Kabanata 5
Kabanata 5
Trigger Byun
Hindi nya ako pinansin ng buong araw. Masayang masaya ang magkapatid kasi may Mommy at Daddy daw sila sa araw na yun.
"Yey! Complete family..." sabi ni Rain na nakayakap kay Trigger sa couch.
Ngayon ko lang narealize na uhaw sa kumpletong pamilya ang dalawa. Tuwing magkikita kasi kami ay patulog na, kapag umaga naman, maaga ang pasok. Kaya wala talagang time.
"Kaya pala ayaw mong sinusundo kita at tinatawag mo pa akong Mommy... it makes sense now," pagpaparinig ni Trigger nang maging busy ang magkapatid sa paglalaro.
"Trigger naman, diba nag-usap na tayo kanina? Hwag mo naman iparinig sa anak natin yang mga sinasabi mo," Inis na binalingan ko sya ng tingin. Nanatili ang tingin nyang walang emotion sa akin.
Umiling nalang sya sa akin. Pakiramdam ko ay kasalanan ko lahat nang nangyayari dito sa bahay, pinaparamdam nya na wala na akong ginawang tama.
"Ghine..."
"Hello, Irene? Bakit?" Narinig ko ang sigaw ni Jigger sa kabilang linya at ang pagbabangayan nila na parang wala ng bukas.
Buti pa sila masaya.
"Galit sa akin si Trigger..." pagkukwento ko. Natahimik naman sila at nakinig lang sa mga kwento ko. Simula una hanggang ngayon.
"Te kasi, ayaw mo bang sa bahay ka nalang? Wala ka ng gagawin." Kumento nya.
"Oo! Kaya nga sa akin ka nalang umaasa, wala nang natitirang pera para sa akin..." rinig kong sabi ni Jigger at ang pagkabasag ng pinggan.
"Punyeta ka, Jigger! Bakit naman kailangan mo pa ng pera? Bibili ka siguro ng babae, ano? Tigil-tigilan mo ako a. Hwag kang tatabi sa akin mamayang gabi!"
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanila o maiirita e. Hindi pa rin nagsasawa sa pag-aaway kahit na ngayong may pamilya na sila.
"Kung ako sayo, Rene, susundin ko nalang gusto ni Trigger kesa naman lagi nyong pag-awayan yan."
Kailangan ko ba igive-up yung trabaho ko para kay Trigger? Kung mahal nya ako dapat iintindihin nya ako at kung anong gusto ko.
Naligo kaming apat sa pool. Ngayon ko lang ata nakita si Rain at Keanu na ganito ka-hyper. Tinignan ko si Trigger at nagpapansin sa kanya.
"Trigger, sabay tayo tumalon!" Aya ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya. Pasimple nya iyong binitawan saka umupo sa gilid habang umiinom ng juice.
"Ayoko maligo..." sabi nya. Topless sya at tanging short lang ang suot, kuminang ang diamond earring nya sa kanang tenga.
"Si Daddy, KJ!" Sinabi ko kay Rain at Keanu kaya naman ang dalawa ay nagunahang tumakbo papunta kay Trigger para hilahin.
"Let's go, Tatay!" Walang nagawa si Trigger kundi magpahila sa dalawa. Hinawakan ni Keanu ang kamay ko para ilapit sya kamay ni Trigger kaya holding hands kami.
Nilingon ko sya saka ngumisi, "Kala mo ha!"
Sabay na tumalon kami. Tawa ng tawa si Rain at Keanu. Tinalsikan ko ng tubig ang mukha ni Trigger, hindi din sya nagpatalo at mas nilakasan pa ang pagtalsik ng tubig papunta sa akin.
Halos malunok ko na ang ibang tubig sa sobrang lakas, "Ayoko na, Trigger!" Namemersonal ata ang isang to.
"Hindi. Gusto mo to, diba? Oh ayan!" Madiin nyang sabi. Kinagat nya ang kanyang pang-ibabang labi saka nilakasan pa.
Tumigil ako para takpan ang mukha ko. Ang ilang tubig ay napunta sa aking mata at ilong. Hindi na ako masyadong makahinga at hindi ko na madilat ang mata ko.
"Tama na sabi..." hingal kong sabi. Tumigil naman sya pero nanatili ako sa ayos kong iyon.
Letseng to! Kung wala lang akong atraso sa kanya ay baka inaway ko na sya. Tumulo ang luha sa mata ko, hindi naman halata kasi basa ang mukha ko.
"Tingin nga!" Nilapit nya ako at inangat ang mukha ko. Minulat ko ang mata ko. Nakita ko syang seryoso ang mukha habang tinitignan ako.
"I hate you..." bulong ko. Nalipat ang tingin nya sa mata ko saka kumunot ang noo nya.
"Ikaw kasi, kung hindi ka sana nang-asar..."
Gusto ko lang naman magpapansin! Tapos mamemersonal pa sya? Kala naman nya nakakatuwang makita akong nahihirapan.
"Halika na." Hinila nya ako. Hinawakan nya ang bewang ko para maingat ako mula sa pool. Pumunta kami sa bench at inabutan nya ako ng towel.
"What happened, Nanay?" Concern na tanong ni Rain saka lumapit sa akin.
Tinignan ko si Trigger para magpaawa. Nakatayo lang sya sa gilid ko at tinitignan ako, hindi manlang naawa sa ginawa nya sa akin.
"I'm fine... sige na, maligo na kayo!" Sabi ko.
Hindi ko na pinansin si Trigger. Nakatingin lang ako ngayon sa dalawa naming anak na nagkukulitan sa maliit na pool sa gilid. Sumimsim ako sa juice nang maramdaman kong tumabi sa akin si Trigger.
"I'm sorry, Daddy..." bulong nya.
Nilingon ko sya, nangingilid na ang luha ko. "Kainis ka kasi! Hindi mo na siguro ako mahal dahil lang dun sa trabaho ko." Pinalo palo ko ang dibdib nya.
"What?" Kunot noong tanong nya hanarangan ang mga palo ko. Hinawakan nya ang magbilang kamay ko at nilagay sa likod ko kaya parang nakayakap sya sa akin.
"Hindi mo na ako mahal..." parang batang sabi ko.
"Bakit mo nasabi na hindi na kita mahal? Iniwan ba kita ngayon? Hindi kita iiwan!" Tumingin sya sa mata ko. Pero wala pa rin emosyon ang mga mata nya.
"Hindi! Pero wala ka ng pakielam sa akin."
"Sabihin mo nga, kung wala akong pakielam sayo, pipilitin ba kitang umalis sa trabaho mo at manatili nalang dito sa bahay?" Kunot noo nyang tanong.
"Naaapakan siguro yang ego mo kasi nagtatrabaho din ako!"
"What a childish mind, Rene... alam mong ayaw ko lang na nagtatrabaho ka kung kaya ko namang mahirapan para sainyo!"
Umalis sya at iniwan ako dun. Sabi nya, hindi nya ako iiwan. Anong ginawa nya?
Nang maggabi na ay nahiga na agad si Trigger sa kama at pumikit. Iniiwasan nyang mag-usap kami. Umupo ako sa gilid nya.
"Trigger... hindi mo pa rin ba ako papansinin?" Nakasimangot na sabi ko. Hindi ko talaga alam kung paano sya nakakatulog nang hindi kami nagkaka-ayos, dahil ako? Ni hindi ko nga maipikit ang matat ko.
Sa inis ko ay marahas ko syang pinaharap sa akin saka pumatong sa kanya. Umupo ako sa tyan nya.
"Hindi mo talaga ako papansinin?" Hamon ko sa kanya.
Nagulat naman sya at nataranta. Tinongko nya ang magkabilang braso sa kama at bumangon ng unti ang ulo.
"What the fuck are you doing?!"
"What the fuck pala ha?" Umatras ako at naramdaman ko sya sa pwetan ko kaya napapikit sya at napatingala.
"Irene!" Kunot noo sya habang kagat ng madiin ang kanyang lower lip.
"What?" Inosenteng tanong ko habang inuupuan ko sya.
Hinawakan nya ang bewang ko para maalis ako dun pero hinawakan ko ang kamay nya at nilagay sa bandang ulo nya.
"Papansinin mo na ba ako?" Malandi kong sabi saka umatras ulit. Napakagat ako sa aking labi nang sumakto ako.
"Fuck!" Mura ni Trigger. Hindi sya makagalaw dahil hawak ko ang dalawang kamay nya at nakadagan pa ako sa kanya.
Ginamit nya ang buong lakas nya para makawala sa hawak ko. Hinawakan nya ang magkabilang bewang ko at bigla nyang pinagpalit ang position namin.
"You want this, huh?" Bulong nya sa tenga ko. Ramdam ko ang init ng hininga nya sa aking leeg.
Nakaunan ako sa braso ni Trigger pagkatapos namin. Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Sorry na..." bulong ko sa kanya.
Pinaglalaruan nya ang buhok ko, "Sabihin mo nalang sa kanila na boyfriend mo ako para naman masundo pa din kita..."
Ngumiti ako, "Sige! Pero hwag muna ngayon. Nainis sa akin si Ma'am Gen kanina kasi nagpumilit akong umuwi."
"Okay, boss!"
Kinabukasan ay nagmadali ako dahil late na ako nagising. Inis na inis pa ako nang makita ko ang itsura ko sa salamin.
"Trigger! Bakit nilagyan mo nanaman ako?" Maraming chikinini sa leeg ko pababa sa dibdib ko.
Narinig kong tumawa sya mula sa cr, "Nilagyan mo din naman ako a!"
Halos maubos ang concealer ko para takpan ang chikinini. Lumapit sa akin si Trigger na nakatapis ang baba nya habang ang tubig ay malayang tumutulo sa katawan nya.
"Penge din ng concealer!" Sabi nya saka kinuha mula sa kamay ko ang concealer.
Galit na binalingan ko sya, "At bakit mo itatago yan? Siguro may babae ka sa office nyo, ano?"
Nagulat naman sya sa sinabi ko. Padabog nyang nilapag ang concealer sa table saka tinalikuran ako para magpunta sa closet.
"Kapag ikaw nagtago, ayos lang! Kapag ako, may babae agad?" Inis na sabi nya.
"Bakit? Tinatago mo din bang may asawa ka na?" Sinundan ko sya at pinanuod habang nagbibihis.
"Hwag mo akong igaya sayo! Proud akong may asawa na ako kaya wag kang magbunganga dyan..."
Umirap naman ako. Sa amin pa nga lang, halos nagwawala na ang mga empleyado, doon pa kaya sa kanila? Kailangan nya ata ng suprise visit sa susunod.
"Nga pala, may business party akong aattend-an sa susunod na sabado. Gusto mo sumama?" Tanong nya habang naglalagay ng neck tie. Hinawakan ko naman ang kamay nya para ako na ang maglagay nun.
"Sabado na agad? Paano yung susuotin ko?" Sumimangot ako. Dinampihan nya ako ng halik sa labi saka ngumisi.
"Diba designer ka po? Kayang kaya mo yan!"
Sabagay, gagawa din ako ng gown para dun sa client namin kaya baka isabay ko nalang. Tumango ako sa kanya kaya napangiti sya.
"Tapos ipapamedia ko na asawa kita..." niyakap nya ako.
"Sira! Paano naman trabaho ko?"
"Hindi mo naman nga kailangang magtrabaho..." bulong nya saka kinagat ang tenga ko.
Hinatid nya ako hanggang sa building. Nagmamadali kami parehas. Dumiretso ako sa office ni Ma'am Gen dahil may sasabihin daw ito sa akin.
"Mag-ayos ka na, kikitain natin ngayon yung gagawan mo ng gown..." tumango ako.
Inayos ko lahat ng gown na denisign ko para ipakita sa kanya mamaya. Kung wala syang magustuhan dito, gagawa nanaman ako ng panibago sa susunod.
"Let's go!" Ani Ma'am. Tumango naman ako. Sinama namin si Ales dahil yung dinesign nya kahapon ay para dun naman sa kaibigan daw ng client ko.
Tahimik lang kami habang bumabyahe. Medyo kinakabahan ako pero ayos lang naman dahil may chance pa sa susunod. Tutal, hindi naman masyadong detelyado ang sinabi ni Ma'am Gen.
"Excited ako na kinakabahan... paano kung ayaw nya talaga sa design ko?" Bulong sa akin ni Ales nang pababa na kami ng sasakyan.
"Ano ka ba, okay lang yan! Kaya nga tayo makikipagkita para malaman yung mismong gusto nila diba?"
Umupo kami habang hinihintay ang mga kliyente. Hands on si Ma'am Gen dito dahil kaibigan daw nya yung client ko kaya ayaw nyang mapahiya.
"Omg! I'm sorry... matagal po ba kayong naghintay?" Dumating ang dalawang babaeng parang ka-edad lang namin ni Ales. Magaganda sila at mukha talaga may mga pinag-aralan.
"No no, it's okay! By the way, eto ang magdedesign ng gown mo, Lea at ito naman sayo Ella..."
"Good morning, Ma'am!" Napunta sa akin yung Lea. Well, mukha naman syang mabait. Pinakita ko sa kanya ang mga designs ko.
"Omg! Gusto ko tong mga designs mo..." kumento nya. "Pero parang hindi ata match sa susuotin ng partner ko..."
Inexplain nya sa akin ang suot ng partner nya kaya naman agad akong nakaisip ng pwedeng ibabagay dun.
"Ganyan ganyan! Pero teka, tawagin ko lang sya..." tumayo sya.
"Oh! You're with him, Lea?" Tanong ni Ma'am Gen.
"Sinama ko talaga, tita kahit ayaw nya..." humalakhak sila parehas.
Nilagyan ko nalang ng detalye ang gown na nagustuhan nya. Maganda sya at bagay lang ang simple, tsaka simple lang din yung suot ng partner nya.
"Halika na! Saglit lang!" Napaangat ako ng tingin kung saan hinihila ni Lea ang isang lalaking matangkad, medyo gulo ang buhok, nakabusiness attire at yes, gwapo!
Napalunok ako at kunot ang noo ko sa kanya. Napako sa akin ang tingin nya at parehas ko, nagulat din sya. Agad na nahila sya ni Lea.
"Sorry, hirap pilitin ng isang to..." nahihiyang sabi ni Lea.
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Maging sya ang nanatili ang tingin sa akin, gusto akong kausapin pero hindi makahanap ng tyempo.
"Nice to meet you, Mr. Trigger Byun!" Tumayo si Ma'am Gen para kamayan ang lalaking kasama ni Lea.
Si Trigger. Ang asawa ko.
-----
Kung may time kayo, pabasa ng story kong Game Over at pakisabi sa akin kung okay lang o panget. Haha kailangang kailangan ko lang ng suggestion pleaseeeee. Thank you! :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top