Kabanata 41
Kabanata 41
Mahal
"Nanay, my classmate said I'm pogi." pagkukwento sa akin ni Rain habang inaayos ko ang kaniyang buhok.
"Talaga? Baka naman crush ka niya?" natatawang tanong ko.
"What does crush means, Nay?" tanong naman ni Kean na nag-aayos ng sarili niyang buhok.
Tumawa ako at nilingon si Trigger na nagluluto, "Ano daw ibig sabihin ng crush, Tatay!"
Tumigil sa pagluluto si Trigger at nilapitan kami. Ngumisi siya sa dalawa kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil baka kabulastugan ang sasabihin niya.
"Crush means, kailangan mo siyang ligawan." humalakhak siya.
"Trigger!" hinampas ko ang braso niya.
"What does ligaw means, Tay?" kunot noong tanong ni Rain.
Hindi na sumagot si Trigger dahil kinurot ko ang kaniyang pwet. Namula ang buong mukha niya sa pagpigil ng tawa.
"Lugaw daw... pagkain iyon. Oh! Tama na ang kakatanong," ngumiti ako ng pilit sa dalawa at palihim na siniko si Trigger.
Hinapit niya ang baiwang ko, "Gusto mong ako ang sumagot sa tanong nila tapos hindi mo gusto ang sagot ko?" pilyong sabi niya.
"Ayaw ko lang gumaya ang mga anak mo sa iyo..." umirap ako.
"Loyal ako?" siguradong sabi niya saka ngumisi na parang inaasar pa ako.
"Noon kasi!" alam naming parehas kung ano siya noon kaya huwag na huwag niyang sabihin na loyal siya.
"Why not? Tatay naman nila ako, talagang sa akin sila magmamana."
"Ayaw kong umasa sila sa google tulad mo!" inis na sabi ko.
Halakhak lang ang sagot niya. Hinatid niya ang dalawa kaya naiwan akong mag-isa sa bahay. Hindi ko alam kung ilang weeks na na hindi ko nararamdaman ang pananakit ng ulo, hindi ko alam kung normal ba iyon o hindi.
"Tao po!"
"Pasok!" balik na sigaw ko.
Agad na bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Zette na marami nanaman ang kwento. Tungkol sa kung saan-saan. Nakikinig lamang ako sa kaniya at hindi ginagatungan ang sinasabi.
"Baka naman sa work lang nila?"
"Hindi ako naniniwala. Baka may babae nanaman niya iyon..." umiiling na sabi niya.
May nabasa raw siya sa cellphone ni Kurt kaya nagdududa siya ngayon na baka may babae nanaman ito. Simula 'nung nambabae si Kurt ng isang beses sa kaniya ay nawalan na siya ng tiwala rito.
"Hindi magwowork ang relasyon niyo kung puro ka hinala." umirap ako sa kaniya.
"Ikaw? Paano kung ikaw ang nasa sitwasyon ko at si Trigger ang may babae?"
Napa-isip ako. Ilang beses na ginawa sa akin iyon ni Trigger 'nung college kami pero kung hindi ako natutong magtiwala ulit sa kaniya ay siguro hindi na kaming dalawa ang magkasama ngayon. Wala sana sina Rain, Kean at Elora.
"Malaki ang tiwala ko kay Trigger..." iyon nalang ang sinagot ko.
Nagkibit balikat siya, "Palibhasa kasi ang tino tino ni Trigger. Sana ganiyan din si Kurt."
"Mabait naman si Kurt! Wala ka lang talagang tiwala..." tumatawang sabi ko.
Tatanungin ko nalang si Trigger mamaya kung may nababanggit sa kaniya si Kurt. Mukha namang naghihinala lang si Zette pero hindi ko rin siya masisisi kasi nga nagawa na ni Kurt ng isang beses.
Hindi na muna kami nagbenta ngayon, naubos agad ang mga kinuha ni Trigger sa TriRene dahil pabalik-balik ang mga babae dito sa bahay.
Hindi ko nga alam kung gusto ba talaga nilang bumili o gusto lang nila makita si Trigger.
Umupo ako sa kama pagkatapos ko maligo. Nakalagay pa sa aking ulo ang towel nang biglang tumunog ang cellphone ni Trigger na nasa table.
Dylan:
Shot, pare!
Bumukas ang pinto at pumasok si Trigger. Mukhang hindi pa yata niya alam dahil hindi pa siya bihis. Umupo siya sa tabi ko at sinubsob ang mukha sa aking leeg.
"Nagtext si Dyl," inabot ko sa kaniya ang kaniyang cellphone.
Binasa niya iyon pagkatapos ay agad din niyang binalik sa table. Kumunot ang noo ko. Huwag niyang sabihin na hindi siya pupunta?
"Ignore it... I'm not going." seryoso niyang sabi saka ngumiti sa akin.
"Bakit? Pwede ka namang pumunta, ayos lang ako rito."
Kaibigan namin si Dylan at hindi naman pwedeng nasa tabi ko lang lagi si Trigger. Kailangan din niya ng mga ganito.
Umiling siya, "Ayaw ko..."
"Baka magtampo sa iyo sila Dylan."
"Okay lang, wala naman akong pakielam sa kanila." humalakhak siya sa kaniyang sinabi.
Nanatili akong seryoso. Ayaw kong makulong siya sa akin. Tsaka matagal na rin naman 'nung last na bonding nila.
"Trigger..." banta ko sa kaniya.
Nagkasalubong ang kaniyang kilay na parang naiinis na. Hindi ako nagpatinag sa tingin niya kaya naman napa-bumuntong hininga siya.
"Dito kami iinom."
Hindi na ako nagsalita sa desisyon niya. Tinext niya ang mga ito kaya naman alas singco palang ay nasa bahay na sila. All boys lang at wala ang mga girls.
"Bakit kayo lang?" tanong ko.
Tinuro ni Chad si Dylan gamit ang kaniyang nguso. Napatango ako at agad na naintindihan ang gusto niyang sabihin.
Nagbless naman si Rain at Kean sa kanila. Sumabay sila sa amin ng dinner. Hindi din naman sila masyadong kumain dahil baka daw isuka lang nila mamaya.
"Know your limits, Trigger..."
Tumawa siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako mula sa likod at hinalikan ang pisngi ko. Hinimas niya ang aking tyan.
"Kahit hindi mo sabihin, alam na alam ko po, Misis..."
Ngumisi ako at humarap sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan ng marahan ang kaniyang labi.
"Good boy ang Totoy ko!"
Nauna akong matulog kay Trigger. Hinayaan ko nalang sila sa baba. Ngayon nalang ulit naging ganiyan si Dylan, mukhang seryoso talaga kay Seulgi.
Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari sa kanila pero ang sabi lang sa akin ni Trigger ay one-sided lamang. Tatanungin ko si Seulgi dahil pakiramdam ko ay hindi iyon one-sided.
Naalimungatan ako nang bandang alas kwatro ng madaling araw. Nilingon ko ang tabi ko, naroon na si Trigger at halos mapamura ako sa ayos niya.
Nakasuot sa kaniyang ulo ang boxer at mahimbing siyang natutulog.
Nagkalat din sa baba ang mga damit niya. Tumayo ako lara ayusin iyon. Alam kong wala ng saplot sa katawan si Trigger sa ilalim ng aming kumot.
"I love you..." tumatawang bulong ko sa kaniya kahit alam kong tulog na tulog na siya.
"Hmm, I love you too..." bulong niya at gumalaw siya para yakapin ako. Hindi ko alam kung bakit pero agad akong nakaramdam ng kilig.
Mahal na mahal niya ako kahit tulog siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top