Kabanata 48

Kabanata 48

Bakit Ngayon Lang

"Irene, huwag mo naman sanang ipagkait sa kambal ko ang anak niyo."

Pagkalipas ng ilang buwan na pag-iwan sa amin ni Trigger ay magpapakita siya sa akin at sasabihin na gusto niyang makita ang mga anak namin? Kalalabas lang din ni Elora ng ospital, maayos na ang kalagayan ng anak namin at wala siya sa tabi ko.

Walang Trigger sa tabi ko noong kailangan ko siya.

"Naiintindihan mo naman ako, Jigger, diba?" inis na sabi ko.

Ayaw kong ipagkait kay Trigger ang karapatan bilang tatay pero siya mismo ang tumanggal ng karapatan niya sa mga anak namin. Tingin niya ba hindi mahirap sagutin ang mga tanong ni Rain at Kean tuwing hinahanap nila sa akin ang Tatay nila?

"Sinasabi ko lang." nagkibit balikat siya.

Hindi muna ngayon. Alam kong darating din ang araw na kailangan niyang magpakita sa mga anak namin pero hindi muna ngayon ang tamang panahon.

Kahit mga magulang namin ay hindi ako napilit sa desisyon ko. Nanay ako at may karapatan ako sa pagdedesisyon. Lalo na sa ginawa niya sa amin.

Binalik ako sa ospital ilang linggo nang iwan niya kami. Nastress ako at kagagaling ko lang sa operasyon at panganganak kaya nanganib nanaman ang buhay ko. Alam ni Trigger iyon dahil siya ang hinanap ko ng mga panahong iyon pero wala siya.

Handa naman akong patawarin siya ngunit hindi ko alam kung anong pinaglalaban niya nung mga panahong iyon.

Pumunta ang barkada sa bahay ngayon para sa isang bonding pero nauwi lamang sa pamimilit ni Jigger. Ang alam ko din ang binugbog nila si Trigger pero hindi ko alam kung anong pinakain ng lokong iyon at sa kaniya na ngayon panig ang barkada.

"Ayaw mo ba talagang pakinggan muna ang eksplanasyon niya?" tanong ni Seulgi.

Umiling ako, "May tamang panahon para doon. Gaya nga ng sabi ko, hindi ngayon dahil hindi ko iyon pakikinggan."

Sino ba namang taong galit ang makikinig sa explanation diba? Mawawala din ang galit ko at alam kong sa oras na iyon, kaya ko nang pakinggan ang mga sasabihin niya. Kaya ko nang ipakita sa kaniya ang mga anak namin. And maybe, kaya ko na ulit siyang tanggapin.

Tumawa si Jigger, "Hindi na talaga natin mapipilit si Irene. Kahit ako noong galit ako, hindi din ako nakinig sa Misis ko." lumagok siya sa kaniyang iniinom saka nakangising tumingin kay Louise.

Tumayo ako, "Kayo na muna bahala rito. I need to check Elora..." paalam ko sa kanila.

"H-huh? H-huwag na muna!" pigil sa akin ni Chad.

"Kotong, gusto mo? Kalalabas lang ng anak ko." tumawa ako sa kaniya saka sinenyasan na kokotongan ko siya.

Siniko niya si Cupid para pigilan rin ako. Kumunot ang noo ko sa kanila at mas lalong gusto ko nang umakyat ngayon at tignan si Elora.

"Mamaya na, Irene!"

Hindi ko sila pinansin. Hinawakan pa ni Sky ang braso ko ngunit mabilis ko iyong tinabig. Pumunta ako sa kwarto, hindi na nila ako sinundan. Unti-unti kong binuksan ang pinto ng kwarto at hikbi ng isang pamilyar na lalaki ang narinig ko.

"Hi, baby..." pumiyok pa ang kaniyang boses dahil sa pag-iyak.

Nanatili ako sa pinto, hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Pinakinggan ko ang mga sinabi niya at pinanuod ko kung paano niya pinagdikit ang noo nila ni Elora at ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mata.

"It's been 80 days since I last saw you..." bulong niya.

80 days? Ang bilang ko ay tatlong buwan niya kaming iniwan. Dapat ay 92 days na. Dumadalaw ba siya sa ospital ng hindi ko alam?

"You know Tatay loves you very much, right?"

Hindi ko din alam kung sumama ba siya kay Ales. Wala akong pakielam kaya hindi ko tinanong kila Louise. Ano naman? Nasa akin ang mga anak namin kaya panalo pa rin ako.

Bigla akong nabwisit at hindi ko na kayang panuorin nalang siya. Marahas akong pumasok sa loob ng kwarto. Nagulat siya at agad na nilingon ako. Basang basa ang kaniyang mukha at ang kaniyang mata na singkit ay lalo pang sumingkit. Dalawa na ngayon ang hikaw sa kaniyang magkabilang tainga na... oo na, mas nakadagdag ng dating niya.

"What are you doing here? Akin na ang anak ko!" binawi ko sa kaniya si Elora.

Hindi na siya nakapalag dahil alam niyang mapapahamak lamang si Elora. Binaba ko ang baby ko sa crib saka hinarap siya. Punong puno ng galit ang puso ko.

"Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" tanong ko.

"Kwarto natin, Irene..." pagtatama niya.

I smirked, "Ay akala ko nakalimutan mo na na may asawa't anak ka."

"Hindi ako pumunta rito para makipag-away sa iyo." yumuko siya na parang nahihiya. Pinunasan niya ang kaniyang pisngi.

Napapikit ako nang pumasok sa isip ko kung sino ang posibleng nagpapasok sa kaniya rito. Si Jigger, Cupid, Chad at silang lahat!

"Umalis ka na dito!"

Goodness! Hindi pa ako handa makipagharap sa kaniya tapos heto siya ngayon sa harap ko? Umiiyak? Tangina naman!

Tulala siya sa akin. Hindi siya nagsasalita at tumaas ang isang sulok ng labi niya na parang ngumingiti siya.

"Trigger, please? Umalis ka na."

He looked away and licked his lower lip, "Ganda mo pa rin..." mahina niyang sabi ngunit sapat na para marinig ko.

"Huh?" inis na tanong ko, kunyare hindi ko narinig.

Bakit ba siya ganito?! Naiinis ako sa kaniya! Kung kanina ay ayaw ko pang malaman ang explanation niya, ngayon ay parang gusto ko nang marinig. Hindi ko siya maintindihan, eh. Parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya sa akin, ang hirap ko nung wala siya.

"Umalis ka na please, habang kaya ko pang pigilan ang sarili kong saktan ka!" sigaw ko.

"Saktan mo ako, Irene..." hinawakan niya ang kamay ko at pinunta iyon sa dibdib niya. "Saktan mo ako hanggang maubos ang lahat ng galit mo sa akin."

"Akala mo ba ganun-ganun nalang iyon, Trigger?! Well, fuck you!" malakas at malutong ko siyang sinampal. Hindi agad siya nakabawi.

"Umalis ka na!"

Tinulak ko siya. Kusa naman siyang umalis at sinarado ko na ang pinto. Bakit ngayon siya nagpakita? Hindi pa ako handa. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya!

Unti-unti na akong nagiging maayos, eh. Unti-unti na ulit kaming nagiging masaya ng mga anak ko nang wala siya. Bakit ngayon lang?

Bakit hindi noong mga panahon na kailangan ko siya? Nung panahon na kailangan ko ng asawa at Trigger sa tabi ko?

______________

So, ayun kaluluwas ko lang ng Maynila at pagod pagod talaga ako pero nagawa ko pang sumegway imbes na matulog lol

May irerequest sana ako haha, gusto kong makabasa ng mga reaksyon niyo tungkol sa story, please? Para alam ko kung nagiging oa na yung story, kung nagiging isip bata na sila, kung magulo na or what. Puh-please? :">

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top