Kabanata 29
White House
Nagleave pa rin si Trigger kahit na umangal ako. Dahil sa kanila naman iyong ByunTae ay bibigyan pa rin daw siya ng sweldo. Regalo na daw ni Papito iyon sa amin at para sa bago niyang magiging apo.
"Tuloy na tayo sa White House..."
Hindi ko alam kung anong meron sa White House at pinipilit pa rin niya iyon hanggang ngayon. Sabi niya lang ay makakarelax daw ako dun at malayo sa syudad.
"Paano nga si Rain at Keanu?"
"Nandito naman sina Mommy... tsaka ilang buwan lang naman iyon. Hanggang sa manganak ka lang."
"Kung umasta ka, parang ang selan naman ng pagbubuntis ko!" ni-wala nga akong nararamdaman na iba, eh.
Hindi siya nagsalita. Sinubsob lamang niya ang kaniyang mukha sa aking leeg. Ilang minuto lang din ay bumuka ang bibig niya habang hinahalikan ako roon.
Umakyat ang kamay niya sa aking tyan paakyat sa aking dibdib. Dahil sa buntis ako ay mabilis na uminit ang buong katawan ko sa bawat haplos niya.
"Trigger!"
Hindi niya ako pinansin. Bumaba ulit ang kamay niya sa tyan ko at saktong gumalaw iyon. Nagkatinginan kami.
"Tumadyak si baby?" gulat na tanong niya.
Tumango ako saka tumawa, "Ganyang ganyan yung reaction mo noon kay Rain..."
Parang first time lahat mangyari kay Trigger ang pagbubuntis ko. Mas maalaga pa nga ngayon kaysa nung first baby namin which is si Rain.
"Nag-usap pala kayo ng OB kahapon, diba? Anong sabi?"
Napawi ang ngiti niya at seryoso niya akong tinignan. Hindi naman ako kinabahan kasi wala naman akong ibang nararamdaman.
"Wala iyon... sinabi lang yung mag vitamins mo,"
Nang araw na iyon ay si Trigger lang ang gumawa ng gawaing bahay. Nagluto na rin siya ng tanghalian namin habang ako ay nanunuod ng TV at kumakain.
"Ano pang kailangan mo, Misis?" humalakhak siya.
May suot siyang apron at hawak ang sandok. Naka-apple hair siya at nakapamaywang sa harap ko.
Natawa ako, "Ano ba iyang ayos mo!"
Hinawakan niya ang buhok niya, "Bakit? Ang cute ko kaya..."
"So hindi ka na pogi?"
"Pogi pa rin..." mabilis niyang sagot kaya umiling ako.
Nagpakuha ako sa kaniya ng kettle corn. Iyon yata ang pinaglilihian ko. Marami kaming stock nun dahil favorite ni Keanu.
Nang matapos siya sa kaniyang ginawa ay tumabi siya sa akin. Umupo siya sa lap ko saka punikit. Pagod na pagod siya ngayong araw kaya naman hinayaan ko nalang siya.
"Si sir Trigger, katulong na..." natatawang sabi ko.
Isa siya sa pinakamataas sa ByunTae pero pagdating sa akin, dito sa bahay, ay katulong siya.
He chuckled at kinuha ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Nilagay niya iyon sa bibig niya at hinalik-halikan.
"I love you..." bulong niya.
Tumawa ako, "May ginawa kang kasalanan, ano?"
"Kapag naglalambing, may kasalanan agad? Anyway... anong magandang pangalan ng babae?" tanong niya.
Napairap ako, "Paano kung lalaki ito?"
"Babae nga iyan... wala ka bang tiwala sa ginoogle ko?" humalakhak siya.
"Wala."
"Dali na, bigay ka ng pangalan ng babae!"
Nagbigay ako ngunit palagi siyang may side comment na, common na raw, panget raw at kung anu-ano pa. Eh siya nga panget magisip ng pangalan diyan, eh.
Rainger. Putek, ginawa naman niyang power rainger ang anak namin!
"Elora!" inis na sigaw ko.
Natahimik siya at hindi ko na narinig ang side comment niya. Hanggang sa gumabi ay hindi na siya nagtanong ng pangalan.
"Pagisipan mong mabuti ang pagpunta natin sa White House..."
Hindi ko na dapat pang isipin. Ayaw ko talaga dahil maiiwan sina Rain at Keanu rito. Akala ko ba ay ayaw niyang walang magulang sa tabi nung dalawa?
"Ayaw ko nga, Trigger..."
"Mas makakarelax ka dun, wala kang ibang iisipin." sabi niya saka niyakap ako mula sa likod.
"Ano bang meron sa akin at bakit kailangan ko magrelax?"
"Wala. Buntis ka at gusto kong ibigay sa iyo ang mga hindi ko naibigay noon..." bulong niya.
Ano pa bang hindi niya naibibigay sa akin? Halos binigay na niya ang buong buhay niya sa amin tapos sasabihin niyang may mga hindi pa siya nabibigay?
"Trigger, sayang-"
"Sshh... walang sayang pag dating sa iyo."
Hindi ko alam kung kailangan ko bang maiyak ngayon o hindi. Sobrang nagmatured na nga ang Trigger Byun na nakilala nung highschool at college.
Ang Trigger noon ay walang inisip na iba kundi ang sarili lamang. Ngayon naman, walang inisip na iba kundi ako lang. Kami ng pamilya niya.
Buong gabi akong nagisip kung ano ang magiging desisyon ko. Mas okay nga na nasa White House ako kaso nga lang, iniisip ko sina Rain at Keanu.
Kapag lumabas na ang bagong baby namin ay malilipat na ang atensyon ko kaya sana hangga't hindi pa lumalabas ay ang sa kanila muna ang atensyon ko.
Pakiramdam ko kasi ay miss na miss ko sila lagi kahit na magkakasama naman kami.
Nang magumaga ay naunang magising si Trigger at naghanda ng aming makakakain. Bumangon ako para ayusan ang dalawa ngunit nagulat ako ng ayos na ang suot nila.
"Wow naman! Big boy na talaga sila..." sabi ko.
Si Rain ay nasa paanan ni Keanu, sinusuotan niya ito ng sapatos habang si Keanu naman ang nagaayos ng buhok niya.
"Dapat Nanay big boys na kami para kami poprotekta kay baby..." sabi ni Keanu.
"Kanino niyo natutunan iyan?" natatawa kong tanong.
"Kay Tatay ho..."
Napangiti ako. Lumapit ako sa kanila at isa-isa ko silang niyakap ng mahigpit. Parang ayaw pa nga nilang lumapit sa akin dahil baka daw maipit si baby.
"Gusto din ni baby ng yakap mula sa mga kuya niya..." sabi ko kaya niyakap na nila ako ng mahigpit.
"Aalis sila Nanay, okay? Ilang bwan lang dahil doon ako manganganak..." nakapagdesisyon na ako, pumapayag na ako sa gusto ni Trigger.
"Okay lang ho, Nanay... basta safe ho kayo..."
Emotional ang mga buntis kaya hindi na ako nagulat nang tumulo ang luha ko. Parang nagbago na ang desisyon ko, parang ayaw ko na umalis.
Para kasing hindi ko na sila makikita pa, eh ang lapit lang naman ng White House.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top