Kabanata 27
Kabanata 27
Nawalan Ng Malay
"Apat na buwan na?" gulat na sambit ko nang sabihin nang OB ko na apat na buwan na akong buntis.
Tinignan ko si Trigger na tahimik lamang sa tabi ko. Kagat niya ang kaniyang labi at pinipigilan ang ngisi.
"May mga ganung case po talaga, Mommy... late ang signs."
Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Trigger sa kamay ko. Tahimik siyang nakikinig sa mga payo ng doctor kahit na ang ilan naman ay alam na namin.
"Can we know if it is a girl or a boy?" tanong ni Trigger.
Tumawa ang doctor, "Hindi pa ngayon, Daddy... usually mga six months pa talaga..."
Trigger chuckled. Ramdam na ramdam ko ang pagka-excite niya na magkaroon ng baby.
"Diba nahuhulaan naman iyon sa ayos at mukha, Doc?" nilingon niya ako, "Ano po sa tingin mo?"
Pinalo ko siya sa braso. Sobrang kulit niya. Sana lang hwag siyang ma-disappoint kapag lalaki nanaman ito.
"Sa ayos ni Misis, mukhang babae..."
"Really!?" tuwang sigaw ni Trigger.
"Hindi ako sigurado doon, Mister... pwedeng mali, pwedeng tama."
Kahit na ganun ay tuwang tuwa pa din si Trigger. Pakiramdam rin daw niya ay babae na this time, ewan ko ba sa kaniya. Sa akin naman ay okay lang kahit ano, basta healthy.
Si Trigger naman ay hindi na ako maiwanan. Kahit sina Rain at Keanu, todo bantay na sa akin. Hindi naman ako maselan. Hindi ko pa nararamdaman na buntis ako. Minsan lang talaga nasusuka ako.
Kinabukasan ay ayaw pang pumasok ni Trigger. Bigla na ding lumaki ang tyan ko na hindi ko alam kung bakit hindi lumaki noon samantalang apat na buwan na pala.
"Pumasok ka na... kaya ko naman ang sarili ko," natatawa kong sabi.
Nakadalawa na nga kami tapos ngayon pa siya nagganito?
He chuckled, "Hwag ka na munang pumunta sa boutique, ako na muna ang bahala doon. Dito nalang kayo sa bahay..."
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman masyadong delikado dahil hindi pa malaki. Tsaka alam ko naman kung masama ang pakiramdam ko.
"Kaya ko naman!"
Hinalikan niya ang tuktok ng ilong ko, "Kahit na... para sa iyo rin naman ito, Misis..." bulong niya.
"Paano sina Rain at Keanu?"
"Ganun pa rin. Ihahatid ko pa rin sila araw-araw..."
Pinagmasdan ko siya habang nagsusuot ng necktie. Masyadong seryoso ang Trigger ngayon kaysa noong highschool at college kami.
Well, mas matured na siya noon kay Jigger pero si Jigger, hanggang ngayon ay isip bata pa rin.
"Kahit sumama lang ako sa sasakyan?" tanong ko pa.
Humalakhak siya, "Tapos sino maghahatid sa iyo pauwi? Diretso pasok na ako..."
Sumimangot ako. Ngayon pa nga lang ako bumabawi sa mga anak ko at sa kaniya. Hindi ko din alam kung oa ba talaga si Trigger o ano dahil kahit lumabas lang ay pinagbabawal niya pa.
Hinatid ko sila sa harap. Tuwang tuwa pa sina Rain at Keanu. Nakiki-payo na rin sila katulad ng Tatay nila.
"Nanay, ilock mo po ang pinto!" sigaw ni Rain.
"Hwag ka po magpapapasok ng hindi mo kilala!" sigaw naman ni Keanu.
Sabay na natawa kami ni Trigger. Nang pumasok na sila sa loob ng sasakyan ay si Trigger naman ang kumausap sa akin.
"Ingatan mo ang sarili mo... hindi porke't wala kang ibang nararamdaman ay mapapanatag ka na."
"Opo..."
"Damn it! Bawal na kasi ako magleave. Kung pwede lang..." hinapit niya ang baiwang ko at hinalikan ang aking noo.
"Ang oa mo na talaga! Alam ko na ito dahil dalawa na anak natin. Buti sana kung first baby natin ito," natatawang sabi ko.
Umigting ang kaniyang panga at hindi na sinagot ang sinabi ko. Nagpaalam na sila at ako ay naglinis nalang ng bahay.
Alam kong magagalit si Trigger kapag nalaman niyang may ginagawa ako ngayon pero anong gagawin ko, hindi ba? Humiga lang maghapon?
Bandang alas dos nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako para buksan.
"Irene!" si Verena, kasama ang mga girls.
"Oh my God, ang liit ng tyan mo para sa apat na buwan..." puna ni Elle. Hinila niya ako paupo sa couch.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Ghine.
Umiling ako, "Magluluto palang sana..."
"Nice, may dala kaming Mcdo!" sigaw ni Wendy saka pinakita sa akin ang hawak niyang plastic.
Napairap naman ako. Ginagawa naman nila akong bata, eh! Sa pagkakaalam ko ay si Ghine ang mahilig sa Mcdo, hindi ako.
Nilapag nila sa kusina ang Mcdo at hinila na ako ni Seulgi at Ika. Hinawakan nila ang tyan ko habang nagkukwento.
"Anong ginawa mo kaninang umaga? Mukhang late ka na naligo, ah?" tanong ni Ley habang nakatingin sa buhok kong medyo basa pa.
"Naglinis ng bahay..."
Nanlaki ang mata nila at nalaglag ang panga. Nilapitab agad ako nila Thei saka sinermunan.
"Aware ka ba na malaki ang bahay niyo?" sarkastikong sabi ni Elle.
"Bakit? Nung buntis din naman ako kay Keanu ay marami akong ginagawa..."
"Noon yun! Hindi mo alam kung maselan ba ang pagbubuntis mo o hindi." sabi ni Verns.
Kumunot ang noo ko, "Hindi naman daw maselan..."
Hindi na sila nagsalita. Ayaw na yata nilang makipagtalo pa sa akin. Kumain kami sa dala nilang Mcdo. Umalis naman agad si Ghine at Joy dahil susunduin na nila ang mga anak nila.
"Dapat pala inabutan natin dito yung kaibigan mo, no?" sabi ni Elle.
Natawa naman sila at pinagusapan kung paano sana nila sasaktan si Ales. Sumasama naman ang pakiramdam ko kaya hindi na ako sumama sa mga biro nila.
"Yung tipong hindi na matatakpan ng damit niya ang kaniyang katawan, ano?" sabi ni Thei.
"Talagang punit damit nun sa akin!" sabi naman ni Elle.
Nahihilo na ako sa ingay nila. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko ngunit lalo lamang akong nahilo. Binasa ko ng aking dila ang labi ko.
"Irene?"
Hindi na rin malinaw ang pandinig ko kaya hindi ko na nasundan ang kwentuhan nila. Naramdaman ko naman na lumapit sila sa akin bago ako nawalan ng malay.
Trigger's POV
"Ika?"
"Trigger, nasa ospital si Irene, nawalan ng malay kanina!"
Agad na tumayo ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyon at kinuha ang bag ko.
"Mr. Byun, may mga appointment ka pa ho..." sabi ng sekretarya ko.
"Cancel it!"
Halos patakbo na akong pumunta sa sasakyan. Please... sana naman ay maayos siya.
Tinap ko ang aking daliri sa manibela habang nakatitig sa stop light. Nang maggreen iyon ay agad na pinaharurot ko ang sasakyan.
Wala pang isang oras ay nakarating na ako. Agad na kinausap ako ng OB at sinabi ulit sa akin ang sinabi nung nakaraan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top