Kabanata 33

Kabanata 33

Wala Akong Isusuko

"Kuya magkano lahat?" tanong ko sa nagtitinda ng buko juice.

Baka kasi gusto pa ni Ineng ng marami. Mas gusto kong nabibigyan siya ng sobra kaysa kulang.

"Tatlong libro ho, Sir!"

Tumango ako saka nilabas ang aking wallet. Tatawagan ko nalang sina Sky para ilagay sa mansyon ang mga ito.

"Buntis ho kasi asawa ko..." ngumiti ako.

"Ganun ba, Sir? Sige ho, dalawang libo nalang! Regalo ko na ho sa Misis mo."

Umiling agad ako, "Hwag ganun, Kuya, ayos lang kami. Iregalo mo nalang ho sa anak at asawa mo itong bayad ko..."

Naglabas ako ng limang libo at hindi ko na kinuha ang sukli. Barya nalang iyon sa amin at sa kanila ay malaking bagay na. Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Sky at Thunder.

"Salamat ho, Sir! Sana ho healthy ang baby niyo..."

Ngumiti nalang ako. Tinignan ko ang pwesto ni Irene, nagulat ako nang nakitang nakahawak siya sa gilid ng cottage habang nakapikit. Maya-maya ay bumagsak siya sa lupa.

"Ineng!" agad na tumakbo ako papunta sa kaniya. Tinawag ako ni Kuya nagtitinda ng buko juice ngunit hindi ko na siya nagawang lingunin pa.

Shit! Apat na buwan palang ganito na agad ang nararamdaman niya.

"Trigger, si Irene!" nilapitan ako ni Ales para hawakan pero mabilis akong umiwas at diretsong tumakbo kay Irene.

"Ineng!" nilapitan ko siya. Lumayo iyong Robie para bigyan ako ng pagkakatayong lapitan si Irene.

"Trigger... h-hindi... ako m-makahinga..."

Shit! Hindi ko alam kung anong una kong gagawin. Una palang ay alam ko nang hindi maganda ang kalagayan ng baby. Hindi ko iyon sinabi sa kaniya dahil bawal siya ma-stress. Kaya rin pinilit ko siya dito ay para makapagrelax siya.

"Trigger!" tinapik ni Sky ang balikat ko.

Hingal na hingal sila ni Thunder. Binuhat ko si Irene at patakbong pinasok sa sasakyan ni Sky.

"Is she alright?" lumapit ang mga ka-officemate ni Irene.

"Hindi ko alam! Damn it!" sigaw ko sa kanila.

Pagkasakay ni Sky at Thunder ay agad na pinaharurot ang sasakyan. Ang mga buhangin na galing sa dalampasigan ay nagulo sa sobrang bilis.

"Dude, chill!"

"I am chill..." seryosong sabi ko habang mahigpit na hawak ang manibela.

Alam nilang lahat ang kalagayan ni Irene. Tanging siya lang ang walang alam. Akala ko magiging maayos ang lagay namin rito lalo pa't gumagalaw pa ang baby sa loob ng tyan niya.

Hinilamos ko ang dalawang kamay sa mukha habang naghihintay ng balita. Nakasandal si Sky at Thunder sa pader at halatang kinakabahan na rin sila.

"Ano bang nangyari, Trigger?" seryosong tanong ni Thunder.

Nagkibit balikat ako, "Gusto niya ng buko juice kaya bumili ako. Tapos bigla nalang siyang nahimatay sa cottage..."

"Siguro mas mabuti kung tatanggapin mo nalang na-"

"No! Fuck no!" mabilis kong sagot.

"Trigger, madadamay si Irene..." sabi ni Sky.

Hindi ako nagsalita. Kahit anong mangyari, hindi ko isusuko ang anak ko. Kaya pang gawan ng paraan iyan. Mabubuhay ang anak ko. Mabubuhay silang dalawa ni Irene.

"Hello?" nag-angat ako ng tingin kay Sky nang biglang may tumawag sa kaniya.

"Narito kami sa ospital..." tinignan niya ako, "Saan phone mo?" tanong niya.

Sa sobrang pagmamadali ko ay nabitawan ko iyon kanina kaya hindi ko na alam kung nasaan. Umiling ako kay Sky.

"Nawala yata phone niya. Oo, ngayon lang! Sige, antayin namin kayo..."

"Sino iyon?" tanong ni Thunder nang ibaba ni Sky ang tawag.

"Si Dyl, pupunta na raw sila rito, kasama si Rain at Kean..."

Napayuko ako. Pakiramdam ko ay pinabayaan ko si Irene. Hindi ko siya naalagaan ng maayos kaya naman wala pa kaming isang linggo ay ganito na agad ang nangyari sa kaniya.

Tinapik ni Sky ang balikat ko, "Tangna, hwag kang umiyak. Ang bakla mo, pare."

Hindi ko siya pinansin. Mahina akong humikbi habang tinatapik nilang dalawa ang balikat ko. Walang mawawala sa akin. Maliligtas silang dalawa.

Higit isang oras din nang lumabas ang doctor. Tumayo agad ako at lumapit sa kaniya.

"I'm her husband..." pabayang asawa.

"You exactly know her condition, right? At alam kong sinabi na ito sa iyo ngunit sasabihin ko ulit." alam na alam ko kung ano ang sasabihin niya kaya naman agad na umiling ako.

"Save your wife..."

"No! Damn it! Maliligtas ang anak ko..." may tiwala ako sa Diyos.

"Kung ganun, Sir, kailangan niyo hong pumirma ng waver..."

Nilabas niya ang papel na may kasulatang kapag hindi naligtas si Irene at ang baby ay walang kasalanan ang ospital.

Walang kwentang kasunduan! Babayaran ko sila ng malaki, iligtas lang nila si Irene at ang anak namin.

Pagkatapos doon ay pumasok na kami sa loob ng kwarto ni Irene. Kapag hindi siya nagising ngayong araw ay Comatose na siya.

Hinawakan ko ang hawak niya at yumuko ako doon. Kitang kita ko ang paghihirap niya sa kaniyang mukha at hindi ko kayang tignan iyon.

Kanina lang ang lawak ng ngiti niya, hindi ko akalain na mangyayari ito. Tahimik lamang si Sky at Thunder na nakaupo sa couch. Niyaya nila akong kumain ngunit tumanggi ako.

Gabi na nang makarating sina Dylan. Kasama si Mommy at Mommy ni Irene at ang dalawang anak namin. Umiyak agad sina Mommy at nilapitan ako ni Rain at Keanu.

"Bakit natutulog si Nanay, Tatay?" tanong ni Keanu.

"Anong oras po siya magigising?" tanong naman ni Rain.

Fuck! Mas masakit pala kapag anak mo na ang nagtanong sa iyo tungkol sa kalagayan ni Irene. Anong sasabihin ko? Masyado pa silang bata.

"Magigising na rin siya mamaya..." ngumiti ako sa kanila.

Niyakap ako ni Mommy saka bumulong sa akin na magiging okay rin ang lahat. Hinalikan niya ang pisngi ko at nagkwento ng tungkol sa kanila ni Tatay.

"Ganiyan din ang Tatay mo noon, naka-Coma siya ng ilang buwan. Akala ko nga hindi na siya magigising pero nagising pa rin siya. May sakit noon si Jigger kaya doble doble ang sakit ngunit nang matapos iyon ay ang sarap sa feeling... pagsubok iyon at nalagpasan ko. Kaya mo rin ito, anak..."

Nilapitan ako ni Ika, "Kumain ka na, Trigs..."

Umiling ako sa kaniya. Wala akong gana. Kapag kakain ako ay si Irene lang rin ang maaalala ko.

"Sabay kami ni Irene kakain..." seryoso kong sabi.

"Pero hindi pa natin alam kung kailan siya magigising."

"Gigising siya mamaya!" sigaw ko.

Hindi na nila ako pinilit. Kumain silang lahat at naiwan ako sa kwarto. Sobrang tahimik.

"May Mang Inasal rito sa ospital, Ineng..." tumawa ako sa sinabi ko ngunit tumulo pa rin ang luha.

Tangna, wala akong pakielam kung makita nila akong umiiyak.

"Iligtas mo ang baby natin... Iligtas mo si Elora..." bulong ko habang hinahaplos ang tyan niya.

Umub-ob ako sa braso niya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako nang biglang lumapit sa akin si Rain.

"Tatay, kumain ka na. Gisingin mo na rin si Nanay para kumain na, diba po masama ang nalilipasan ng gutom?"

Kinusot ko ang mata ko. Akala ko panaginip lang ang nangyari kanina pero totoo pala. Totoong totoo. Ramdam na ramdam ko ulit ang sakit. Sobrang sakit.

Ngumiti ako, "Gigising na ang Nanay mo mamaya hwag kang mag-alala..."

Umuwi muna sila sa mansyon ni Sky para matulog. Alas otso na pala. Malamang ay kakausapin ako ng doctor mamaya.

"Dude, malakas si Irene! Hwag ka ngang magmukmok dyan..." ngising sabi ni Cupid.

Sila ang nagpaiwan para samahan ako. Ang iba ang nakapikit na pero pinipilit pa ring tingnan si Irene. Ang iba naman ang nagkakantyawan.

"Alam ko. Kaya nga alam kong gigising siya ngayon..."

Hindi sila nagsalita. Parang tanggap na nila na imposibleng magising si Irene ngayon. Pero ako, hindi ako pwedeng sumuko.

Biglang pumasok ang isang nurse kaya naman tumayo na ako, "Tawag ka ho ni Doktora..."

Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at inayos ang buhok. Pumunta ako roon tsaka umupo sa harap niya.

"Mister, comatose na ang pasyente ngunit kapag tinanggal na ang baby ay mas lalaki ang chance na mabuhay ang Misis mo at mapaaga ang paggising niya."

"Wala akong isusuko sa kanilang dalawa!" mabilis kong sagot.

"Kapag ganito ang gusto niyo, Mister, pwedeng silang dalawa ang mamatay..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top