din. Wag ka mag-alala. Kamusta pala yung training mo at school?" Sagot ko. "Ayun. Nabubugbog katawan ko. Dagdag mo pa na from Pampangga to Manila ang biyahe ko. Nakakapagod pero para sa pangarap kakayanin." Sagot niya. "Ako. Binobother pa rin ako nung relasyon ni Sandra at Ken even though natanggap ko na. Buti nga nandiyan si Vince para pakinggan ako eh. Dagdag mo pa yung step brother ko na nagpakita recently." Sagot ko. "Oo nga. Eh eto if may possibility ba na ligawan ka ulit magpapaligaw ka ba?" Sagot niya. Sumipsip muna ko sa kape ko at tumingin sa malayo. "Oo naman. Basta ba si Vince yun eh." Sagot ko. Hindi ko naman pagkakaila na nagkakagusto na ko kay Vince. Kasi hindi naman siya mahirap gustuhin. "Exclude mo yung pinsan ko na yun. Ibang tao." Sagot niya. "Hindi. Kasi hindi naman lahat ng tao tanggap ang pagiging writer ko eh. Mas okay na yung sa writer ako bumagsak." Sagot ko. "Tama ka naman. Pero bakit ka ba ulit kasi pumunta dito?" Sagot niya. "I just want to formally say good bye. Kahit di na sa kanya kahit dun na lang sa bundok. Pagkatapos ko magpaalam dun sa bundok hindi na ako ulit babalik dito." Sagot ko. "Bakit naman? Ganda kaya dito." Sagot niya. "Ito kasi yung lugar kung saan palagi na lang ako iniiwan. Lahat ng taong nakasama ko dito iniiwan ako. Baka pati ikaw iwan mo na din ako ah." Sagot ko. "Ikaw? Iiwan ko? Malabo. Kayo lang naman nila Andy mga kaibigan ko eh." Sagot niya. "Promise?" Sagot ko. "Para na tayong bata sa promise promise na yan. Pero sige. OO hindi kita iiwan. Nasa Korea lang ako tapos ikaw nasa Singapore." Sagot niya. "HAHAHAHAHAHAHAH. Ilang bansa lang pagitan natin." Sagot ko. Tama nga yung sinagot ko sa kanila. Nandito lang sila Lean palagi sa tabi ko kahit hindi kami nasa iisang bansa. "Iiwan ka ng lahat pero hindi kami okay? Nandito lang kami palagi para sayo kahit trinaydor ka ng isa sa'min." Sagot niya. "Ayieeee. Kinilig naman ako. Grabe ka naman aa trinaydor. Di ba pwedeng di lang napigilan?" Sagot ko. "Hindi yun pwede. Magkaibigan kayo diba? Eh alam naman nating lahat na kahit may iba ka nang gusto meron pa ring part diyan sa puso mo na mahal mo siya. Kakayanin mo ba na ang ipalit sayo eh kaibigan mo?" Sagot niya. "Hindi. Pero kung dun sila masaya bakit pa ako makikialam? Hindi ko naman hawak yung kasiyahan nila eh. Kung kay Sandra na siya masaya edi okay. Move on na. Kasi alam ko naman na kahit sinong babae pa ang piliin niya mauuwi pa din siya kay Ana." Sagot ko. "Unless ang pipiliin niya eh mas mayaman pa kesa kila Ana." Dagdag ko. "Tama ka. Unless ang magustuhan niya ay mas mayaman kay Ana makakapagpakasal sila pero parang wala naman." Sagot niya. "Meron. Kompanya ng mga hinalimaw yung major stock holder ngayon sa kompanya nila. Kaya malakas loob gamitin si Ken laban sa'kin." Sagot ko. "If in good terms pala kayo ng tatay mo eh matutuloy love story niyo ni Ken." Sagot niya. "Nako. Ayoko na ituloy. Nakaka-stress lang. Natuloy nga yung love story namin nakakastress naman yung buhay." Sagot ko. "Sa bagay. Marami nga namang ginagawa sa trabaho na yun." Sagot niya. "Hapon na. Umuwi na tayo para di na tayo gabihin. Sa inyo ka na lang umuwi sa Bulacan." Sagot ko. "Okay. Hatid mo ko sa amin ah." Sagot niya. "Okay. Teka. Bago pala tayo umuwi magpicture muna tayo." Sagot ko. "Sige. Tutal naman eh ganda ng view. At maghahanap panigurado ng pic si Vince." Sagot niya. Nagpicture muna kami bago kami bumalik sa Wendy's para kunin yung kotse. Nagpatugtog na ko at sa kasamaang palad ang naunang tugtog eh Love Scenario. "Ems, pinariringgan ka nung kanta oh." Ani Lean. "Hayaan mo siya." Sagot ko. Inatras ko na ang kotse at nagdrive na paalis. Nagstop over muna kami para magdinner sa isang gasoline station. Pagkatapos namin kumain ay nagdrive na ulit ako. Nakatulog na si Lean sa biyahe kaya di ko na ginising. Alam ko naman yung bahay nila dahil nakarating na ako dito. "Lean, nandito ka na sa bahay mo." Ani ko. "Ay. Thank you." Sagot niya at bumaba na ng kotse ng pupungas-pungas. Ng makapasok siya sa bahay nila ay tsaka ako umalis. Pagdating ko sa bahay ay pinarada ko na sa garahe yung kotse ni Kuya Mark. Bumaba na ako. Yumakap lang ako kay Mommy at umakyat na para magbihis. Sa sobrang pagod ko sa pagdadrive ay nakatulog agad ako.
A/N: Enjoy reading! This is my first update this 2021! Sorry super late na dahil marami akong ginawa this past few days! Thank you for waiting! Please vote and share. Thank you Bemskies!❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top