Kabanata 37
Kabanata 37
Text Message
"Trigger, sinong kumain ng kettle corn ko?" namaywang ako sa kaniya habang siya naman ay prenteng nakahiga sa couch at nanunuod ng TV, hawak niya ang remote.
Nag-angat siya ng tingin sa akin, "Bakit sa akin mo tinatanong?"
"At kanin ko pa itatanong?" inis na sabi ko.
Pinatay niya ang TV saka tumayo, pumunta siya sa likod ko at hinawakan ang magkabilang balikat. Pinaupo niya ako sa couch saka minasahe ang aking kamay.
"Relax lang, Misis..."
"Gusto ko ng kettle corn!"
Ilang buwan na ang nakalipas simula nung na-comatose ako. Inaantay nalang na maipanganak ko ang baby bago ako operahan. I'm scared. Natatakot ako na baka magkatotoo ang mga panaginip ko.
"Ibibili kita mamaya, baka kinain lang ni Kean. Alam mo namang favorite din ng anak mo iyon,"
Hinalikan ko ang pisngi ni Trigger. Sobrang thankful at proud ako sa pagbabago niya. Hindi ko na nakikita ang dating Trigger Byun sa kaniya. Yun nga lang, pilyo pa rin.
Buong araw ay wala akong ginawa kundi humiga lang. Malaki na ang tyan ko kaya naman mabigat na iyon, hindi ko na kayang tumayo ng mahaba.
Tumunog ang cellphone ni Trigger sa side table kaya naman inabot ko iyon. Isang text message na galing sa numerong hindi nakaregister sa phone niya.
Unknown Number:
Trigger, I mean it. Sana ay maniwala ka. I'm waiting for your answer, i love you!
Lahat yata ng init sa aking katawan ay umakyat papunta sa ulo ko. Ano itong message na ito? At may I love you pa talaga, ha!?
"TRIGGER BYUN!" sigaw ko.
Narinig kong nawala ang tunog ng buhos ng tubig mula sa CR, "Bakit Misis?"
"Hwag mo nga akong ma-Misis misis!"
Sinabi ko ba kanina na nagbago na siya? OKAY. Babawiin ko na, ganun pa rin siya! Babaero pa rin!
Hindi siya sumagot ngunit agad namang bumukas ang pinto. Lumabas siyang nakatapis ang baba niya at basang basa ang katawan at buhok niya.
"What?" kunot noo niyang tanong.
Lumunok ako and I looked away, "Ano ito?" bumaba ang tono ng boses ko habang hinarap sa kaniya ang cellphone niya.
Pwede naman kasi munang magbihis bago lumabas, diba?
Kinuha niya ang phone. Tinignan ko ang mukha niyang seryosong binabasa ang message. Inis na binalik niya sa akin ang kaniyang cellphone.
"Wala iyan. Wala nga sa contacts ko..."
Tumayo ako at hindi pinaniwalaan ang paliwanag niya.
"You know I hate it when people lie to me," seryosong sabi ko sa kaniya.
Huminga siya ng malalim at nagkasalubong ang kaniyang kilay na parang inis na inis na siya sa inaakto ko. Gusto ko lang naman malaman, eh!
"I'm not lying, Irene Byun..."
"Bakit nagtext sa iyo? Bakit kilala ka? Ayaw na ayaw ko talagang nagsisinungaling ka sa akin."
"I'm not! Hindi ko talaga kilala iyan."
Maniniwala ba ako sa kaniya? Tinitigan ko siya at tinakot ngunit parang pinaninindigan niya ang kaniyang sinasabi.
"Baka si Lea ito okaya naman ay si Ales..."
Nagkibit balikat siya, "I have no idea. Kung sino man iyan, hwag na nating pansinin..."
Pero hindi ganun ang gusto kong mangyari. Parang gusto kong sugurin ang nagtext nun at sabunutan. Hindi naman ako palaaway, hindi ko na alam kung ano nangyayari sa akin.
"Trigger..." banta ko sa kaniya kasi baka umamin pa siya.
Hindi siya sumagot. Hinablot niya sa akin ang phone niya at kinuha naman ang phone ko sa gilid ng kama. Binuksan niya ang likod at pinagpalit ang aming sim.
"Palit tayo para hindi ka na magduda..." sabi niya at dumiretso na siya sa CR.
Gusto ko pa siyang awayin! Ano ba iyan. Nagiging troublemaker na ako. Dahil ba iyon sa buntis ako o nakakainis lang talaga si Trigger?
Nang maggabi na ay hindi ko pa rin pinapansin si Trigger kahit na anong gawin niya.
Humiga siya sa kama kaya naman agad ko siyang tinadyakan. Kumalabog ang lapag nang mahulog siya.
"What the?" sigaw niya.
"Hwag kang tatabi sa akin!"
"Ano namang ginawa ko?" tanong niya. Nakaupo siya sa sahig at tinitignan ako.
Tumawa akong sarcastic, "At nakalimutan mo na agad ang ginawa mo?"
"Fuck! Dun pa rin ba tayo sa text message?" inis na tanong niya. Umirap nalang ako sa kaniya.
"Diba sinabi ko naman sa iyo na wala iyon? Nagpalit na rin tayo ng sim, ano pa bang gusto mo?"
Hindi ko siya pinansin. Pumikit ako at nagkunyareng tulog. Narinig ko ang mga buntong hininga niya ngunit hindi pa rin siya humihiga sa kama.
Naiinis talaga ako sa kaniya!
"Misis..."
Sa pagtutulog-tulugan ko ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako nang medyo lumamig ang pakiramdam ko. Tinignan ko ang kama, wala pa rin akong katabi.
Bumangon ako para tignan ang oras sa aking cellphone. Alas dos na pala ng madaling araw. Binuksan ko ang ilaw.
Nasaan kaya si Trigger?
"Trig-" hindi ko na naituloy ang pagtawag nang makita ko siya sa gilid.
Nakasandal siya sa pader at mukhang tulog na. Hindi talaga siya tumabi sa akin, huh? Nilapitan ko siya at pinanuod habang natutulog.
Nilabas ko ang aking cellphone at pinigilan ang tawa habang kinukuhanan siya ng picture at pinost sa aking mga social media.
Pagtapos nun ay niyugyog ko na siya, "Hoy!"
Namumula ang kaniyang mata nang dumilat siya. Nagkasalubong agad ang kaniyang kilay at ginulo ang buhok. Binasa niya ng kaniyang labi ang lower lip niya.
"Bakit dito ka natulog?" tanong ko.
"Tinadyakan mo ako, eh. Baka kapag tumabi ako ulit, hindi lang tadyak ang abot ko..."
Natawa naman ako. Ngayon, hindi na ako naiinis sa kaniya. Nag cute cute na niya! Para siyang bata na hindi nabilhan ng Nanay ng laruan.
"Tulog na tayo!" aya ko saka hinawakan ang kamay niya. Hinila ko siya hanggang sa aming kama.
"Bati na tayo?" parang bata niyang tanong.
"Oo na! Kainis ka kasi, eh..." pinigilan ko ang aking ngisi.
Nang mahiga kami ay hindi na ako inantok. Nakatingin lamang ako sa kisame at ramdam kong hindi pa na din siya natulog.
"Akala mo talaga nagsisinungaling ako?" siya ang unang nagtanong.
Nilingon ko siya, "Naniwala naman ako sa iyo, eh. Gusto lang talaga kitang awayin..."
Ngumisi siya at piningot ang aking ilong, "Kamukha ko na iyan, sigurado!" malawak ang kaniyang ngiti.
"Ginoogle mo nanaman?"
Natigil naman siya at nag-isip, "Ay oo nga, ano! Sana ginoogle ko rin iyon para kamukha ko..."
"Siraulo ka pala, eh!" inis na sabi ko saka siya binatukan.
Humagalpak naman siya sa tawa, "Biro lang! Kamukha ko iyan dahil pinaglilihian mo yata ako..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top