Kabanata 32
Kabanata 32
Tulong
"Trigger..." paggising ko ay likod agad niya ang nakita ko. Nilingon niya ako matamis akong nginitian.
"What do you want?" malambing niyang tanong saka ako nilapitan.
"Buhatin mo ako pababa, tinatamad ako." hindi ako nagbibiro. Tinatamad talaga ako kasi bumibigat na ang tyan ko.
Humalakhak siya at pumwesto para buhatin ako. Malalim muna siyang huminga bago ako binuhat kaya pinalo ko ang braso niya.
"Para saan yung buntong hininga na iyon? Mabigat na ba ako?" inis na tanong ko.
"Hindi, ah! Takte, kahit pala buntong hininga may meaning pa rin sa iyo..." umiiling na sabi niya.
Humawak ako ng mahigpit sa leeg niya. Ang bango bango ni Trigger, amoy gatas!
"Hwag mo akong amuyin, baka ibalik kita ng kama makita mo..."
Natawa ako sa reaction niya kaya inamoy ko pa siya. Sinamaan niya lang ako ng tingin saka inirapan. Kahit nagtataray, ang gwapo pa rin!
Hanggang sa kusina ay buhat buhat niya ako. Tinawanan pa kami ni Sky at Thunder.
"Ano nanamang trip niyong dalawa?" tanong ni Sky.
"Paki mo? Inggit ka?" asar ko sa kaniya.
Binaba ako ni Trigger sa upuang nasa harap ni Thunder. Tinignan ko siya. Nakatopless siya ngayon at boxer lamang ang suot. Kitang kita ang marka ng kalmot ko sa likod niya.
"Bes ang gulo ng buhok mo bes..." humagalpak ng tawa si Sky habang nakatingin kay Trigger.
Inamoy ko ang bacon, "Ang baho naman neto, expired na yata!"
"Hwag oa, buntis ka lang..." sabi ni Thunder saka kinagat ang isang bacon kaya napangiwi ako.
Tinignan ko si Trigger na nakatingin sa akin habang nagtitimpla ng kape niya. Sinimulan ko namang magpa-cute para pag bigyan niya ako sa hihilingin ko.
"Anong gusto mo?" tanong niya.
Ngumiti ako ng malawak, "Mang Inasal!"
Hindi niya ako sinagot. Tinignan niya si Sky na sarap na sarap sa kinakain niya. Naka-kamay pa talaga siya.
"May Mang Inasal ba rito?" tanong niya.
"Meron, dude. Doon sa White Mall!" sagot niya saka tinuro pa kung saan ang mall na sinasabi.
Tumango si Trigger saka tinignan ako, "Maligo ka na at magbihis... pupuntahan natin yung mall..."
Dali-dali akong naligo at nagbihis. Nag-aayos na ako ng buhok nang pumasok siya sa kwarto na nakaligo na. Tumutulo ang tubig sa kaniyang katawan at nakatakip ang baba niya.
"Saan ka naligo?" tanong ko habang nagsusuklay.
"Sa baba..." tinanggal niya ang takip kaya lumuwa ang mata ko. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
Jusmeyo.
"Trigger, pakiss..." lumapit pa ako sa kaniya at hinawakan ang baiwang niya.
Nagulat naman siya at napaatras ng kaunti. Magsasalita pa sana siya pero agad na hinalikan ko na siya.
"Sarap mo bes!" tumawa pa ako sa kaniya.
Umiling naman siya at ngumisi, "Mas gusto ko yatang dito nalang tayo sa kwarto kaysa bumili ng Mang Inasal mo..."
Biglang nagbago ang isip ko nang marinig ko ang Mang Inasal. Mahal ko siya pero mas mahal ko sa ngayon ang Mang Inasal.
Tinalikuran ko siya, "Mang Inasal pa rin!"
Narinig ko ang tawa niya. Bigla kong nabitawan ang hawak kong suklay nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi ko alam. Napahawak ako doon.
"What's wrong?" tanong agad ni Trigger.
Pinilit kong ngumiti, "Wala lang. Bayang magiliw..." biro ko at kumanta pa ako ng Lupang Hinirang ngunit hindi siya natawa.
"Sabihin mo sa akin kapag may nararamdaman kang iba..." seryosong sabi niya.
Tumango lang ako. Hiniram namin ang sasakyan ni Sky na amoy strawberry. Tss, sino nanaman kaya dinala nun dito.
"Hindi pa ulit gumagalaw si baby..." biglang sabi ko habang hinihimas ang tyan ko.
Ang magalaw noon ay si Keanu. Pero itong ngayon ang bihira lang gumalaw. Hindi sinagot ni Trigger ang sinabi ko. Seryoso lang siyang nagmamaneho at kahit na naka-red ang stop light ay hindi niya ako nililingon ng tingin.
Nang makarating kami sa mall ay agad akong bumaba. Hinawakan ni Trigger ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob.
As usual, pinagtitinginan nanaman siya. Wala namang bago sa kaniya. Nakapambahay pa nga siya, eh.
"Selos ka nanaman..." humalakhak siya kaya inirapan ko nalang.
Nag-order na siya habang ako naman ay naghuhugas ng kamay. Tulala siya sa table nang makabalik ako. Bumaba ang tingin niya sa tyan ko saka ngumiti sa akin.
"Hindi ka maghuhugas ng kamay mo?" tanong ko. Tumayo naman siya at naghugas na ng kamay.
Habang naghihintay ay pinapanuod ko ang mga taong dumadaan sa harap ng Mang Inasal. May mga couples na ang babata pa, maraming single at mga matatanda.
Napangiwi ako nang biglang gumalaw si baby. Sa sobrang lakas ay parang lalabas na siya sa tyan ko.
"Bakit?" mas nagulat ako nang nasa likod ko na pala si Trigger, hawak ang balikat ko.
"Tumadyak..." sabi ko. Lumiwanag ang mukha niya at kinagat ang kaniyang labi para pigilan ang ngisi.
"Malakas ba?" tanong niya.
"Sobrang lakas!"
Hindi na niya napigilan ang ngisi. Hinalikan niya ang pisngi ko at pumunta na sa harap ko. Ngiting ngiti siya sa harapan ko kaya inirapan ko na. Mukhang baliw, eh.
Dumating na ang order namin kaya galit galit muna. Nakaapat na rice na ako habang siya ay dalawa palang. Pinapanuod niya akong inuubos ang pang-limang rice.
Ngumiti ako sa kaniya, "Gutom lang talaga ako..."
"Hindi halata." sagot niya saka tumawa at umiling.
Ngayon lang naging masarap sa panlasa ko ang Mang Inasal. Dati naman ay nakaka-ilang rice lang ako at kung minsan ay ayoko pang kumain dito.
"May gusto ka pa ba maliban dito?" tanong niya.
Napaisip naman ako at bigla akong natakam sa Zarck's burger kaso hindi iyon healthy para kay baby. Gusto ko din ng seafoods. Tutal narito na lang rin naman kami sa White House ay sulitin ko na.
Nang matapos kami ay walang tigil akong dumighay. Naglibot pa kami sa White Mall bago umuwi. Naabutan namin sa labas si Sky na may kausap na babae.
Mukha silang nag-aaway at ngayon ko lang nakita si Sky na nakakunot ang noo at seryoso. Umiiyak ang babae sa harap niya.
"Hayaan mo sila..." bulong sa akin ni Trigger. Tinitignan ko lang naman, hindi naman ako gagawa ng eksena.
Pumunta kami sa isang cottage. Naglalaro ng volleyball ang mga kasama ko sa building, maging sina Ma'am Gen ay nandun. Tinignan naman ako ni Robie na kasama sina Ken kaso hindi ngumi-ngiti. Dahil na rin siguro kay Trigger.
"Tigas ng mukha..." bulong ni Trigger.
Kinalabit ko siya, "Gusto ko ng buko juice!"
Tinignan niya, "Gutom ka pa rin?" gulat na tanong niya pero tumango lang ako.
Wala na siyang nagawa kundi tumayo at bumili ng buko juice. Nanuod ako ng game nila Ales. Nahati sila sa dalawang grupo, red and blue.
Pumikit ako nang parang lumalabo ang tingin ko. Siguro dahil sa araw. Pero nang pumikit ako ay doon pa ako nahilo. Sinubukan kong imulat ang mata ko ngunit liwanag nalang ang nakikita ko.
Tumayo ako para makahingi ng tulong. Huminga ako nang malalim dahil bumibigat na ang hininga ko. Habol ko iyon kaya hindi ako nakapagsalita.
"Tu...long..." halos bulong lang iyon.
naginit ang buong mukha ko at hindi ko na mahabol ang hininga ko. Tumulo ang luha sa mata ko at hinawakan ang tyan ko.
Tulong! Trigger, tulungan mo ako! Tulungan mo kami ng anak mo!
Malakas na sumisigaw ang isip ko at humihingi ng tulong ngunit walang mabanggit ang bibig ko. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top