CHAPTER 13: MESS
Ken's POV
Papunta ako ngayon sa office dahil may meeting na kailangan akong attendan. May jetlag ako pero kailangan ko pumunta para di ako sermonan over the phone. Hindi ako sure kung yung bagong project sa Dubai ang pag-uusapan or may ipapakilala nanamang bagong investor. Ng dumating ako sa conference room ay pare-parhong mukha lang naman ang nakita ko. Nandito din si Ate na hindi ko naramdamang umalis kanina sa condo. Sa bagay tulog pa siguro ako nung umalis siya. Ginising lang ako ni Kuya dahil tumwag daw sa kanya yung secretary ni Papa. Umupo na lang ako sa tabi ni Ate. Habang naghihintay sa iba pang board members ay napansin kong may bagong mukha. Matangkad ito, siguro nasa late fifties ang edad at may mapupungay na mata katulad ng sa babaeng mahal ko. Dumating na si Papa kaya lahat kami ay tumayo para magbigay galang. Nagsimula na ang meeting. Nakikinig lang ako at nagnonotes sa phone ko ng mga mahahalagang bagay na sinasabi nila. "Before we end the meeting I want you to meet our new investor." Ani Papa. New investor? Wala akong alam dun ah. Napatingin na lang ako kay Ate pero deretso lang ang tingin niya kay Papa. "Good morning. I'm Lincoln Howards. CEO and chairman of newly build Howards Empire." Saad naman nung lalaki na kahawig ni Emily. Howards Empire? Never heard of it. There are no articles about that company. "What are your future plans for your empire?" Tanong ni Mr. Lim. Isa sa mga investor namin. "I'll first train my heiress because she's currently at Singapore." Sagot niya. Heiress? So babae yung magiging tagapagmana niya. May possibility kaya na si Ems ang sinasabi niyang heir? "Is she taking business management? I also took business management after graduating med school." Sagot naman ni Ate. "No she's not taking business management. Nursing is her course. But I'm planning to bring her here to study business." Sagot niya. Nursing? So may posibility nga na si Ems ito dahil nursing ang course nila ni Vince. "May we know her name?" Sagot ni Mr. Lim. "Emily Savvanah. That's her name." Sagot niya. Agad kong kinuyom ang kamao ko dahil sa narinig. Siya ang ama ni Ems. Ang lalaking matagal nang kinamumuhian ni Ems. Anong plano niya at binabalak niyang dalhin dito si Ems? Ang tanong mapapayag niya ba si Tita Edna tungkol dito? Wala ba siyang ibang anak. Sa pagakakaalam ko illegitimate child si Ems. She's born out of wedlock. Sigurado naman akong di din papayag si Ems. "May I ask why do you want to drag her at these chaotic world?" Sagot ko. "Sorry. What kind of question is that? It's too personal." Sagot ni Mr. Howards. "She's a nursing student and nurses should be at a hospital not office. She's also a aspiring writer so why are going to drag her here?" Sagot ko. "You know so much about her and why is that? I heard your bound to get married to the daughter of Arthurs." Sagot niya. "I used to be her boyfriend. I know how much pain she's going through right now. Huwag niyo na po dagdagan pa." Sagot ko. "Mr. Howards on behalf of my brother I'm sorry for his behavior. Ken, let's go. You have your classes right?" Saad ni Ate. "Its okay. To answer his question I am going to give her a better future. We may not know that maybe one of these days baka magulat ka na lang engage na sayo yung anak ko." Sagot naman ni Mr. Howards. Lalo kong kinuyom ang kamao ko. How dare he use the word wedding if his own child is born without wedlock? Then now he's going to drag her at these chaotic world! "I'll just go home. Than to deal his fucking shits. He left his daughter then after two decades he came back. Imagine how hard your daughter came through just to get at her position right now. And your going to mess it up!" Sagot ko at lumabas ng conference room. Sama ng tingin sa akin ni Papa bago ako lumabas. Sinundan naman ako ni Ate. "Ken!" Tawag niya. Agad naman akong huminto at bumaling sa kanya. Hindi ko nilagyan ng kahit anong emosyon ang mukha ko. "What?" Malamig kong sagot. "Bakit mo yun ginawa? Isa siya sa malaking investor ng kompanya. At bakit nagmura ka sa harap ni Papa?" Sagot niya. "Anong bakit Ate? Wala akong pake kung sino man siya! Alam mo ba kung anong pinagdaanan ni Emily nung iniwan siya ng lalaki na yun ha! Alam mo ba kung anong pambubully pinagdaanan ni Ems dahil sa kanya?! Hindi naman diba! Wag mong idadahilan sa akin na wala nang kami para magkaganito pa ako! Gusto ko lang maging masaya si Ems! Marami na siyang sinalo para sa'kin at sa mga kaibigan namin! Ayoko na madagdagan pa yung bitbitin niya!" Sagot ko. "Buhay yun ni Emily Ken! Tigilan mo na ang pakikialam sa buhay niya! Magkalayo na kayo't lahat eh! Nakikialam ka pa din!" Sagot niya. "Kayo din naman eh! Pinapakialaman niyo lahat ng decisions ko sa buhay! Hindi na ako makapag desisyon sa sarili ko kasi iniisip ko kayo! Iniisip ko yung mga sasabihin niyo! Just this one Ate. I'm just so tired of being controlled my whole life." Sagot ko at tinalikuran siya. Ng makarating ako sa parking lot ay agad akong sumakay sa kotse ko at nagdrive paalis. Dumaan muna ako sa isang milktea shop bago dumeretso sa malapit na beach side dito. Kapag pikon na pikon na talaga ko sa kanilang lahat dito ako pumupunta. Napapakalma ako ng dagat at sunset. This is the second time na nagkasagutan kami ni Ate. Alam ko naman na gusto niya lang yung best sa akin peronakakapagod din naman na sundin mo ng sundin ang mga gusto nila. Habang iniinom ko ang milktea ko ay bigla namang nagring ang phone ko. Nakita kong si Kuya ang tumatawag. Agad ko na alng itong sinagot. "What?" Bati ko. "Ano ginawa mo kay Ate? Bakit aalis siya sa condo?" Sagot niya. "Umalis siya. Kaya niya naman na yung sarili niya eh." Sagot ko. "Ken! Ano ba nangyayari sayo?" Sagot niya. "Wala. Okay lang ako. Wag kayo magalala. Uuwi din ako." Sagot ko at binabaa ang tawag. Ng maubos ko ang milktea ay tinapon ko ito sa basurahan. Pumunta na ulit ako sa kotse ko at nagdrive na pauwi. "Ken, tignan mo ginawa mo! Pati si Ate napaalis mo!" Saad ni Kuya pagbukas ko pa lang ng pintuan. "Wag ka sumigaw. Malapit lang ako." Sagot ko. Agad niya akong kwinelyuhan. "Yan na ba epekto sayo ni Emily ha! Narinig ko tatay niya daw yung sinagot sagot mo sa conference room ng kompanya." Sagot niya. "Hindi ko naman sasagutin yun kung di niya yun deserve eh." Sagot ko at kumawala sa hawak niya. Pinagpag ko ang damit kong nalukot dahil sa pagkwelyo niya. "Alam ko nahihirapan ka Ken pero alalahanin mo naman si Ate at ako. Nahihirapan din kami." Sagot niya. "Buti nga kayo may pakialam sa inyo sila Mama eh. Sa'kin wala! Sino sa tingin niyo sa ating tatlo ang mas nahihirapan?!" Sagot ko. Hindi kasi nila alam yung pakiramdam ng hindi napapansin na anak eh. Mas focus sila sa panganay at bunso. Paano naman ako? Ginagawa ko naman lahat eh pero bakit hindi pa rin ako pinapansin ng mga magulang namin. Pumasok na lang ako sa kwarto ko at nag online sa isang account ko para kahit paano ay makausap ko si Emily.
Me:
Hi Emily! Long time no chat! Kamusta ka na?
Matapos ko magchat ay dumeretso na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ko magbihis ay natulog na lang ako dahil may jetlag pa talaga ko at pagod na pagod ako sa naging tagpo kanina.
Emily's POV
Isang linggo na ang lumipas mula ng makaattend ako sa concert ng IKON. Pumasa naman ako sa lahat ng exam at ranking at the 3rd place ako. 2nd naman si Vince kaya may chance kami na makasali sa dean's list. Ngayon ay naglalakad na kami papunta sa library. Medyo malayo ito dahil malayo ang Nursing building sa library. Habang naglalakad kami ay may nakasalubong kaming babae na mukhang hinahanap ang Nursing Building. "Hi. May-Emily. Nice timing. I'm just about to go to your classroom to talk to you about something." Saad nung babae. Bakit ako kilala nito? Anong kailangan nito sa akin? "Excuse me Ma'am. Ho did you know the name of my friend?" Sagot ni Vince. "I remember you. Ikaw yung kasama niya sa parking lot last time! By the way I'm Trixie. Emily's aunt." Sagot niya. Naalala ko na! Siya yung kasama ng tatay ko na umahon sa hukay nila. "Mauna ka na Vince. Kakausapin ko lang yung tita ko." Saad ko naman. Anong kailangan nito? Bakit nanaman ako ginugulo nito? "Sure ka Ems?" Sagot ni Vince. "Oo. Kaya ko na 'to. Kapag hindi ko pa sila hinarap si Mommy pa ang haharap sa kanila. Magkakapatayan lang. Ayoko madungisan yung kamay ng Mommy ko. Kita na lang tayo sa library." Sagot ko. Agad namang tumalima si Vince sa utos ko. "Ano hong kailangan niyo sa akin?" Magalang kong tanong. "Eh pinapasundo ka kasi ng Daddy mo eh. Gusto ka niya dalhin sa US para pag-aralin ng business management para mapaghandaan mo yung pagtake over sa kompanya niya." Sagot niya. Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng skirt ko. "Nag-aaral na po ako ng Nursing tsaka hindi ko po kailangan ang kompanya niyo pars mabuhay. Nagsusulat din po ako ng nobela kaya wala na akong oras pars tutukan yang kompanya niyo." Sagot ko. "Hindi mo ba pwedeng bitawan ang mga yan? Pag-aaralin ka namin at ibibigay lahat ng gusto mo. Sumama ka lang sa akin." Sagot niya. "Dalawang dekada na ho ang nakalipas mula ng iwan ako ng sinasabi niyong Daddy ko. Sa loob ng dalawang dekada na yun nabuhay ako ng si Nanay at Mommy ang kinikilala kong magulang. Nung mawala ang Nanay kaming dalawa na lang ng Mommy ko. Wala kayong pwesto para sa buhay ko. Nakuha niyong magpayaman at magbuhay ng ibang tao samantalang yung tunay niyang anak kinalimutan niya. Ganun ho ba ang DADDY? Kasi kung ganun ho pasado ho siya. Hindi niyo ho alam ang pinagdaanan ko sa loob ng dalawang dekada para lang bumalik kayo ng parang walang nangyari. Kung ang concern niyo naman ay kompanya meron ho kayong legitimate na pamangkin at anak. Si Yohan Howards. 18 years old. Currently studying at Harvard University." Sagot ko. "So alam mo pala na may Yohan na nageexist. Gusto ko mameet mo siya." Sagot niya. "Huwag na ho kayo mag abala dahil ayoko hong mameet siya." Sagot ko. "Ken. Ken Pietro Lizardo. Your Ex boyfriend. Hiniwalayan mo dahil ayaw ka ng pamilya niya para sa kanya. Hindi mo ba naisip na kapag tinake over mo yung kompanya ay maari na kayong ikasal? Balita ko ikakasal na siya sa iba eh. Papayag ka ba?" Sagot niya. How dare they involve Ken here! Wala nang kami bakit inuungkat pa nila?! Desperado na talaga silang makuha ko kaya pati si Ken dinadamay nila. "Wala na kami ni Ken. Tapos na kami. Tigilan niyo na din po ako. Ibigay niyo na lang dun sa Yohan yung kompanya para naman mapakinabangan niya yung pinag-aralan niya sa Harvard. At kahit kailan hindi ko ibaba ang pluma ko para lang sa inyo. Hindi kayo ang makakapagpababa ng pluma ko." Sagot ko at umalis sa harap niya. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mommy. "Hello anak. Class hours niyo ata. Bakit ka napatawag?" Bati ni Mommy. "Pumunta nanaman sila Mommy. May bagong topic nanaman sila. Yung Howards Empire. Aba pinapatigil ako sa pag-aaral para pag aralin ng business management sa America. Gusto pa na makilala ko yung anak ng kabit nila." Sagot ko. "Hayaan mo sila. Kapag nakaipon ako pupuntahan kita diyan para tantanan ka na nila." Sagot niya. "Huwag na po kayo magalala malapit na ako bumalik ng Pilipinas. Sa Christmas Break namin sabay kami ni Ate Gab babalik diyan. Inaayos na ni Ate Gab yung mga papeles niya." Sagot ko. "That's good news. Chat mo na lang ako kapag nakapag-desisyon na kayo ni Ate mo ng araw ng flight para masundo namin kayo." Sagot niya. "Sige po." Sagot ko. "Sige na. Baka may klase ka pa. Tawagan mo lang ulit ako kapag ginulo ka pa nila." Sagot niya. "Sige po. Bye mommy. I love you and I miss you." Sagot ko. "Love you too. Miss you." Sagot niya at binaba ang tawag. Matapos mababa ang tawag ay pumunta ako sa rooftop ng Nursing Building. Yun na kasi yung pinaka-isolated place na pinakamalapit sa akin sa ngayon. Meron ding cafeteria dito kaya di ako natatakot. Bumili na lang ako ng iced coffee at umupo sa isa sa mga umbrella dito. Nakita kong may chat si Achlys Nyx.
Achlys Nyx:
Hi Emily! Long time no chat! Kamusta ka na?
Me:
Okay lang ako.
"Okay lang ako." Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko pero traydor ang aking mga luha. Bigla na lang tumulo. Hindi ko alam bakit ako umiiyak. Siguro naiisip ko lang yung mga pinagdaanan ko nung mga panahong wala sila. Yung lahat ng hirap na pinagdaanan ko para lang makatungtong ako dito. "Iiyak mo lang lahat Ems. Matagal mong binitbit yan sa puso mo." Ani Vince. Nagulat ako na nandito na siya sa rooftop. "Bakit ka nandito? Sana tinapos mo muna yung project." Sagot ko. "Eh sabi ko sa kanila may emergency ka kaya kailangan kitang puntahan eh. Okay lang naman daw sabi ni Prof." Sagot niya. Tumango lang ako. Umupo siya sa silya sa kaliwa ko. Hinawakan niya ang aking pisngi at pinalis ang mga luhang tumulo sa mata ko. "Ang luha parang pawis yan. Parehas tumutulo kapag pagod na. Yun ang sabi ng isang wattpad character diba? Okay lang na mapagod ka at magpahinga pero wag kang susuko. Kasi once na sumuko ka pinatunayan mo lang na panalo sila." Saad niya. "Ang unfair lang kasi eh. Yung legitimate nilang anak ang daming pinagdaanang hirap para lang makatungtong dito. Tapos yung anak ng kabit nagpapakasarap at talagang sa Harvard pa nila pinag-aral. Mga wala silang konsiderasyon!" Sagot ko. Niyakap niya ako at hinayaang umiyak sa mga bisig niya. His presence is somewhat comfort to me. "Sa mundo talaga may mga taong unfair sayo. Kung siya man eh nasa Harvard at least ikaw nandito ka sa isa sa most prestigious school sa Asia. Malay mo yun palang pinag-aral nila sa Harvard eh hindi naman pala kasing gifted mo. At least ikaw nakapag-aral ka dito dahil sa pagsisikap mo. Hayaan mo lang sila maging unfair sayo dahil balang araw ibabalik din sayo ni Lord lahat ng sinakripisyo mo." Sagot niya. "Thank you, Vince. Hindi ka nagsasawang makinig sa akin." Sagot ko. "Syempre. Kapag nagsawa ako makinig sayo baka mabalitaan ko na lang na tumalon ka na sa rooftop ng condo." Sagot niya. "Sira!" Sagot ko. "Inumin mo na yung iced coffee mo at huwag ka nang umiyak. Bumalik na tayo dun. Baka mapurnada pa yung plano mong mapasama sa Dean's list. Paano mo sila matatalo kung hindi pa tayo babalik dun?" Sagot niya. Tumango ako at ngumiti. Tama siya baka mamaya hindi ako mapunta sa dean's list kawawa naman si Mommy at papatunayan ko sa kanilang lahat na may maabot ako ng wala sila. Matapos kong ubusin yung iced coffee ay pumunta na kaming library para tapusin yung natirang gawain ng group mates namin. Pinipilit kong ifocus ang sarili ko sa klase pero hindi ko pa rin mapigilan ang mawala sa sarili. Ng makauwi ay nagulat ako na may bisita kami. Agad kong kinuyom ang kamao ko dahil nandito nanaman siya at kausap niya ngayon si Ate Gab. "Ems pinapaimpake ni Ate Trixie yung mga gamit mo. Pupunta ka daw ng US? Totoo ba? Alam ba ng mommy mo?" Saad ni Ate Gab. "Hindi Ate Gab. Dito lang ako. Dito ako nag-aaral at nandito ang scholarship ko. Di ho ba nilinaw ko na sa inyo na ayoko ng kompanya niyo. Ayoko ng business world! Ilang ulit niyo ho bang isasampal sa akin na mayaman na kayo? Malinaw sa akin yun. Maunlad at masagana ang buhay niyo. Good for all of you. Please let me live in peace. Matanda na ho ako at alam ko ang mga gusto ko. Nakaplano na ang buhay ko. At hindi kayo kasama sa plano na yun. My best advice for you is to prepare your son or whoever it is to take over your company so that I can live in peace." Sagot ko. "If that's what you want. We'll let you. Bast kapag naitali na si Ken sa ibang babae wag mong pagsisihan." Sagot ni Tita Trixie. "Hindi ko talaga pagsisihan kasi may mga kaibigan naman ako na nandiyan para sa akin at si Ken ay hindi kawalan." Sagot ko at pumasok sa kwarto ko. Napaupo na lang ako sa sahig sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko. Napayuko na lang ako sa mga tuhod ko at hinayaan ang sarili ko na umiyak. Ano bang kailangan ko gawin para lang maintindihan nila yung salitang "Ayoko. Tama na. Tigilan niyo na ako." Ilang ayoko at tama na ang kailangan kong sabihin para tantanan nila ko? Nandun na yung bastardo nilang si Yohan ah. Bakit kailangan ako pa? Ni hindi man lang nila inisip yung nararamdaman ko. Tumayo na lang ako at kumuha ng damit sa damitan ko at nagbihis ng pambahay. Lumabas na ako ng kwarto ko matapos maghilamos. "Ate kailan po tayo uuwi ng Pilipinas?" Tanong ko. "Next week pwede na. Anong araw ba gusto mo?" Sagot niya. "Ikaw na lang magset ng araw. Aalis po muna ko. Napagod po ko sa pakikiharap sa kanila eh." Sagot ko. "Sige. Bumalik ka bago dumilim ah. Gabi duty ko ngayon eh." Sagot niya. "Opo Ate." Sagot ko. Lumabas na ako ng condo. Gusto ko mapag-isa ngayon kaya hindi ko tinawagan si Vince. Pumunta ko sa park na palagi naming pinupuntahan ni Vince. Iniisip ko yung paraan para tigilan na nila ako. Kailangan ko ng bagay na yayanig sa kanila. Napahinto ako sa pag-iisip ng magring ang phone ko. Bakit ako tinatawagan ni Kuya Kenneth? Hindi naman kami nakapag-usap nito na recent ah. Agad ko na lang itong sinagot. "Hi Kuya Kenneth! Bakit?" Masayang bati ko. "Alam mo ba kung ano ginawa mo?" Sagot niya. "Kuya naman nandito ko Singapore anong atraso ko sa inyo?" Sagot ko. Anong ginawa ko sa kanila? Hiwalay na kami ni Ken at hindi na ako nakikipag-usap sa kanila. "Si Ken may katarantaduhan nanamang ginawa dahil sayo. Kailan ka ba hihinto sa kakagulo sa pamilya namin?" Sagot niya. "Kayo lang ba ang nagulo ang buhay Kuya? Isipin niyo din naman ako. Dalawang dekada akong nabuhay ng wala sila tapos bigla na lang babalik. Mas mabuti Kuya na ayusin niyo yung gusot ng pamilya niyo kasi inaayos ko din yung gusot ng buhay ko." Sagot ko at binaba ang tawag. Tatawag sila para lang gumanon sa akin mabuti pang wag na nila kong tawagan. Hindi lang naman sila may problema ah. Ako din naman. Lahat naman kami may problema eh. Bakit parang kasalanan ko lahat? Kasalanan ko rin bang nakipag partners sa company nila ang kompanya ng tatay ko? Ni hindi ko nga alam na may kompanya sila eh. Gusto ko lang makagraduate ng nursing at makapagtrabaho sa hospital para makapag-publish ako ng libro ko pero lahat ng plano ko sinira nila. Paano na ako mag-aaral ng mataimtim kung patuloy nila kong guguluhin? Matapos ko magisip-isip ay bumalik na ako sa condo. Dumeretso ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko para magsearch ng mga publishing house na open for applicants. Ito na lang talaga ang tanging paraan para tigilan nila ako. Kapag alam nilang may narating na ako. Siguro kapag naging published author na ako hindi ko na kailangan saluhin yung bwisit nilang kompanya. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Vince. "Hello Ems. Ano kamusta?" Bati niya. "Vince anong publishing house yung gusto mong applayan?" Sagot ko. "Ah yun ba? M and M publishing house. Sikat yun sa Pilipinas. Isa sa pinakamalaking publishing house. Naghahandle din sila ng international authors." Sagot niya. "Paano ipapasa yung manuscript sa kanila?" Sagot ko. "Teka-teka. Bakit?" Sagot niya. "Ito na lang yung huling paraan ko para tigilan nila ko. Pagsasabayin ko na ang pag-aaral at pagsusulat." Sagot ko. "Kaya mo ba talaga? Ikaw na nagsabi na gusto mo maging published author kapag graduate na tayo. Masyado atang maaga Ems." Sagot niya. "Hindi ko na talaga alam gagawin ko para tigilan nila ko." Sagot ko. "Tawagan mo si Tita. Si Tita ang iharap mo sa kanila. Tignan natin kung di ka nila tigilan." Sagot niya. "Ayoko Vince. Gastos lang yun." Sagot ko. "Eh kung ayaw mo pwede ko magbigay ng request kay Mama na ilipat ka na lang sa Pilipinas na school." Sagot niya. "Wag! Ayoko! Dito ko gra-graduate." Sagot ko. "Kitams ayaw mo din. Just endure the pain. Isipin mo na lang na after nito makikita mo ulit ang IKON." Sagot niya. "Thank you Vince. Sige may gagawin pa ko eh. Character profile para sa bago kong novel." Sagot ko. "Wow. Magsusulat na ulit siya. Sana all. " Sagot niya. "HAHAHAHAHA. Tamad mo kasi kaya inaabot ka ng siyam-siyam diyan sa novel mo!" Sagot ko. "Sige na! See you tommorow. Sulat well." Sagot niya. "Geh. Bye." Sagot ko at binaba ang tawag. "Love Scenario" Title ng bagong book na isusulat ko. About siya sa isang love story ng dalawang tao na naghiwalay din dahil di sila meant for each other. Gagawa ako ng Return Series. Lahat ng title is kanta ng IKON from that album. Gusto ko magtry ng love story na hindi naman mamatay yung mga bida pero makakapag-paiyak sa readers. Hindi naman kasi lahat ng love story kailangan happy ending. Habang nagtatype ako ay bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Ems alis na ako. Luto na yung kanin. Ulam na lang ang bibilhin mo." Ani Ate Gab. "Sige po Ate. Thank you." Sagot ko. "Kumain ka ah." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. "Sige. Bye. Kita tayo bukas." Sagot niya. "Opo Ate. Bye!" Sagot ko. Sinarado niya na ulit yung pintuan ko kaya nagpatuloy na ako sa paggawa ng character profile.
Vince's POV
Alam ko kung gaano ka stressful ang araw na ito para kay Ems dahil para na siyang nagaya kay Ken. Pinepwersa siya na magtake over ng company na hindi niya naman gusto. Agad ko naman chinat ito kila Andy.
Andy:
Talaga ba? Di nga? Emily is a heiress?
Me:
Oo. Pinipilit siya nung tita niya na magpunta jan sa US pero ayaw niya kasi Nursing nga naman ang inaral niya.
Lean:
Baka prank nanaman 'to Vince ah.
Me:
Hindi. Papunta ako ngayon sa convinient store para bumili ng ice cream. Mag-isa lang ngayon sa condo nila si Ems.
Lean:
Samahan mo ah! Baka mamaya eh may gawin yun sa sarili niya.
Me:
Wala. Gumagawa ng character profile para sa Return Series niya.
Andy:
May bago siyang series?
Lean:
Tungkol saan naman yung Return Series?
Me:
Siguro mga love story na hindi nagkatuluyan mga bida. Lahat kasi yun galing sa Return album ng ikon.
May plano na nga siya magpublish eh. Kaso sabi ko masyado pang maaga.
Lean:
Eh kung yun na lang ang paraan para matakasan niya yan eh.
Me:
Eh yun na nga. Ang problema nga eh nasa Pilipinas yung publishing company tapos yung eskwelahan niya nandito sa Singapore. Masyadong magastos kung babalik siya sa Pilipinas para lang sa mga book signing events at iba pa.
Lean:
Matanong kita. Diba sabi mo gusto nila na siya magtake over ng company? Ano namang kapalit nun kapag tinake over niya yung kompanya?
Me:
Kasal kay Ken. Yun ang iniinsist nila. Na kapag tinake over niya yun ay makakapagpakasal siya kay Ken. Major stock holder ng kompanya nila Ken yung tatay ni Ems.
Wait lang nandito na ako sa convinient store.
Agad naman akong pumunta sa freezer nila para kumuha ng coffee crumble ice cream na favorite ni Ems at vanilla naman ang sa akin. Dumaan na din ako sa isang chicken wings restaurant na malapit dito sa condo para makabili ng dinner ni Ems. Alam kong hindi pa siya kumakain kahit 6 pm na ngayon dahil nadala nanaman yun ng imagination niya. Ng makuha ko ang chicken wings ay bumalik na ako sa condo. Agad kong tinawagan si Ems dahil alam kong di niya ako maririnig dahil busy yun kakatype. "Hello Ems. Nandito ko sa labas ng condo. May dala kong pagkain. Sabay na tayo kumain." Bati ko. "Geh. Wait lang lalabas na ako." Sagot niya at binaba ang tawag. Habang naghihintay akong buksan niya ang pinto ay tinignan ko muna kung nagreply na si Lean.
Lean:
Talaga? Eh tatanggapin daw ba ni Ems?
Me:
Sira ka ba? Natural hindi. Tatay niya yun eh. Kahit baliktarin mo mundo hindi mo mapapayag si Ems.
Andy:
Oo nga. Si Ems pa. Eh nung last na pumunta yun sa Pilipinas eh tinawagan niya mommy niya eh. Alis agad yung mga alipores ng tatay niya eh HAHAHAHAHA
Me:
Ay oo. Yung field trip natin HAHAHAHAHA.
"Hoy! Ano! Kwinento mo na sa kanila? Tara na nga. Pumasok ka na." Saad ni Emily na nagpagulat sa akin. Pumasok na ako ng condo. "Eh okay na yun. Para naman may alam sila sayo." Sagot ko. "Akin na muna yang ice cream. Lalagay ko muna sa freezer." Sagot niya. Inabot ko sa kanya yung ice cream at nilagay niya na ito sa freezer tsaka naghain. Pinagsandok niya na ako ng kanin at binuksan niya na yung dala kong chicken wings. "Para tayong mag-asawa sa ginagawa mo na yan." Saad ko. Agad niya naman akong binatukan. "Sira ka! Naiimagine ko tuloy yung isang scene sa The Heirs!" Sagot niya. "Bakit? Ganun naman talaga yung mga mag-asawa eh!" Sagot ko. "Sira ka talaga! Bisita kita natural pagsisilbihan kita!" Sagot niya. "Hay salamat. Ngumingiti ka na." Sagot ko. "Wala namang bagay na dapat kong ikasimangot. Kung iniisip mo pa rin yung nakita mo kanina hayaan mo sila. Hindi ko tatanggapin yung mga binibigay nila kahit pa kasal kay Ken ang kapalit." Sagot niya. "Tsaka di ba nila alam yung definition ng EX! Argh! May kompanya pero simple past tense hindi maintindihan!" Dagdag niya pa. "Oo nga eh. Hindi rin ata nila maintindihan na ayaw mo ng business." Sagot ko. "Eh ikaw ba after 20 years magpapakita sayo tatanggapin mo rin ba?" Sagot niya. "Natural hindi. Nabuhay na ako ng wala sila eh." Sagot ko. "See? Parehas tayo!" Sagot niya. "Kumain ka na lang diyan. Magnetflix na lang tayo. Hapon pa naman pasok natin bukas eh." Sagot ko. "Ayoko. Magpreprepare ako sa Return Series." Sagot niya. "Hayst. Sige na nga. Kukunin ko na lang yung laptop ko para masabayan kita mag-update." Sagot ko. "Eh bago yun. Edit mo ko ng book cover ah!" Sagot niya. "Okay sige. Basta bigyan mo ko ng ideas para sa update!" Sagot ko. "Basic!" Sagot niya. Ganito ang routine namin. Kapag may isusulat siyang bagong book ako gagawa ng book cover niya tapos siya naman ang magbibigay ng ideas sa akin para sa update ng book ko. "Mag-urong ka na diyan. Kukunin ko lang yung laptop ko sa condo ko." Saad ko. "Sige." Sagot niya. Lumabas na ako ng condo at pumunta na ako sa condo ko para kunin yung laptop ko. Pagbukas ng pinto ni Ems rinig ko na yung Rhythm Ta. "Ems! Pwede bang yung Perfect na lang iplay mo o kay Love Scenario! Masyadong energetic yung kanta!" Saad ko. Agad niya naman pinalitan yung kanta. Binuksan ko na ang laptop ko. Nagulat ako nasa likod ko na siya. "Hoy! Bakit ako wallpaper diyan ha????? Crush mo ko no?" Saad niya. "Hindi pa ba obvious." Sagot ko. Pati yung phone ko picture namin ang wallpaper ko. "Try mo kasi ko ligawan. Malay mo sagutin pa kita ng mabilis pa sa alas kwatro." Sagot niya. "Ayoko. Study first. Tsaka wag ka mag-alala pinaghahandaan ko na yan. Inaaral ko na yung sayaw ng Love Scenario at Killing Me." Sagot ko. "Wow ha. Gagawin mo talaga yung sinabi ko sayo dati?" Sagot niya. "Oo naman. Kailangan mapantayan ko sila sa sayaw kahit di na sa kagwapuhan." Sagot ko. "Magsulat ka na lang muna HAHAHAHAHAH." Sagot niya. Nagsimula na kami magsulat sa mga laptop namin. "Dito na lang ako matutulog. Tinatamad ako umakyat." Saad ko. Halos 11 pm na din kasi. Naubos na namin yung ice cream. "Dito? Wala kaming guest room. Diyan ka sa sofa!" Sagot niya. "Okay lang. Tsaka wala ka rin namang kasama." Sagot ko. "Oo na. Kukuha lang kita kumot at unan sa kwarto." Sagot niya at pumunta sa kwarto niya para kumuha ng kumot at unan. Ng lumabas siya dala niya na yung unan na may mukha ng IKON at kumot na pinasadya niya pa na palagyan ng logo ng IKON. "Wala ka nang ibang kumot at unan?" Tanong ko. "Wala. Lahat nasa labahan. Hindi pa kami nakakapag-laba. Baka bukas pa." Sagot niya. "Arghhhh! Kaharap ko nanaman si B. I!!! Hayaan mo na nga. BTS gusto ko pero IKON binigay sa akin!" Sagot ko. "Sige dun ka kay Sandra para BTS ibigay sayo!" Sagot niya at pumasok sa kwarto. "Huy! Joke lang!" Sigaw ko. "Matulog ka na! Nandiyan lang yung remote kapag gusto mo manuod ng tv!" Sagot niya. Bumalik na ako sa sofa at binuksan ang phone ko. Nagscroll ako sa facebook at nakakita ko ng ilang memes tungkol sa amin ni Ems. Nagstory kasi ako ng picture niya na nagtatype at may caption na 'Keep writing Love'. Pag nakita yun ni Ems sigurado akong makakatikim nanaman ako ng kotong pero okay lang. At least masaya siya. Ayoko ng malungkot siya eh. Kung yun ang nakakapag-pasaya sa kanya. Ilang oras lang ay nakatulog na ako.
A/N: Enjoy reading! Eto na pamasko ko sa inyooooo! Sana nagustuhan niyoooooo! Merry Christmas!❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top