Kabanata 7
Kabanata 7
Ineng
"Hmm, that's my dress." sabi ko sa kanya.
"E ba't nandito sa pagpipilian ko? Tsaka babayaran ko naman. Gawa ka nalang ulit ng sayo!" sabi niya saka pinagdikit ang papel na may drawing ng suot ni Trigger tsaka yung papel na pinili niyang design.
Pumikit ako para pigilan ko ang aking sarili. Edi sa kanya na! Damit lang yan, akin pa din si Trigger.
Nang pumunta ako sa office ay tinawagan ko agad si Trigger. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong iassure sa sarili ko na ako ang mahal niya, na mahalaga ako sa kanya.
"Hello, Daddy?" humalakhak siya.
"Ipagpapalit mo ba ako sa iba, Trigger?" tanong ko.
Maganda si Lea, malandi nga lang. Hindi imposibleng magustuhan niya ito lalo na patay na patay si Lea sa kanya.
"What the fuck? Syempre hindi!" seryoso na ngayon ang boses niya, parang gusto ko tuloy syang makita ngayon.
"Kahit na may gusto sayo si Lea?" tanong ko.
Hindi naman ako emotional pero parang gusto kong umiyak ngayon. Takot na takot akong mawala siya sa akin, parang hindi ko kakayanin.
Hindi siya umimik. Tanging tunog lang ng susi at yapak lang niya ang narinig ko. Maya-maya ay narinig kong tumunog ang elevator.
"Hoy Trigger!"
"Hmm, wait for me outside you building..." seryosong sabi niya. This time, tunog na ng sasakyan namin ang narinig ko.
"Nandito pa si Lea sa building!"
"I don't care. Hindi maganda pakiramdam ko sa tanong mo, kaya lumabas ka na kasi on the way na ako para sunduin ka..."
Pinatay niya ang tawag. Ilang minuto pa akong natulala sa bintana bago nagligpit ng gamit.
"Out ka na agad?" tanong ni Ales nang makasalubong ko sya.
Tumango lamang ako saka lumabas na. Nakita ko ang sasakyan namin sa may gilid, kung saan niya ako hinintay kahapon.
Pagkapasok ko ay sinunggaban niya agad ako ng mainit na halik. Napaungol ako sa gulat.
"I love you..." bulong nya saka niyakap ako.
Naginit ang gilid ng mata ko. Alam niya talaga kung kelan down ako at kung ano ang gagawin niya para gumaan ang pakiramdam ko.
"Hwag nalang kaya tayo umattend dun sa party na iyon? Hmm." tanong niya habang nakasubsob ang mukha sa may leeg ko.
"Hindi pwede. Kailangan talaga ako dun kasi kasama sa trabaho ko," sabi ko.
Humiwalay naman siya sa akin. Hinawakan nya ang manibela saka pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang siya at mukhang malalim ang iniisip.
"Tawagan mo ang mga abnoy, bonding!" binigay niya sa akin ang cellphone niya, pero imbes na tumawag ako ay binasa ko ang mga nagtetext sa kanya.
Daming text ni Lea pero kahit isa ay walang reply si Trigger. Baka binubura niya?
Lea Villanueva:
Hi, Trigger! Tanong ko lang kung kasama mo ba asawa mo?
Trigger, hindi gumagana laptop ko. Diba IT natapos mo?
Mag-isa lang ako ngayon sa office, Trigger.
May sakit ako. :(
"Bakit di mo pa tawagan?" kunot noong sumusulyap sa akin si Trigger.
"Nasan mga reply mo kay Lea?" tanong ko. Pilit kong hinahanap kung may secret reply pa siya pero wala talaga akong makita.
Tumawa siya, "Kasi po hindi ko naman nirereplyan..."
Sumimangot nalang aki at hindi ko siya pinansin. Sinimulan ko na silang tawagan. Inuna ko ang pinaka-abormal sa lahat na si Chad.
"Yes baby, hello?" malanding sagot niya saka humalakhak.
"Basagin ko kaya mukha mo?" tumawa si Trigger sa sinabi ko.
"Ay sorry, akala ko si Trigger!" tumawa siya ng tumawa. Bago pa ako mainis ng todo kay Chad ay sinabi ko na agad ang plano ni Trigger.
Ganun din ang ginawa ko sa iba kaya pagkadating sa bahay ay naghanda na kami ni Trigger sa may pool.
"Nanay, why?" inosenteng tanong ni Keanu. Nakapajama na silang dalawa ni Rain.
"Pupunta ang Ninang at Ninong niyo dito, kaya matulog na kayo at maaga pa kayo bukas..." hinatid ko sila sa kwarto. Nagkwentuhan pa sila bago natulog.
"Yo! Bakit biglaan?" sabi ni Ika na may dalang mga pulutan, kasama niya si Xander. Iba din tong dalawa to, strong masyado!
Nginuso ako ni Trigger, "Buntis ata..."
"Hoy anong buntis ka dyan!" sigaw ko. Tumawa lang sila.
Alam kong hindi ako buntis. Kung bakit ako emotional ay baka dahil ngayon nalang may naglakas loob lumapit kay Trigger, wala pa akong magawa dahil sa trabaho ko.
Naghubad agad ng t-shirt si Chad saka lumangoy sa pool. Tinawanan siya ni Dylan saka sumunod na din.
"Ang lamig!" sigaw nila.
"Ilang araw ba kayong hindi naligo, ha?" kantyaw ni Elle na kumakain ng chicharon.
"Uy girl, anong meron at nag-aya kayo?" kunot noong tanong ni Verns. Kin-wento ko naman sa kanila ang lahat, tumatango tango si Ghine dahil siya lang ang may alam.
"Ay iba! May buhat atang bagyo yang babaeng yan..." kumento ni Ika.
"Buti naman nagbago na si Trigger," tumatawang sabi ni Joy.
Yan nga din ang pinagpapasalamat ko. Hindi na siya malandi pero lapitin pa din siya ng babae at ang kambal niyang malandi ay nilalayuan naman ng babae.
"Anong ginagawa ni Jigger, Ghine, ba't parang babae na ang lumalayo sa kanya?" tanong ko.
Lumunok siya, "Binabara na kasi niya agad yung mga babae kapag lumalapit..."
Kaya pala ayaw sa kanya ni Lea. So, si Trigger nageentertain ganun?
"Suplado si Trigger pero mas mabunganga kasi si Jigger." tumatawang sabi ni Teysha.
Narinig naman naming nagsigawan ang mga lalaki saka nagtutulakan. Tinulak-tulak nila ang kawawang si Chad kaya nahulog nanaman ito sa pool.
"Ang lamig na nga sabi!" sigaw niya saka dali-daling umahon. Sa pagmamadali niya ay nalaglag pa ulit siya kaya tawa kami ng tawa.
Napawi ang lungkot ko kanina nung nasa office ako. Nilingon ko si Trigger at naabutan ko siyang nakangisi sa akin.
Madaling araw na kaming natapos. Dito na sila natulog, palibhasa kasi matataas ang posisyon kaya walang pakielam kung ma-late sa trabaho.
At dahil natapos na din naman ako kay Lea ay nagpalate nalang ako sa araw na yun. Napili na din niya ang gusto niyang dress na dapat ay sa akin kaya sinubmit na sa gagawa.
Sasamahan namin silang dalawa ni Trigger para sukatan. Ginising at pinilit ko si Chad para siya ang maghatid sa akin sa building.
"Mukha lang kayo naglolokohan..." umirap siya saka nilingon ang sasakyan namin na si Trigger ang nagda-drive, nasa likod lamang namin ni Chad.
Naabutan naming nasa labas ng building si Ales. Bumaba agad ako para salubungin siya.
"Aalis na ba tayo?" tanong ko.
"Maya-maya pa naman daw..." tumingin siya sa relo niya, "Alas diez," may nililingon siya sa likod ko kaya napatingin ako doon.
Nakababa pala ang bintana ng sasakyan ni Chad at ang kaninang nakabusangot niyang mukha dahil sa paggising ko sa kanya ay napalitan ng ngisi.
Kumaway siya kay Ales, "Hi..."
Siniko ako ni Ales, "Oy sino yan!"
Umirap ako, "Umalis ka na nga dito, abnoy!"
Humalakhak siya saka umalis. Siniko siko ulit ako ni Ales saka bumulong bulong sa akin at tinatanong kung sino daw yun. Patay na! Partida, nakapambahay lang si Chad at gulo gulo pa ang buhok niya dahil kagigising nga lang niya.
"Kaibigan ko..."
"Pakilala mo ako..." tili niya kaya napasapo ako sa noo ko.
Lumabas mula sa building si Ma'am Gen kasama si Lea at Ella. Agad na namataan ni Lea ang sasakyan namin kaya tumakbo siya papunta doon.
Nilingon niya sina Ma'am Gen, "Makikisabay ako kay Trigger!"
"Hala ang kapal talaga ng mukha niya..." bulong ni Ales.
Inis na inis ako buong byahe. Hindi ko ba alam kung anong meron kay Lea at hindi niya maintindihan na may asawa at anak na si Trigger!
"Binigay ko na din yung mga designs na damit para sa sarili niyo... susukatan din kayo mamaya, ako na ang bahala." sabi sa amin ni Ma'am Gen. Mabait din naman pala siya kahit papaano.
"Ako muna!" sigaw ni Lea nang magtanong kung sino ang unang susukatan.
Umirap nalang ako. Tinignan ko si Trigger at nahuli ko siyang nakatingin lang din sa akin. Nilakihan ko siya ng mata dahil baka mahalata kami.
Ngumisi lang siya at umiling. Napangiti din ako. Atleast sa akin pa din ang tingin niya, ako pa din ang gusto niya at ako pa din ang hahanap hanapin niya.
Umalis si Ma'am Gen nang biglang may tumawag sa kanya. Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Trigger saka siniko ako.
Hindi ko siya pinansin. Nilagay niya sa kanyang tainga ang cellphone, sinong tatawagan niya?
"Ineng!" sabi niya saka pasimple akong tinignan.
Napahinto si Lea at napawi ang ngiti sa labi niya habang pinapanuod si Trigger. Siniko ako ni Ales kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin lang din siya kay Trigger na kilig na kilig.
"Asawa ata niya..." bulong sa akin ni Ales.
Oo, siya ang Totoy ko.
"Mahal na mahal kita kaya huwag na huwag kang magseselos sa kung sino, okay?" sabi niya pero nakatingin naman sa akin.
Malamang, ako ang sinasabihan niya e. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag ngiti. Nagdabog si Lea at parang nawalan na siya ng gana magpasukat.
"Okay na!" sigaw niya saka umalis doon saka nilapitan si Trigger.
"Ako na muna?" tanong ni Ella sa amin. Tumango lang kami ni Ales.
"Asawa mo?" rinig kong tanong ni Lea kay Trigger. Nilingon ko sila. Kitang kita ko ang pagbubusangot ng mukha ni Lea.
Tumango si Trigger at hindi pa din napuputol ang tingin sa akin, "Baka kasi nagseselos nanaman..."
"Selosa pala? Nakakasakal iyon!" napayuko ako sa sinabi ni Lea. Nakakasakal ba iyon? Kung ganun, nasasakal si Trigger sa akin?
"Selosa siya and that's the main reason why I love her..." napaangat ako ng tingin sa kanya. Tumaas lamang ang kilay niya sa akin.
"Ah ganun ba? Selosa din ako e." ngumisi siya ng hilaw pero hindi na siya pinansin ni Trigger.
Nang matapos na kaming sukatan ay nag-aya si Ma'am Gen na kumain kami sa isang kilalang restaurant.
Bulong naman ng bulong sa akin si Ales na namomroblema daw siya kung saan siya kukuha ng pambayad doon.
"Sagot ko na..." sabi ko. Wala akong dalang pera pero si Trigger meron kaya hihingi nalang ako sa kanya mamaya.
"Nakakahiya naman! Babalik ko nalang sayo sa sweldo." hindi ko na siya pinansin. Bayaran niya man o hindi, okay lang naman sa akin.
Nang matapos kaming mag-order ay agad na tinext ko si Trigger.
Ako:
Naiwan ko sa bahay pera ko, akin na muna wallet mo.
Pinanuod ko siya habang nagtitipa ng reply sa akin. Nag-angat siya ng tingin sa akin pagkatapos at saktong tumunog ang cellphone ko.
Mommy:
Bigay ko sayo sa cr. Paalam ka tapos susunod ako.
"Excuse me, cr lang..." tumayo ako saka pumunta ng cr. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ni Trigger.
Dalawang minuto palang ay dumating na siya. Niyakap agad niya ang baiwang ko saka binigay ang wallet sa akin.
"Kumuha ka ng pera mo?"
Tumango siya, "Kumuha na ako... sayo na muna yan."
Nauna ako sa kanya sa pagbalik sa table namin. Tinagal siya ng limang minuto bago dumating, siguro nag-cr na din talaga siya.
Kwentuhan nina Ma'am Gen ang bumalot sa buong table namin. Medyo nakakarelate naman ako dahil tungkol sa kompanya ang pinag-uusapan nila. Nababanggit pa nila ang kompanya nila Ghine at nila Chad.
Dumating ang order namin. Uminom ng tubig si Lea na nasa harapan ko at nang nilapag niya iyon ay natabig niya kaya nabuhusan ako.
"Hala sorry!"
"Irene..." tumayo din si Ales para tulungan ako. Bandang dibdib ko ang nabasa.
Tumayo din si Trigger at kinuha ang panyo na nakalagay sa bulsa niya saka pinunasan ang dibdib ko. As in sa dibdib ko talaga!
"Trigger..." gulat na sambit ni Lea. Maging sina Ales ay nagulat sa ginawa ni Trigger kaya natigil sila sa kanilang ginagawa.
"Tss, bumili ka nalang ng bago mong damit..." seryosong sabi sa akin ni Trigger, nakalimutan niya atang hindi nila alam na ako ang asawa niya.
Hinabot ko ang panyo at ako na ang nagpunas ng dibdib ko, "A-ayos na ako..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top