Kabanata 31

Warning: SPG (hwag mag-expect dahil hindi ako marunong gumawa ng SPG)

----

Kabanata 31

Jealous

Niyakap niya ako ng mahigpit, "Walang problema, okay? Everything is fine..."

"Bakit pinaparamdam mo sa akin na may mali? Na may problema?"

"I'm not... nag-o-overthink ka lang, love." hinalikan niya ang buhok ko.

Hindi na ako nagsalita. Magaling magsinungaling si Trigger kaya hindi ko alam kung kailan siya nagsisinungaling or kung kailan naman hindi.

Sana lang totoo ang sinasabi niya.

"Pahinga na tayo, hwag ka na mag-isip ng kung anu-ano." hinila niya ako papunta sa kama.

Humiga kami parehas ngunit hindi pa rin ako makatulog. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko. Mga anak ko, sa kinikilos ni Trigger at sa iba pang bagay.

"Trust me, Ineng..." bulong niya nang maramdaman niyang hindi ako mapakali.

Mahigpit niya akong niyakap saka minasahe ang tainga ko. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa ginawa niya at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan ay wala na sa tabi ko si Trigger. Bumaba ako at naabutan ko silang tatlo na naguusap sa kusina.

"Dude, hindi ko naman alam kung ano ang issue niyo sa buhay..." natatawang sabi ni Sky.

"Paano makaka-relax si Irene kung narito ang babaeng iyon?"

"Kasama niya ang mga katrabaho niya, may team building raw sila." sabi ni Thunder.

Kumunot ang noo ko at nagpakita na sa kanila. Natahimik si Trigger saka nag-iwas ng tingin sa akin kaya naman si Sky ang tinanong ko.

"What?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya, "Nandito sa resort yung Ales daw?"

Nalaglag ang panga ko. Eto na ba ang sinasabi ni Ma'am Gen sa akin last week? Bakit dito pa sa White House at bakit kung kailan narito kami? Hindi ko pa siya kayang harapin.

"Wala na kayong magagawa, alangan namang paalisin pa." umiiling na sabi ni Thunder.

Hindi ako makapagsalita. Sa dami ng gusto kong sabihin ay hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Okay lang naman, diba?" ngumiti ako ng pilit kahit na alam kong kapag may Ales sa buhay namin ay hindi magiging okay.

"Kaya nga, pare. Ayos lang naman iyon." sabi ni Thunder.

"Hindi magiging ayos! Alam niyo ba kung anong kayang gawin ng babaeng iyon?"

Tumawa si Sky, "Parang papabayaan naman naming saktan niya si Irene..."

Kahit naman ako ay hindi ko hahayaan na saktan ako ng babaeng iyon.

Nilingon ako ni Trigger nang akmang lalabas ako ng pinto. Pinatay niya ang TV na pinapanuod niya saka tumayo at lumapit sa akin.

"Dadrama ka nanaman, e..." ganito siya ka-OA. Kunting tayo at labas ko lang ay lalapitan na agad niya ako.

Tumawa siya, "Pinatay ko na ang TV..."

"Pinatay mo? Mabait pa naman yun..." biro ko sa kaniya saka sabay kaming natawa.

"Namiss ko yung joke na iyon."

Nuong college kami ay iyon lagi ang biro namin at kung anu-ano pang kabulastugan. Nakakamiss din pala, ano? Hindi ko akalain na hahatong kami ni Trigger sa ganito.

"Labas tayo?" tanong niya kaya tumango ako.

Umakbay siya sa akin at sabay kaming naglakad palabas ng malaking gate ng mansyon ni Sky. Narinig ko agad ang ingay ng mga taong nasa dalampasigan. Ang iba ay nagvovolleyball at ang iba ay lumalangoy.

Ang ibang babae ay napapalingon pa sa amin. Sinamaan ko sila ng tingin, napansin yata iyon ni Trigger kaya humalakhak siya.

"Wala ka naman dapat ika-selos..." bulong niya.

"Nakakainis kasi, e! Kahit may asawa ka na, pwede ka pa ring maghanap ng bago mo."

"Bakit mo naman naisip na maghahanap ako ng iba?" kunot noo niyang tanong. Hala, patay na! Seryoso si Manong Trigger.

"Basta lang!"

Tumigil kami sa paglalakad. Hinarap niya ako at mahigpit na hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Madiin niya akong hinigit at siniil ng halik.

"Akin ka lang..." bulong niya.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngisi. Nagpatuloy kami sa paglalakad at expected ko na na makikita ko sina Ales dito ngunit hindi ko akalain na kasama niya si Robie.

"Irene!" tawag sa akin ni Robie.

Humigpit ang hawak ni Trigger sa balikat ko. Bumaba ang tingin ni Ales sa tyan ko at nakita kong umirap siya.

"Iyan ba 'yung Robie?" tanong ni Trigger.

Tumango ako. Iiwasan sana namin sila ngunit ngumiti sa akin si Ma'am Gen.

"Halika ka muna rito, Irene..."

Tinignan ko si Trigger. Ngumiti ako sa kaniya at hinila ko siya roon. Pinagkaguluhan siya ng mg ka-officemate namin habang kinakausap ako ni Ma'am Gen.

"I'm happy for you..." ngumiti siya sa akin.

Ngayon, nagui-guilty na ako sa mga inisip ko tungkol sa kaniya noon. Hindi ko alam kung gaano kasakit para sa kaniya na iwan ng asawa at sinama pa ang mga anak nila.

"Thank you, Ma'am..."

"Ilang buwan na iyan?" tanong ni Ales.

Hindi ko sana siya papansinin kaso ayoko namang malaman nila na may alitan kami. Kahit papaano ay ayoko siyang pahiyain sa ginawa niyang paglandi sa asawa ko.

"Apat..."

Hindi rin kami nagtagal roon. Umalis kami at napansin kong hindi ako kinakausap ni Trigger. Nakaakbay siya sa akin ngunit umiiwas siya ng tingin.

"Ano nanamam?" tanong ko nang magtuloy tuloy siya sa pagpunta sa kwarto namin kaya sinundan ko siya.

"Trigger!"

Nakaupo siya sa kama at sapo ang noo. Tumabi ako sa kaniya. Hindi niya ako pinansin kaya naman lalo akong nainis sa kaniya.

"Ano?" inis na tanong ko.

Hinarap niya ako, "Hindi ba't sinabi kong akin ka lang?"

Tumango ako, "Sa iyo lang naman talaga ako!"

"Bakit ka nakikipag ngitian kay Robie kanina?" kunot noo niyang sabi.

Nalaglag ang panga ko. Nagseselos ba siya? At kay Robie pa, ha! Siguro panget talaga ang ugali ng isang iyon ngunit naging kaibigan ko na siya. Mas mapapagkatiwalaan pa nga ang isng iyon kaysa kay Ales.

"Goodness, Trigger, nagseselos ka kay Robie?"

"Bakit, bawal na ba ako magselos?" inis na sabi niya.

Natawa ako saka pinisil ang pisngi niyang pulang pula. Umigting ang panga niya.

"Tatawanan mo lang ako?"

"Ang cute mo po kasi... Ikaw lang ang mahal ko, Trigger..."

Tinignan niya ako ng seryoso sa mata. Para kaming naguusap. Ngumiti ako sa kaniya at kusang napapikit nang lumapit ang mukha niya at siniil ako ng mainit na halik.

Agad na naglakbay ang kamay niya sa buong katawan ko. Hinila niya ako patayo at pinaupo sa hita niya.

"Trigger..." bulong ko nang halikan niya ang leeg ko.

Mabilis at marahan niyang tinanggal ang damit ko sa katawan. Pinahiga niya ako at siya naman ang nagtanggal ng mga damit niya sa harapan ko.

Dahil buntis ako ay pumwesto siya sa likod ko. Hinahalik-halikan niya ang balikat ko habang minamasahe ang dibdib ko.

"Trigger!" tili ko nang ipasok niya ang isa niyang daliri sa loob ko.

Humalakhak siya sa tainga ko saka nilagay ang kamay niya sa bibig ko.

"Ang ingay mo..." bulong niya.

"Hwag mo masyadong ibaon!" kinakabahang sabi ko dahil delikado.

Hindi niya ako pinansin. Humarap ako sa kaniya at kinalmot ko ang likod niya. Halos malagas na rin ang buhok niya sa kakasabunot ko.

"Don't make me jealous again, Ineng... or else..." hindi na niya naituloy ang sasabihin.

_______

hi! may group po pala sa Facebook, (Czezelle WP) kung gusto niyong sumali, go lang! may group chat din at nandun ang ibang RP tulad ni Trigger. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top