Kabanata 44
Kabanata 44
Deserve
Bumalik kinabukasan si Ales sa ospital. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko lang siya, pero kasi nakakaramdam ako ng comfort sa kaniya.
Alam niya ang sakit na nararamdaman ko. Iniintindi niya ako.
"Pangalawang araw na, wala pa ring improvement sa sitwasyon ni Irene." sabi niya.
Parehas kaming nakatingin ngayon kay Irene na halos parang wala ng buhay. Nakakapanghina pero hindi ngayon ang tamang panahon para mawalan ng pag-asa.
"Nagreresponse pa naman daw ang katawan niya sa mga gamot, eh..."
Isa rin iyan sa pinang-hahawakan ko. Ibig sabihin ay lumalaban talaga siya kaya kailangan ko ding lumaban.
Nilapitan niya ako at niyakap mula sa likod, "Nandito lang ako para sa iyo, Trigger..."
"Salamat, Ales."
Hindi ko minsan narinig mula sa kaniya ang mga naririnig ko kila Jigger. Hindi siya nagrereklamo sa ugali ko at lalong hindi ako pinipigilan sa gusto kong gawin.
Sabay kaming kumain ng lunch. Nagluto siya ng sinigang at aaminin kong masarap nga talaga ang luto niya. Natawa ako nang maikwento niya ang nangyari sa kaniya sa White House.
"Why are you laughing?" inis na tanong niya.
Tumigil ako sa pagtawa at ngumisi nalang, "Wala lang... so after that, what's next?"
Umirap siya sa kawalan, "Tapos tinanong ba naman ako kung bakla raw ako. Diba nakakaoffend?"
Humagalpak ako sa tawa. Nag-init ang buong mukha ko at alam kong namumula na iyon dahil sa kakatawa. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Nakakainis ka naman, eh! Hindi naman ako mukhang bakla!" sigaw niya sa akin.
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang tawa, "Oo na. Hindi na."
"Natatawa ka pa rin, eh!" sumimangot siya.
Tinaas ko ang aking noo at tinigil na ang pagtawa. Seryoso ko siyang tinignan na ngayon ay masama pa rin ang tingin sa akin.
"Hindi na po..."
"Bakit ka ba kasi tumatawa?" kunot na ang kaniyang noo at nagpatuloy sa pag kain.
"It's because you're too cute!" biglang sabi ko.
Nagulat siya. Natigil siya sa pagsubo at nanlaki ang kaniyang matang nakatingin sa akin. Nakatitig lang rin ako sa kaniya.
Kumurap siya, "What did you say?"
I cleared my throat and looked away, "Kumain ka na..."
"U-ulitin mo, Trigger..." halos hindi ko marinig ang boses niya.
"Kapag sinabi ko na, hindi ko na uulitin..."
Tahimik kaming kumain pagtapos 'nun. Siya ang naghugas ng pinag-kainan namin. Lumabas ako ng bandang alas kwatro para bumili ng merienda namin. Gusto raw ni Ales ng babanaque kaya naman lumabas pa ako ng ospital para humanap 'nun.
"Ilan ho, Sir?"
"Apat..." nilabas ko ang cash ko at inabot sa kaniya.
Sinubo ko ang isang babanaque at hinawakan ang plastic. Bumalik ako sa ospital. Umiling ako nang mapansin ang ibang nurse na napapatingin sa akin.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at nagulat sa aking nakita. Mabilis akong tumakbo sa loob.
"Alam ko ang binabalak mo, Ales!"
Naabutan kong nakaharap si Zette at Kurt kay Ales. Galit na galit si Zette at si Kurt naman ay pinipigilan siya.
"Trigger!"
Lumingon silang lahat sa akin nang tawagin ako ni Ales. Pumunta ako sa harap niya at hinarap naman sina Zette.
"Anong ginagawa niyo rito? Hindi ako tumatanggap ng bisita..." malamig na sabi ko.
"Trigger, alam ko ang baho niyang babaeng iyan! Bakit pinapayagan mo siyang pumasok dito? Hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin kay Irene. At talagang iniwan mo pa siya mag-isa dito, ha?!"
Pumikit ako para kumalma. Ito ang ayaw ko sa kanila. Kapag nag-sasalita sila ay parang pinaparamdam nila sa akin na ako ang may kasalanan ng lahat.
"Mapanghusga ka, Rosezette! Mas naging kaibigan ako ni Irene..."
"Anong kaibigan?" naningkit ang mata niya, "May kaibigan ba na nang-aahas ng asawa?"
Bumuntong hininga ako. Hindi naman niya kailangang sabihin pa iyan sa harap ni Ales! Noong panahon na mas kailangan ko ng comfort wala sila.
At sino ang nasa tabi ko? Si Ales lang!
"Umalis na kayo dito..."
"Trigger, nababaliw ka na! Dito pa talaga, ha? Sa harap pa ni Irene?!" sigaw niya.
Anong akala niya? Nangangaliwa ako?! Iyan ang huling gagawin ko sa mundo. Hinding hindi ko gagawin iyon kay Irene!
"Tara na, Zette!" hinila siya ni Kurt, "Sorry sa abala, pare."
"Sa oras na magising si Irene, ito ang unang una niyang malalaman." banta niya bago sila umalis.
Napaupo ako habang sapo ang aking noo. What now? Tingin ba nila, ganun akong lalaki? Kung ganun pala ako edi sana pala wala ako rito ngayon sa ospital at hinayaan ko nalang si Irene.
Naramdaman ko ang hawak ni Ales sa balikat ko, "Huwag mo nalang pansinin iyon..."
Buti pa talaga siya. Buti pa siya at naiintindihan ako, hindi pa ako hinuhusgahan.
Nang umuwi ako ng gabi ay sinama ko si Ales sa bahay. Baka gusto siyang makita ni Rain at Keanu. Alam ko naman na naging close siya rito.
"Tita Ales!" sinalubong nila ito sa pinto.
"Wow, hindi halatang namiss niyo ako, ha? Hindi talaga." sarcastic niyang sabi saka tumawa.
Iniwan ko naman sila doon para makapagbihis. Pagpasok ko sa kwarto ay amoy ko agad ang pabango ni Irene, pakiramdam ko tuloy nandito siya.
"Hindi ako pwede matulog dito..."
Naabutan ko silang nakaupo sa sala nang bumaba ako. Napatingin sa akin si Ales at arang nanghihingi siya ng tulong sa akin dahil hindi niya matanggihan ang dalawa.
"Sige na, tita Ales! I'm sure, Tatay wants it too!" sabi ni Rain.
Ngumiti siya, "Itanong niyo kay Tatay..."
Nilingon ako ng dalawa at sabay silang tumakbo sa akin. Sinalubong nila ako ng yakap. Niayakap nila ang binti ko at parehas na nagpa-cute.
"Tatay, pwede naman pong dito matulog si tita Ales diba? Dito naman po siya natutulog dati."
Tinignan ko si Ales. Hindi ko naman alam kung gusto niya. Kung ako lang ay ayos lang sa akin.
"Gusto mo ba?" tanong ko sa kaniya.
"H-hmm, huwag nalang. Nakakahiyaㅡ"
"Okay, dito matutulog ang tita Ales niyo..." pasya ko. Sa sagot palang niya ay alam ko ng gusto niya, nahihiya lamang siya.
Nagluto siya ng dinner namin at sabay sabay kaming kumain. Naging hyper ang dalawa dahil sa mga kwento ni Ales. Tahimik lang akong nakikinig.
Kung si Irene sana ang kasama namin ngayon, mas masasaya.
Agad akong tumayo nang may kumatok sa pinto. Binuksan ko iyon at nakita si Zette na may dalang ulam. Inabot niya sa akin iyon.
"Sorry sa ginawa ko kanina, nag-aalala lang naman ako kay Irene dahil mahal na mahal ko iyong babaeng iyonㅡ" natigil siya nang makita si Ales sa kusina.
"Ayos lang. Basta sa susunod ayㅡ"
Galit na hinarap niya ako, "Trigger, bakit nandito siya? Gosh! Hindi mo alam kung ano ang mararamdaman ni Irene sakaling malaman niya ito. Akala ko noon, iba ka! Iyon pala isa ka din sa mga lalaking madaling makuha! Naaawa ako kay Irene!" tumulo ang luha sa mata niya.
Umirap ako. Here we go again. Pagkatapos ng sorry ay ganito nanaman siya? Kapag nalaman 'to ni Irene ay baka matuwa pa siya dahil sa wakas ay ayos na si Ales sa amin.
"Ako ang nasasaktan para kay Irene! Hindi mo siya deserve, Trigger!" sigaw niya saka umalis.
Hindi ko siya deserve? Siguro nga dahil hindi ko siya naalagaan ng mabuti. Hindi dapat ito nangyayari sa kanila ni Elora kung hindi dahil sa akin. Pabaya akong asawa at ama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top