Kabanata 8
Kabanata 8
Totoy
Walang imik sina Lea sa ginawa ni Trigger. Nang matapos kaming kumain ay hinigit agad ako ni Trigger sa department store.
"Trigger..." bulong ko para sana pigilan siya pero seryoso lamang siya habang naglalakad.
"Irene!" lumingon ako sa likod, nakita kong sumusunod sa amin si Ales at Lea. Si Ma'am Gen at Ella ay umalis na pagkatapos naming kumain.
"Saan kayo pupunta?" madiin na tanong ni Lea nang maabutan nila kami sa paglalakad.
"Uy Irene, may asawa iyang si sir Trigger..." bulong niya sa akin para siguro warn-ingan ako.
Hinigit ko ang kamay kong hawak ni Trigger kaya napahinto siya sa paglalakad at hinarap ako.
"What?" Inis na sambit niya at sa nakikita ko sa kaniyang reaction ay ayaw na niyang magpanggap na hindi niya ako kilala.
"Kaya ko naman maglakad mag-isa tsaka kaya ko namang bumili ng damit ko."
Tinignan niya lang ako at napahilot siya sa kaniyang sentido. Tahimik lang na nanunuod sa amin si Ales at Lea.
"Ineng..." seryosong tawag niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko at literal na nalaglag ang aking panga. Anong Ineng pinagsasabi nito! Talagang ibubuko na ba niya ako sa dalawang kasama namin!
"Mr. Trigger..."
Dahil sa tawag kong iyon sa kaniya ay parang natauhan siya. Bumuntong hininga siya.
"Sige, mauna na ako. Sorry."
Naglakad siya paalis at si Lea naman ay tumakbo para sundan siya. Nakatingin lamang sa akin si Ales kahit nakaalis na sila Trigger.
"Tinawag ka niyang Ineng? Hindi ba't tawag niya iyon sa asawa niya?" Gulat na tanong ni Ales.
"Baka naman nasabi niya lang. Tara na nga!" Hinila ko siya sa department store para mamili ng damit ko.
Nang matapos kami doon ay bumalik ulit kami sa building. Wala na akong gagawin kaya nakatunganga lang ako sa office.
Kung mag-quit na kaya ako? Hindi ko naman talaga kailangan ng trabaho. Pero gusto kong makatulong kay Trigger.
Biglang bumukas ang pinto ng office ko kaya napaangat ako ng tingin doon. Tinignan ako ni Ales saka nagpacute sa harap ko.
"Ano nanamang kailangan mo?" Tuwing may kailangan kasi siya ay nagpapacute siya sa akin para daw pumayag ako. Effective naman kahit inis na inis ako sa kaniya.
Mabilis siyang umupo sa harapan ko, "Nag-aya sina Barbie mag-inom sa Time Out. Sama tayo please!"
"Marami pang mas importanteng pwedeng gawin bago ang bar-bar na iyan, Ales. Kung gusto mo ikaw nalang." Sabi ko.
"Kung makapagsalita ka parang may pamilya ka na a!"
Hindi ko siya pinansin. Magagalit nanaman si Trigger at baka hanapin ako ng mga anak namin. Sino mapapagalitan? Ako.
"Kung ako sa iyo, Ales, iipunin ko nalang ang mga perang gagastusin kong pang-inom." Bumuntong hininga ako sa kaniya.
"Libre naman iyon ni Barbie dahil sila na daw ni Ken! Sige na kasi, Irene, please?" Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.
"No. Marami pa akong gagawin." Sabi ko.
"Minsan lang naman e..."
Bumuntong hininga ako saka nagpasya. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag saka tinawagan si Trigger.
"Magpapaalam ka na ba sa Mommy mo?" Nakangisi niyang tanong.
"Irene..." napapaos na sagot ni Trigger.
"Hmm, pwede ba akong sumama sa Time Out?" Ngumiwi ako. Alam kong hindi niya ako papayagan pero wala namang mawawala kung hindi susubukan diba?"
"What time?"
Napakagat ako sa labi ko para mapigilan ang pag-ngiti. Pinayagan niya ako!
"Ales, anong oras daw?"
"Mga alas otso pa naman."
Hindi ko na sinabi kay Trigger dahil malamang narinig na niya. Tahimik lang siya sa kabilang linya at mukhang pinag-iisipan kung papayagan ako.
"Basta ihahatid kita at susunduin kita ng alas dose..."
"Opo, Nay!" Ngisi ko.
Nang maibaba ko na ang tawag ay tili ni Ales ang bumalot sa buong office ko. Tumalon talon pa siya.
"Pinayagan ka ng Mommy mo?"
Tumango nalang ako at nagligpit na ng gamit. Uuwi ako ng maaga para makita pa ako nila Rain, kapag tulog na sila saka ako aalis.
"Bakit kailangan mo pang mag make-up?" Tanong ni Trigger sa akin habang pinapanuod ako. Kanina ay suot ko ang pinag-aawayan namin, ngayon naman ang pagaayos ko?!
"Powder at lipstick lang, Trigger." Inis na sambit ko saka pinakita sa kaniya ang ginagamit ko.
"Kaya nga. Bakit kailangan magpaganda?"
"Wala akong ibang lalaki kung iyan ang iniisip mo." Inirapan ko siya.
"Irene, pinapaalala ko sa iyo na may asawa't anak ka na. Kung kumilos ka para kang dalaga." Kunot noo niyang sabi habang nakaupo sa kama namin.
Nilingon ko siya, "Hindi ako nagfefeeling dalaga, Trigger! Nakikisama lang ako sa mga ka-officemate ko."
"Tss, sinasabi ko lang." Tumayo siya saka kinuha ang kaniyang jacket sa closet at ang susi ng aming sasakyan.
Buong byahe namin papuntang Time Out ay hindi kami nag-usap. Magkasalubong ang kaniyang kilay at seryosong nagmamaneho.
"Alamin mo ang limitasyon mo," sabi niya nang makarating kami sa Time Out.
Tumango ako saka bumaba. Pagkapasok ko sa sa loob ay nakita ko agad kung saan sila naka-pwesto. Tumabi ako kay Ales.
"Irene! Akala hindi ka pupunta." Sigaw niya saka niyakap ako.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga naroon. Ang mga babae ay empleyado sa building at ang mga lalaki naman ay hindi ko kilala. Nakita ko si Barbie na may kayakap na lalaki kaya siguro iyon ang Ken.
"Nakailan na kayo?" Tanong ko saka tinuro ang tower.
"Pangalawa na iyan. Tagal mo e. Ano bang ginawa mo?"
Si Trigger kasi pinaalis pa powder at lipstick ko kaya ang putla ko ngayon. Nakatali ang buhok ko at naka black v-neck t-shirt at pants lang ako.
"May ginawa pa." Palusot ko.
Inabutan ako ng basong may tequila ng katabi ko. Nginitian ko iyon saka kinuha at nilagok.
"Irene! Si Ken nga pala, boyfriend ko." Pakilala ni Barbie at pinakilala na din niya sa akin ang mga lalaking nadoon na kaibigan daw ni Ken.
"At si Robie..." kumaway sa akin ang katabi ko. Gwapo siya at mukhang badboy ang itsura dahil sa dami ng piercing sa tenga.
Umingay ang table namin nang maubos ang isang tower. Medyo umaalon na ang paningin ko pero kaya pa naman.
Nagtawanan kami ni Ales, "Type ka ata niyang si Robie..." bulong niya.
"Huh? Hindi naman siguro."
"Oo kaya! Tingin ng tingin sa iyo oh!" Tinuro niya si Robie at naabutan kong nakatingin nga sa akin. Ngumisi siya.
"Magkakalove life ka na yata ngayong gabi, girl." Kinikilig na sabi ni Ales.
Hindi ko naman siya pinansin at si Robie. Nilagok ko ng nilagok ang mga shots na napupunta sa akin.
"Lakas mo a. Mukhang sanay sa inuman." Lumapit sa akin si Robie saka binulong.
"Ah, hindi naman."
Pinanuod ko sila Barbie at Ales na sumasayaw ngayon sa dance floor. Ako at si Robie lang ang natira sa aming table.
Tumaas lahat ng balahibo ko nang biglang hinalikan ni Robie ang leeg ko. Hindi ako nakagalaw at hindi ko siya napigilan. Nanghihina ang katawan ko dahil ata sa dami ng nainom ko.
"You smell so good..."
"Stop it!" Mariing sabi ko. Hinawakan niya anv magkabilang kamay ko para mapigilan ako sa pagpiglas.
"Oh come on, Irene! Alam kong gusto mo rin ito." Tumaas sa pisngi ko ang halik niya.
"Hmp! Bastos ka!" Sigaw ko. Nilingon kami ni Ales at mabilis siyang tumakbo papunta sa aming table kaya tumigil si Robie.
Hinalungkat ko ang cellphone ko sa aking bag. Dahil sa hilo ay nagkanda-gulo gulo na ang mga gamit ko.
"Irene..." nilapitan ako ni Ales saka sinamaan ng tingin si Robie na sumisimsim ngayon sa kaniyang inumin.
"Kailangan kong tawagan si Totoy..." hinanap ko ang number niya sa contacts ko pero hindi ko makita.
"Lasing ka na. Anong pangalan?" Siya na ang humawak ng cellphone ko para hanapin ang number.
"Si Totoy..."
"Totoy?" Bulong niya saka hinahanap sa contacts ko. "Wala namang Totoy dito a?"
Tumayo siya saka nilagay sa kaniyang tainga ang cellphone ko. Hindi ko alam kung sino ang tinatawagan niya ngayon. Umubob ako sa lamesa at dahil doon ay lalo akong nahilo.
"Hmm, Irene, tinawagan ko na ang M-mommy mo. Papunta na siya dito."
Pakiramdam ko ay umiikot ako. Umiikot ang paligid ko. Kahit anong gusto kong pumirmi sa pagkakahiga ay umiikot pa din kaya nahihilo ako.
"Lasing na lasing siya." Rinig kong sabi ni Ales.
May lumapit naman sa akin. Naamoy ko ang pabango ni Trigger. Naramdaman kong umangat ako mula sa inuupuan ko.
"Sige salamat."
"S-sigurado ka bang- ikaw?" Rinig kong tanong ni Ales.
"Ako ang asawa niya..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top