Kabanata 28
Kabanata 28
Panghahawakan Kita
"Hi..." si Trigger ang unang bumungad sa akin pagkagising ko. Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala na akong ibang taong nakita.
"Si Rain at Keanu?" tanong ko.
"Nasa kina Mommy... don't worry, uuwi ka na rin namam ngayon." sabi niya saka marahan na hinalikan ang noo ko.
"Normal lang daw ba na nahihilo ako?"
Hindi agad siya nakasagot. Tiningala ko siya at nakita ko ang malawak niyang ngisi na sinasabing hwag akong mag-alala.
"It's normal. Ganyan ka din kay Rain noon, diba?"
Oo nga pala. Tumabi siya sa akin sa kama saka nilagay ang kamay sa tyan ko. Hinimas niya iyon.
"Marami nang nagsabi na babae..." bulong nya saka tumawa sa tainga ko.
Napairap ako, "Nagtanong tanong ka nanaman, ano?"
"Narito na rin naman sina Mommy kanina, so hindi naman siguro bawal magtanong?" ngumisi pa siya kaya mahina ko siyang siniko sa tagiliran.
"Paano kung lalaki-"
"Shh! Hwag kang magsalita ng ganyan..." tinakpan niya ang bibig ko kaya naman kinurot ko na siya ng malakas.
"Kainis ka! Paano nga lang?"
"I'm pretty sure, it's a girl..."
"Paano ka naman nakakasiguro?" tiningala ko siya and our eyes met. Hindi ko mabasa kung anong emosyon iyon suguro dahil sa halo-halong tuwa at excitement.
"Naggoogle ako ng position..." humagalpak siya sa tawa.
Nalaglag ang panga ko at tinulak ko siya hanggang sa malaglag siya sa kama. Napapikit siya sa sakit at hawak niya ang kaniyang baiwang.
"Anong sinabi mo?"
"Tatanungin mo ako tas pag sinagot ko, magagalit ka?" kunot noo niyang sabi saka tumayo at hinarap ako.
"Bunganga mo kasi, anong google-google?"
Hindi ko alam na naggoogle pala siya bago namin ginagawa iyon!
"Tss, bawal ba? Eh dalawa na ang maton ko, gusto ko naman ng baby girl..."
Hindi ko na sinagot ang mga sinasabi niya. Kung gaano kapilyo noon si Trigger, ganun pa rin hanggang ngayon!
Nang maayos na niya ang gamit ko ay saka ako tumayo sa kama. Kinagat ko ang mansanas na kinakain ko habang pinapanuod siya.
Bakit ganun, kahit anong gawin niya ay ang gwapo pa rin niya?
"Tara... parang lumaki..." sabi niya saka hinawakan ang pwet ko.
"Trigger!" tili ko saka siya tinulak.
Humalakhak lang siya saka naglakad na. Hinawakan niya ang baiwang ko para alalayan. Madaming babae ang napapatingin sa amin habang naglalakad kami. Sinasamaan ko naman sila ng tingin.
Kita na ngang may asawa, eh. Tapos medyo halata na rin ang tyan ko!
Hinila ko ang kamay niya saka hinawakan ng mahigpit. Bumaba naman ang mga mata ng babae sa magkahawak naming kamay saka nagbulong-bulungan.
Trigger chuckled, "Selos ka nanaman. Alam mo namang sa iyo lang ako..."
"Kita na ngang may asawa, buntis pa." umirap ako.
"Kasalanan ko bang gwapo ako?"
Tinignan ko lang siya at hindi na pinansin. Kaya ayoko minsan sabihin na nagseselos ako, eh. Tingin niya ang gwapo gwapo niya, kahit gwapo naman talaga siya.
Tahimik lang kami nang nasa sasakyan na. Nakatingin ako sa labas. Gabi na at siguro ay tulog na sina Rain at Keanu.
"Gusto mo magbakasyon sa White House?" biglang tanong niya.
Nilingon ko siya, "Tapos ako lang mag-isa? Hwag nalang!"
Umirap siya, "Sino bang nagsabi na mag-isa ka lang?"
"Alangan naman kasing iwan mo ang trabaho mo..."
"Iiwan ko nga." sigurado niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko.
"Hindi pwede! Napapabayaan mo na iyan dahil lang sa akin..."
"Bakit ba ako nagtatrabaho? Para rin naman sa inyo kaya okay lang. Tsaka mas mahalaga ka naman kaysa sa trabaho ko..."
Naiintindihan ko naman na ayos lang ang ginagawa niyang ganito dahil sa kanila naman iyon ngunit ano nalang ang sasabihin ni Papito, hindi ba? Hindi ko nga alam kung bayad na ang bahay, eh.
"Oo o hindi lang ang sagot, dami mo ng sinasabi..." tumawa siya.
May pasok si Rain at Keanu kaya hindi namin sila pwedeng isama. Ayaw ko din silang iwan kaya umiling ako kay Trigger.
"May dalawa na tayong anak kaya hindi na tayo pwedeng magbakasyon nalang basta..."
Tumango naman siya, "Nakakarelax sa White House, baka lang kasi gusto mo."
"Okay na ako sa bahay..."
Nakarating kami sa bahay ng alas nueve ng gabi. Madilim sa loob kaya siguro ay nakina Mommy ang dalawa. Inakbayan ako ni Trigger habang papasok kami sa bahay. Kasabay ng pagbukas ko ng ilaw ang pagsigaw ng mga taong naroon.
"Congratulations!"
Medyo nabulol pa ang iba kaya natawa ako. Tinignan ko si Trigger na nakangisi lang din sa akin. Namuo ang luha sa gilid ng mata ko. Nandun sila lahat, maging sina Sky at Thunder na galing pa sa White House.
"Shhh, don't cry... hindi ko ginawa ito para paiyakin ka." tumawa siya at mahigpit niya akong niyakap.
"Anong gusto mo, pigilan ko ang iyak ko?" sarkastiko kong sabi saka marahan na sinuntok ang braso niya.
Hinalikan niya ang buhok ko, "I love you..." bulong niya. Iyong tipong kami lang dalawa ang nakakarinig.
"I love you, too, Love..."
"Oh chibugan na!" sigaw ni Chad kaya napahiwalay kami sa yakap.
Napamura si Trigger saka sinamaan ng tingin si Chad na ngising ngisi.
Binatukan naman siya ni Elle, "Kita mong nagmomoment yung dalawa tas sisigaw ka bigla?"
"Nauumay kasi ako, baka di pa ako makakain..." saka siya kumuha ng plato at kutsara niya.
"Chad, you know that you're not going to live only today, right?" seryosong sabi ni Trigger.
"Alam ko! Kaya nga kakain na ako ng marami ngayon..."
Nilapitan ako ni Mommy at Mamita. Hawak nila si Rain at Keanu.
"Ingatan mo iyang baby mo... makinig ka lagi sa asawa mo." payo ni Mamita. Tumango ako sa mga payo nila.
"Ako kaya? Kailan isusurprise?" pagpaparinig ni Ghine kay Jigger kaso parang hindi naman siya narinig nito.
Nakita kong naglaro si Rain at Wind sa gilid. Maging sila Zech at Clint ay nandoon rin. Hula ko ang iba ay makikitulog ngayon dito sa bahay.
Kausap naman ni Trigger si Daddy at Papito sa gilid. Mukhang seryoso iyon kaya hinayaan ko nalang.
"Alam mo sabi nila, matatakaw daw ang mga single. Napaghahalataan ka, Elle!" kantyaw ni Chad.
"Eh ano kung single ako? Atleast hindi naloloko..."
"Sus, sabihin mo nalang na single ka kasi walang nanliligaw sa iyo." ngising ngisi si Chad habang pinapanuod ang inis na inis naman na si Elle.
"Meron kaya! Ayoko lang..."
"Nako, bilbil mo lang habol nun sa iyo. Kapag ako ang nanligaw sa iyo, puso ko ang ibibigay ko..." kumindat si Chad. Humagalpak naman sa tawa ang mga boys saka pinagbabatukan si Chad.
"Kapag kayong dalawa ang nagkatuluyan, ako na ang may sagot sa honeymoon!" sabi ni Sky.
"Paano kung sabihin kong ayaw ko sa White House mag honeymoon?" birong tanong ni Elle.
"Edi hindi ko na sagot..." humalakhak siya.
Dahil siya ang may-ari ng White House ay sagot niya lahat ng honeymoon namin basta doon ang venue. Maging sina James at Ronnie, Ghine at Jigger, Jasper at Joy at kahit sa amin, White House lahat!
Nagulat naman ako nang hawakan ni Ley ang tyan ko, "Lumalaki na siya..."
Simula nung nalaman namin na buntis ako at sinabi ko sa lahat ay bigla nalang siyang lumaki.
"Naiinggit na ata si Ley!" sabi ni Dylan.
"Hanap ka muna ng boyfriend..." sabi ni Seulgi.
"Pakyu kayo lahat, sagad!" seryosong sabi ni Ley.
Lumapit naman sa akin si Trigger saka hinapit ako sa baiwang. Natahimik silang lahat at napatingin sa kamay ni Trigger doon.
"Matutulog na kami ng Misis ko..."
"Pinapaalala ko sa iyo, Trigger na buntis si Irene!" sabi ni Der.
"Alam ko! Alam mo rin ba na mas mapapadali ang panganganak niya kapag-" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil piningot ko ang tainga niya.
"Sige, ituloy mo!"
"Biro lang po!" sabi niya habang nakapikit na ang isa niyang mata.
"Aw under..." sinamaan ni Trigger ng tingin si Cupid ng sabihin niya iyon, "Understanding! Hindi pa kasi ako tapos!"
Nanatili pa kami roon ng ilang minuto bago pumunta sa kwarto. Binuhat pa ako ni Trigger nang nasa hagdan na kami kaya napatili ako. Mahigpit na humawak ako sa leeg niya.
"Kapag ako nalaglag..."
"Hindi ka malalaglag sa kamay ko, Misis." sabi niya saka maingat na inilapag ako sa kama. Tinitigan niya ako sa mata. Napawi ang ngiti niya at unti-unting bumaba ang mukha para halikan ako.
"Panghahawakan kita, Ineng, kahit anong mangyari... hindi ka mapapahamak sa kamay ko..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top