Kabanata 18
Kabanata 18
Sinigang
"I won't accept this..." sabi ni Mam Gen saka pinunit sa harap ko ang resignation letter ko.
"But tita-"
"Irene, isa ka sa pinakamagaling na designer dito sa building kaya pinalit kita kay Mona."
"But I'm married..." pinakita ko sa kaniya ang singsing sa kamay ko. Napasinghap naman dun si Lea.
"Let's keep this a secret. Kailangan ka ng kompanya,"
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa desisyon ni Mam Gen o maiinis kasi hindi na-respect ang gusto ko. But then again, gusto ko din tong trabaho ko.
Tulala akong tinatahak ang aking office. Hindi ko alam kung paano aki nakaalis ng office ni Mam Gen na hindi na muling nasaktan ni Lea. Inis na inis siya sa akin na kulang nalang ay patayin niya ako doon. Siyempre hindi ko siya pagbibigyan dun.
Bumuntong hininga ako saka tinawagan si Trigger. Sumandal ako sa swivel chair ko.
"Hello?" Pagod na sabi ko nang sinagot na niya ang tawag.
"Irene?" Si Ales.
Napaupo ako ng maayos at kumunot ang noo ko. Hindi basta-basta nag-iiwan ng cellphone si Trigger, anong nangyari at bakit si Ales ang sumagot?
"Ales? Nasaan si Trigger?" Kahit takang taka ako ay hinayaan ko nalang. Baka busy siya kaya pinasagot nalang kay Ales.
"Lumabas. Bumili ng ice cream kasi gusto nung dalawa..."
Pakiramdam ko ay nahuhuli na ako sa kanila. Out of place ako lagi tuwing magka-usap sila kasama si Ales.
"Ah, ganun ba? Pakisabi nalang kay Trigger na tawagan niya ako kapag dumating na siya."
"Sure!" Masigla niyang sabi.
Pagod na pagod ako ngayong araw kahit na wala naman akong ginawa. Masyado ko lang inisip ang nangyari kanina.
Ni-minsan hindi ako pinuri ni Mam Gen sa mga designs ko. Nagulat na nga lang ako nang ipalit niya ako sa pwesto ni Mona kahit na ilang buwan palang ako.
May kumatok sa pintuan ko, "Pasok!" Sigaw ko.
Bumukas ang pinto at nakangising sumilip si Robie doon. May dala siyang lumpia at juice.
"Pwedeng pumasok?" Tanong niya.
Since may dala siyang lumpia na favorite ko, tumango ako at dahan dahan siyang pumasok. Nilapag niya sa mesa ko ang dala niya. Nang kukuha na sana ako ng lumpia ay bigla niyang tinapik ang kamay ko.
"What?" Inis na tanong ko.
"Akin yan. Kung gusto mo, bumili ka ng sa iyo." Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. Akala ko naman para sa akin kaya pinapasok ko siya.
"Punyeta ka, lumabas ka na nga sa office ko ngayon!" Ginutom niya ako sa lumpia, tapos hindi naman pala siya mamimigay.
Humalakhak siya, "Biro lang, ikaw naman! Siyempre para sa iyo yan. Alam kong stress ka ngayon..." kinuha niya ang isa saka sinubo sa akin.
Nginuya ko iyon. Pinanuod niya lang akong kumain. Nagkwento na din siya ng kung anu-anong nangyayari sa kaniya. Wala naman akong pakielam kaya hindi na din ako nagsalita.
"Maganda ka sana, ang takaw mo lang..." umiiling niyang sabi.
"So what? Hindi naman aki nagpapaimpress sa iyo," ngumuya nguya naman ako na ikina-ngiwi niya na parang nandidiri siya kaya inirapan ko siya.
"Favorite mo pala yan..."
Tumango ako, "Paano mo nalaman?"
Si Trigger at Dylan lang ang may alam na favorite ko ang lumpia. Kahit anong klase ng lumpia basta lumpia.
"Wala lang. Na-feel ko lang na bigyan kita ng lumpia..." kibit balikat niyang sabi.
Tumagal si Robie doon hanggang sa mag-out ako. Sa dami ng kwento niya ay hindi ko na napansin na hindi pala ako tinawagan ni Trigger. Nagulat nalang ako nang bigla siyang magtext na nasa harap na daw siya.
"Kung ako sa asawa mo, hindi na kita papakawalan..." mahinang sabi ni Robie habang nakatingin sa bintana ng office ko.
"Sino bang nagsabi na papakawalan ako ng asawa ko?" Tumawa ako. Sinuot ko ang bag ko nang matapos akong mag-ayos ng gamit.
Humarap siya sa akin. Nasa magkabilang bulsa ng pants niya ang kaniyang kamay. Kuminang ang diamond earring niya sa kanang tainga.
"Baka kasi... alam mo na..."
"Hinding hindi niya iyon gagawin sa akin."
Ngayon ko lang narealize na medyo magkasundo kami ngayong araw. Hinatid niya ako hanggang sa labas ng building. Tumakbo ako sa sasakyan namin.
"Sino yun?" Agad na tanong niya sa akin habang tinitignan pa si Robie na nasa labas.
"Ah, wala. Tara?"
"Akala ko ba walang lalaki?" Kunot noo niyang tanong sa akin.
"Pamangkin iyan ni Mam Gen..."
"Bakit hinatid ka niya?"
Napapikit ako sa dami ng tanong niya. Kapag sinabi kong si Robie iyan baka wala pang isang segundo ay makikita ko nalang na nasa sahig na si Robie.
"Pwede umuwi na tayo? Pagod ako..."
Tinignan niya pa ako saka pinaandar ang sasakyan namin. Tahimik lang kami. Napagod talaga ako dahil sa dami ng iniisip ko, buti nalang nung pinuntahan ako ni Robie ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Trigger, nagpasa ako ng resignation letter kanina..." panimula ko.
Gulat na nilingon niya ako ngunit binalik din agad sa daan ang tingin, "Ginawa mo yun? Edi wala ka ng trabaho?" Kitang kita ko ang saya sa reaction niya.
"Ayaw tanggapin..."
Humigpit ang hawak niya sa manibela. Umigting ang panga niya. Huminto ang sasakyan dahil naka-red ang stop light.
"Anong ginawa mo? Hindi mo pinilit?"
"Trigger, alam na niyang asawa kita kaya hindi na kita itatago sa kanila..."
"Hindi iyon ang point ko! Hindi tayo nag-aaway dahil sa itinatago mo na may asawa at anak ka. Hindi mo pa ba naiintindihan na gusto namin na nasa bahay ka lang?"
Napalunok ako sa sinabi niya. Bakit parang ang tagal naman ata mag green ang light. Nanlalamig ako sa tingin niya sa akin. Takot na akong mag-away ulit kami kaso heto nanaman at kasalanan ko nanaman.
"Sayang naman kasi yung trabaho, Trigger..." yumuko ako. Inihanda ko na ang sarili ko kung sakaling sigawan niya ako kaso mahinahon na siyang nagsalita.
"Hindi ka naman makikinig kahit na anong sabihin ko. Sige, bahala ka na sa buhay mo."
Alam mo yung pagod na pagod ang utak mo kakaisip tapos nag-aaway nanaman kami ngayon. Nakakapagod lalo. Hindi ko na alam kung ano ang tama at dapat kong gawin.
Bumaba ako nang makarating kami sa bahay. Pumasok ako sa loob at naabutan kong nanunuod ng TV si Ales kasama ang dalawa. Tulog si Keanu at nakaunan siya sa binti ni Ales.
Nilapitan ko sila para buhatin na si Keanu para maihiga ko na sa kwarto nila.
"Huwag mo na munang gisingin, Irene, kakain pa sila ng dinner..." hinawakan ni Ales ang kamay ko.
"Baka kasi mangalay ka. Anong ginawa niyo? Parang pagod na pagod kayo?" Tanong ko.
Tinignan ni Ales ang pinto kung saan nandun si Trigger. Kahit si Trigger ay napansin kong mukhang pagod din kanina nang sinundo niya ako.
"Itanong mo kay Trigger kung ano ang ginawa namin..." ngumisi siya.
Nilingon ko din si Trigger. Tinignan lang niya kami saglit saka nag-iwas at umakyat na sa kwarto. Sumunod ako sa kaniya para makapagpalit ng damit.
"Hindi mo ako tinawagan kanina," sabi ko nang maalala ko ang binilin ko kay Ales.
Nilingon niya ako habang nagsusuot siya ng sando, "Huh? Hindi ka ba busy kanina?"
Umiling ako, "Hinihintay ko nga ang tawag mo... binilin ko kay Ales kanina."
Nagulat siya sinabi ko. Umiling siya at parang may kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon habang nakatingin sa kawalan. Bagsak na umupo siya sa kama saka bumuntong hininga.
"Bakit?"
Hinila niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa kama. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko ang mainit at malalim niyang hininga doon.
"Hwag mo kaming iiwan nang kami lang dito sa bahay..."
"H-huh?"
Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay sinubsob niya pa lalo ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko namang hinalik-halikan niya ako doon.
"Trigger, may ginawa kang kasalanan, ano?" Tanong ko. Ganito siya maglambing sa akin tuwing may ginagawa siyang kasalanan.
"Wala..." bulong niya saka umiling.
Sabay na bumaba kami sa sala. Diretso ako sa kusina para magluto ng dinner. Nagulat ako nang pumunta din doon si Ales.
"Ano lulutuin mo?"
"Sinigang. Favorite ni Trigger..." ngumiti ako.
Umupo siya sa high chair na medyo malapit sa akin, "Talaga? Favorite niya?"
Tumango ako, "Oo. Masarap kasi magluto ng sinigang ang Nanay niya kaya nagpaturo din ako noon."
"Ganun ba? Pwedeng ako magluto ngayon?"
Kumunot ang noo ko. "Oo naman! Marunong ka ba?"
Lumapit siya sa akin at inagaw ang sandok na hawak ko.
"Masarap ako magluto ng siningang..."
Pinanuod ko lang siya habang nagluluto. Nagkwento na din ako tungkol sa nangyari kanina. Simula kay Robie hanggang nang maka-uwi ako.
"Pinunit ni Mam Gen?" Gulat na tanong niya.
Sumimangot ako, "Oo! Pagbibigyan niya daw ako kahit na may asawa ako... tsaka nandun pala si Lea, bwisit yun, sinampal ako nang malaman na si Trigger ang asawa ko."
"Kapal talaga din ng mukha nun, ano?"
"Sinabi mo pa, nako!"
"Eh si Robie? Okay na kayo?" Tanong niya.
"I think so. Mabait naman siya, eh."
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nang matapos siyang magluto ay tinawag na namin sila Trigger. Sakto naman ang gising ni Keanu.
"Wow sinigang!" Tumakbo si Rain saka agad na umupo.
"Maghugas ka po muna ng kamay kuya Rain..." paalala ko habang nakangisi. Sumimangot naman siya at naghugas na muna ng kamay sa lababo.
"Nagimprove ka, ah? Ang sarap..." bulong sa akin ni Trigger habang hinihigop ang sabaw.
"Mas masarap po luto mo ngayon, Nanay!"
Ngumisi si Ales sa mga puri sa sinigang. Alam naming dalawa na siya ang nagluto. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako para kay Ales o maooffend dahil hindi ko naman talaga luto iyon.
"Si Ales ang nagluto..." mahinang sabi ko. Medyo nahiya ako dahil akala nila ay luto ko.
Natahimik si Trigger. Si Rain at Keanu ay pinuri ng pinuri si Ales.
"Favorite kong lutuin ang sinigang..." sabi niya saka tumingin kay Trigger na nakayuko at hindi nagsasalita.
"Parang may kulang... mas kumpleto kapag luto mo..." bulong niya sa akin. Siniko ko naman siya dahil mukhang narinig ni Ales.
Hindi na makangisi si Ales. Nakatingin lang siya kaybTrigger na walang pakielam kung naoffend si Ales sa sinabi niya o hindi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top