Kabanata 24

Kabanata 24

Boutique

"Hoy kayong dalawa! Hwag nga kayong gumawa ng eksena sa kalsada. Pasok!" Sigaw ni Ika mula sa loob ng bahay.

Hinila ako ni Trigger papasok. Sabi niya ay mag-uusap daw kami ngayon at sasabihin na niya lahat lahat.

"Sus, inggit ka lang, ayan si Der, oh!" Pang-asar ni Trigger.

Sumimangot si Ika, "May girlfriend na iyan..."

Hindi ko din alam kung ano ang nangyari sa dalawa, samantalang dati ay hindi sila mapaghiwalay. Hindi pa nagkukwento si Ika at hindi din namin pinipilit.

Siniko ko si Trigger, "Tigilan mo na nga ang pang-aasar dyan kay Ika!"

Tinawagan ni Trigger si James para sunduin sina Rain at Keanu sa bahay. Ayoko pa sana dahil walang kasama si Ales ngunit nainis lang siya kaya hinayaan ko nalang.

"Maligo muna kayo!" Inabutan kami ni Verena ng towel tsaka pinahiram na din ako ng damit. "Kay Daddy iyang damit mo, Trigs..."

Ngumisi sa akin si Trigger, "Sabay tayo?"

"Hwag na! Doon nalang ako sa kwarto ni Verns tas ikaw dito sa baba..."

"Aw hindi sila sabay!" Kantyaw ni Chad.

"Aw wala siyang lovelife!" Balik na asar naman ni Elle kay Chad kaya nagtawanan kami.

Iba si Elle kung mang-asar. Sa kaniya lang naaasar ang mga boys, lalo na si Chad. Kaya laging maingay kapag magkakasama kami, eh.

Mabilis akong naligo dahil nabasa lang naman ako ng ulan. Pinatuyo ko ang aking buhok habang nakatingin sa salamin dito sa kwarto ni Verns.

Totoo bang malandi si Ales?

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil naging mabait naman talaga sa akin si Ales. Una palang alam ko nang gusto niya si Trigger pero hindi ko aasahan na aabot sa ganito.

Bumaba ako at umupo sa tabi ni Trigger na nakaupo sa kama, pinapatuyo ang kaniyang buhok. Nag-angat siya ng tingin sa akin saka tumayo.

"Verena, pahiram ng guest room!" Sigaw niya. Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang baiwang ko.

"Nako, madadagdagan nanaman ang Byun Family..." umiiling na sabi ni Ley.

Tahimik lamang kami sa guest room. Hindi alam kung sino ang unang magpapaliwanag at kung saan magsisimula.

"Maniniwala ka na ba sa akin?" Tanong niya.

Umupo ako sa kama. Tumabi din siya saka hinarap ako. Pinasadahan niya ng darili ang kaniyang buhok para ayusin.

"I'll give time to explain everything..."

Bumuntong hininga siya, "Sabi ko nga sa iyo, kinukuha niya ang loob ng anak natin at lalo na ako."

"Bakit?"

Hindi ko makita kung bakit dahil kahit ako ay wala akong makitang dahilan. Oo, gwapo talaga si Trigger pero yung alam mong may asawa na?

"I don't know either..."

"Eh ano iyong pinakita niya sa aking hickies? Hindi ba iyon galing sa iyo?"

"Galing sa akin..."

"Edi totoo nga!"

Nagpalit ang ekspresyon ng mukha niya sa pagkairita na parang handa na siyang sumutok ngayon.

"That's because she drugged me!"

Namilog ang mata ko at nalaglag ang panga ko. Napahawak ako sa aking bibig. Ales d-drugged him? How? Paano niya nagawa iyon? Puro kabutihan ang binigay ko sa kaniya tapos kaya niya akong suklian ng ganito?

"M-may nangyari?" Pumiyok ang boses ko. Kahit na ayokong marinig ang sagot niya ay gusto ko pa ring sagutin niya iyon.

Umiling siya, "Fuck wala! Hindi ko nga alam kung paanong hindi tumalab ang drug sa akin. Nanghina lamang ako pero nakilala ko agad siya..."

Iniisip ko palang na natikman na ni Ales ang labi niya ay parang nag-iinit ang buong katawan ko sa inis. Nagseselos ako! Ako lang dapat!

"How dare she kissed you!"

"Hayaan mo na iyon, ang mabuting gawin ngayon ay paalisin natin siya sa bahay at umalis ka na din sa trabaho mo..."

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kay Ales, kung mapipigilan ko ba ang sarili kong saktan siya.

"Pero bakit niya binaliktad ang lahat?"

Tumawa si Trigger, "Alangan naman sabihin niya sa iyo ang mga kalandian niya, hindi ba? Common sense..." sinamaan ko siya ng tingin sa huling sinabi niya.

"So, we're okay now?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumisi siya saka lumapit sa akin at dinampihan ng halik ang labi ko. "I guess so..."

"Buti hindi ka bumigay kay Ales? Maganda siya, ha?" Asar ko sa kaniya.

"Nandyan ka na, hahanap pa ba ako ng iba?"

"Baka kasi nagsasawa ka na sa akin..."

"I won't... habang tumatagal ay mas lalo pa akong naaadik sa iyo, siguro din-rug mo din ako, ano?" Bulong niya sa aking tainga saka hinalikan ng marahan ang aking leeg.

Ngumisi ako, "Ganda lang panlaban ko..."

Habang tumatagal ay nagiging agresibo na ang mga halik at hawak niya na pati ang sarili ko ay nag-iinit na din.

"I want a baby girl..." he whispered on my ear.

"Trigger!" Tili ko sa sinabi niya.

Ilang beses na din niyang nasabi iyon sa akin. Gusto ko din naman kaso wala pa din, eh. Tsaka ilang taon palang din naman si Keanu at gusto ko muna mag focus sa kaniya ngayong aalis na ako sa trabaho.

"Jigger, kapag ako nainis sa iyo, papatayin talaga kita!" Sigaw agad ni Louise ang bumungad sa amin pagkalabas ng guest room.

"Papatayin sa sarap? Mukhang gusto ko iyan." Sagot naman ng kupal na si Jigger.

Namumula na ang kanilang mukha at halatang may tama na ang iba. Malakas pa din ang ulan sa labas. Panatag naman na kami ni Trigger kila Rain dahil nasundo na ni James ang dalawa.

"Kamusta ang Tanga?" Asar sa akin ni Elle.

Natawa ako, "Natauhan na!"

"Pero tanga ka pa din kaya..." nagkibit balikat siya. Lumapit ako sa kaniya para sakalin ang leeg niya.

"Oh, eto," tinaas ni Dylan ang kaniyang kamay dahilan kung bakit natigil kami sa pag-aasaran, "Kailan ang kasal, Irene at Trigger?"

Nagsigawan silang lahat sa sinabi ni Dylan. Binigyan ni Cupid ng beer si Trigger na nakasandal sa gilid ng couch at hinihintay nila ang sagot namin.

"Kasal naman kami, ah?" Sagot ko.

"Yes, pero hindi pa kayo seryoso nun. Ayaw niyo bang magpakasal ngayong seryoso na kayo?" Tanong ni Elle.

"Sus, gusto mo lang makakain ulit ng lechon, eh. Sabihin mo lang, ibibili kita..." kumindat si Chad sa kaniya.

Binato siya neto ng pulutan naming chicharon, "Maghanap ka muna ng lovelife mo bago mo ako asaran!"

"May lovelife na ako, hindi mo lang alam!"

Nakita kong may senenyas si Trigger kay Seulgi kung kaya naman hinila ako ng mga girls papuntang kusina.

"Aray ko naman! Ano nanamang drama ito?" Tanong ko.

Kumuha si Ghine nang panyo saka piniringan ako. Tawa sila ng tawa. Tumahimik naman ang mga boys na nasa sala maging ang tugtog ay tumigil na din.

Inalalayan nila ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung nasaan kami banda. Ilang minuto akong nanatili sa gilid.

"Hindi mo kasi inayos agad..." rinig kong sabi ni Thei.

"Malay ko ba? Akala ko kasi gagawa pa sila ng milagro sa guest room..." parang gusto kong tanggalin ang panyo sa mata ko at batukan ng malakas si Cupid.

"Pwede guys, kapag mag-usap kayo iyong hindi ko naririnig para naman kunyare nasurprise ako?" Sarkastiko kong sabi.

Hindi naman sila sumagot pero ang boses nila ay humina naman kahit papaano. Nanlalamig na ang buong katawan ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari.

Aayain ba ako ni Trigger ng kasal?

"Okay na..." sabi ni Der.

May lumapit sa akin saka tinanggal ang piring ko. Biglang umilaw ang mga kandila paikot sa akin habang nasa harap ko si Trigger. Dim ang buong bahay kaya hindi ko masyado makita ang mukha niya.

Ang mga kaibigan namin ay nasa gilid, malaki ang ngisi sa amin habang nanunuod. Si Ghine ay vini-video-han pa kami.

Napahawak ako sa aking bibig nang lumuhod si Trigger sa harap ko.

"Oh my God, yes!" Sa sobrang excite ko ay sumagot na ako kahit hindi pa niya ako tinatanong.

Humagalpak naman sa tawa ang mga kaibigan namin. Kinagat ni Trigger ang labi niya para pigilan ang pagtawa.

"Assuming si ate girl..." sabi ni Joy.

Inilahad ko ang kamay ko kay Trigger para ipasok niya sa daliri ko ang singsing. Doon lumabas ang tawang kanina pa niya pinipigilan.

Kumunot ang noo ko sa sobrang lito. Bakit ba sila natatawa? Dapat seryoso sila para naman mafeel ko ang moment ko!

"Chill ka muna, Misis..." bulong ni Trigger.

Binuksan niya ang maliit na box at lalo akong nalito nang hindi singsing ang nakita ko, kundi isang susi.

"Ano iyan? Susi ng bahay?"

"Dami mong dada, Irene, maghintay ka nga kasi ng sasabihin ni Trigger!" Sigaw ni Dylan.

"Naalala mo nung sinabi kong umalis ka na sa trabaho mo?"

Walang tigil akong tumango, "Paano ko malilimutan kung araw araw natin iyong pinag-aawayan?"

Natawa siya, "You can now have your own boutique..."

"Oh my God!"

Hindi ko alam kung ano at paano ako magrereact. Ilang sandaling nawala ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa sinabi niya.

Ako mayroon ng sariling boutique?!

"A-akala ko ba gusto mong manatili lang ako sa bahay?" Tanong ko habang nagpupunas ng luha.

Tumayo siya at kinuha ang kanang kamay ko. Nilagay niya doon ang susi saka ngumiti. Niyakap niya ako at hinalikan ang buhok ko.

"Pwede mo namang isama ang dalawa doon, eh. Atleast ngayon, sarili mo na iyan..."

Walang tamang word para magpasalamat sa mga ito. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan. Sobra sobra na ito, tapos puro katangahan lang ang sukli ko sa kaniya.

"Thank you very much..."

"Anything for you, love..." bulong niya.

Wala na akong hihilingin pa ngayon. Alam ko na lahat, maayos na din kami. Bonus nalang itong regalo niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top