Kabanata 21
Kabanata 21
Ebidensya
"Trigger!"
Nilingon niya ako. Bagong ligo siya at nakatapis lamang ang baba niya. Ngumiti siya sa akin.
"Maaga ka yata?" Niyakap niya ako mula sa likod. Narinig kong nag-lock ang pinto.
"Pupunta daw kasi kami ng resort next week so wala munang trabaho..."
Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang init ng hininga niya doon, "Hmm? Saang resort?"
"Ewan ko. Hindi sinabi." Nagkibit balikat ako.
Hinarap niya ako saka ngumisi. Hinalikan niya ang pisngi ko, "I love you..." bulong niya.
"May ginagawang kasalanan?" Tanong ko saka tumawa.
"Kapag nanlalambing, may ginawa agad na kasalanan?"
Pumunta siya sa closet para kumuha ng pamalit. Pinanuod ko lang siya habang nagbibihis.
"Trigger, si Ales?" Tanong ko.
Nilingon niya ako, "Ewan?"
Siguro nasa kwarto pa. Next week na rin namin makukuha ang sweldo kaya baka umalis na siya next week. Kung ayaw pa naman niya ay okay lang sa akin kung dito muna siya sa bahay.
"Hindi pa ba aalis yun?" Tanong niya habang nagsusuklay ng buhok.
"Hayaan mo siya kung gusto niya tumira dito, atleast minsan may nakakausap na yung dalawa..." napapansin ko kasing nalalapit na ang loob ng dalawang bata sa kaniya.
"Dapat paalisin na natin siya para matuto siya..."
"Matututonan naman niya iyon, eh. Bata pa si Ales kaya hindi siya mawawalan ng chance para matuto."
"Pag-aawayin ba natin to?" Nanliit ang mata niya.
"Ewan ko sa iyo kung magiging big deal nanaman..."
Huminga siya ng malalim saka lumapit sa akin. Niyakap niya ako tsaka tinignan ng diretso sa mata.
"Ineng..."
"Hmm?"
"Malandi si Ales."
Agad na napahiwalay ako sa kaniya. Sinisiraan ba niya si Ales dahil gusto niyang paalisin ko si Ales sa bahay namin? Kilala kong mabait si Ales kaya hindi ako naniniwala.
"Trigger, paninira iyan. Ano bang ginawa ni Ales sa iyo para siraan mo siya ng ganyan?"
Nagulat siya sinabi ko. Umigting ang kaniyang panga at nag-iwas ng tingin. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang galit kahit sa pananahimik niya.
"Hindi ka niniwala sa akin?" Tumawa siya pero walang humor.
"Paano ako maniniwala sa iyo, eh mas kilala ko iyong tao?"
Nag-iinit na ang ulo ko. Hindi ganitong Trigger ang nakilala ko noon. Hindi na siya gentleman ngayon, naninira pa ng babae!
"Kung kilala mo siya, alam mong malandi siya!"
Tumayo ako at tinalikuran ko siya. Mabait si Ales. Nung panahon na inaagaw ni Lea sa akin si Trigger ay siya pa ang mas galit na galit kaysa sa akin tapos sasabihan niya ng malandi ito?
"Mabait si Ales..."
"Hindi ko naman sinasabing hindi siya mabait. Hindi mo alam lahat ng ginagawa niya kaya hwag kang magsalita na akala mo alam mo!" Tumaas na ang boses niya.
"At ngayon sinisigawan mo ako? Bakit? Sino ba nilandi niya, huh?!"
"Ako! Nilalandi niya ako tuwing wala ka!"
Naapektuhan agad ako sa sinabi niya. Kahit na alam kong hindi totoo ay parang nanlalambot ako. Hindi ko inisip kahit minsan na aahasin ang ng kaibigan ko.
"Hindi niya magagawa iyan!"
Bumuntong hininga siya, "Well, she already did it..."
"At nagpalandi ka naman?" Hindi ako naniniwalang malandi si Ales pero kapag iniisip kong nagpapalandi sa iba si Trigger ay nagagalit ako!
"Fuck no! Alam ko ang pagkakaiba ng lust sa love, Ineng..."
Hindi ako nakapagsalita. Siguro kakausapin ko ng mahinahon si Ales tungkol dito mamaya. Hindi na kami nagkaayos pagkatapos nun pero sabay pa din naming sinundo si Rain at Keanu.
"How's you day, babies?" Tanong ko pagkapasok nila ng sasakyan.
"Nanay!"
Hindi nila akalain na sasama ako kay Trigger para sunduin sila. Niyakap ko sila parehas saka natawa.
"Kain tayo sa labas?" First time akong kinausap ni Trigger simula nung nagkasagutan kami.
"Hwag na. Wala akong iniwan na pagkain kay Ales..."
"Anak mo ba siya?" Sarkastiko niyang sabi, "Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya!"
"Pero Tatay, kawawa naman po si tita Ales! Sige na, sa bahay nalang po tayo kain para magkwentuhan kami..." sabi ni Rain.
"See? Pati anak mo nilalandi na rin niyang kaibigan mo."
"Trigger..." pagbabanta ko.
Pagkarating namin ng bahay ay naabutan namin si Ales na nanunuod sa sala. Malungkot ang kaniyang mukha pero agad nagliwanag nang makita sina Rain.
Tumakbo ang dalawa saka niyakap siya. Nilingon ko naman si Trigger para makita ang reaction niya, umiling lang siya habang nakatingin sa kanilang tatlo.
Naghanda ako ng pagkain namin, nagpresenta ulit si Ales para magluto ng ulam.
"Ales, kailan mo balak pumasok?" Bihira nalang din kasi siya pumasok at nababahala ako dahil baka madami ng kaltas ang sweldo niya.
"Baka bukas..."
"May pupuntahan nga pala tayong resort next week. Alam mo na ba iyon?"
Umiling siya, "Hindi pa nababanggit sa akin."
Kanina ko pa napapansin ang pagkatahimik niya. Baka may problema nanaman siya? Hindi din kasi siya nagsasabi ng problema.
"May problema ka ba, Ales?"
Nilingon niya ako. Kitang kita ko ang paghehesitant niya kung sasabihin ba niya sa akin ang gumugulo sa isip niya o hindi.
"Si Trigger kasi-"
"Nanay, gusto ko ng gatas!" Sigaw ni Keanu.
"Wait lang, Ales..." kumuha ako ng baso at kinuha ang milk sa ref para ihatid kay Keanu.
Hindi na nasundan ang pag-uusap namin ni Ales hanggang sa matapos kaming kumain. Ako ang naghugas ng pinggan dahil siya naman ang nagluto kanina.
"Ales, pwede ba kitang maka-usap mamaya?" Tanong ko.
"Oo naman. Tungkol saan?"
"Basta, magusap nalang tayo sa guest room..." tumango naman siya.
Habang naghuhugas ako ng pinggan ay kinocompose ko na sa isip ko ang mga dapat kong sasabihin kay Ales. Kung paano ko sasabihin iyong mga sinabi ni Trigger na malandi siya.
Pagkatapos kong maghugas ay sinenyasan ko si Ales na pumunta na kami sa guest room. Nagpaalam naman siya kina Rain at Keanu bago sumunod sa akin.
Tumawa siya, "Gustong gusto ako ng mga anak mo..." sabi niya bago pumasok sa loob ng kwarto.
"Ales kasi..." lahat ng inisip ko kanina na sasabihin ay biglang nawala. Parang nabura at hindi ko kayang akusahan ang kaibigan ko ng ganun.
"Bakit?"
"M-may sinabi kasi sa akin si Trigger..."
Tumawa siya at kitang kita ko ang galit sa mata niya. "Baka binaliktad ako..." bulong niya.
"Ano iyon, Ales?" Kahit na narinig ko naman talaga.
"Wala. Ano iyong sinabi niya?"
"N-na ano... n-nilalandi mo daw siya. Don't get me wrong, Ales, hindi ako naniniwala sa kaniya..."
"Bakit hindi ka maniniwala, eh asawa mo iyon?"
"Alam ko naman kasi na hindi mo magagawa ang bagay na ganun. Nagtitiwala ako sa iyo..."
Ngumisi siya sa sinabi ko at mabilis akong niyakap. "Salamat at naniniwala ka sa akin! Kasi alam kong sasabihin niya ito, eh..."
Hinarap ko siya at ang mga luha sa kaniyang mata ay walang tigil sa pagbuhos. "Bakit?"
"Hindi naman sa sinisira ko kayo pero kasi siya itong nilalandi ako..."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Alam kong malandi talaga si Trigger dati palang pero hindi ko kailanman inisip na gagawin niya ulit ito.
"H-huh? B-baka naman nagkakamali ka lang?"
"Hindi, Irene... tuwing naiiwan kaming dalawa dito sa bahay ay nilalapitan niya ako."
Nagawa na ito ni Trigger dati. Kay Joy tsaka doon sa akala namin nabuntis niyang si Esther.
"A-ales, h-hindi niya magagawa iyon."
"Nagawa na niya, Irene! Nakita mo ito? Siya ang may gawa niyan!" Tinuro niya ang kaniyang leeg na may chikinini.
Hindi ko nagawang magsalita. Para akong napipi. Hindi magagawa sa akin ito ni Trigger, naniniwala ako.
Pero may ebidensya si Ales.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top