CHAPTER 11: REPLY

Lean's POV
Nandito ako ngayon sa bar na sinabi ni Sandra dahil hindi niya daw mapupuntahan si Ivan. Buti na lang at may ginawa ako dito ngayon. Sa probinsya pa kasi yung school ko dahil sa course na kinuha ko. Inabutan kong may kasuntukan si Ivan. "Ivan! Isa!" Sigaw ko. Huminto na ang tugtugan dahil sa gulo. Tumakbo na ako palapit sa kaguluhan para mapigilan ang komusyon. "Hindi ako hihinto dito hanggat hindi mo dinadala si Sandra dito." Sagot niya. "Hindi ka mapupuntahan ni Sandra kasi busy siya sa pag-aaral." Sagot ko. "Busy sa pag-aaral o busy kay Ken?" Sagot niya. "Ivan lasing ka na. Tara na. Hahatid na kita sa dorm mo." Sagot ko at lumapit sa kanya para tulungan siya maglakad. "Ayoko! Gusto ko si Sandra!" Sagot niya. Argh! Ayoko gumamit ng kamao pero sige gagamitin ko na para mapatulog ang loko na 'to. Hindi ako nagtrain ng self defense para sa kanya pero gagawin ko na. "Ayoko man gawin 'to sayo pero para magising ka sa katotohanan gagawin ko. Sorry Ivan." Ani ko tsaka kinuyom ng mabuti ang aking kamao at buong lakas kong pinatama sa mukha niya. Nawalan siya ng malay pagkatapos ng malakas na sapak ko sa mukha niya. Nadagdagan tuloy pasa niya. Tinulungan ako nung mga bouncer dito para mailabas siya sa bar. Kinuha ko sa bulsa niya yung susi ng kotse niya. Buti na lang alam ko magmaneho ng kotse kundi mahihirapan akong icommute ang lasing na 'to. "Thank you po Kuya." Saad ko. "Wala po yun Ma'am. Palagi pong nandito sa bar namin si Sir at napapaaway. Bantayan niyo po yang kaibigan niyo Ma'am. Buti na lang nga po at hindi siya dinidemanda ng boss namin eh dahil sa palagi nitong paggawa ng gulo." Sagot ng bouncer ng bar. "Nako Kuya pasensya na po kayo sa gulo na ginagawa ng kaibigan ko. May pinagdadaanan lang po kasi siya eh." Sagot ko. "Sige po Ma'am ingat po kayo at paalalahanan niyo yung kasama niyo na wag gawing boxing ring ang bar namin." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. Sumakay na ako ng kotse at drinive ito papunta sa Franklin U dahil dun pa rin siya nakadorm kasama ang mga pinsan niya na nag-aaral din dun. Mabuti na lang hindi kami nabangga dahil first time ko magdrive. Mapapasubo pala ko ng driving dito. Wala pa akong kotse pero siya pa una kong naging pasahero. Ng makarating kami sa dorm ay umakyat na ako sa dorm niya para tawagin yung mga pinsan niya. "Oh Ate Lean bakit nandito ka?" Tanong ni Sean isa sa pinsan niya. Nasa grade 12 na ata 'to hindi ko alam. Nakilala ko siya dahil sa mga kalokohan na kinasangkutan ng magaling nilang kuya. "Nandun sa baba ang Kuya Ivan mo. Lasing nanaman. Tulungan mo ko iakyat siya dito." Sagot ko. "Sige po Ate. Thank you po pasensya na din po sa abala na ginawa ng Kuya namin." Sagot niya. "Okay lang. Paalalahanan niyo din siya na huwag gawing boxing ring ang bar dahil naabala niya na yung mga tao dun. Palagi daw yun nandun at nakikipag-away." Sagot ko. "Naging ganun po siya pagkatapos nila maghiwalay ni Ate Sandra. Late pa po siya palagi pumapasok sa mga klase niya dahil sa kalasingan. Nag aalala na nga po kami sa kanya ng kapatid niya pero hindi namin mapigilan. Sinubukan din po namin tawagan si Ate Sandra pero lagi po siyang may excuses." Sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako at napatango dahil sa narinig. Sabay na kaming bumaba para maiakyat na namin si Ivan. Napakabigat niya at muntik na kaming tatlo na mahulog sa hagdan. Ng mapasok ko siya sa kwarto niya ay nagpaalam na ako kay Sean. Ng nasa labas na ako ng dorm ay tinawagan ko si Andy. "Hello Lean. Wassup!" Bati niya. "Galing akong bar. Sinundo ko si Ivan. Napaaway nanaman. Kung hindi ko sinapak baka hindi na yun nakauwi. Sabi sakin nung bouncer eh palagi daw yun nandun at ginagawang boxing ring yung bar. Napabayaan niya na din yung pag-aaral niya." Sagot ko. "He's getting worse. Si Sandra naman ay palaging nakasubsob sa pag-aaral." Sagot niya. "Sana nga pag-aaral ang pinagkakaabalahan niya. Napapagod na din kasi ko magmadali para linisin yung gulo ni Ivan. May presentation ako sa Monday at kailangan ko magreview pero nandito ko para ayusin yung gulo ni Ivan." Sagot ko. Matapos siyang bigyan ni Ivan ng mala wattpad story katulad ng pangarap niya na love story ganito ang isusukli niya. "On behalf of Sandra I'm so sorry. Sorry din dahil wala kami diyan para tulungan ka." Sagot niya. "Okay lang. Tsaka hindi mo kailangan humingi ng sorry dahil wala ka namang kasalanan. Sige uuwi na ko para matawagan ko si Vince dahil di pa kami nakakapag-usap simula nung pumutok 'tong issue." Sagot ko. "Okay. Ingat ka sa pauwi." Sagot niya at binaba ang tawag. Naglakad na ako palabas ng dorm. Nagtext na lang ako sa Mama ko na uuwi na ako sa dorm ko sa Pampanga para makapag review sa midterms. Agad naman akong nakasakay sa bus dahil kasabay ng pagbaba ko ng tricycle ang pagdating ng bus na biyaheng Guagua Pampanga. Ilang oras ay nakarating na ako sa dorm ko. Dumiretso ko sa kwarto ko para magpalit ng pambahay. Binuksan ko na ang laptop ko at nag-online. Sakto namang online si Vince kaya agad ko siyang vinedeo call. "Hi Lean wassup!" Bati niya. "Wassup. Kamusta si Ems?" Sagot ko. "She's doing well naman." Sagot niya. "Wag mo nga kong kino-conyo diyan. Hindi bagay. Alam kong ikaw unang nakaalam nito wag mo kong niloloko ah." Sagot ko. "Hay galing talaga ng gut feeling mo." Sagot niya. "Bakit?" Sagot ko. "Achlys Nyx." Sagot niya. "Yung fanboy ni Ems?" Sagot ko. Paano naman napasok ang lalaki na yun dito? "Oo." Sagot niya. "Bakit? Tsaka paano? Hindi naman natin siya kilala. Anong connect nito sa issue?" Sagot ko. "He's not just a roleplayer. Kung roleplayer siya at fan siya ni Ems he could've post something about Ems and her books." Sagot niya. Agad naman bumadha sa mukha ko ang pagtataka dahil sa sinabi niya. "May gut feeling ako na si Ken ang handler ng account na yun. That's why isa-isa ko kayong inistalk para malaman kung may kinocontact na siya na isa sa inyo." Sagot niya dahil mukhang nabasa niya ang pagtataka sa mukha ko. "Hindi naman ganun katanga si Ken para gumamit pa ng ibang account para lang kausapin si Ems tsaka paano mo naman nasabi na si Ken yun?" Sagot ko. Wala naman siyang basehan para mapagdudahan ang tao na yun. "Facial expressions of Emily statements of that Achlys Nyx." Sagot niya. "Facial expressions?" Sagot ko. Hindi ko kasi siya magets. "Ems has a facial expression that only Ken can make it. I always watch her everytime she talks about him and there's something in her eyes everytime she talks about him." Sagot niya. Naalala ko na! Yung palagi ko ring nakikita sa mata niya na parang flustered siya kapag si Ken ang pinag-uusapan. "Ahhhh. Alam ko na. Kaya nabuksan ang mga ito dahil dun sa account na yun. Ano naman nakita mo sa account ni Ken?" Sagot ko. "Mostly pictures nila ng mga kapatid niya at ni Sandra. Magkasama sila ni Sandra nung highschool graduation niya. Kaya nawala si Sandra ng hindi nagpapaalam sa atin or kay Ivan." Sagot niya. "Alam mo bang napaka-misibrable ngayon ni Ivan?" Sagot ko. "Bakit? Ano nangyari?" Sagot niya. "Palaging lasing. Kanina sinundo ko sa bar nakikipag-basag ulo. Sinapak ko pa ng napakalakas pars makatulog at maiuwi ko sa dorm nila." Sagot ko. "Hindi ka naman ba nasaktan?" Sagot niya. "Hindi." Sagot ko. "Alam na ni Andy?" Sagot niya. "Oo." Sagot ko. "Anong plano?" Sagot niya. "Di ko alam. Add ko na lang dito sa call si Andy." Sagot ko. Tumango lang siya. Agad ko namang inadd sa call si Andy. "Hi Vince wassup!" Bati niya. "Sup!" Bati ni Vince. "So what's the plan?" Sagot ko. "Your there your the closest to Ivan. Just watch him out. Ako na bahala kay Sands. Ikaw na bahala kay Ems diyan Vince." Sagot ni Andy. "Alam niyo wag niyo nang inaalala si Ems. Maayos na siya. Tsaka ako na bahala sa kanya if ever may mangyari." Sagot ni Vince. "Ivan is getting worse. Baka magdrop out yun." Sagot ko. "Sandra has so many excuses to the point that some of it is unbelievable." Sagot naman ni Andy. "Hindi ko akalain na aabot tayo sa ganito." Sagot ko. "Alam niyo mahal na mahal kayo ni Ems." Sagot ni Vince. "Ha? Bakit naman ganyan sagot mo Vince?" Sagot ni Andy. "Alam ko sinabi ko kanina na maayos siya pero alam ko deep inside her she's hurting ayaw niya lang na mag-alala tayo sa kanya." Sagot niya. "I know." Sagot ni Andy. "I'm so proud of her. She choose to suffer for Sandra's happiness." Sagot ko. "Alam niyo nung sinasabi niya sakin na I will let him go nakikita ko yung sakit sa mga mata niya. So I'll do my best na kahit ilang oras lang eh makalimutan niya 'to sa pagpunta namin ng fan signing bukas tsaka concert sa isang araw." Sagot niya. "Please do it Vince. That's the last thing we could do to make her happy." Sagot ni Andy. Tumango naman ako para maipakita ang pagsang-ayon ko. "Hay! Wag kayo mag-alala guys maayos din natin 'to. Mabubuo ulit tayo. Tatry ko kausapin ang puno't dulo ng problema." Saad ni Andy. "Sana nga. Sige na! Kailangan ko na magreview para sa presentation ko. Usap na lang tayp ulit mamaya." Sagot ko. "Okay. Bye Lean! Ingat ka diyan." Sagot ni Vince. Tumango ako at kumaway sa camera para maibaba ko na. Hayst malalampasan din namin 'to pasasaan pa't halos ilang dekada na kaming magkakasama.

Ivan's POV
Nagising ako dahil sobrang sakit ng ulo ko. Nandito na ako sa dorm namin. "A-ah." Daing ko dahil naramdaman kong may masakit din sa mukha ko. "Kuya gising ka na pala." Ani naman ni Sean. "Sino naghatid sakin dito? Si Sandra ba?" Sagot ko. "Hay Kuya. Puro pasa ka na nga si Ate Sandra pa din iniisip mo. Hindi siya naghatid sayo dito. Si Ate Lean ang naghatid sayo." Sagot niya. Tumango na lang ako. "Sige na. Iwan mo na lang diyan yung yelo ako na bahala sa sarili ko." Sagot ko. "Kuya nag aalala na kami sayo wag ka naman maging ganyan. Malapit na yung exam niyo pero nandun ka pa rin sa bar nakikipag bugbugan. Paano na lang kung wala dun si Ate Lean o kaya hindi ka napuntahan ni Ate Lean? Baka mamaya mabalitaan na lang namin patay ka na dahil sa bugbog." Sagot niya. "Aish! Labas na. Ayoko makarinig ng sermon ngayon!" Sagot ko. Wala siyang nagawa kundi ang lumabas na ng kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko nakalagay sa table sa tabi ng higaan ko. Tinawagan ko si Lean para humingi ng sorry. "Hello Ivan. Kamusta? Gising ka na ba sa katotohanan?" Bati niya. "Thank you tsaka pasensya na sa abala." Sagot ko. "Alam mo kung hindi pa kita sinapak kanina baka di ka nakauwi diyan." Sagot niya. "HAHAHAHAH. Pasensya na talaga. Yun na lang yung naiisip kong paraan. Baka sakaling bumalik siya. Baka sakaling puntahan niya ako at sabihing "Ivan tama na yan. Uwi na tayo." o kaya baka sakaling ginagamot niya ako ngayon." Sagot ko. "Tigilan mo na yang baka sakali mo! Maraming babae diyan! Maghanap ka na lang." Sagot niya. "Sana all mabilis magpalit." Sagot ko. "Magreview ka na para sa midterms mo Ivan. Please lang. Gusto mo pa bang madagdagan ang isipin ni Ems? Maawa ka naman sa kanya. Masyado na siyang maraming ginagawa para sa atin. For sure by now alam na ni Ems ang nangyayari sayo. Wag mo naman na siya pahirapan pa lalo. Nagsakripisyo kayong pareho kaya kahit man lang pumasa ka ngayong first semester para paglipad mo ng New Zealand eh hindi ka na uulit pa ng semester dun." Sagot niya. "Alam ko. Just give me time. Aayos din ako. Wag ka rin mag-alala masyado. Hindi ko na rin kailangan itake yung midterms dahil pinapaayos ko na sa Mama ko yung transfer ko sa New Zealand." Sagot ko na lang kahit di ako sigurado kung makakabalik pa ako. "Oo mabuti pa nga na umalis ka na papuntang New Zealand ngayon pa lang para hindi na ako magaasikaso ng mga gulo mo." Sagot niya. "Sige na. Baka nagrereview ka pa. Review well. Tatawagan ko na si Ems." Sagot ko. "Sige. Bye." Sagot niya at binaba ang tawag. Agad ko namang hinanap ang pangalan ni Ems. Dinial ko na ito dahil siguradong nag-aalala nanaman 'to sakin. "Hello Ems?" Bati ko. "Anong hello? Kamusta ka? Hindi naman ba nadamage organs mo? Baka mamaya nadamage yan. Humanda ka sakin pagbalik ko diyan sa Pinas!" Sagot niya. "Tanong aabutan mo pa kaya ako?" Sagot niya. "Ah so gusto mo sa New Zealand pa kita bugbugin?" Sagot niya. "Oo. Puntahan mo ko dun. Sesend ko na lang address ko." Sagot ko. "Ayusin mo muna yung pag-aaral mo diyan bago ka magsalita tungkol sa New Zealand." Sagot niya. "Wag ka na mag-alala. Hindi na ko maghahasik ng gulo dito. Malapit na ako umalis papuntang New Zealand. Hindi ko na kaya tapusin 'tong first semester dito." Sagot ko. Wala na sa pag-aaral ang focus ko. Mas nasa wisyo ako ng pagpapansin kay Sandra. "Sino kasama mo dun?" Sagot niya. "Si Anne. Childhood friend ko at ex ko." Sagot ko. "Ex? Never heard of it. Akala ko NGSB ka." Sagot niya. "HAHAHAHAHAH. Sa gwapo kong 'to mawawalan ng girlfriend? Ha! Nagkakandarapa pa sila!" Sagot ko. "Oo nga eh. Ang swerte niya nga kasi siya yung napili mo eh. Ang swerte niyo nga kasi tumagal kayo ng ilang taon. Kami kasi hindi tumagal ng isang buwan eh." Sagot niya. "Oo nga eh. Pero nagawa pa din akong sa malayo." Sagot ko. "Okay lang yan. At least di ka pinagpalit sa malandi." Sagot niya. "HAHAHAHAHA. Hindi pala malandi yung EX mo eh ano tawag sa ginawa niya sa amin?" Sagot ko. "HAHAHAHAHAHAHAHAH. Sige na. Usap na lang tayo ulit kapag may time ka na. Magpreprepare na ko para sa fan signing bukas." Sagot niya at binaba ang tawag. Ngayon lang nagsink in sakin yung sinabi ko. Mali ako. Kaya agad kong chinat si Ems.

Me:
Pasensya ka na Ems. Nasobrahan yung bibig ko.

Emily Savvanah:
Okay lang. Naiintindihan ko.

Me:
Good luck sa fan signing mo! Congrats din!

Emily Savvanah:
Thank you! Ikaw din!

Me:
Ingat ka jan.

Emily Savvanah:
Oo naman. Ikaw din. Bawasan ang pakikipagbugbugan.

Me:
Opo. Para sayo. Ayoko maging unang pasyente mo.

Emily Savvanah:
Oo talaga. Ayaw din kitang maging unang pasyente.

Me:
Oo. Privilege mo kasi na makagamot ng gwapong mukha.

Emily Savvanah:
HAHAHAHAHA. Diyan ka na nga. Pipili na ako ng susuot ko bukas.

Me:
Sigeeee! Byeeee!

Matapos namin mag usap ay binaba ko na yung lalagyan ng yelo kasi natunaw. Dun ko na lang gagamutin sugat ko. Napatigil ako sa paglalagay ng yelo ng makita kong tumatawag si Mama. "Hello Ma." Bati ko. "Ikaw Ivan ah! Nakipag away ka nanaman daw sabi ni Sean. Mabuti na lang at sa isang linggo eh aalis ka na diyan. Itetake mo lang yung midterms mo tapos lilipad ka na sa New Zealand." Sagot ni Mama. "Opo. Thank you po. Bye po." Sagot ko at binaba ang tawag. Pag alis ko dito sisiguraduhin kong makakalimutan na kita Alesandra Divina Harrington. Hindi na ako yung kilala mong Ivan Daniel pagbalik ko dito.

Sandra's POV
Nabasa ko kaninang umaga yung message ni Ems. Alam kong nasaktan ko siya sa ginawa ko. Pero ano pa bang magagawa ko? Hindi na kaya ng konsensya ko na lokohin pa si Ivan. Kanina tinatawagan niya ko pero di ko sinasagot pero hindi ako nakatiis sinagot ko na. Boses lasing siya at mukhang napaaway nanaman kaya tinawagan ko na si Lean para masundo siya dahil nandito daw siya ngayon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin narereplyan yung message niya. Hindi ko alam paano magsisimula na sumagot sa kanya. Ng makapagisip ako ng rereply ay hinanap ko agad ang name niya sa chat list ko.

Me:
Oo naman Ems. Ako na bahala kay Kuya. Mamahalin ko siya katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Ingat ka palagi jan.

Yun na lang ang nireply ko dahil hindi ko na alam kung ano ang dapat. Nagbalik na lang ako sa pagereview dahil mahihirapan lang ako kung iisipin ko pa ito. Hindi naman sa pinagsasawalang bahala ko na ito pero ayoko lang na isipin pa ito ng paulit-ulit. Nahihirapan lang ako mag-isip ng paraan. Hindi ko pa ulit nakakausap si Kuya dahil marami akong ginagawa siguro siya din ay busy.

Emily's POV
Nandito ko ngayon sa kwarto ko dahil namimili na ako ng susuot ko para bukas sa fan signing. Namimili ako ng susuotin ko. Ang napili ko ay white shirt, jeans at denim jacket. Korean style para kapag nagpicture kami mukhang couple HAHAHAH. Napatigil ako sa pagpili ng sapatos ng marinig ko ang phone ko na tumunog. Kinuha ko ito sa study table ko para tignan kung bakit. Nakita kong may message galing kay Sandra. Nagreply na siya sa message ko. Agad ko itong tiningnan para malaman kung ano ang reply niya.

Sandra:
Oo naman Ems. Ako na bahala kay Kuya. Mamahalin ko siya katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Ingat ka palagi jan.

Parang pinipiraso ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi na dapat ako nasasaktan pero ganun pa rin ang nangyayari. Bumuntong hininga na lang ako at pinigil ang luhang tutulo sana para makapag reply ako ng maayos.

Me:
Thank you. I'm rooting for your happy ending. We may not have our happy ending at least he had it with you. Ingat ka din diyan.

Matapos ko magreply ay nagpalit muna ako ng short para makaakyat ako sa last floor ng condo building dahil kitang-kita dun ang buong Singapore. Kapag gusto ko magrelax ay dun ako nagpupunta para magkaroon ako ng peace of mind kahit saglit. Binulsa ko ang inpods at phone ko. Lumabas na ako ng kwarto ko. Ako lang mag-isa ngayon sa condo dahil nasa duty pa si Ate Gab at si Vince naman ay hindi ko na pinapunta dito dahil sabi ko ay aayusin ko na ang mga dadalin ko bukas sa fan signing. Ang plano ko is gawin lahat ng reviewer ko sa phone ko para di ko na kailangan magdala ng maraming papel at para magaan na lang yung bag na dadalin ko. Kailangan ko pa dalin yung album ko tapos yung konbat kaya kailangan maging wise ako sa pagdala ng mga gamit. Lumabas na ako at umakyat sa last floor ng condo building. Tanaw na tanaw kasi dun ang buong Singapore at kahit paano ay nakakapag relax ito sa akin. May viewing deck sila dito kaya nakakaenjoy magrelax at mag unwind dito. Minsan dito din ako nagsusulat kapag sobrang block na ng isip ko. Nilabas ko na ang phone ko at blinuetooth ko na yung inpods ko para makapagpatugtog. Habang inenjoy ko ang view ay dapat nakikinig ako ng mga songs ng IKON. Mas nakakadagdag kasi yun sa mood ng paligid. Plinay ko ang Love Scenario tsaka ko binalik muli sa bulsa ko ang phone ko. Akala ko ba he will love me from a far bakit pinagpalit niya ako sa bestfriend ko? Matatanggap ko pa kung tinanggap niya na yung kasal niya kay Ana eh pero yung ganito parang sobra naman na ata. Parang hindi naman na tama 'to. Wala naman na akong ginawa kundi ang mahalin silang dalawa ah. Mabuti naman akong kaibigan at naging mabuting girlfriend din naman ako ah, pero bakit ginawa pa rin sakin 'to. Totoo nga na kapag malungkot ka mas naiintindihan mo ang meaning ng kanta. 'Sarangeul haetta uriga manna jiuji mothal chueogi dwaetda'
(We were in love
We met and became a memory that can’t be erased). Just like the lyrics we met and became a memory that can't be erased. This is our love scenario a love scenario that can be compared to a decent melodrama that has a tragic ending. Akalain mo nga naman na sa kabila ng masiglang melody ng kanta eh may malungkot pala itong meaning. Naramdaman ko na lang na basa na pala ang mga pisngi ko dahil sa luhang di ko namalayang pumatak na pala sa aking mga mata. Yung masayang melody ng kanta pala ang magpapabagsak sa luha ko HAHAHAHA. Para tuloy akong baliw dito na umiiyak habang tumatawa. Buti na lang solo ko yung viewing deck. Nagpause ang tugtog dahil mukhang may tumatawag sa akin. Pinunasan ko muna ang luha ko bago tignan kung sino ang tumatawag. Nakita kong si Vince ito kaya agad kong sinagot baka may kailangan sakin. "Hello! Bakit ka tumatawag? Nagrereview ako." Bati ko. "Wala ka naman sa condo eh. Dumating si Ate Gab tinatanong ko kung tapos ka na magreview sabi niya wala ka daw sa kwarto mo. Nasan ka ba?" Sagot niya. "Basta. Naguunwind lang ako. Bakit ba?" Sagot ko. "Wala lang. Nasaan ka ba kasi?" Sagot niya. "Nandito ko sa viewing deck. Puntahan mo na lang ako." Sagot ko. "Okay. On the way na ko. Bye." Sagot niya at binaba ang tawag. Wala naman akong magagawa sa loko na yun kundi ang sabihin kung nasaan ako dahil hindi ako tatantanan nun. Nangawit na ako kakatayo kaya pumunta ko sa designated bench nila para sa mga taong gustong maupo while watching the view. "Wag mo masyado damdamin Ems." Ani Vince na nagpagulat sa akin. Agad ko siyang sinapak sa braso. "Aray! Bakit?" Daing niya. "Ginulat mo ko eh! Sira ka talaga! Alam mong ayaw ko yan eh!" Sagot ko. "Wag mo kasing binubuhat lahat. Tapos ka na diyan. Hayaan mo na si Ken sa gusto niya. Wala ka naman nang magagawa dun eh." Sagot niya. "Alam ko. Kaya nga nagstep down na ako kasi ayoko masira ang pagkakaibigan namin ni Sandra." Sagot ko. "Wag ka na umiyak diyan. Ayoko magpakita ka sa mga boyfriend mong korean na ganyan." Sagot niya. "HAHAHAHAHAHAH. Thank you for making this happen." Sagot ko. Sobrang thankful talaga ko dahil nagawa niyang maging totoo ang isa sa mga pangarap ko. "Wala yun basta para sayo Binibini." Sagot niya. Lumapit ako sa kanya at yinakap siya ng mahigpit. "Thank you for staying Vince." Sagot ko. Yumakap din siya sa akin pabalik. "Even if the world leaves you behind remember that I will always be by your side." Sagot niya. "Thank you." Sagot ko. "I love you Ems." Sagot niya. Napabitaw ako sa yakap ng marinig ko ito. "B-bakit ako?" Sagot ko. "Ewan. Ikaw pinili nito eh." Sagot niya habang nakaturo sa puso niya. "Kaya wag ka na umiyak. Ang mahalaga pinili mo ang makakabuti sa squad. Ang makakapagpanatili nitong buo sa kabila ng pagiging magkakalayo natin." Dagdag niya pa. Napangiti naman ako sa sinabi niya at kahit paano ay naibsan ang sakit na nararamdaman ko. "Dahil diyan eh libre mo ko milktea." Sagot ko. Bigla kasi akong nagcrave sa milktea at hindi ko nadala yung wallet ko. "Oo naman. Tara?" Sagot niya. Tumango ako at nauna na sa kanya maglakad. May malapit naman na milktea shop dito kaya hindi na kailangan magkotse. Ng makarating kami sa milktea store ay siya na alng ang pinag order ko dahil alam niya naman na ang gusto kong flavor at sugar level ng milktea. Ng makabalik siya ay dala niya na yung milktea. "Kamusta yung pagrereview mo?" Tanong niya. "Okay naman. Lahat ng kailangan ko reviewhin naitype ko na sa phone ko." Sagot ko. "Free na ba space ng cellphone mo?" Sagot niya. "Oo naman. Handang-handa na ako sa concert at fan signing." Sagot ko. "Anong papapirmahan mo?" Sagot niya. "I decide album tsaka yung poster kasama nung album." Sagot ko. "Wow. Ako na bahala sa pagpipicture sayo bukas." Sagot niya. "Thank you talaga Vince." Sagot ko. "Wala yun. Ito na lang ang magagawa ko para mapasaya ka sa kabila ng mga pinagdadaanan mo ngayon." Sagot niya. Tumango ako bilang sagot ng mapasagi sa isipan ko si Ivan. "Teka. Sabi niyo this past few days napapaaway si Ivan diba? Ano na pala nangyari dun?" Tanong ko. "Nako. Hindi ko na alam. Palagi na lang yun sinusundo ni Lean sa bar. Nung huli niyang sundo sa kanya eh kinailangan pa siyang sapakin para maiuwi." Sagot niya. "Hayaan niyo muna siya. Nasasaktan siya sa nangyari sa kanila ni Sandra at malapit na rin matapos ang paghihirap ni Lean sa kanya. Malapit na siya pumuntang New Zealand. Inaayos niya na daw yung transfer niya dun." Sagot ko. Tumango lamg siya at tumayo na. "Tara na. Paggabi na oh." Sagot niya. Tumango ako at sumunod na sa kanya. Ng makauwi ako ay agad akong nagsalang ng sinaing at nagluto ng ulam. Alam ko kasing anytime ay maaring umuwi na si Ate Gab galing duty. Ayoko na paglutuin pa siya. Bumukas na ang maindoor ng condo indikasyon na nandito na siya. "Nako Ems bakit nagluluto ka? Exam mo bukas at may pupuntahan ka pang event ng IKON diba?" Tanong niya.  "Ate Gab naman. Pagod ka na galing duty ako na bahala dito sa pagluluto. Magbihis ka na po at ako na ang maghahain." Sagot ko. "Sige. Thank you." Sagot niya. Tumango lang ako at nagpatuloy na sa paghango ng ulam. Matapos ko maghain ay kumain na kami. Kinagabihan ay nagreview ulit ako ng mga lessons na kasama sa exam namin para bago matulog ay nasave ko na ang ilang mga bagay sa utak ko. Kahit nagmumulti task ako ngayon ay kailangan di ko mapabayaan ang school. Excited na ako bukas dahil makikita ko sila sa personal at malapitan.

A/N: Enjoy reading! Happy 100 reads Still into You! Thank you for always waiting for my updates!❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top