Kabanata 3

Kabanata 3

Mommy

Mahigpit ang yakap nya sa akin mula sa likod. Marahan nyang hinahalikan aking leeg kaya kinukurot ko ang tagiliran nya.

"Nakikiliti ako sabi!"

Humalakhak sya, "Bakit kanina, hindi ka naman nakikiliti?"

Umirap ako. Alam na nya ang sagot sa tanong nya kaya lalo syang natawa at niyakap nalang ako ng mahigpit. Napatingin ako sa relo ko at halos mahulog na ako sa kama nang makitang alas diez na ng umaga.

"Late na ako!" Sigaw ko. Tumayo ako at nag-ayos na ng sarili. Napatingin ako kay Trigger na nanatili sa kama at seryoso ang tingin sa akin.

"Hindi ba pwedeng umabsent ka muna?" He said coldly.

Nilingon ko sya habang sinusuot ang aking bra na hindi ko alam kung bakit nasa ibabaw ng table kung saan ang mga make-ups ko.

"Hindi e. Sasabihin kasi ni Ma'am Gen sa akin ang i-dedesign kong gown. So," nagkibit balikat ako at nag-ayos na ng mukha.

Habang nakatingin ako sa salamin ay napansin ko ang maliliit na hickies sa aking leeg. Hinawakan ko iyon saka tinignan si Trigger sa salamin. Nakatingin lang din sya sa aking reflection.

"Bakit mo ko nilagyan ng ganito?" Inis na tanong ko. Umangat ang isang sulok ng labi nya saka nilagay ang braso sa kanyang mata at pumikit.

Bumuntong hininga sya, "Akala ko kasi hindi ka papasok..."

Kahit inis na inis ako ay pinilit ko nalang na huwag magsalita. Baka mag-away nanaman kami, wala pa namang nagpapatalo.

Pilit kong tinatakpan iyon gamit ang concealer. Umayos ng pagkakahiga si Trigger at dumilat na saka pinanuod ako muli sa salamin.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong ko.

Umiling sya habang nakakunot ang noo, "Late na ako... uuwi ko nalang muna dito sila Rain at Keanu," bigla naman ako nakaramdam ng pagka-inggit.

Gusto ko din makasama ang mga anak namin pero hindi talaga ako pwedeng umabsent ngayon.

"Okay..."

Bumangon sya sa kama ng walang tapis. Kumuha sya ng pambahay na suot sa closet saka nagbihis.

"Let's go..." sabi ko nang matapos akong mag-ayos. Buti nalang at napansin ko agad yung hickies dahil baka magtaka ang mga tao sa kompanya.

Nilagay ko ang hikaw ko habang umaandar ang sasakyan. Kanina pa hindi nagsasalita si Trigger, seryoso lang sya sa pagmamaneho.

"Kukunin mo na mamaya sina Rain?" Tanong ko para naman makapag-usap kami. Pakiramdam ko kasi may kasalanan ako sa kanya.

Tumango sya, "Pero kapag nandun si Wind, baka doon na muna kami sa bahay nyo..."

Madalas si Wind sa bahay nina Mommy kaya tuwang tuwa din sina Rain tuwing iiwan naman sila doon. Tutal iisa lang din naman ang paaralang pinapasukan nila.

"Dito nalang," sabi ko nang nasa gilid palang kami ng building. Nilingon ko sya saka hinalikan sa labi.

Bababa na sana ako nang hawakan nya ang braso ko. Nung una ay nagtaka pa ako pero nang makita ko kung saan sya nakatingin ay bigla akong kinabahan.

"Nasan singsing mo?" Tanong nya habang hinahaplos ang daliri ko na may naiwang bakas ng singsing.

"A-ah... nasa cr ata? Nakalimutan ko. Sige na, pasok na ako!" Dali-dali akong tumakbo papasok.

Patay na talaga! Pakiramdam ko, hindi ko na matatago pa sa kanya ang patakaran dito at kinakabahan ako dahil baka pati dito ay hindi ko matago ang sekreto kong may asawa't anak na ako.

"You're late..." madiin at medyo galit na sambit ni Ma'am Gen.

"I'm sorry, Ma'am. Medyo nagkaroon lang po ng problema sa bahay," sabi ko saka umupo sa harap nya.

Sinabi nya sa akin ang mga details ng gown na susunod kong idedesign. Tumatango tango ako habang sinusulat iyon. Medyo napipicture ko na sya sa isip ko kaya madali nalang to.

"Simple lang ang gusto nya. Simple but elegant..." sinabi din ang color at gaano kahaba. Para daw iyon sa business party na aattend-an.

Wala akong ginawa sa office kundi magdesign. Hindi naman rush iyon pero ginagawa ko na hanggang nasa isip ko pa ang itsura, baka kasi makalimutan ko sa susunod. Sinabi din ni Ma'am Gen na baka next week ko na mameet yung client para makita ang design ko.

"Balita ko bigtime daw yung client mo?" Tanong ni Ales. Bumisita sya ngayon sa office ko tatambay na muna daw dahil tapos na nya ang mga gowns na dedesign nya.

"Hindi ko alam... para daw sa business party edi bigtime nga," nagkibit balikat ako.

Tumayo sya at sumilip sa bitana. Nagulat ako nang tumili sya.

"Hoy ano? May tumalon ba?" Tanong ko habang nagdadrawing pa din.

"Oh my God! May pogi sa labas, Irene dali!" Nilingon nya ako saglit pero agad ding bumalik ang tingin nya sa labas.

Kinabahan naman ako dahil baka si Trigger iyon. Sinilip ko ang relo ko at napapikit nang makitang alas singco na pala at malaki ang chance na si Trigger nga iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang mga text nya doon.

"Sino kaya sinusundo nyan? Usap-usapan sya ng mga tao dito..."

Trigger:

I'm outside. Let's go?

Tumayo ako at lumapit kay Ales na halos maglaway na. Nakita ko mula sa taas si Trigger na nakasandal sa aming sasakyan. Halos matawa pa ako ng makitang nakapambahay lamang sya.

"Pogi ba yan? Hindi nga naka-ayos e..."

Pinalo ako ni Ales sa braso, "Hindi mo pa ba yan nakikita tuwing naka-business attire? Pero kahit nakapambahay lang sya, ang lakas pa din ng dating nya!" Tinuro turo pa niya ang mga babaeng napapatigil para lang titigan si Trigger na walang pakielam sa kanila.

"Hindi naman malakas dating..." natatawa kong sabi.

"Uy may tinatawagan!" Tili ni Ales. Nilagay ni Trigger ang kanyang cellphone sa tenga nya, kasabay nun ang pag-ring ng cellphone ko.

Nagtatakang nilingon ako ni Ales kaya ngumisi ako ng pilit, "Si Mommy..."

"Hello Mommy?" Sagot ko. Kinagat ko ang labi ko nang makitang natigilan si Trigger at kumunot ang kanyang noo.

"Anong Mommy?" Inis na tanong nya, "Hindi ka pa ba tapos?"

"Hindi pa po, Mom. Marami pa akong gagawin..."

Umupo ako sa swivel chair ko. Si Ales ay patuloy pa ding pinagpapantasyahan si Trigger sa labas.

"Okay... I'll wait,"

"Hindi na!" Mabilis na sabi ko kaya napatingin sa akin si Ales, "I m-mean... magcocomute nalang po ako Mommy."

Natahimik si Trigger ng ilang segundo, "May tinatago ka ba?" Mariin nyang tanong.

"H-huh? Wala no! Kaya ko namang magtaxi mamaya... po,"

"Sigurado ka?"

"Oo nga!" Tumaas ang boses ko. I cleared my throat saka ngumiti kay Ales, "Makulit si Mommy..." I mouthed.

"Kung ganun, can I go to your office?"

"No! Marami pa nga akong ginagawa, Trig-hmm... M-mommy..."

Natahimik si Trigger. Alam kong bobo sya noong college kami dahil sa desisyon nya pero alam kong nararamdaman na nya ngayon natinatago ko sya. Mag-iisip na ako ng reasons ko mamaya habang pauwi.

"Ay aalis na ata!" Sabi ni Ales.

Nakahinga ako ng maluwag, "Uuwi na din po ako pag natapos ko na ang mga gagawin. Ingat ka po."

"Mag-iingat ka din mamaya... kapag wala ka pa sa bahay ng alas syete, babalik ako dito at papasukin ka sa loob ng office mo." Natawa ako sa sinabi nya.

"Opo! I love you... Mommy."

"I love you too... Daddy?" Humalakhak sya at nakisakay sa trip ko.

Natawa ako ng malakas sa sinabi nya. Ano to, bagong tawagan nanaman namin?

Thirty minutes lang din ay umalis na ako ng office. Nagtaxi ako at wala pang isang oras ay nakarating na ako sa bahay.

Sinalubong agad ako ni Rain at Keanu. Hinalikan nila ako sa pisngi at nagpabuhat sa akin ang bunso naming si Keanu.

"Si Daddy?"

Lumabas mula sa kusina si Trigger, "I'm here... hi, Daddy." Ngumisi sya saka lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi.

Topless sya at nakaboxer short lang. May suot syang apron at hawak na sandok.

"Anong niluluto ni Mommy?" Pumunta kami sa kusina at agad na naamoy ko ang asim ng sinigang.

Natakam ako kaya mabilis akong nagbihis ng pambahay para makakain agad kami ng dinner.

"Wow!" Sambit ko nang binigay sa akin ni Trigger ang platong may kanin at ulam na. "Salamat, Mommy!"

Habang kumakain kami ay nagkwento sila tungkol sa buong araw nila. Naglaro daw sila at nahulog pa daw si Trigger sa pool kaya naman naligo na sila.

"Tanga..." natatawang sabi ko.

"Anong tanga? Madulas kaya sa pool kanina." Namumula ang tenga nya kaya hinayaan ko nalang sya.

Nang matapos kaming kumain ay nanuod pa kami saglit ng TV sa sala at nagpaturo pa ng assignment yung dalawa kaya medyo late na kami nakatulog.

"Goodnight, Daddy..." bulong ni Trigger saka pumikit na. Mukhang pagod sya ngayong araw.

Humiga ako sa tabi nya, "Goodnight, Mommy..." agad na niyakap nya ako at hinalikan ang leeg.

Tumunog ang cellphone kong nasa table. Inabot ko iyon at nakitang si Ales.

"Hello?"

"Hello, Irene? Pwede ba akong makitulog ngayon sa bahay mo?" Rinig ko ang hikbi nya kaya hindi ako makatanggi, pero paano ang sikreto ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top