Kabanata 49
Kabanata 49
Begging
"Nanay, male-late na po kami!" pumapadyak padyak pa sa harap ko si Rain.
Tinignan ko ang wall clock at late na nga sila. Buhat-buhat ko si Elora. Wala kasing maghahatid sa kanila dahil hindi ko naman pwedeng iwan at isama si Elora tsaka... wala na ang Tatay nila na taga-hatid noon.
Tinext ko si Daddy kanina ngunit hindi siya nagreply. Hindi ko alam kung maihahatid niya ba ang mga bata o hindi.
"Paano ba ito? Hmm..."
Natataranta na ako. Ayaw pa naman ni Rain sa lahat ay iyong nale-late at umaabsent siya samantalang si Kean ay preteng naka-upo lamang sa couch at nanunuod ng pokemon.
Binuksan ko ang pinto ng aming bahay para sana humingi ng pabor kay Kurt ngunit iba ang nakita ko. Isang pamilyar na lalaki ang nakatayo doon at nakapamulsa habang nakasandal sa aming sasakyan.
"Si Tatay!" tumakbo si Rain.
Pinatay naman agad ni Kean at TV saka tumakbo rin palabas. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko na napigilan ang mga anak namin. Lumabas na rin ako ng gate.
"I'm two minutes late na, Tatay." nakasimangot na kwento niya kay Trigger.
He smirked at me, "Need my help?"
Umirap ako, "Anak mo ang may kailangan ng tulong mo at hindi ako."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Malawak pa rin ang ngisi niya sa akin at agad na pumasok si Rain at Kean sa aming sasakyan. Lumapit sa akin si Trigger kaya umatras ako.
"Trigger--" sisigawan ko sana siya.
"Hi, baby Elora!" hinalikan niya si Elora habang buhat buhat ko.
Akala ko...
"Alis na kami." ngisi sa akin ni Trigger. Bumaba naman ang bintana ng sasakyan at kumaway sa akin si Rain at Kean.
"Ingat kayo!"
"Mag-iingat ako, para sa iyo." sabi niya habang nakangisi.
Umirap ako. Hindi na uubra sa akin ang mga ganiyan niya. Iisipin ko nalang na para sa mga anak namin itong ginagawa niya.
Nanuod ako ng TV habang tulog si Elora. Pabalik-balik ang tingin ko sa bintana at hindi ko alam kung sino ba ang inaasahan kong pupunta ng bahay. Isang oras na ang lumipas bago ihatid ni Trigger ang mga bata at umasa ako na babalik siya para mag-usap kami pero mukhang hindi na talaga siya babalik.
Inaliw ko ang sarili ko sa panunuod ng food channel. Nilista ko naman ang ibang ingredients sa pinapanuod ko at susubukan kong lutuin mamayang gabi.
Nagulat ako nang may bumusina sa labas. Nilingon ko ang bintana at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko sa labas ang aming sasakyan.
Bakit hindi nalang kasi siya pumasok? Bahay din naman niya ito.
Tumayo ako para pagbuksan siya. Kunyare ay nagulat pa ako nang bumalik siya ng bahay ngunit ang totoo ay gusto ko na talaga siyang makausap at marinig ang explanation niya.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Binabalikan ka..." kumindat siya.
Uminit bigla ang ulo ko. So, ganun nalang? Iiwan niya kami tapos babalik siya nang ganito? Na parang tuta lang kami na babalikan niya kung kailan niya gusto? Okay na, eh. Handa na akong makinig pero sana naman inaayos niya!
Tumawa ako but there's no humor in it, "Really, Trigger? Hindi mo talaga sini-seryoso ang mga babagay bagay, ano? Pagkatapos mo akong iwan nung nahihirapan ako--"
"Sa loob tayo magusap, Ineng..."
Nahihiya ba siya na marinig ng kapit-bahay namin ang mga ginawa niya sa amin? Well, dapat lang. Dahil isa siyang coward! Pero dahil mabait ako ay sinunod ko ang sinabi niya.
Inis na pumasok ako sa loob at sumunod naman siya. Umupo ako sa couch at nang akmang uupo siya sa tabi ko ay pinigilan ko siya. Hinding hindi ko hahayaang makalapit siya sa akin.
"Nakain ako ng guilt ko kaya kita iniwan. Tuwing nakikita kita, lalo akong naiinis sa sarili ko--"
"Hindi ba't pinatawad naman kita?" tumaas ang isang kilay ko.
"Pero hindi ko napatawad ang sarili ko!" ginulo niya ang kaniyang buhok sa frustration, "Nakakulong ako sa mga maling bagay na ginawa ko..."
"Tangina mo kasi, bakit ka nagpaniwala sa Ales malandi na iyon!"
Akala ko ay kaya ko nang makipag-usap sa kaniya. Akala ko wala ng luha ang tutulo sa mga mata ko dahil akala ko ay ubos na. Puro akala lang pala.
"Sinisi ko ang sarili ko, sinisi ako ng mga tao. Siya lang ang umintindi sa akin."
"Fuck, hindi intindi iyon! May intension siya kaya ganun ang ginawa niya sa iyo, bobo ka pa rin pala, Trigger! Hindi ka na natuto..." umiiling na sabi ko. Sobra akong disappointed sa ginawa niya.
What a fucking excuse? Si Ales lang ang umintindi sa kaniya kasi tinaboy niya ang pamilya ko! Ang pamilya niya! At ang mga kaibigan namin.
At iyon ang ginawa na way ni Ales para makuha niya ang loob ni Trigger. Siyempre, malungkot naman itong si engot at kailangan talaga niya ng comfort.
"At noong naospital ako dahil sa stress? Nasaan ka 'nun? Hindi ba't hinahanap kita?!"
"I was there! Nandoon ako sa labas ng kwarto mo. Hindi na ako pumasok dahil baka lalo kang mastress..."
Kaya pala. Siguro ng mga panahong iyon din ay binibisita niya si Elora.
"Please, I'm begging you, Ineng... Misis, tanggapin mo ulit ako. I am sorry at habang buhay kong pagsisisihan lahat ng ito," lumuhod siya sa harap ko and a tears fell from his eyes.
"Pagod na ako, Trigger. Pagod na ako sa iyo,"
Pakiramdam ko ay kapag pinilit ko ang aking sarili, baka ako lang din ang sumuko. Hindi ko masasabi kung ano ang mangyayari sa amin in the future. Pero as of now, hindi ko pa ulit siya matatanggap.
"Ineng..." isubsob niya ang kaniyang mukha sa aking tuhod.
Gumawa lang siya ng mga bagay na pinagsisihan niya ngayon.
"About sa mga bata, pinapayagan kita rito sa bahay ngunit sa guest room ka matutulog at hindi ka dapat lalapit sa akin." pasya ko.
Hindi naman ako ganun kasama para ipagkait sa kaniya ang mga anak namin. Kinailangan ko lang ng time para maibigay ulit sa kaniya ang karapatan niya sa mga bata at heto na nga... binabalik ko na ulit sa kaniya ang karapatan niya.
"Tinatanggap mo na ulit ako?" kunot noo niyang tanong habang nakasandal pa rin sa tuhod ko ang baba niya.
"Bingi ka? 'Di ba sinabi ko na na para sa mga bata lang?" umirap ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung natutuwa ba siya sa desisyon ko o ano. Atleast binibigyan ko pa siya ng pagkakataon.
"Paano tayo?"
"Hindi ko pa masasabi iyan, Trigger. Pwedeng matanggap ulit kita, pwede namang hindi na talaga. Pero for now, para muna sa mga anak natin..."
Pwede naman iyon, 'di ba? Kahit papaano naman ay gusto kong maibigay sa mga anak ko ang kumpletong pamilya kaya hindi ako makikipaghiwalay kay Trigger.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top