Kabanata 19

Kabanata 19

Ahas

Trigger's POV

"Bakit mo ako iniiwasan?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya. Nilingon ko ang kusina kung saan naghuhugas ng pinggan si Irene. Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na umakyat sa kwarto namin.

"Trigger, alam kong gusto mo din..."

"Pwede ba, Ales? Tinuturing kang kaibigan ni Irene tapos nagagawa mo ito sa kaniya?" Inis na sabi ko.

Wala akong pakielam kahit na babae siya, kapag ako napikon, papatulan ko talaga to.

Ngumisi siya, "Eh bakit hanggang ngayon hindi mo pa din sinasabi sa kaniya ito?"

"Bakit ko naman sasabihin kung wala naman akong masamang ginagawa?"

"Talaga? Wala?" Lumapit siya sa akin, "Kaya pala kahit nung hinalikan kita sa ospital, hindi mo inamin kay Irene."

"Fuck! Don't touch me!" Galit na sambit ko nang akmang hahawakan niya ang balikat ko.

Imbes na matakot siya ay mas lalo pa siyang ngumisi. Nag-baba ako ng tingin sa sala, nandun pa sina Rain nanunuod ng TV.

"Takot ka lang dahil alam mong mahuhulog ka sa akin..."

"Mahal ko ang pamilya ko, Ales..."

"Hindi iyan ang sagot na gusto ko. Pero okay, sabi mo, eh." Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi kaya hindi ko agad siya naitulak, "Goodnight my Trigger! I love you..." bulong niya sa tainga ko.

Bumagsak ako sa kama namin. Damn that girl! Una palang sana ay hindi na siya pinagkatiwalaan ni Irene.

Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko napansin na pumasok na si Irene sa kwarto. Tumabi siya sa akin at niyakap niya ako. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinding hindi ako maaagaw ng iba.

"Pinatulog ko na yung dalawa..." tumango lang ako sa sinabi niya.

Dapat ko bang sabihin sa kaniya? Masasaktan lang siya.

"I love you..." bulong ko sa tainga niya. Siya lang ang tanging babaeng sasabihan ko ng mga salitang iyan.

Humalakhak siya, "Nagtext sa akin si Mam Gen, hwag na muna daw ako pumasok bukas."

Tumango ako. Buti naman. Hindi ko kayang maiwan kasama ng babaeng iyon, hindi ko naman siya mapaalis dahil inaalala ko si Irene.

Irene's POV

"Juice gusto ko, Irene!" Sigaw ni Dylan. Umirap ako saka tinimplahan sila ng Juice, may pupuntahan daw sila ni Seulgi kaya dumaan na muna sila dito sa bahay.

"Nasan sina Rain?" Tanong ni Seulgi.

"Pumasok..." rinig kong sagot ni Trigger. Nagkwentuhan sila ni Dylan na hindi naman namin maintindihan ni Seulgi.

"Seulgi, kayo na ba ni Dylan?" Ngumisi ako sa kaniya saka siniko ang tagiliran niya.

Pumula ang pisngi niya, "Hindi no!"

Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako dahil karamihan sa barkada namin ay nagkakatuluyan.

Nakita kong lumabas ng guest room si Ales, nakapambahay lamang siya at mukhang nagulat nang makitang may bisita kami.

"Hindi ka papasok, Ales?" Tanong ko.

"Hindi sana... akala ko papasok ka?"

"Sino siya?" Bulong sa akin ni Seulgi.

"Hindi muna ako pinapasok ni Mam Gen..." nilingon ko si Seulgi, "Kaibigan ko siya sa trabaho! Pinalayas kasi kaya pinatira na muna namin dito..."

"Eh bakit hindi sa condo niyo? Ang alam ko hindi niyo pa binebenta yun?" Tanong ni Dylan.

"Hindi daw sanay mag-isa..."

Ngumisi naman si Ales nang ipakilala ko siya kina Dylan. Bumalik siya sa guest room dahil naiilang daw siya at maya-maya na daw kakain ng umagahan.

"Ipakilala mo kay Chad nang tumino naman ang isang yun..." tumawa si Seulgi.

"Binigay ko na number niya kay Chad." Sabi ni Trigger. Nagulat naman ako kasi wala siyang nababanggit sa akin.

"Hindi na ba kayo ulit magpapakasal?" Tanong ni Dylan.

"Kasal naman na kami." Sagot ko. Hindi ko na hinahangad na ikasal ulit, basta matino si Trigger, ayos na ako doon.

"I mean, matagal na yun. Hindi pa kayo seryoso nun."

Napatingin ako kay Trigger at nahuli ko siyang nakatingin lang din sa akin. Kailangan ba talaga naming magpakasal ulit? Hindi na. Masaya naman kami, eh.

"Malapit na alumni party sa school, ah?" Sabi ni Seulgi.

"Aattend ba tayo?" Tanong ko. Wala naman kasi akong kaibigan na iba maliban sa kanila, eh madalas naman kaming magkita.

"Oo naman! Sayang din yun, no..."

"Sus, gusto mo lang makita yung panget mong ex, eh..." sabi ni Dylan.

Hindi ako sanay kapag ganyan sila. Parang dati lang, wala silang pakielam sa isa't isa tapos ngayon may pa-selos selos pa itong si Dylan!

"Fyi, nakamove-on na po ako dun matagal na kaya magmove-on ka na din..."

Tumawa kami ni Trigger sa bangayan nila. Kahit na nagbabangayan sila ay namumula pa rin ang pisngi ni Seulgi kaya lalong nakakatawa.

"Dito na kaya kami hanggang dinner? Para naman makatikim ako ng luto ni Irene..." sabi ni Dylan.

"Nako pre, makakalimutan mo pangalan mo kapag natikman mo luto ng asawa ko." Tumango si Trigger kay Dylan.

Nilingon ni Dylan si Seulgi, "Marunong ka bang magluto?"

"Oo naman!"

"Edi pwede na pala tayong magpakasal?" Sabi ni Dylan na lalong ikinapula ng pisngi ni Seulgi.

Hindi naman halatang inlove si Seulgi kay Dylan, ano? Hindi talaga.

Nagulat kaming lahat nang biglang sumigaw si Ales mula sa guest room. Nag-unahan naman kaming tumayo at tinungo ang guest room.

"Ales, bakit?" Tanong ko.

Binuksan niya ang pinto. Namumutla ang mukha niya pero hindi siya sa akin nakatingin, kundi kay Trigger.

"May ahas..."

"H-huh? Saan?" Tanong ko.

Sa tinagal tagal namin dito sa bahay hindi pa kami nakaka-encounter ng ahas. First time ngayon.

"Dyan sa ilalim ng kama." Tinuro niya ang kama.

Lumapit naman doon si Dylan at Trigger saka tinignan ang ilalim. Tumawa si Dylan.

"Ang liit liit! Tsaka hindi nangangagat tong ahas na ito..." sabi niya.

Nagtulungan silang dalawa ni Trigger para mapatay ang ahas. Nanatili naman kami nila Seulgi sa sala.

"Bakit nagkaroon ng ahas itong bahay niyo, Irene?" Tanong ni Seulgi.

"Hindi ko alam..."

"Nako, magiingat ka! Baka makagat ka ng ahas..." umiiling na sabi ni Seulgi.

Bumalik naman si Dylan at Trigger sa sala nang maitapon nila ang ahas. Kumuha ako ng alcohol dahil baka delikado.

"Swerte daw ang ahas..." humalakhak si Dylan sa sinabi niya.

"Parang ayoko na matulog sa guest room..." sabi ni Ales.

"Eh saan ka naman matutulog?" Tanong ni Seulgi. Nag-angat siya ng tingin para tignan ako at humingi ng tulong.

Hindi ko alam kung saan ko siya patutulugin. Hindi ko din naman siya pwedeng hayaan dahil wala pa kaming sweldo.

"Sa condo ka nalang," malamig na sabi ni Trigger.

"Ayaw ko dun!" Tumaas ang boses niya, "I mean, pwedeng doon nalang ako sa kwarto nila Rain?"

"Oo naman!" Mabilis na sagot ko. Umigting ang panga ni Trigger.

Kanina pa ako nakakapansin. Parang iba ang trato niya kay Ales, walang namang ginagawang masama yung tao.

Pero ang pinagtataka ko hanggang ngayon, kailan at paano nagkaroon ng ahas ang bahay namin?

-----
Omg ang lame, sorry! Hehe

May bago akong published na story, kapag may time kayo pakibasa. Forgotten ang title, nasa works ko. Thank you! :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top