Wakas
Wakas
"Trigger, paabot naman ng diaper!" sigaw ko. Dali-dali naman siyang tumakbo papuntang kwarto.
Malinaw na sa kaniya ang lahat na ginagawa lang namin ito sa mga anak namin. Hindi na rin siya nangulit pero nandun pa rin ang pagka-pilyo niya minsan na hindi ko alam kung sinasadya niya ba o hindi.
"So take a deep breath and let it go!" kanta niya saka inabot sa akin ang diaper.
Sinuot ko ang diaper kay Elora. Pinapanuod lamang ako ni Trigger habang hawak ang kaniyang cellphone. May katext yata dahil kanina pa tunog ng tunog, nakakairita.
"Sino ba yan?" inis na tanong ko nang tumunog ulit ang cellphone niya.
Nagulat siya sa tuno ng pagsasalita ko kaya nilingon niya ako. Kumunot ang noo niya at ngumisi sa akin. Tumaas ang kaniyang kilay sa akin at parang manghang mangha sa reakyon ko.
"Babae ko, selos ka?"
Lahat yata ng dugo ko at umakyat sa aking ulo. Tumaas baba ang dibdib ko dahil sa inis na nararamdaman ko.
"No. Wala akong pakielam kung lumandi ka!"
Imbes na magpa-impress siya sa akin at kunin ulit ang loob ko ay ganito ang ginagawa niya. Nagkibit-balikat siya at ngumisi saka nagtype ng irereply sa kaniyang katext.
"Aalis pala ako mamaya," paalam niya.
"Edi umalis ka."
Dyan naman siya magiling, eh. Kapag iiwan niya kami ng mga anak niya. Bahala siya, malaki na siya at kaya na niya ang kaniyang sarili!
Inabot ko ang cellphone ko at nag-tipa ng text para kay Ghine.
Ako:
Lalabas ba si Jigger mamaya?
Binura ko ang sent items bago tinago ang aking cellphone. Bandang tanghali nang umalis si Trigger para sunduin ang mga bata, doon ko lang din nilabas ang aking cellphone para silipin kung may reply ba si Ghine.
Ghine Byun:
Oo, kasama yata niya sila Trigger.
Ako:
Ano daw gagawin?
Si Jigger lang pala ang katext niya, kung sinu-sino pa ang inisip ko kanina! Umiyak si Elora kaya natigil ang sa pagtetext. Mukha na akong losyang. Hindi ko na masyadong naasikaso ang TriRene, tanging si Trigger ang pumupunta roon para tignan kung okay pa ba.
Kinuha ko ang cellphone ko habang sinasayaw si Elora para makatulog ulit. May isang text na doon galing kay Ghine.
Ghine Byun:
Duh! Ano pa ba, edi iinom! Hindi ba sinabi sayo?
Bigla naman akong nalungkot. Hindi niya sinabi sa akin. Wala na ba talaga siyang balak suyuin ako? Ayusin 'tong pamilya namin? Ni-hindi nga siya gumagawa ng paraan para naman matuwa ako sa kaniya.
Masyado siyang naniwala sa sinabi kong baka hindi ko na siya matanggap. Duh? Mag-asawa pa rin kami kahit anong gawin namin, nawalan na kaagad siya ng lakas ng loob. Tss.
Nang dumating sila ay hindi ko siya pinapansin. Nilapag ko sa kwarto ang aking cellphone. Sabay-sabay kaming kumain ng tanghalian at nang bandang alas tres na ay aalis na si Trigger.
"Pwede ba ako pumasok sa kwarto?" tanong niya sa akin.
Pinapanuod ko siya habang nag-aayos. Nakaupo ako sa couch at nanunuod ng TV sina Rain at Kean. Ang bango-bango pa niya, iinom lang ba talaga 'to?!
"Edi pumasok ka." inirapan ko siya.
Umakyat siya at pumasok sa aming kwarto. Nag-iinit ang ulo ko sa kaniya. Huling ganito ko nung buntis ako. Hindi naman pwedeng buntis ako ngayon dahil wala pa ulit nangyayari sa amin. Nakakainis lang talaga siya!
Bumaba siya nang nakangisi. Sinamaan ko siya ng tingin habang pababa siya ng hagdan. Kinagat niya ang kaniyang lower lip habang inaayos ang buhok.
"Aalis na ako, a?" ngumisi siya sa akin.
"Edi umalis ka na. Pakielam ko sayo?"
Lumapit siya sa mga anak namin at isa-isa niya itong hinalikan sa pisngi. Tinignan ko ang kuko ko para iwasan ang tingin niya. Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at hinalikan din ako sa pisngi.
"Ano ba!" inis na sabi ko.
Humalakhak siya, "Dapat sa akin ka nalang nagtanong..."
Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay malawak pa rin ang ngisi sa akin. Ano bang pinagsasabi niya--
Oh fuck! Nagbasa siya ng text sa cellphone ko!?
Tumayo ako sa inis at hinarap siya, "Pinakielaman mo cellphone ko?"
"Aksidente iyon! May tumawag kasi, si Robie kaya sinagot ko."
At bakit naman tumawag ang kupal na iyon? Pero hindi iyon ang issue dito. Inis na inis ako sa kaniya. Tangina naman! Kaya nga hindi ko na binura dahil alam kong hindi niya gagalawin iyon!
"Kapag ako ang nagielam ng cellphone mo--"
"Nagagalit ako?" siya ang nagtuloy ng dapat kong sasabihin, "Hindi, ah! Baka gusto mo palit pa tayo ng sim!"
Nilapitan ko siya at tinulak papunta sa pinto. Humalakhak siya at nagpatulak din sa akin. Ngumisi pa siya sa akin nang nasa labas na siya ng bahay.
"Umalis ka na nga!"
"Babalik din ako, iinom kami sa bahay nila Cupid..."
Hindi ko pinansin ang paalam niya. Nag-init ang pisngi ko, hindi ko alam kung dapat sa galit o ano, eh. Naiwan kaming mag-iina sa bahay.
Kumain na rin kami ng dinner kahit wala pa si Trigger. Baka dumating na iyon mga alas tres o alas kwatro kaya hindi na namin hinintay,may susi rin naman siya.
Nang mahiga ako sa aming kama ay doon biglang dumami ang mga pumasok sa utak ko. So many what ifs.
What if hindi ako nagkaroon ng Brain Aneurysm? Magpapalandi kaya si Trigger kay Ales?
What if hindi pa rin talaga nagbabago si Trigger at lihim na nangangaliwa? Ayos lang ba, dahil hindi ko naman talaga sinabi sa kaniya na matatanggap ko ulit siya?
Sa kakaisip ay nakatulog ako. Naalimpungatan ako nang makaramdam ako nang isang bulto ng lalaki na nakaupo sa harapan ko. Madilim ang kwarto kaya nagulat ako.
"Trigger!"
Hindi ko makita ang mukha niya. Kung seryoso ba siya, kung lasing na ba siya o kung nagbibiro pa rin siya. Lumapit siya sa akin.
"Doon ka sa guest room!"
Hindi niya ako pinansin. Nagulat ako nang mabilis niyang hinalikan ang labi ko. Fuck, halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Hindi ko na nagawang pumiglas.
Ngayon nalang ulit. Para akong teenager nang makaramdam ako ng kuryente sa tyan ko. Alam kong naramdaman niya rin iyon dahil hindi siya gumalaw. Nanatiling magkadikit lamang ang aming mga labi at sa mga oras na iyon ay pigil din ang aking hininga.
Bumitaw siya. Pinagdikit niya ang noo niya habang habol namin ang aming hininga. Dinilat ko ang mata ko. Natamaan ng ilaw mula sa buwan ang kaniyang mukha kaya nakita ko ang nakapikit niyang mukha.
Naamoy ko ang pinaghalong pabango niya at ang amoy ng alak. Amoy mint din ang kaniyang bibig at ang init ng hininga niya ay tumatama sa aking ilong.
"Mahal na mahal kita, Ineng..."
________________
To God be all the Glory!
Originally, may Kabanata 50 pa sana bago mag-wakas kaso wala na akong maisip na ibang scene kaya ito nalang! Don't worry, may book III pa.
After this, mag-Czezelle's note po ako na puro about sa Book III. Sasagot din ako ng mga tanong kaya please po magsend kayo ng tanong sa comment section! Hahaha
Tanong tulad ng: ate czelle, paano po maging dyosa tulad mo?
HAHAHA joke! Basta kahit anong tanong. About sa Book or about sa bagay-bagay! Imemention ko ang username niyo and sasagutin ko po. Abangan ko mga tanong niyo, ha! ;)
Thank you sa suporta and magkita-kita po tayo sa Book III (The Final Secret (Book III of Secret Trilogy))
-Ate Czelle
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top