Kabanata 17

Kabanata 17

Meron Pa

Naabutan naming nakayuko si Ales sa labas ng gate namin. Nilapitan agad siya ni Trigger saka tinapik ang balikat niya. Nag-angat siya ng tingin at malawak na ngumiti.

"Kumain ka na, Ales?" tanong ko habang nakapalumbaba sa nakababang bintana ng sasakyan namin.

Tumayo siya saka pilit na ngumiti sa akin, "Oo... kasama ko si Robie,"

Namutla ako sa sinabi niya. Baka kung anu-ano ang sinabi sa kaniya ni Robie! Hindi pa naman alam nun na may asawa na ako.

Ngumisi si Ales, "Close pala kayo nun?"

Nilingon ko si Trigger na nagbubukas ng gate. Mukhang hindi niya narinig ang sinabi ni Ales kaya nakahinga ako ng maluwag.

Ngumisi lang siya saka tinignan si Trigger at tinulungan na bumukas ng gate. Nilingon ko naman si Rain at Keanu na tulog sa likod, napagod yata sa sobrang kakulitan.

Buhat ko si Keanu habang buhat naman ni Rain si Trigger. Pumasok na din si Ales sa guest room.

"Let's go to our room..." ngumisi habang hila hila ang kamay ko.

Umirap ako, "Pagod ako ngayon, Trigger."

"Sus, isa lang!"

Bumagsak siya sa kama. Niyakap niya ako saka hinila pahiga. Tumili ako nang makiliti ako sa halik niya sa leeg ko.

"Ano ba, Trigger! Hindi pa ako naliligo."

"Mabango ka naman kahit di ka maligo..." pinagpalit niya ang position namin.

Ako na ngayon ang nasa ilalim at siya na ang nakapatong. Madiin niya akong hinalikan at mabilis na kumilos ang kamay niya para tanggalin ang butones ng aking damit.

Hinawakan ko ang laylayan ng t-shirt niya. Humiwalay siya sa labi ko para matanggal nang tuluyan ang damut niya.

"I love you..." Trigger whispered.

Bumaba ang halik niya sa aking jaw line pababa sa leeg. Habol ko ang hininga ko habang ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya doon.

Bumaba ang kamay ko para tanggalin ang belt niya at binaba ang zipper. Tumayo siya para tanggalin ang pants niya habang ang kaniyang tingin ay hindi naaalis sa mata ko.

Dalang dala na kaming dalawa nang biglang bumukas ang pinto.

"Ales!" sigaw ko.

Nakatingin siya sa katawan ni Trigger na nakapatong sa akin. Nanlaki ang mata niya at alam kong pigil hininga na siya.

"Why didn't you knock?" inis na sigaw ni Trigger. Tumayo siya at inayos ang kaniyang pants.

Hindi naman naalis ang tingin ni Ales sa kaniya kahit na sinigawan siya ni Trigger. Tinakpan ko ng kumot ang katawan ko.

"H-hmm, a-akala ko kasi pwedeng pumasok..."

"Alam mo namang kwarto naming mag-asawa ito-"

"Trigger!" suway ko sa kaniya dahil sa pagtataas niya ng boses kay Ales.

Namula ang buong mukha ni Ales at hindi ko alam kung bakit napalitan nang galit ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin kay Ales.

"Gusto ko lang naman sabihin na hinahanap ni Robie si Irene."

Shit! Bakit kailangan niya pang sabihin nang nandito si Trigger? Alam naman niyang umaayos na ulit ang pagsasama namin.

Nilingon ako ni Trigger, "Sino si Robie?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatingin kay Trigger. Sasagot na sana ako nang biglang sumagot si Ales.

"Yung lalaking humalik ng leeg niya sa bar..."

"Ales!" ngayon ay ako naman ang nagtaas ng boses sa kaniya.

Pwede naman kasing pag-usapan namin ng kami lang dalawa, bakit kailangang nandito pa si Trigger?

"Kailan mo nanaman balak sabihin sa akin ito, Ineng?" malamig na tanong sa akin ni Trigger.

"Iniiwasan ko naman siya!"

"Balita sa buong building na boyfriend mo daw iyon..." ngumisi si Ales.

Hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Ales. Nilalaglag niya ako kay Trigger.

"Wow. May boyfriend ka palang iba?" sarkastiko niyang sabi saka umalis ng kwarto.

"Trigger!" hahabulin ko sana siya.

"Ako na muna ang kakausap sa kaniya. Ayusin mo ang sarili mo." sabi ni Ales saka sinundan si Trigger.

Napaupo ako sa kama. Hindi ko na alam kung nasa side ko pa ba si Ales sa mga sinabi niya. Baka ito nanaman ang way niya para magquit na ako sa trabaho?

Ilang minuto akong tulala na nakaupo sa kama bago nagpasya na bumaba para sundan si Trigger.

Hikbi ni Ales ang sumalubong sa akin pagkababa ko. Kumunot ang noo ko dahil sa pagkakaalam ko ay si Trigger ang naiinis.

"Tss, stop it, Ales. Wala kang mapapala..." rinig kong sabi ni Trigger.

"Kaya kong lumaban! Lalaban ako para-"

"No need. Hinding hindi ka mananalo..."

Nakayakap si Ales kay Trigger na nakatayo lamang at hindi manlang binabawian ng yakap si Ales.

Inalis ni Trigger ang braso ni Ales na nakayakap sa kaniya nang makita niya ako. Agad niya akong nilapitan at iniwan si Ales na umiiyak sa kinatatayuan niya.

"Bakit siya umiiyak?" gulat na tanong ko.

Nag-iwas ng tingin si Trigger, "May gusto siyang isang lalaki na hindi na pwede..."

Hindi na pwede? Sino? At bakit hindi ko alam ito? Mas alam pa ni Trigger kaysa sa akin, samantalang ako ang kaibigan niya.

"Ales, baka naman gusto mong pag-usapan natin yang problema mo?"

Concern ako sa kaniya. Ilang araw na siyang hindi nagoopen sa akin tungkol sa nararamdaman niya.

"Kapag ba kinwento ko sa iyo, may mababago ba?" matabang niyang tanong.

"Wala, pero gagaan ang pakiramdam mo..."

Natahimik siya. Nakatingin lang kaming dalawa ni Trigger sa kaniya.

"Saka nalang, Irene. Saka na kapag nakuha ko na siya..." she's looking at Trigger intently.

Tumango ako, "Sige. Basta, huwag kang mahihiya na mag-open sa akin..."

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi pumasok si Ales dahil masama daw ang pakiramdam niya. Nakaleave din naman ng isang buwan si Trigger kaya may makakasama siya sa bahay.

"Tawagan niyo nalang ako kapag may problema..." paalala ko kay Trigger.

"Huwag ka nalang din kaya pumasok?" may halong takot ang boses niya.

"May surprise ako sa inyo mamayang pag-uwi ko..." ngumisi ako saka hinawakan siya sa pisngi at hinalikan nang sandali ang labi niya.

Bumaba ako ng kotse saka pumasok na sa building. Ngayon ako aalis ng trabaho at sasabihin ko na sa lahat na may asawa at anak ako.

"Hi, honey! Glad you're here..." hindi ko pinansin si Robie. Sinundan pa din niya ako.

"Stay away from me, Robie!" inis na sabi ko.

Humalakhak siya, "Bakit? Kasi may asawa ka na?"

Gulat na napatingin ako sa kaniya. Nalaglag ang panga ko, "Paano mo nalaman?"

"Matagal ko nang alam..."

Hindi ko alam kung bakit natatakot ako ngayon gayong aalis na din namn ako sa trabaho. Hinatid niya ako hanggang sa labas ng office ko.

"Mag-iingat ka kay Ales..." seryosong sabi niya.

Siguro kung nakilala ko siyang serious type ay baka naniwala pa ako, pero since alam ko namang puro kabulastugan naman ang alam niya ay hindi ko pinaniwalaan ang sinabi niya. Sisirain lang kami neto, eh!

Minu-minuto ay nagtetext si Trigger at sinasabing umuwi na daw ako.

Ako:

May kasama ka naman dyan, ah? Si Ales.

Pumasok ako sa office ni Mam Gen habang hawak ko ang resignation letter ko. Naabutan ko doon si Lea at Robie.

"I'm quitting..."

Malamig niya akong tinignan, "Bakit? Give me one convincing reason why?"

"I'm married..." pumikit ako.

"I knew it! Si Trigger ang asawa mo!" sigaw ni Lea ang umalingawngaw sa buong office.

Tumayo siya at malakas niyang sinampal ang pisngi ko. Nakita kong tumayo si Robie para hawakan ang braso ni Lea.

"Mang-aagaw! Dapat noon palang sinabi mo na na ikaw ang asawa niya!"

"Bakit ko naman sasabihin sa iyo? Importante ka ba? Tsaka sino ba ang may gusto sa asawa ko? Hindi ba't ikaw naman?!" lumapit ako sa kaniya para labanan siya. Nakita kong napalunok siya at umatras.

"T-tita, alisin mo na agad iyang babae na iyan dito!" tinuro pa ako ni Lea.

"Nakakahiya ka naman, alam mo ng may asawa iyong tao, lapit ka padin ng lapit." lahat ng galit ko sa kaniya noon ay ngayon ko binubuhos.

"Stop it, girls..." humalakhak si Robie at parang manghang mangha sa napapanuod.

"Hindi lang ako ang lapit ng lapit sa kaniya, Irene, tandaan mo iyan! At kilala ko kung sino..." ngumisi siya nang makita ang nakakunot noo kong mukha.

Meron pa? Sino?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top