CHAPTER 10: LET GO

Ken's POV
"Argh! Ano ba namang buhay 'to oh!" Sigaw ko at hinampas ang coffee table na nasa harap ko. "Ano ba yan Ken?! Bakit ka sumisigaw?" Sigaw ni Ate habang pababa sa hagdan. "Umiral nanaman ang kaadikan ni Ana!" Sagot ko. "Bakit nanaman? Diba matagal ka nang hindi ginugulo non?" Sagot niya. "Ganto nga kasi Ate. Si Sandra at Ivan nagbreak na. Tapos ang akala ni Ivan ay may relasyon kami ni Sandra dahil yung mga pictures naming dalawa nung nagcelebrate tayo ng graduation ko naka feature photo sa kanya. Nakita ngayon ni Ana yun." Sagot ko. "Ano? Nainvolve ka sa break up ni Sandra at Ivan? Bakit naman? Ken naman oh! Ang laki na nga ng pasanin mo nakisali ka pa sa ganiyan." Sagot niya. "Ate, hindi ako nakisali naisali ako. Hindi ko papatulan si Sandra. Ate naman kaibigan yun ng EX ko hindi ako papatol sa kaibigan ng EX ko at boyfriend niya yung tropa ko Ate." Sagot ko. "Bakit ba kasi nasali ka sa issue na yan? Baka mamaya lumabas pa yan sa media masyado nang maraming trabaho dito sa States para umuwi pa dun at magbigay ng statement." Sagot niya. "Dahil nga dun sa feature photo sa account ni Sandra." Sagot ko. "Paano naman nakarating yun kay Ana?" Sagot niya. "Ate alam mo naman yun. Parang wifi napaka-bilis makasagap ng chismis. Daig pa chismosang kapit-bahay." Sagot ko. "Obsessed ata sayo yun eh. Palaging updated sa buhay mo. Hindi nahuhuli." Sagot niya. "Ay nako hindi ko alam Ate. Basta maghanda na lang tayo sa pagbalik ng delubyo sa buhay natin." Sagot ko. "Tignan lang natin kung makatagal siya sa condo na 'to. Gagawin ko 'tong impyerno para sa kanya. Mawawala ang golden spoon s bibig niya." Sago niya. Delubyo naman talaga siya dahil hindi ako nakakatapos sa mga gawain dahil sa kalandian niya. Pag bumalik yun magkukulong na ako dito sa kwarto hindi na ako bababa. "Nako Ate. Baka mamaya magsumbong yun kay Tita Annalin. Tayo pa mapapagalitan at tatambakan ng trabaho." Sagot ko. Kabisado ko si Mama at Papa. Papalibot sa amin ang buong mundo para sa mga meeting at maraming paper works kapag nagsumbong ang anak ni Satanas. "Hindi yan. Kung magaling siya mas magaling ako. Para saan pa't nag theater ako nung highschool days ko. Mas magaling ako sa kanya." Sagot niya. Napailing na lang ako at niligpit ang mga gamit ko para makaakyat na at makatulog. Buti na lang at tinigilan na nila Mama ang pagpapasa sa akin ng ibang projects ng kompanya dahil alam nilang malapit na ang exam week ko. Nagsisimula na rin ako magreview. Kailangan ko na pumunta sa school the whole exam week dahil ayoko magtake ng online exam. Nagtooth brush at hilamos muna ako bago ako nahiga. Nakatulog agad ako dahil sa sobrang pagod. Maaga ko gumising para masimulan agad yung project ko sa isang subject. Dumiretso agad ako sa study table ko at binuksan ang laptop ko. Matapos nun ay nilagay ko na application na kailangan para makagawa ng digital plate. Ayoko kasi na kapag nagsimula na ako eh madami pang kailangan ilog in. Para tuloy-tuloy na ay ganun ang ginagawa ko. Matapos ko ilog in lahat ng accounts na kailangan ko ay pumunta na ako sa cr para maligo. Pagkatapos ko maligo ay bumaba na ako para magtimpla ng hot chocolate. Hindi kasi uso dito yung milo at wala na kaming time para maghanap pa nito. Pare-parehas kasi kaming magkakapatid na mahilig sa milo. "Good morning Kuya Ken!" Bati ni Kyle na kumakain sa dining area. "Bad morning Kyle." Sagot ko. Ganyan ko talaga sila batiin simula ng maghiwalay kami ni Ems dahil wala namang good sa morning. "Ano ba namang klaseng bati yan Ken. 7 years ko na yang naririnig sayo." Sagot ni Ate. "Syempre. 7 years na rin siyang wala sa buhay ko. Hindi niyo maririnig ang good morning sa akin habang wala siya." Sagot ko. Speaking of it malapit na ang 85th monthsary ng break-up namin. Every 29th of the month nagpupunta ako sa milktea shop dito para uminom ng okinawa milktea dahil yun ang last drink na ininom ko na kasama siya. Umakyat ako ng Mt Taal nung first anniversary sana namin. Sinadya kong umuwi talaga bago ang araw na yun. Matapos ang araw na yun ay hindi na ulit ako nakabalik sa Mt. Taal. "Nako Ate kaya yan ganyan kasi malapit na yung monthsary ng break up nila ni Ems. Sa 29 yun. Iinom nanaman yan ng isang damakmak na okinawa milktea hanggang sa magtae na siya ng pearls." Sagot ni Kuya Kenneth. Hindi ko na siya sinagot at kinuha na lang ang tinimpla kong hot chocolate para makaakyat na at makapagsimula ng plates. Habang gumagawa ay bigla namang ring ang phone ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa nabasa kong pangalan. "Why?" Malamig kong bati. "Uhm... Ken, can you sundo me here sa house. Nabangga ko kasi yung car ko last night eh. Nandun pa sa repair shop." Sagot niya. Conyo-conyo pa wala naman siya sa Pilipinas. Ang naalala ko yung school ni Ate Kass ang conyo world bakit parang nakalabas 'to dun? "I'm busy. I have many plates to do. Just ask your driver to drive you here." Sagot ko. Hindi naman 'to nagcocommute eh. Golden spoon at spoiled 'to. "Please Ken. Spare some time naman for me. Iisipin nila Mama na ungentleman ang future son in law nila." Sagot niya. Bumuntong hininga na lang ako at tamad na tumayo. "Okay. Magreready lang ako." Sagot ko at binaba ang tawag. Nagbihis lang ako at padabog na kinuha ang susi ng kotse ko. "Saan ka pupunta Kuya Ken?" Tanong ni Kyle. "Susunduin ko lang ang prinsesa ng mga demons. Babalik ako agad. Inayos niyo na ba ang kwarto ng prinsesa ng mga demons?" Sagot ko. "Bakit namin aayusin? Si Emily ba siya ha? Kung si Emily siya handa akong magpaalipin. Eh hindi siya si Emily eh. Kaya hindi." Sagot ni Kuya Kenneth. "Hay. Bubungangaan nanaman ako nun." Sagot ko. "Subukan niya. Bubungangaan ko din siya." Sagot naman ni Ate Kass. "Sige na Ate. Baka tumawag nanaman yun at mag-conyo talk nanaman." Sagot ko. "Sige. Mag ingat ka. Wag mo babangga yung kotse kapag pabapik ka na at baka makasuhan ka pa ng animal abuse. Mahal magpiyansa dito." Sagot niya. "Sus. Mabuti pa nga kesa magpakasal ako dun." Sagot ko at lumabas na. Habang nagdridrive ako ay naalala kong bukas na nga pala ang 85th month naming magkahiwalay. Saan kayang milktea shop ako bibili ng okinawa milktea? Ng makarating ako sa mansion nila ay agad akong nakapasok dahil nakaregister sa sensor nila ang kotse ko. Pinark ko muna ito at bumaba na para sunduin ang prinsesa ng demons sa loob dahil hindi naman yun lalabas. "Good morning Sir Ken. They are in the dinibg area. They are having breakfast." Bati ng katulong nila. Tumango ako at umupo na lang sa sala. Ayoko na magpunta dun sa dining area dahil baka alukin nanaman akong kumain ng pagkain na si Ana ang nagluto. Nung huli kong kumain ng luto niya ay muntik na akong magka-UTI dahil sa sobrang alat ng fried rice. Ang trying hard niya magluto hindi naman marunong. Simpleng bacon and spam nasusunog niya pa. Kaya hindi mo siya maiiwan kapag siya lang mag-isa at masusunog ang condo dahil sa katangahan niya. "Here's Babe na pala Mommy eh." Bati ni Ana ng makalabas siya. Tumayo naman ako para magbigay galang kay Tita. "Good morning po Tita. I'm here to pick her up." Bati ko. Lumapit naman si Ana sakin at yinakap ako. Nangingilabot ako sa yakap niya. "Good morning iho. Did you eat breakfast?" Bati naman ni Tita. "Yes po. Tapos na po. Bago ako umalis sa bahay nagbreakfast na ko. I just dropped by here kasi sabi po ni Ana namimiss niya na daw po yung condo eh." Pagsisinungaling ko. "Oh that's why she packed her things." Sagot niya. "Yes po. May ginagawa pa po ako na plates eh. Pwede na po ba kami umalis?" Sagot ko. "Okay. Ana get your things na. I have to go na rin. May meeting pa kami sa kompanya eh." Paalam ni Tita. Tumango lang ako at umalis na siya sa harap ko. Hinintay ko na lang si Ana na makababa. Sinakay ko na sa kotse ko ang mga gamit niya. Sumakay na siya sa shotgun seat. Matapos kong ayusin ang mga gamit niya ay umikot na ako para makasakay na sa driver's seat. Hindi ako umiimik buong biyahe namin. Binaba ko lang yung dalawang maleta niya at iniwan na siya sa parking lot. Kaso parang bampira siya at nakakapagteleport ata nakasunod agad sa akin. Habang nasa elevator ay hindi ako umiimik. Siya naman ay busy sa phone niya. Mabuti naman at hindi ako nakakarinig ng conyo talks niya. Ng makarating kami sa floor namin ay nauna pa siya sa akin. Sumunod na lang ako sa kanya. "Hi Ate Kass. I'm back na here." Bati niya kay Ate Kass na nasa sala at abala sa pagtatype. Hindi siya pinansin ni Ate Kass. Nandun din si Kyle abala naman sa online quiz niya. Si Kuya naman missing in action. "Hi baby Kyle. How are you?" Bati naman niya ng makalapit kay Kyle. "Ewwww. I'm not baby anymore. Tsaka can you please layo to me. I'm doing my quiz here oh." Sagot niya. Natawa naman ako sa naging reaksyon ni Ana. "Ken did you fix my room?" Tanong niya sa 'kin. "No. Why would he fix your room if you could do it yourself huh?" Si Ate na ang sumagot para sa akin. "O-of course I can fix it. Where is it ba?" Sagot niya. "Find it yourself." Sagot ni Ate. Bago pa makasagot si Ana ay tinalikuran ko na sila at umakyat na ako sa kwarto ko para ituloy yung naudlot kong paggawa ng plates. Nagbihis muna ako ng pambahay bago muling umupo sa study table ko. Kinonect ko sa bluetooth speaker ko ang laptop at nagpatugtog para hindi ako abalahanin ng sinoman. Alam nila kapag nagappatugtog ako ay may ginagawa ako. Nilock ko na rin ang kwarto ko pars hindi agad mabuksan ni Ana. Tatawagan ko na lang si Ate para dalan ako ng lunch mamaya.

Emily's POV
Hindi ako makapagfocus sa inaaral ko dahil sa break up ni Sandra at Ivan. Iniisip ko pa yung kapakanan ni Sandra na baka makita yun ni Ana at pag-initan pa siya. Alam ko namang nasa America na yun pero kapag si Ken ang usapan kahit nasa buwan ka pa guguluhin ka niya. Tinanong ko naman si Ivan kung kamusta na siya. Ayos naman daw siya at mabuti na lang na kahit naglalasing eh nakakauwi ng buo at walang galos. Kawawa naman siya wala kasama. Yung nag iisang kasama niya sa Bulacan iniwan na siya. Tinanong ko ano plans niya sabi niya next semester lilipad na siya papuntang New Zealand para dun ituloy ang pag-aaral niya. "Hoy Ems! Ano ba? Tulala ka nanaman! Ano bang nangyayari sayo?" Tawag sa akin ni Vince. "Wala. Naiisip ko lang yung kalagayan ni Ivan dun. Wala siyang mga kaibigan na aalalay sa kanya." Sagot ko. "Wag ka magalala kay Ivan at Sandra. Kaya na nila mga sarili nila. Matanda na sila. Ang intindihin mo yung upcoming test natin. Ano gusto mo umattend ng concert ng IKON na bagsak?" Sagot niya. "Hindi. Eh iniisip ko lang kalagayan ng kaibigan natin. Alam ko kung gaano kalupit yung fiancee ng ex ko na yun." Sagot ko. Baka mamaya kahit malayo yung Ana na yun eh pakialaman pa buhay ni Sandra. Wag naman sana. Tsaka sana magstand si Ken sa kanya si Ken kasi alam ko kung ano ang pakiramdam ng itanggi ng taong mahal mo sa buong mundo. Naalala ko pa kung paano ako nagmakaawa kay Kuya Kenneth para lang magexplain si Ken. Ayoko na abutin ni Sandra yung ganun. "Wag ka mag-alala. Mukhang mahal naman ni Ken si Sandra eh. Mags-stand yun para sa kanya. Bunso niya yun eh." Sagot niya. Natahimik ako sa sinabi niya. Napapaisip tuloy ako kung bakit sa akin hindi niya nagawa na magstand. "A-ah Vince CR lang ako ah." Paalam ko at tumayo na. Malapit na kasi tumulo yung luha ko. Ayoko na makita niya na umiiyak nanaman ako dahil kay Ken. Pumasok ako sa isang cubicle at dun ibinuhos lahat ng luha ko. Hindi dapat ako umiiyak dahil kay Ken eh. Hindi dapat ganito eh. 7 years na yun Ems. Bakit umiiyak ka pa rin dahil sa kanya? Nandiyan naman si Vince para mahalin ka bakit kay Ken ka pa rin bumabalik kahit masakit? Ano bang meron sa kanya ha? Pabayaan mo na siya kay Sandra. Kaya na siya alagaan ni Sandra. Hindi mo na rin kailangan mag-alala para sa kanya dahil meron siyang Ate at meron din siyang Sandra. Magfocus ka na lang sa pag-aaral. Pick yourself up Ems. You can do it! Napahinto ako sa pagpunas ng luha ko ng magring ang phone ko. Si Andy pala ang tumatawag. "Hello Ands!" Masiglang bati ko kahit di ko feel. "Wag ako Ems. Kamusta ka na?" Sagot niya. "Ayos lang." Sagot ko kahit hindi. "Alam ko na. Wag ka nang ganyan." Sagot niya. "Ayos lang ako. Wag mo ko alalahanin. Si Sandra ang mas may kailangan nito. Ok lang ako. Nandito naman si Vince para alalayan ako eh." Sagot ko. "I know Sandra needs someone to lean on but I want to check on you. I know even if its been ages he still has your heart." Sagot niya. "Don't worry about it. I can handle it. Sorry nadistract ka pa namin." Sagot ko. Ayoko na naabala pa siya lalo at nagaaral siya sa US. "No worries. Just call me if you need me. I always have time." Sagot niya. "Thanks Andy." Sagot ko. "Okay. Brace yourself and stay strong. Love you!" Sagot niya. "Love you too." Sagot ko at binaba ang tawag. Lumabas na ako sa cubicle at naghilamos para hindi mahalata ni Vince na umiyak ako. Buti na lang nagdadala na kong panyo para mapunasan yung mga basa sa mukha ko. Sinigurado ko muna na tuyong-tuyo yung mukha ko bago ako lumabas ng CR. Ng bumalik ako sa pwesto namin kanina ay nakaligpit na ang mga gamit namin. Naalala ko malapit na pala matapos ang lunch. "Okay ka na?" Tanong niya ng makaupo ako at nilagay sa bag ko yung laptop at mga books ko. "Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay." Sagot niya. "Matagal na tayong magkaibigan kaya kilala na kita." Sagot niya. "Kala ko maloloko kita." Sagot ko. "Hindi mo ko maloloko Binibini. Kabisado ko ang mga galaw mo kapag malungkot ka." Sagot niya. "Weh?" Sagot ko. "Hula ko ang kadalasan nagpplay sa kwarto mo eh yung kantang I'm Ok by IKON. O kaya yung Apology." Sagot niya. "Paano mo nalaman yun?" Sagot ko. "Eh yun din yung nakalagay sa recent searches mo sa youtube at yung spotify mo diyan sa laptop eh ganun din. Naka repeat pa nga yung I'm Ok eh." Sagot niya. Naalala ko di ko nga pala naisara ang laptop ko. "Hindi ka lang pala manunulat detective ka din." Sagot ko. "Sorry sa words ko kanina. Pero alam kong kakayanin mo yan." Sagot niya. "Okay lang yun HAHAHAHA. Tara na baka malate pa tayo sa class." Sagot ko. Ayoko pa naman malate dahil may mga recitation at quiz. Ng makapasok kami sa classroom ay wala sa klase ang atensyon ko. "Miss Howards?" Napabalik ako sa wisyo ng marinig yun. "Y-yes Sir?" Sagot ko at tumayo.
"Its is called the collar bone." Sagot niya. "Clavicle, Sir." Sagot ko. "Good. Sit down." Sagot niya. Umupo na ako. Mabuti na lang yung tinanong sa akin eh nabasa ko. "Paano mo nasagot yun? Hindi ko na nga naalala yun eh." Bulong niya. "Nagbabasa ko ng notes." Sagot ko na pabulong din. Nakinig na lang ako ulit sa sinasabi ng prof. "Daan muna tayo sa mall. Libre kita milktea. Tapos magpark tayo." Saad ko. "Sige!" Sagot niya. Naglakad na kami paounta sa mall ng school. "One brown sugar milktea and One wintermelon." Saad ko sa kahera. "That would be 60 dollars." Sagot niya. Nagbayad ako ng 60 Singaporean dollar. "Thank you." Sagot nung kahera. Umupo muna kami sa isa sa mga table. Hindi naman namin ugali na uminom ng milktea sa mismong milktea store. Ng makuha namin ang order ay umalis na din agad kami sa milktea store. Naglakad na kami papunta sa parking lot. Pinugbuksan ako ng pinto ni Vince bago siya umikot papunta sa driver's seat. Ng magsimula siya magdrive ay napatingin na lang ako sa daan na tinatahak namin. Siguro ito na ang tamang oras para sa matagal ko nang hindi magawa. Baka ito na yung sign na binigay ni Lord para pakawalan ko na si Ken. I should let him go dahil nandiyan na si Sandra para alagaan siya katulad ng pag-aalaga noon. Siguro sabi ni Lord kailangan ko na siya pakawalan para mapagbigyan ko naman ang ibang tao na nagmamahal sa akin. "Huy Binibini!" Ani Vince. Bumaling ako sa kanya. "Ha?" Sagot ko. "Nandito na tayo. Bumaba ka na." Sagot niya. "Ay sorry." Sagot ko at bumaba na. Hinintay ko na siya na makababa. Naglakad na kami ng sabay para makaupo sa isang bench. Binuksan ko na ang milktea ko at ininom ito. "Galing mo kanina ah! Nasagot mo yung tanong eh hindi ko alam yun." Aniya para mabasag ang katahimikan na bumabalot sa amin. "Syempre! Magbasa-basa ka din kasi ng notes! Or mas better magsulat ka ng notes. Tamad-tamad kasi eh." Sagot ko. "Ready ka na sa exam natin sa Monday." Sagot niya. "Oo naman." Sagot ko. Tagal ko nang nagrereview para sa exams. Nag-aadvance reading din kasi ako pag umuuwi ako. "Wow. Excited ka talaga magexam 'no?" Sagot niya. "Oo naman! Aba sa Thursday eh may fan signing tapos Friday concert. Kaya may motivation ako." Sagot ko. "Deserve mo talaga yun lahat Ems. Sobrang sipag mo at ginagawa mo lahat para makamit ang mga pangarap mo." Sagot niya. "Thanks." Sagot ko. Natahimik ulit kami. Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya. "May gusto ka bang sabihin sa akin?" Tanong niya. Siguro naramdaman niya na na may gusto kong sabihin sa kanya. "Hmmm." Sagot ko at bumuntong hininga muna. "Ano ba yun? Tungkol ba ito sa kanila nanaman?" Sagot niya. Tumango ako. "Sabihin mo na." Sagot niya. "Should I let him go?" Sagot ko. Tumingin muna siya sa malayo bago sumagot. "7 years is enough Ems. 7 years of thinking how he's doing or how is he is enough. Hindi mo na kailangan na isipin pa siya. Marami nang taong gagawa nun para sa kanya. Meron siyang mga kapatid at meron pa siyang Sandra. Ayos na yun. Maging masaya ka na para sa kanya. Tapos na ang duty mo para sa kanya. Siguro ito na yung sign na binigay ni Lord para pakawalan mo na siya at bigyan mo ng chance yung taong nagmamahal sayo ngayon." Sagot niya. "Tama ka nga siguro." Sagot ko at tumingin din sa malayo. "Tama ka. Dapat ko na siyang pakawalan. Hindi siguro siya yung taong dapat ay para sa akin. Meron pang mas better sa kanya." Dagdag ko. "Ano ba yan! Drama natin! Magpicture na nga lang tayo!" Sagot niya. Nilabas niya ang phone niya at nagselfie kami. Pati tuloy ako napalabas ng phone. "Sa phone ko naman!" Sagot ko. Nagpose ako ng signiture post ni Hanbin. Siya naman ay nagpose ng wacky. Nilagay ko sa story ko sa facebook ito. 'Chill muna bago mag exam next week's Yan ang caption ko. "Tara na. 5:30 na. Diba 6pm ang out ni Ate Gab. Daanan na natin siya." Saad niya. "Sige. Tawagan ko siya para masabi kong pupuntahan natin siya." Sagot ko. Dinial ko na ang number ni Ate Gab. Meron na akong sim na dito binili. Si Ate Gab at Tita Mhel lang ang may number sa akin dahil silang dalawa lang ang nandito. Sa messenger kami nag uusap ni Mommy. "Hello po Ate Gab." Bati ko. "Hello Ems. Oh bakit?" Sagot niya. "Sunduin ka na po namin ni Vince. 6 pm po out mo diba?" Sagot ko. "Sige. Mag-r-rounds lang ako saglit tapos aayusin ko na yung mga gamit ko." Sagot niya. "Sige po. Bye po." Sagot ko. "Sige. Bye." Sagot niya at ibinaba ang tawag. "Tara na. Magrrounds lang daw siya tapos aayusin niya na yung mga gamit niya." Saad ko. "Okay. Tara na." Sagot niya. Naglakad na kami papunta sa parking. Agad rin naman kaming nakarating sa hospital dahil malapit lang naman ito. Naglakad na kami papasok. "Vince, libot mo naman ako dito." Saad ko. "Sure. Siguro nagr-rounds pa naman si Ate Gab kaya pwede pa kita ilibot." Sagot niya. Naglakad na kami papunta sa Emergency room. "Ito yung emergency room ng hospital. Lahat ng mga gamit diyan is advance technology." Saad niya. Tumango naman ako. Pumunta kami sa mga ward. Paminsan-minsan ay binabati siya ng mga nurse or doctor na nakakakilala sa kanya. "Gusto ko maging scrub nurse. Kapag nag ojt tayo hihilingin ko talaga sa management na maexperience ang pagiging scrub nurse." Saad ko. "Mahirap maging scrub nurse. Mas gusto ko sa ER." Sagot niya. Nandito kami ngayon sa tapat ng Nurse Quarters dahil nakasalubong namin kanina si Ate Gab nung naglilibot kami. Sinundan na lang namin siya. Ng lumabas siya ay hindi na siya naka scrub suit. Naka jeans na siya at blouse. "Tara na. Kain tayo sa Tokyo Tokyo diyan sa mall. Libre ko kayo." Ani Ate Gab. "Wag na Ate. Nakakahiya." Tanggi ni Vince. "Wag ka na mahiya. Hindi ka naman na iba sakin eh." Sagot niya. "Oo nga Vince. Nahiya ka pa eh ikaw nga palagi nanlilibre sa akin eh." Sagot ko naman. "Eh sige na nga. Baka magtampo ka pa sakin kapag tumanggi ulit ako eh." Sagot niya. Tumawa naman si Ate Gab dahil sa narinig. "Ate nakausap mo na si May?" Tanong ko. "Oo. Baka umuwi ako sa 8th birthday niya dahil nakamiss na ako ng dalawang birthday niya." Sagot niya. "Nako. Sana makasama ko." Sagot ko. "May Christmas break naman kayo kaya makakasabay ka ng uwi sa akin sa pasko." Sagot niya. Oo nga pala Ber months na. "Ikaw Vince, ano plano mo?" Tanong ko. November na rin kasi kaya malapit na magchristmas break. "Di ko pa alam kung makakauwi ako sa Christmas break eh. Marami kasing ginagawa dito si Mama. Kung hindi kami makakauwi ng pasko eh sila Lean ang papapuntahin namin dito dahil sila na lang naman ang naiwan sa Pinas. Para sabay-sabay na kami lilipad ng States para sa New Year." Sagot niya. "Ahhh. Sana all magpupuntang US." Sagot ko. "Baka pagbalik natin kasama natin sila May. Kasi hiniling daw ni May na regalo this coming Christmas is magpunta dito." Sagot ni Ate. "Maganda yan. Iingay ang condo natin." Sagot ko. Sumakay na kami sa kotse. Sa likod na umupo si Ate Gab at ako naman sa shotgun seat. Nagdrive na si Vince papunta sa mall. Agad kaming nagpunta sa Tokyo Tokyo. Si Ate Gab na ang umorder ng mga kakainin namin. Nandito lang kami ni Vince sa table. Nilabas ko na lang ang phone ko at nagfacebook. Nagulat ako dahil sa post ng isang reader. Yung libro ko nasa 500k reads na. "Hala! Hala! 500k reads na Still Youuuuu!!! Tapos yung The Girl Who Got Broken In Love 60K reads!!!" Ani ko at pinakita kay Vince ang post. "Wow. Congrats Binibini." Sagot niya at yinakap ako. Agad naman akong nagpost ng thank you para sa mga nagbasa. Kahit paano napalitan ng saya ang nararamdaman kong lungkot kanina. Masaya kaming kumain ng mga inorder ni Ate Gab. Naglibot kami saglit para magpababa ng kinain at bumili din ng ice cream in cone. May malaking christmas tree sa mall nila kaya ang ganda magpicture. "Huy Vince! Picturan mo naman ako sa Christmas tree." Ani ko dahil sobrang ganda ng mga pailaw nito. "Tumayo ka na dun." Sagot niya. The ussual nagpose ulit ako katulad ng signature pose ni Hanbin. Ganun na ako nagpopose nitong mga nakaraan dahil nung nagselca day is siya ang ginaya ko. "Groupfie tayo Ate Gab." Ani ko. Lumapit silang dalawa kaya nagpose na kami. "1...2...3.." Ani ko at pinindot ang shot button. "Kayo naman ni Vince!" Ani Ate Gab. Tumawa naman ako at tumayo na sa tabi ni Vince. "Ate Gab yung phone ko na lang gamitin mo. Baka mamaya eh hindi makatulog si Emily sa kagwapuhan ko kapag nakikita niya yung picture ko sa gallery niya." Saad niya. "Yak! Masuka ka nga! Mas gwapo pa si Chanwoo sayo eh!" Sagot ko at hinampas siya sa balikat. "Joke lang naman eh!" Sagot niya. "Game na!" Ani Ate Gab. Pinulupot naman niya ang braso niya sa beywang ko kaya napalapit ako sa kanya. Nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pinulupot ko na lang din ang isa kong kamay sa kanya. Nag V pose na lang yung isa kong kamay. "1..2..3.." Saad ni Ate Gab. Matapos noon ay inabot na ni Ate Gab kay Vince yung phone. "Ate pwedeng isa pa?" Sagot ni Vince. "Oo naman." Sagot ni Ate Gab. Ano ba naman 'to. Daming kineme sa buhay. "Nakatalikod kami sa camera Ate." Ani Vince. Nakita kong tumango si Ate Gab. Hinawakan niya nakan yung kamay ko at tumalikod na. Nag V pose na lang ulit ako pati din siya. Potek kung nasa Pilipinas kami aakalain ng mga tao na magjowa kami. Matapos ng shot na yun ay umuwi na kami. "Thank you sa paghatid Vince." Ani ko. "No problem. Nag enjoy din ako. Sesend ko na lang sayo yung mga pictures natin." Saad niya. "Sige." Sagot ko. Pumasok na kami ni Ate Gab sa condo. "Good night Ems." Aniya bago pumasok sa kwarto niya. "Good night Ate." Sagot ko. Pumasok na rin ako sa kwarto ko na puro poster ng IKON. Binaba ko ang bag ko sa study table ko at dumiretso sa tapat ng closet ko para makakuha ng pambahay. Naligo na ako at nagbihis para makapaghanda na sa sa pagtulog. Habang nagsusuklay ay naisip ko si Sandra. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung active siya. Nice mabuti na lang hindi makakapag message ako ng hindi nag iisip agad ng reply.

Me:
Sands. Kamusta ka na? Alam ko na yung relationship niyo ni Ken. Okay lang sa akin yun as long as you both are happy. Hindi na ako magaalala dahil alam kong masaya kayong dalawa. Wag ka na mag alala sa nararamdaman ko as long as napapanatili mo yung happiness mo. Padayon my future doctor!

Matapos ko isend ito ay binuksan ko ang cd player ko at nilagay ang isang cd ng ikon dahil magrereview naman ako para sa ibang subject. May mga hindi pa kasi ko nareview. Baka may surprise quiz bukas. 11 pm na ako nakatulog dahil sa pagrereview.







A/N: Enjoy reading guys! Sana nagustuhan niyo and sorry kung medyo lame or madrama o kung ano pa mang negative. Marami lang kasing dumadapo sa isipan ng author niyo.

PS: Yan po yung signature pose ni Hanbin na sinasabi ni Ems.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top