Kabanata 22
Kabanata 22
Tanga
Pagkapasok ni Trigger sa aming kwarto ay sinalubong ko agad siya ng isang malakas at malutong na sampal. Gulat siyang napatingin sa akin.
"Ano nanamang drama 'to?" Kunot noo niyang sabi at halatang halata ngayon sa kaniyang mukha ang pagkabadtrip.
"Niloloko mo nanaman ako!"
"What the heck?!" Inis na sigaw niya. "What the fuck are you saying?"
Sa sobrang galit ko ay agad na tumulo ang mga luha sa aking mata. Ang sakit sakit. Akala ko nagbago na siya, ganun pa din pala.
"Trigger, hindi pa ba ako sapat?"
"Ano bang sinasabi mo? Sobra sobra ka pa..."
Umupo ako sa kama. Hindi na ako maniniwala sa mga ganiyan niya. Ilang beses na ba niya ako sinaktan noon? Marami.
"Bakit si Ales pa?" Kaibigan ko nanaman.
Sinabunutan niya ang kaniyang buhok dahil sa frustation. Malalim na ang kaniyang hininga at nagpipigil ng galit.
"Malandi iyang kaibigan mo!"
"Hindi siya ang malandi, kundi ikaw!" Sigaw ko.
Tumayo ako at pinagsusuntok ang kaniyang dibdib. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko para pigilan sa pagsuntok sa kaniya.
"Really?" He laughed but there was no humor in his voice, "Ilang babae na ba ang tinaggihan ko para sa iyo? Ilang babae na ang sinaktan ko para sa iyo? Nabilang mo ba?" Sarkastiko niyang sabi.
"Eh ano iyong sinasabi ni Ales?"
"Kapag sinabi ko ba ang totoo, maniniwala ka sa akin? Hindi diba. So, what's the use of explaining myself?"
Lalo akong nainis sa sinabi niya. Paano ko siya paniniwalaan kung ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo? Na nilalandi talaga niya si Ales?!
"Kaya pala gusto mong paalisin na si Ales dahil alam mong sasabihin niya sa akin ang ginagawa mo sa kaniya..."
Nawalan ng ekspresyon ang kaniyang mukha. Kahit na pinagtutulak ko siya ay wala na siyang reaksyon. Umiling siya at nag-iwas ng tingin kahit na sinusuntok suntok ko ang dibdib niya.
"People only understand from their level of perception..." bulong niya.
Nang mapagod ako sa kakasuntok sa kaniya ay sumandal ako sa dibdib niya habang humihikbi. Ganito ba talaga maging asawa ni Trigger? Kailangan talaga masaktan ng todo todo?
"Aalis ako..." nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang sabihin niya iyon.
"Saan ka pupunta? Iiwan mo kami?"
Hindi niya ako pinansin. Kinuha niya ang bag at diretso siya sa closet. Kinuha niya ang mga gamit niya saka nilagay sa bag.
"Trigger, saan ka pupunta?" Aaminin kong takot ako na iwan niya ako, kami.
"Kung saan may maniniwala sa akin."
"Kailan ka babalik?" Tanong ko. O babalik pa ba siya? Hindi ko kaya nang wala siya.
Nilingon niya ako, "Kung kailan maayos na iyang pag-iisip mo..."
Nangyari na ito noon sa amin, pero ang kaibihan ay ako ang umalis at siya ang iniwan ko. Ngayon, ako ang iiwan niya.
"K-kaya mong iwan ako?"
"Nakaya mong hindi ako paniwalaan, edi kaya ko ding iwan ka... tsaka, hindi ako babalik hangga't nandyan iyang malandi mong kaibigan."
Sinundan ko siya nang maglakad siya paalis. Napa-angat nang tingin sa amin sina Ales na nasa sala nang lumabas kami sa kwarto. Kumunot ang noo ng dalawa at si Ales naman ay walang reaksyon.
"Saan ka pupunta, Tatay?"
Bago pa makasagot si Trigger ay inunahan ko na siya, "May trabaho si Tatay!" Pilit akong ngumiti.
"Babye, Tatay! Balik ka po agad..." lumapit ang dalawa at niyakap si Trigger.
"Be a good boy, okay? Rain, ikaw ang panganay, you take care of Nanay..."
Wala namang kaalam-alam ang dalawa at masayang tumatango sa mga bilin ni Trigger. Namumuo na ulit ang luha sa mata ko.
Gusto kong pigilan si Trigger pero hindi ko magawang pigilan siya. Kahit hawakan ang kamay niya para pigilan ay hindi ko magawa.
"Trigger, h-hwag mo kaming iiwan..." pigil ko sa kaniya nang nasa gate na kami.
"Magpapalamig muna ako ng ulo dahil hindi ko alam kung anong kaya kong gawin dyan sa kaibigan mo kapag mananatili pa ako dito."
Nilingon ko ang pinto at nakita kong nandun si Ales. Nanlaki ang mata niya at nalaglag ang kaniyang panga.
"Ano bang sinasabi mo, Trigger! Hindi naman ganun si Ales..."
"Tss, sige, paniwalaan mo pa iyang kaibigan mo..." umiiling na sabi niya saka pumasok sa sasakyan.
"Saan ka pupunta? Kahit iyon lang ang sabihin mo..."
"Dylan..." sagot niya saka umandar na ang sasakyan.
Napaupo ako at nanghihinang pinanuod ang sasakyan na umaalis. Nagawa niya kaming iwan? Dahil lang dito sa simpleng away namin? Samantalang ako noon, hindi ko siya maiwan-iwan.
"Irene..." nilapitan ako ni Ales at niyakap. "Sorry, sinabi ko pa sa iyo ang ginawa niya..."
Humagulgol ako, "Ayos lang iyon. Kaysa naman wala akong kaalam-alam, hindi ba?"
"Hayaan mo, aalis na ako next week..."
"Hindi mo kailangang umalis kung gusto mo pa dito, Ales..."
Mabait si Ales. Hindi ko alam kung saan galing ang mga sinasabi ni Trigger sa kaniya. Kahit ilang buwan palang kaming magkakilala ay ramdam ko ang concern niya sa akin.
Nagkulong ako sa kwarto. Si Ales ang naghanda ng pagkain sa dalawa at nag-alaga.
Tumunog ang cellphone ko kaya bumangon ako at sinagot iyon. Akala ko si Trigger. Nakita kong si Elle ay parang tinamad pa akong sagutin. Alam kong sesermunan ako neto.
"Hello?"
"Kamusta naman pagiging tanga natin, Irene?" Sarcastic niyang sabi. I knew it. Nakwento na ni Trigger sa kanila ang nangyari.
"Janelle, pwede ba? Kung kakampihan mo si Trigger hayaan mo nalang ako."
"Bobita ka! Anong pinakain sa iyo nang kaibigan mong ahas? Kahit kami inaaway mo na..." narinig kong umingay ang background. Siguro magkakasama sila ngayon.
"Si Irene ba iyan?" Narinig ko ang boses ni Ley.
"Hindi. Si Tanga ito, kausapin mo?" Tumawa si Elle sa pinangalan niya sa akin.
"Ayoko baka awayin din ako..." humagalpak sila sa tawa.
Ako nanaman ang mali? Wala na talaga akong ginawang tama sa kanila. Hindi pa nga nila naririnig ang side ko, ganito na sila kung kausapin ako?
"Matutulog na ako..." paalam ko.
"Hwag ka nga, Ineng! Alas siyete palang. Tsaka kakausapin pa kita."
"Elle..."
"Hindi ka ba naaawa sa asawa mo?" Seryoso niyang sabi. Kung siguro ayos kami ngayon ay lolokohin ko pa siya sa pagiging seryoso niya.
"Bakit ako maaawa kung siya itong may nilalandi nanaman?"
"Open your eyes, Irene!"
"Bukas ang mata ko, Elle, kaya alam kong niloloko niya ako..."
"Si Trigger lolokohin ka? Tamaan na ako ng kidlat pero hindi mangyayari iyan."
"Si Trigger, nagwawala!" Rinig kong sigaw ni Verns.
Nataranta naman ako. Baka suntukin nanaman niya sina Dylan!
"Oh ano, narinig mo iyon? Kasalanan mo ito, Irene. Lagot ka..." umirap ako. Sino bang niloko ko nung sinabi kong kayang magseryoso ni Elle?
"Pigilan mo nalang si Trigger..." nag-aalalang sabi ko. Baka mag-away nanaman ang mga lalaki.
"Bakit hindi ikaw ang pumigil?"
"Ayokong pumunta dyan..." nahihiya ako dahil alam kong ako ang sinisisi nila.
"Edi hindi titigil si Trigger, bahala ka!"
Sasagot palang sana ako nang ibaba na ni Elle ang tawag. Napamura ako habang nag-aayos ng sarili. Hindi ko pa alam kung nasaan sila, paano ko pupuntahan?! Takte, bahala na nga!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top