Kabanata 47
Kabanata 47
Iniwan
"I cheated on you! Okay? Nangaliwa ako Irene habang tulog ka!" sigaw niya.
Ginulo niya ang kaniyang buhok sa galit at frustration. Namula ang kaniyang mata at namawis. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya.
"Alam ko..." mahinang sabi ko.
"Damn it! I don't deserve you, Ineng..."
Sinabi sa akin ni Zette kanina kaya alam ko na. Pinilit kong kalimutan iyon dahil hindi na iyon mahalaga. Mas importante na ligtas ako at magiging isang buong pamilya na kami. I didn't expect him to react like this. At ngayong sinabi niya sa akin ng harapan, mas masakit pala.
"That's not important. Ang mahalaga ay ang pamilya natin..."
Tanggap niya lahat sa akin kahit ang mga pagkakamali ko kaya tanggap ko rin siya. Lahat ng tao nagkakamali.
Forgive them even if they are not sorry.
Nanatili siyang nakatitig sa akin. Sinubukan kong hawakan siya ngunit umiwas lamang siya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari.
"Anong gusto mong mangyari?" tanong ko.
Yumuko siya. "I don't know! Pakiramdam ko lalo lamang akong nagi-guilty kapag nakikita kita, kayo ng mga anak natin."
Tumulo ang luha sa aking mga mata. Anong ibig niyang sabihin? Iiwan niya ba kami? Kagigising ko palang at hindi ko kakayanin.
"Huwag mo kaming iiwan..." pigil ko sa kaniya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at kung kinakailangang lumuhod sa harap niya para lang huwag kaming iwan ay gagawin ko kahit na alam kong nakakababa ng pride iyon.
It is better to lose your pride with someone you love rather than to lose that someone you love with your useless pride.
"I have to. Irene, kailangan kong tumino para maging karapat-dapat ako sa iyo." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Tangina naman, Trigger, eh! Kung kailan ayos na ang lahat, tsaka ka naging ganito? Tanggap na nga kita. Ano pa bang gusto mo?"
Nanghina ang tuhod ko. Kusang bumigay iyon kaya napaupo ako sa sahig. Humagulgol ako sa kaniya ngunit pakiramdam ko ay buo na ang pasya niya.
"Ineng... babalik ako,"
"At saan ka pupunta? Kay Ales?" tanong ko. Hindi siya sumagot.
So, kay Ales nga? Takteng buhay ito! Pinag-lalaruan naman yata kami, eh. Kailan ba tatahimik ang buhay namin? Kakatapos lang ng isang problema, meron nanaman. Pagod na pagod na ako.
Tinulak ko siya nang malakas dahilan kung bakit napaatras siya.
Kung dahil kay Ales kaya niya kami iiwan ay mas mabuting pakawalan ko nalang siya kaysa ipilit ang sarili ko sa kaniya. Binababa ko ang sarili ko at handang pigilan siya para lang huwag niya kaming iwan tapos kay Ales naman pala siya pupunta?
Tangina ni Trigger kung ganun!
"Ineng--"
"Huwag mo akong hahawakan! Umalis ka na! Hindi ka namin kailangan! Hindi ko kailangan ng lalaking katulad mo!" sigaw ko sa kaniya at pilit na tinutulak siya.
Dahil na rin siguro sa adrenaline rush kaya malakas ko siyang naitulak palabas. Sinarado ko ang gate. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay doon ko lamang naramdaman ang panghihina, sakit at pagod.
Nanatili akong nakasandal sa aming pintuan. Hinawakan ko ang aking dibdib at sinuntok dahil akala ko sa paraang iyon ay matatanggal kahit kaunti ang sakit doon ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dun. Nagising nalang ako nang naguunahang tumakbo papunta sa akin si Rain at Kean.
"Nanay, ano pong ginagawa mo dito? Bakit ka po nakaupo?"
Hindi ako sumagot sa tanong ni Rain. Nag tubig ang mata ko nang makita ang mga anak namin.
Kahit iwan ako ni Trigger, para pa rin siyang narito dahil sa mga anak namin. Kamukhang kamukha niya.
"Can you give Nanay a hug?" tanong ko.
Biglang tumulo ang mga luha sa aking mata nang yakapin nila ako. Iwan na ako ng lahat huwag lang ng mga anak ko. Baka 'di ko na kayanin.
Paano niya nakayang iwan ni Trigger ang mga anak namin? Paano niya ako nakayang iwan? Hindi pa ba kami sapat? Ano bang sapat ang gusto niya?
Ayaw ba niya ng simple at masayang buhay?
Mas masaya siguro siya kay Ales.
Napatawa ako nang maisip ko iyon. Tangina, sa kaibigan ko pa talaga! Naalala ko tuloy noong una ko silang pinakilala sa isa't isa. May gusto na si Ales noon kay Trigger ngunit hindi ko naman inaasahan na aabot sa ganito.
"Nanay, are you sick?" tanong ni Kean saka hinawakan ang noo ko.
Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay sa dibdib ko, kung saan ang masakit. Kung saan may sugat.
"Masakit ang puso ni Nanay..." bulong ko.
"May sakit ka po sa puso, Nanay?" gulat na tanong ni Rain.
Tumawa ako at hindi sinagot ang tanong niya. Mas masakit pa yata ito sa sakit sa puso. Mas masakit pa kaysa sa mga napagdaanan ko.
"Where's Tatay?"
Napawi ang ngiti ko. Pinaghalong galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Tumayo ako at hinila sila sa kusina.
"Aabsent muna kayo ngayon, ha? Samahan niyo si Nanay..."
Baka kapag naiwan akong mag-isa dito sa bahay ay mabaliw na ako.
Nasaan kaya siya? Siguro kasama na niya ngayon si Ales. Masaya ba sila? Mas masaya kaysa sa amin?
"Tao po!"
Binuksan ko ang pinto at mukha agad nila Louise ang bumungad. Niyakap nila ako. May mga dala silang pagkain at mga inumin.
"Yuck, Irene, hindi ka pa naliligo? Ew kaya pala ang baho sa labas ng bahay niyo." umirap ako kay Chad.
"Makakaalis ka na sa bahay ko..."
"Joke lang, ito naman. Si Trigger?" tanong niya saka sinilip ang taas.
Ilang beses ko ba dapat marinig ang pangalan ni Trigger sa araw na ito? Ilang beses ko ba dapat alalahahin ang pag-iwan niya sa akin?
Hindi ako sumagot. Pinalapag ko sa kanila ang mga pagkaing dala nila. Anong sasabihin ko kapag nahalata nila na wala si Trigger? Hindi ko pwedeng sabihin lalo na't narito ang mga anak namin.
"Nasaan ba si Trigger?" ito na ang tanong na kinatatakutan ko.
"Tsaka namamaga ba mata mo? Umiyak ka?" tanong ni Verns.
Nilingon ko ang mga anak ko na kasalukuyang kumakain pa ngayon. "Baby, sa taas muna kayo, ha? May paguusapan lang sila Nanay dito..."
Dinala nila ang kanilang pagkain at umakyat na. Nakita kong nagbago ang ekspresyon nila at mukhang alam na nila ang sagot sa tanong na kanina pa nila gustong malaman.
"Irene..."
Huminga ako ng malalim at hindi na napigilan ang mga luhang tumulo sa mga mata ko. Napahawak ako sa upuan nang mawalan ako ng balanse. Masakit pa rin. Ang sakit sakit tangina!
"Iniwan niya ako... Iniwan niya kami..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top