Kabanata 43

Kabanata 43

Fighter

I'm getting used to it. Hindi na masyadong masakit kumapara 'nung unang na-comatose si Irene. Pang-hahawakan ko ang mga sinabi ko sa kaniya noon, ang mga pinaniwalaan ko.

Kaya niyang lumaban.

Umuwi ako ng bahay para kumuha ng damit. Agad na sinalubong ako ni Zette at Kurt kaya naman pinapasok ko na sila sa loob ng bahay.

"Hindi ako makadalaw sa ospital dahil delikado ako lumabas-labas ng bahay..." malungkot na sabi niya.

Ngumiti ako, "Okay lang. Maayos na rin naman ang kalagayan ni Irene..."

Kahit hindi.

"Kaya niyo 'yan, pare. Pagsubok lang 'to!" tumango ako sa sinabi ni Kurt.

Inayos ko ang mga kailangan namin sa ospital. Uuwi ako kapag ihahatid at susunduin ko na sa school sina Rain at Kean.

Sinarado ko ang gate habang buhat-buhat ang bag. May naramdaman ako sa aking likuran kaya naman nilingon ko agad iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" kunot noong tanong ko nang makita ko kung sino iyon.

Nakahawak siya ng red rose at naka-black dress. Ngumiti siya ng pilit at inabot sa akin ang rose. Tinignan ko lang iyon at hindi siya pinansin.

"Nakikiramay ako..." sabi niya.

What the heck? Natigilan ako. Bumuntong hininga ako at pumikit para kalmahin ang aking sarili. Kung hindi lang siya babae, baka kanina pa siya nakahiga sa kalsada.

"Pumunta ka dito para dyan, Ales?" galit na tanong ko.

"Naging kaibigan ko din si Irene kahit papaano. Nalulungkot ako sa nangyari sa kaniya,"

Hinarap ko siya, "At sinong nagsabi sa iyo na patay na si Irene?"

"Bakit hindi pa ba?"

Umiling ako sa kaniya at nilagpasan siya. Baka hindi ako makapag-pigil. Tangina, kung ganiyan ba naman ang bubungad sa iyo, sinong hindi maiinis?

"Trigger! Alam kong masakit ang nangyari sa inyo pero pwede pa naman kayong magsimula ulit, eh..." hinawakan niya ang braso ko.

"Bitiwan mo ako, tangina! Buhay si Irene! Hindi siya mawawala!" sigaw ko.

Nagulat naman siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa sigaw ko o dahil sa sinabi kong hindi patay si Irene.

Tigas din ng mukha ng isang 'to, ha?

"A-anong sabi mo?"

"Bitiwan mo ako." seryosong sabi ko.

Unti-unti naman niyang binitawan ang braso ko at kasabay 'nun ang pagka-bitaw niya sa red rose na hawak. Umiling ako at sumakay na sa aking sasakyan. Pinaandar ko iyon at nakitang sinundan niya ako ng tingin.

Baliw na ata ang isang iyon.

"Ineng, pinuntahan ko si Elora kanina, maayos ang lagay niya." kwento ko habang kumakain.

Sinubukang pumunta nila Jigger kaninang umaga ngunit tinaboy ko lang sila. Pangangaralan lang naman nila ako, eh. Hindi naman nila alam ang pinagdadaanan ko.

"Gumising ka na... Alam kong matutuwa ka kay Elora! Kamukha ko nanaman..." tumawa ako pero hindi ko pa rin matatago ang sakit na nararamdaman ko.

Umupo ako sa tabi ng kama niya at hinawakan ang kaniyang kamay na dating mainit na ngayon ay sobrang lamig na.

"Ineng, kailangan kita..." bulong ko.

Maghapon ay ako lang mag-isa sa kwarto niya. Hindi ako tumatanggap ng bisita. Si Mommy at Mommy ni Irene ay busy naman kay Rain at Keanu. Ayaw kong makita nilang ganito ang Nanay nila kaya hindi ko sila pinapayagang pumunta.

"Ma'am, hindi po talaga pwede!"

"Kilala ko nga sila! Kaibigan ko 'yung pasyente!"

Napatayo ako nang makarinig ako ng sigaw. Nakabukas ng kaunti ang pinto kaya rinig na rinig ko iyon. Lumabas ako at nakita si Ales na nagpupumilit pumasok.

"Trigger, bibisitahin ko lang si Irene!" sigaw niya nang makita ako.

Ano nanamang ginagawa ng baliw na 'to dito?

"Sir, pasensya na po, hindi po talaga siya nagpapapigil..." sabi ng isang nurse.

May buhat na plastic si Ales at mukhang mga prutas iyon. Sinong kakain niyan? Kitang comatose ang asawa ko.

"Trigger!" sigaw niya habang hinihila siya ng mga guard.

"Pasok..."

Natigilan sila sa sinabi ko. Maging si Ales ay nagulat. Dahan-dahan naman nilang binitawan si Ales at hinayaang tumakbo papasok sa kwarto ni Irene.

"Kainis 'yung mga iyon, ha! Ayaw pang maniwala na kilala ko kayo..."

Sinarado ko ang pinto. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at pinapasok ko ang baliw na 'to dito.

"Isang oras ka lang rito."

"Okay lang! Pinuntahan ko lang si Irene..."

Nilapag niya sa table ang kaniyang prutas na binili. Umupo siya sa tabi ng kama ni Irene at tinignan niya ito. Kinuha ko naman ang mga prutas para balatan at ipakain sa kaniya.

"Grabe, ang putla na ni Irene, nawawala na ang ganda niya!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Kahit pumanget siya, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Siya lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay. Habang mamatay ako.

"Balita ko narito din ang anak niyo?" tanong niya.

"Alam mo naman pala, ba't nagtatanong ka pa..." inis na sabi ko.

Inabot ko sa kaniya ang prutas at nahihiyang kinuha niya iyon. Umupo ako sa kabilang side ng kama.

"Sorry pala kanina, ha? May nagsabi lang sa akin ng inpormasyon na iyon,"

Tumango ako sa sinabi niya kahit na hindi talaga ako naniniwala. Hindi pa rin siya nagpapalit ng damit. Nakablack dress pa rin siya at mukhang makiki-libing.

"Gusto mo?" alok niya sa akin ng prutas na dala niya.

"No..." umiling ako.

"Alam mo Trigger, nangangayayat ka na. Kumain ka ng marami. Gusto mo ba magluto ako bukas ng paborito mong sinigang?" tanong niya.

"No, thanks. Si Irene lang maaalala ko..."

"Nako, kakaiba na ngayon ang sinigang ko! Makakalimutan mo lahat, pati pangalan mo." ngumisi siya.

Marami siyang kinwento sa isang oras na pamamalagi niya roon. Hindi ko naman pinansin ang mga iyon at nakapukos lang ako kay Irene.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya sa akin.

Hindi pa dumarating ang Daddy ni Irene na siyang kapalit ko sa pagbabantay kaya hindi pa. Umiling ako sa kaniya.

"Ow? Pero uuwi ka? Siyempre! Kailangan ka din ng mga anak mo..." tumawa siya nang siya na rin ang sumagot ng sarili niyang tanong.

Hinatid ko siya hanggang sa labas ng pinto. Nilingon niya ako at ngumiti siya sa akin.

"Babalik ako bukas, huwag mo akong itaboy. Alam kong kailangan mo ako."

Bago ako bumalik sa kwarto ni Irene ay pinuntahan ko muna si Elora. Unti-unti na akong napapanatag sa kalagayan niya.

"Maiuuwi ka rin namin sa bahay. Makikita ka rin ng Nanay mo..." bulong ko.

Halos dalawang oras pa akong naghintay bago dumating ang Daddy ni Irene. Noong una ay ayaw ko pang pumayag sa set-up na ganito ngunit nang umiyak si Rain at Keanu ay napagtanto kong kailangan din talaga ako ng mga anak namin.

"Tatay, I want to see Nanay na po!" malungkot na sabi sa akin ni Kean.

"Soon makikita niyo rin siya."

Naniniwala akong kakayanin niya. She's a fighter. Alam kong lumalaban siya at iyon ang pang-hahawakan ko.

____________

Lahat po ito ay nasa plot. Hehe! =)))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top