Kabanata 23

Kabanata 23

Ulan

"Saan ka pupunta, Irene?" Pagkalabas ko ng kwarto ay saktong paakyat na rin si Ales sa kwarto ng dalawa.

"Kay Trigger... pakibantayan ang dalawa, ha? Salamat!"

"H-huh? Hindi ba't sabi niya hwag mo na muna raw siya kausapin?"

"Kailangan ko, Ales. Alam ko kung paano mag-wala ang isang iyon..."

"N-nagwawala siya? D-dahil sa iyo?"

Tumango nalang ako sa tanong niya. Pipigilan pa sana niya ako ngunit mabilis na akong lumabas ng bahay. Kumakalam na ang sikmura ko pero hindi ko nalang iyon pinansin.

Pumara ako ng taxi. Hindi ako sigurado pero malakas ang tingin kong nasa kina Jigger sila. Condo lang ang meron si Dylan.

Tinitigan ko ang labas ng bahay nina Ghine. Tahimik at mukhang walang tao. So, nakila Dylan talaga sila? Kasya na sila doon? Takte naman kasi si Elle, eh! Hindi pa sinabi kung saan sila.

Ako:

Nasaan kayo?

Hindi ako sure kung mababasa niya ang text ko pero sinubukan ko pa rin. Kapag nagkakasiyahan na ang mga iyon ay wala na silang pakielam sa cellphone.

Pumadyak padyak ako sa tagal ng reply ni Elle. Sana naman hindi nag-away iyong mga iyon. Nagsama pa silang mga pikon. Si Chad at Sky lang yata ang hindi pikon sa kanilang mga lalaki.

Janelle Denisse:

Kila Verena. Dalian mo!

Sinapo ko ang aking noo. Malayo na ito kina Verns, pero wala naman akong choice. Pumara ulit ako ng taxi at tinuro ang daan kina Verena.

Pagkababa ko palang ng taxi ay rinig na rinig ko na ang ingay sa loob. Nagsisigawan sila kasabay ng malakas na tugtog. Tinawagan ko si Elle para sabihing nandito na ako sa labas.

"Nasaan ka na?" Bungad niya.

"Nasa labas na ako."

"Nasa labas na daw siya, Ika! Buksan mo na." Sigaw niya.

Agad namang bumukas ang gate kaya binaba ko na ang tawag. Hinanap ko agad ang mga boys pero hinarangan ako nila Thei.

"Si Trigger?" Inis na tanong ko.

"Nasa loob. Hindi mo ba kami namiss?" Ngisi ni Joy.

"Namiss... pero si Trigger, hindi ba sabi niyo nagwawala siya?"

"Edi pumasok ka sa loob. Tignan mo." Sarkastikong sabi ni Ghine.

Inirapan ko sila nang ngumisi ulit sila. Hinanap ko si Trigger ngunit hindi ko pa rin makita. Tanging sila Xander lang na umiinom at nagtatawanan sa sala.

"Si Trigger?"

"Nasa kusina, nagsusuntukan sila ni Jigger-"

Tumakbo ako sa kusina, "Trigger!"

Nalaglag ang panga ko sa nakita ko. Gulat na lumingon siya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang kutsilyo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya tsaka pinagpatuloy ang pagpapalaman ng tinapay.

Hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyayari. Walang gulo? Hindi siya nagwala?

"H-hindi ka nagwala?"

Kumunot ang noo niya, "Bakit ako magwawala?"

Napamura ako habang sapo ang noo. Kasasabi ko lang kanina na sino ang niloko ko nung sinabi kong seryoso si Elle. Alam na alam ko ang mga ugali ng mga iyon tapos nagpaloko pa ako? Kaya pala ngising ngisi ang mga loka.

"Bwisit talaga..."

"Sino nagsabi sa iyong nagwawala ako? Sina Elle ba?" Tanong niya.

"Oo-"

"Bakit sumunod ka naman? Alam mo na ngang siraulo ang mga iyon."

Yun na nga ang masakit, eh. Alam kong siraulo sila pero naniwala pa din ako sa mga iyon. Dati ay kasali ako sa mga trip nila pero ako na ngayon ang pinagtripan nila.

"Umuwi ka na..."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, "Pinapauwi mo na ako? Siguro may babaeng darating dito?"

"Utak mo..." sarcastic niyang sabi saka niligpit ang palaman saka sumubo sa sandwich na ginawa.

Naglaway naman ako dahil hindi pa ako kumakain. Tinignan lang ako ni Trigger saka tinaasan ng kilay na parang tinatanong kung ano pa ang ginagawa ko dito.

"Hmm? Eh ano kung gusto ko pa dito?"

"Tapos iniwan mo si Rain at Keanu kay Ales? Nice!" Tinalikuran niya ako. Sinundan ko naman siya.

"Bakit ka ba ganyan magisip kay Ales, ha?!"

"Irene, bakit ako umalis sa bahay?" Tanong niya. Hindi ako makasagot kaya siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong.

"Kasi ayokong pagusapan iyan kung hindi ka naman naniniwala sa akin. Pupunta ka dito tapos ipipilit mo iyang pinaniniwalaan mo? Umuwi ka nalang..."

Nasaktan naman ako sa sinabi niya. Hindi lang naman siya ang nasasaktan sa amin, ah? Mas lalo akong nasasaktan dahil sa inamin ni Ales, natural asawa niya ako. Kaya wala siyang karapatang mag-inarte.

"Trigger-"

"Pauwiin niyo na ito," tinuro niya ako kay Dylan. "Pahatid, pare."

"Ayoko pa ngang umuwi!" Pumiyok pa ang boses ko dahil naiiyak na ako sa trato niya sa akin.

Nagulat naman silang lahat. Kahit ang mga girls ay pumasok sa loob at pinatay ang malakas na tugtog.

"Wala akong panahon sa mga paghihinala mo, Irene. Nakakapagod."

Tumulo ang luha ko. Ang alam ko, hindi naman ako iyakib noon, bakit nitong nakaraan puro nalang ako umiiyak at dahil iyon sa kaniya.

Kinuha niya ang isang kaha ng sigarilyo sa kamay ni Dylan saka sinindihan ang isa. Pinanuod ko lang siya habang bumubuga ang usok sa bibig niya.

"Sabi mo hindi ka na maninigarilyo..."

"Pati paninigarilyo ko, kontrolado mo?" Tumawa siya pero walang humor.

"Magusap nga kayo ng maayos, para kayong mga bata, eh." Sabi ni Xander.

"Uuwi na ako!" Matigas na sabi ko.

Tuloy tuloy akong naglakad patungo sa pinto. Wala namang pumigil sa akin. Pagkabukas ko ng pinto ay napamura ako sa bumungad sa akin.

"Umuulan..." sabi ni Ley.

"Bullshit! Pahiram ng payong, Verena..."

"Hindi uso ang payong sa akin, girl."

Tinignan ko naman si Trigger. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Agad naman siyang umiwas ng tingin saka lumagok sa beer na hawak.

"Dito ka na muna, lalakas pa iyang ulan mamaya..." sabi ni Dylan.

"Hindi na. Uuwi na ako!" Sabi ko habang nakatingin kay Trigger.

Diretso akong naglakad palabas. Narinig ko naman ang sigaw nila para pigilan ako pero hindi ko sila pinansin.

Patuloy namang tumutulo ang luha sa mata ko. Nabasa agad ako sa lakas ng ulan. Putek, nakaputing blouse pa naman ako!

Sinarado ko ang gate. Nanatili muna ako sa labas niyon bago nagpasyang tuluyan nang umalis.

"Tss..." biglang may humila sa braso ko.

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko nang makita kung sino ang humila sa akin. Pilit na pinapasok niya ako sa gate.

"Dito ka na muna,"

"Ayoko! Ayaw mo ako dito kaya uuwi na ako!"

"Tigas ng ulo mo. Papasok ka o bubuhatin kita?"

"Uuwi ako!" Pilit ko pa rin.

Lalo lamang akong nasasaktan sa mga ganito niya. Halata namang napipilitan siya. Kung siguro hindi umuulan ay hahayaan niya akong umalis.

"Ang panget panget mo! Manloloko-" bigla niya akong binuhat. Tinulak tulak ko siya para ibaba niya ako pero malakas siya.

"Ayoko na sa iyo! I hate you!"

Binaba niya ako sa harap ng gate. Hawak niya ang magkabilang balikat ko habang basang basa kaming dalawa.

"Anong sabi mo?" Inis na tanong niya.

"Sabi ko, ayaw ko sa iyo. I hate-"

Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay mabilis at madiin niya akong hinalikan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top