Kabanata 30
Kabanata 30
Problema
Inalalayan ako ni Trigger pababa ng sasakyan. Naabutan namin si Thunder at Sky na inaantay kami sa labas. Nilapitan kami ni Sky saka ngumisi sa akin.
"Laki na ng tyan, a?"
Akmang hahawakan niya sana ang tiyan ko nang mabilis na hinarang ni Trigger ang kaniyang braso saka sinamaan ng tingin si Sky. Hinapit niya ako sa baiwang at hinila ako papasok sa mansyon ni Sky.
Narinig kong tumawa si Sky, "Damn... ngayon ko nalang ulit naasar si Trigger..." sabi niya na parang tuwang tuwa pa sa reaction ni Trigger.
Pumasok kami sa kwarto'ng madalas naming tuluyan kapag nandito kami. Hindi ko alam kung ano na ang buhay ni Sky at Thunder sa White House pero ang balita ko ay kabilaan ang babae nila. Well, hindi na nakakagulat kay Sky, pero kay Thunder? Anti-social 'yan nung nasa Maynila pa.
"Maligo ka na muna bago tayo bababa..." sabi niya habang nag-aayos ng gamit namin.
"Paano ikaw?"
Agad na nag-angat siya ng tingin sa akin saka ngumisi. He stuck his tongue out and laughed at me, "Gusto mo ba akong kasabay maligo, Misis?"
Umirap ako sa kaniya, "Tigilan mo ako sa kakaganyan mo, ha! Pitikin ko ano mo, e..."
"Ano?" pilyo niyang tanong saka tumayo at hinarap ako.
Mahigpit niya akong hinapit sa aking baiwang at diretsong nakatingin sa aking mata. Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako o hindi nang makita kong napalitan ng lungkot ang mata niya, saka siya nag-iwas ng tingin sa akin.
Ngumit siya, "Mauna ka na..." pinagpatuloy na niya ang pag-aayos.
Hindi ko na siya pinansin at naligo nalang din. Hindi naman ako madumi pero feel ko lang magbabad sa bathtub. Tumagal ako doon ng isang oras. Lumabas ako ng kwarto na nakatapis lamang. Wala na doon si Trigger kaya napasimangot ako.
Akala ko ba sabay kaming bababa ng kwarto?
Nagsusuklay na ako ng buhok nang may marinig akong ingay mula sa terrace. Kumunot ang noo ko at pinuntahan siya. Nakasandal siya sa railing at may hawak na kulay black na sigarilyo.
Saan galing yang sigarilyong hawak niya?
"Sinunod ko naman ang payo mo, a? Bakit hindi ka pa rin sigurado?"
Natigilan ako nang sumigaw si Trigger. Humithit siya sa sigarilyong hawak saka bumuga ang usok sa kaniyang bibig. Magkasalubong ang kaniyang kilay na parang inis na inis sa kausap niya sa phone. Sino ba iyon atsaka anong payo?
"Bullshit... buhay ang pinag-uusapan natin rito..." natigilan siya pero agad ding tumago, "Okay, I'll call you again tomorrow."
Bumalik naman ako sa loob at nagkunyareng walang narinig. Tumagal siya ng ilang minuto bago bumalik sa loob ng kwarto. Ngumiti siya sa akin saka lumapit.
"Let's go?"
Pasimple ko siyang inamoy pero kahit anong bahid ng amoy sigarilyo ay wala akong naamoy. Sinamaan ko siya ng tingin kahit na hindi naman niya iyon napapansin.
Gusto kong itanong sa kaniya ang narinig ko pero mas gusto kong sabihin niya sa aking ng kusa.
"Oh ayan na pala ang lovers..." asar ni Sky saka nilapag ang niluto niyang pasta.
"Wow! At kailan ka pa natutong magluto, Sky?" tanong ko. Inalalayan naman ako ni Trigger sa pag-upo at si Thunder ay halos hindi na maibaba ang kaniyang cellphone.
"Simula nung natutong manligaw..." walang emosyong sabi ni Thunder.
"Marunong ka na palang manligaw, pare?" humalakhak si Trigger.
"Hindi no! Natuto akong magluto para sa sarili ko, hindi para sa babae." Indenial niyang sabi.
Hindi ko alam kung gaano kasakit pag naapakan ang pride niya sa kantyaw namin. Si Sky kasi ang tipo ng lalaki na pilyo pero ayaw mag girlfriend, hindi ko nga alam kung paano siya nagkakaroon ng babae gayong hindi naman siya marunong manligaw.
"Hindi ko alam kung paano kayo napapasaya kapag may babae kayong nasasaktan..." umiiling na sabi ni Trigger.
Nabulunan naman si Thunder tsaka Sky kaya inabutan ko sila ng tubig. Mabilis nilang ininom iyon. Umiling at tumawa si Trigger dahil alam na niya ang sasabihin ng dalawa.
"Look who's talking..." sabi ni Thunder.
"Past na iyon mga brad, ang pinag-uusapan natin ang iyong ngayon," sabi ni Trigger.
"Bakit, loyal ka na ba ngayon? May alam ako Trigger..." nakangising sabi ni Sky.
Kumunot ang noo ko saka nilingon si Trigger. Siya naman ngayon ang nabulunan at mabilis na uminom ng tubig. Humalakhak si Sky at Thunder.
"Tanga niyo, kapag ito naniwala sa kalokohan niyo!"
"Hindi ba totoo? Maria yata ang name..."
Sinamaan ko ng tingin si Trigger, "Sinong Maria!?"
Humagalpak sila sa tawa. Maging si Trigger ay natawa na din nang tanungin ko iyon. Bakit, masama na ba tanungin kung sino ang babaeng sinasabi nila Sky?
Inakbayan ako ni Trigger, "Alam mong siraulo si Sky, naniniwala ka naman..."
Tinadyakan ko si Sky nang hindi siya magtigil sa kakatawa. Namumula na ang kaniyang buong mukha. Si Thunder naman ay ngumi-ngisi ngisi nalang. Mahal ang tawa niya.
"Hwag ka masyadong maging masaya Sky, baka isang araw, lumuluhod ka na rin para sa babae..." sabi ni Thunder.
"Masama ang magbintang, Kidlat, hindi ka matutunawan." Ngising sabi naman ni Sky.
"Ikaw ang mag-ingat, baka mausog kita..." tumawa si Thunder.
"Parehas kayong mag-ingat, baka isang araw, nakatali na kayo!" sabi ni Trigger.
Ngumisi si Sky, "Hindi mangyayari iyan, may gatas pa ako sa labi."
"Ow? Kanino naman kayang gatas galing iyan?" kantyaw ni Trigger kaya naman siniko ko na.
"Sikreto, walang clue!" nag-ngising aso naman si Sky.
Umiling nalang ako sa naging usapan nila. Mga lalaki nga naman, kung anu-ano nalang ang pinag-uusapan. Kapag iniwan naman ng babae, kala mo batang iniwan ng Nanay sa mall.
Nang matapos kaming kumain ay tumawag ako kay Mommy para makausap si Rain at Keanu. Naligo naman si Trigger kaya ako naman ang nasa terrace. Malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin pagkarating ko. Niyakap ko ang braso ko habang nasa tainga ang cellphone.
"Hello?" si Rain.
"Hi babies!" sigaw ko. Nag-unahan namang tumulo ang luha sa aking mata. Namimiss ko na sila.
"Kean, dali, si Nanay!"
Nakarinig naman ako ng sigaw na galing kay Keanu. Hinawakan ko ang tyan ko habang nakikinig sa kanilang dalawa. Nagkwento sila nang nangyari sa kanila buong araw.
"Wow, ang galing naman ng mga anak ko!" sabi ko nang sabihin nilang nakaperfect sila ng quiz.
Ramdam na ramdam ko ang pangungulila ko sa kanila. Ilang buwan pa ako rito at hindi ko alam kung paano ko kakayanin na tuwing weekends ko lamang sila makikita. Gusto ko silang yakapin ngayon at halik-halikan ang kanilang pisngi.
"Naligo na ba kayo? Baka mabaho pa ang kili-kili, ha..." pinunasan ko ang pisngi ko.
Tuwing ganito ay aamuyin ko ang kili-kili nila kung naligo na ba sila o hindi. Pero ngayon, hindi ko magawa dahil malayo sila sa akin. Limang oras ang byahe.
"Opo... inamoy na po ni Mommy Lola kanina,"
"Don't cry, babies... Akala ko ba big boys na?"
Hindi sila sumagot sa sinabi ko. Narinig ko ang malakas nilang hikbi at pati na rin ako ay nakisabay sa pag-iyak sa kanila. Parang gusto ko nang umuwi bukas dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa pag matagal.
Naramdaman kong may humawak sa baiwang ko at niyakap ako mula sa likod. Inamoy niya ang aking buhok.
"Sshhh..." bulong niya saka hinalikan ang tainga ko.
Hindi ko alam kung bakit pero lalo pa akong naiyak sa comfort niya. Hinaplos niya ang tiyan ko. Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko at naramdaman ang mainit niyang hininga doon. Natapos ang tawag na hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.
"Makakasama sa iyo ang umiiyak, Ineng..."
"Gusto ko ng umuwi, Trigger..." pasya ko.
Hinarap niya ako, "Hindi pwede. Nandito na tayo, e, tsaka para sa iyo ito."
"Ano bang meron sa akin, Trigger? Bakit takot na takot ka? May problema ba ako? Sabihin mo!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top