Kabanata 2

Kabanata 2

Work

"I just want to help!" Sigaw ko sa mukha nya. Nanatili ang malamig na expression ng kanyang mukha.

"Help? I can do it, Irene... para saan pa na naging ama ako kung hindi ko naman pala kaya?" Sarcastic nyang sabi.

"That's not enough! Para to sa kinabukasan ni Rain at Keanu... para sa pagaaral nila."

"Don't fool me. Alam kong ginagawa mo lang yan dahil yan ang pangarap mo, huwag mo kaming isali ng mga anak mo sa rason mo..." hinubad nya ang kanyang polo at dumiretso sa cr. Iniwan nya akong umiiyak sa kama.

Can't he just be happy? Hindi ko naman ginagawa iyon para sa sarili ko lang. Para sakanila din naman to a?

"Nanay!" Sigaw ni Rain at Keanu nang ihatid sila ni Daddy dito sa bahay na agad ding nagpaalam umalis. Tumakbo sila saka niyakap ako.

"How's your day, babies?" Hinalikan ko ang noo nila. Nagpabuhat sa akin si Keanu habang si Rain ay kumapit sa kamay ko.

"It's tiring po but happy!" Humiga si Keanu sa aking balikat. Kitang kita ko ang pagkapagod nya sa kanyang mukha kaya hinalikan ko ang pisngi ko.

"Wind came to Lola's house kaya po naglaro kami..." kwento ni Rain. Pinaupo ko silang pareho sa kama.

"Talaga? He's with tita Ronnie or tito James?" Tanong ko saka hinubad ang mga damit nila para palitan.

"With tito James po."

Biglang lumabas si Trigger sa cr. Napatingin agad sya sa amin. Nakatapis sa kanyang baba ang towel at ang tubig ay malayang tumutulo mula sa katawan nya. Ginulo gulo nya ang kanyang buhok gamit ang maliit na towel para patuyuin.

"Hi my big boys!" Bati nya sa dalawa.

"Hi Tatay..."

Nang matapos ko silang palitan ay hinatid ko na sila sa kanilang kwarto para matulog. Hinalikan ko pa sila ng isang beses bago pinatay ang ilaw at iniwan sila doon.

Pagpasok ko ng kwarto namin ni Trigger ay topless pa din sya at tanging boxer short lang ang suot nya.

"Tri-"

"Bukas nalang tayo mag-usap..." humiga sya nang nakatalikod sa akin.

Paano naman ako makakatulog neto kung magka-away kami? Napakachildish naman kasi ng isang to.

Sinundot ko ang tagiliran nya, "Pst uy!"

"I'm tired, Rene..." lalo akong napasimangot sa sagot nya.

Humiga ako sa tabi nya pero kahit anong pilit kong matulog ay hindi ko mahuli ang tulog ko. Sinilip ko sya para makita kung tulog na ba sya o hindi. Ramdam ko ang mabibigat nyang hininga tanda na tulog na tulog na sya.

"Paano ka nakakatulog ng hindi tayo nagkakabati?" Bulong ko sa kanya saka sya tinalikuran.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para ihanda ang mga kailangan nina Rain at Keanu. Maya-maya lang din ay darating na rin si Daddy para sunduin ang dalawa.

Naghanda ako ng almusal nila habang nakaharap ang dalawa sa salamin at sabay na nagsusuklay.

"You're not pogi in that style... kuya will fix your hair, okay?" Natawa ako sa sinabi ni Rain. Pinanuod ko sila.

"Kuya, it's not bagay!" Humarap sa akin si Keanu para ipakita ang buhok na inayos ng kuya nya, "Nanay?"

Ngumisi ako at nilapitan sila, "Pogi po kayo kahit anong ayos nyo..."

Napatingin kami sa taas nang bumaba si Trigger. Nakasuot sya ng puting v-neck t-shirt at ang boxer short nya kagabi. Gulo gulo ang buhok nya, tanda na bagong gising sya.

"Goodmorning..." napapaos nyang sabi. Pinasadahan nya ng kamay ang buhok para ayusin.

"Goodmorning! Tara, breakfast na." Aya ko pero tinignan nya lang ako. Usually kapag umaga, ako ang una nyang nilalapitan para halikan sa pisngi o labi.

Tahimik kami habang kumakain at ang dalawa lang ang daldal ng daldal. Pagkatapos naming kumain ay dumating si Daddy para kunin ang dalawa.

"Behave, okay?"

"Opo Nanay, Tatay!"

Malakas na bumuntong hininga si Trigger nang makaalis ang dalawa. May towel na sa kanyang balikat.

"Trigger, let's talk!"

Naka-kunot noo nya akong nilingon, "Nag-uusap naman tayo a?"

Napapikit ako sa inis, "Ano bang gusto mong gawin ko? Ako na nga tong sumusuyo sayo tapos ikaw pa tong may ganang magtampo!"

"Anong gusto kong gawin mo? Quit your job..."

Great! Hindi talaga kami matatapos sa issue na to. Ang kitid talaga ng utak ng kupal na to, sarap ingud-ngud ang mukha sa putik!

"Intindihin mo naman ako!"

"Paano kita iintindihin kung wala akong makitang magandang maidudulot nyang gusto mo?" Inis na sabi nya. Tinalikuran nya ako saka umakyat. Sinundan ko sya hanggang kwarto.

"Paano mo makikita kung hindi mo iintindihin?"

He looked at me with his blank stare na parang suko na sya sa akin. Huminga sya ng malalim at umiling saka dumiretso sa cr.

Ano bang masama sa pagtatrabaho? Hindi naman baldado ang mga babae para hindi din tumulong para sa pamilya, hindi ba? Hindi ko talaga makita ang point nya.

"Trigger, kung nagseselos ka, gusto ko lang malaman mo na all girls kami dun..." dumikit ako sa pintuan ng cr saka sinigaw iyon pero hindi pa din nya ako pinansin.

"Nagagampanan ko naman ang trabaho ko bilang ina a? Kung sa pagiging asawa naman, anong klase pagsisilbi ba ang gusto mo?" Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto.

Kung ano ang ayos nya kagabi, ay ganun din ngayon. Topless at tanging baba lang ang nakatapis, may hawak syang maliit na towel na kinukuskus nya sa kanyang buhok.

"You think ganun ako kababaw na pipilitin kitang mag quit dyan sa job mo dahil nagseselos ako?"

"Edi ano pala?" Sinundan ko sya hanggang sa closet. Kumuha sya ng pang business attire. Humarap sya sa salamin.

"Just be our fucking house wife, Irene! Ganun kasimple..."

"Hindi yun simple lang, Trigger! Kung kaya ko naman magtrabaho, bakit hindi?!" Sigaw ko. Tinalikuran nya ako kaya hinila ko ang polo nya para mapaharap sya sa akin.

"Magtrabaho ba gusto mo? Edi magtrabaho ka dito sa bahay para hindi na natin kailangan ibigay kina Mommy ang responsibilidad bilang magulang..." he laughed but there's no humor in it.

"Trigger naman e..." parang bata kong sabi at hinawakan ang braso nya.

Huminga sya ng malalim, "Irene naman e..."

Hindi ko alam kung inaasar nya ba ako or what kaya lalo akong napasimangot.

Huminga sya ng malalim at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Gusto kong pag-isipan mo to ng mabuti..."

Ngumiti ako, "Paano kung di na magbago ang isip ko?"

Napapikit ako nang hinalikan nya ang labi ko. Para syang batang uhaw na uhaw. Hinawakan nyang mabuti ang leeg ko para lalo pa akong mapalapit sa kanya.

Bumitaw sya, "Magbabago yan..." humalakhak sya. Natawa naman ako nang makitang may kunting lipstick ang gilid ng labi nya kaya pinunasan ko yun.

Napatili ako nang buhatin nya ako, "Parang ayoko na atang pumasok ng trabaho..." he whispered on my ear saka binagsak ako sa kama.

"Trigger!" Tili ko. Tumawa lang sya habang hinuhubad ang polong suot nya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top