Kabanata 14
Kabanata 14
Kabet
Maaga akong nagising kinabukasan. Naabutan ko ang mahigpit na yakap sa akin ni Trigger. Napangiti ako at inayos ang magulo niyang buhok.
Sa pagaayos ko ay nahuli ko ang dalawang matang pinapanuod ako, kami.
"Ales..."
Nagiwas siya ng tingin saka tumayo at pumunta sa may table kung saan nandun gas stove. Mukhang magluluto siya.
"Hindi ka pa ba papasok? Baka malate ka..." matabang na sabi niya nang hindi ako nililingon.
Maingat akong bumangon para hindi ko magising si Trigger. Kinuha ko ang towel sa lalagyan ng mga gamit namin saka kinuha na rin ang toothbrush.
"Salamat talaga, Ales! Uuwi din naman ako ng maaga ngayon..."
Tumaas ang lahat ng balahibo ko nang matamis niya akong nginitian. Namiss ko si Ales! Ilang araw na niya kasi akong hindi pinapansin.
"Okay lang kahit magabihan ka. Ako na ang bahala sa kanila."
Tinapik ko ang braso niya, "Salamat pero maaga pa din akong uuwi."
Hindi ko alam kung namalikmata ba ako o talagang sumimangot ang mukha niya. Dumiretso ako sa cr para makapagbihis. Nagpakuha ako kay Mommy kahapon ng damit sa bahay namin.
Nakatapis lang ng towel ang katawan ko nang lumabas ako ng cr. Nalipat sa akin ang tingin ni Trigger. Kunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. Gulo gulo pa ang buhok at may hawak na tasa ang kanang kamay niya.
"Good morning..." lumapit ako sa kaniya para halikan ang labi niya.
"Ihahatid kita." Iyon lang ang sinabi niya.
Pinanuod niya ako habang nagbibihis. Napatingin ako kay Ales nang bigla siyang magdabog.
"Dahan dahan, Ales, baka magising ang dalawa..." saway ko. Hindi niya ako pinansin.
"Bakit kailangan mong magbihis sa labas? Pwede naman sa loob ng cr, ah? Mamaya may ibang tao pa ang pumasok." Sabi niya saka kunot noong nilingon ako.
Ngumiti ako, "Nakalock ang pinto kaya safe."
Bandang alas nueve nang matapos akong mag-ayos. Nagising na ang dalawa at agad na hinanap ako.
"Nay, absent ka nalang po..." niyakap ni Keanu ang binti ko.
"Bukas, baby, aabsent si Nanay." Napatingin sa akin si Rain dahil sa sinabi ko at agad siyang ngumisi ng malawak.
"Bakit, Irene? Baka kailanganin ka sa building..." sabat ni Ales.
"Hindi. Tatapusin ko na lahat ngayon,"
"Matatapos mo lahat ngayon Nanay? Galing galing!" Sigaw ni Rain.
Bumalik na ang sigla niya at ang trato nila sa akin. Babalik na ako sa kanila. Nakapagdecide na ako.
I'll quit.
Biglang hinawakan ni Trigger ang baiwang ko, "Let's go?"
I nod, "Bye babies! Maaga si Nanay uuwi mamaya kaya prepare, okay? Makikipaglaro ako..."
Naiwan na masaya ang dalawa. Ngiting ngiti ako habang naglalakad kami ni Trigger papuntang parking lot.
"I guess Ales' plan is pretty good..."
"What plan?" Kunot noong tanong ko. Anong plan? May plano si Ales?
"Ignore you..." ngumisi siya nang bumaling ang tingin sa akin.
Ignore me? Kaya pala ganun ang trato nila sa akin dahil plano iyon ni Ales?
Mukhang effective nga kasi narealize kong mas importante ang pamilya ko kaysa sa trabaho ko. Thanks to Ales.
Masaya akong naglalakad papunta sa office ko nang biglang may nambatok sa akin. Nilingon ko siya. Nakita ko palang ay mukha niya ay gusto na agad dumapo ng kamao ko sa mukha niya.
"Ops!" Sinangga niya ang dalawang kamay sa mukha saka umatras.
"What?" Inis na tanong ko sa kaniya.
Inakbayan niya ako, "Namiss kita..."
"Sinasabi ko sa iyo, Robie, kapag hindi mo tinanggal iyang kamay mo sa balikat ko, ihuhulog kita sa building na to."
"Oh I'm scared!" Sarkastiko niyang sabi saka tumawa. Tinanggal niya din naman ang kamay niya saka pumunta sa harapan ko.
Pumikit ako nang maubos ang pasensya ko sa kaniya, "Get away from me. Stay the fuck away frome me!"
Hindi ko na pinansin ang mga taong nagbigay ng atensyon sa amin. Gulat na napatingin sa akin si Robie ngunit hindi ko nakitaan ng takot ang kaniyang mukha. Tumawa siya.
"Okay. Pero ngayong araw lang. See you tomorrow, honey!" Sigaw niya bago umalis sa harapan ko.
Umagang umaga. Kinalma ko ang sarili ko dahil ayokong masira ang magandang gising ko kanina. Inisip ko nalang si Trigger at ang dalawang anak namin para maganahan akong tapusin ang mga designs na kailangan ni Mam Gen.
Habang dinedesign ko ang last gown ay may kumatok sa pinto ng office ko. Pumasok si Jenny saka nilapag ang coffee na nirequest ko.
"Thank you..." ngumiti ako sa kaniya.
Inistrech ko ang kamay ko. I can do this! Last nalang. Pagkatapos nito, wala na akong iisipin bukas. Makakapagbonding na kami ng mga anak ko.
Humigop ako sa kape habang pinagmamasdan ko ang gown. Kunting kunti nalang.
Nilapag ko ang kape sa table ngunit sa pagka careless ko ay natapon iyon. Sa takot kong matapunan ang design ko ay natabig ko ang isang frame.
"Bullshit!"
Buti nalang hindi natapunan ang mga gamit ko! Tumayo ako para pulutin ang frame.
"Oh my..." sambit ko habang tinititigan ang frame na basag na basag.
Our family picture.
Hindi ko binigyan ng meaning iyon. Kasabihan lang naman ng matatanda iyon, but then again, biglang kumabog ang puso ko sa kaba.
Nagpatawag ako ng janitor na lilinis ng bubog doon. Pinunasan ko ang picture namin habang ang janitor ay nagliligpit.
"Nabasag ho?" Tanong niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.
"Oho... natabig ko."
"Tss tss, ikaw ang nagpapalapit sa kaniya." Kumunot ang noo ko sa weird na sinasabi niya.
Bigla akong kinabahan na halos tumayo na lahat ng balahibo ko. Hindi ba multo tong janitor? Masamang elemento?
Nilingon niya ako saka siya tumawa, "Joke lang Mam! Pinapatawa lang ho kita."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni manang janitor. Muntik ko pa siyang mahampas nang tumingin siya sa akin dahil akala ko ay magtatransform na siya sa witch.
Hindi na ako nagpasundo kay Trigger dahil maaga ako uuwi ngayon. Bumili muna ako ng laruan para kina Rain at Keanu bago umuwi. Ala una palang nang maibigay ko kay Mam Gen ang mga pinagawa niya, kaya alas dos palang nakapag-out na ako.
Masaya akong naglalakad sa ospital. Binati ko pa ang mga nurse at doctors na nasasalubong ko.
"Alam mo iyong nasa room 201?" Tanong ng isang nurse na nakasabay ko sa elevator.
Room 201? Kay Rain iyon, ha? Kinabahan nanaman ako dahil baka may nangyaring masama kay Rain.
"O bakit?" Tanong ng kasama niya. Lumapit din ako sa kanila para mas marinig ko pa ang paguusap nila.
"Sino bang asawa nung poging ama ng pasyente? Dalawa ang babae doon. Isang nagtatrabaho at isang nandun, nagbabantay..."
"Siyempre yung nagbabantay! Walang Nanay ang magiiwan ng anak niyang may sakit, ano?"
"Sabagay. Pero maganda daw iyong isang babae? Kaano ano naman kaya niya?"
Tumawa ang kausap niyang nurse, "Baka kabet?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Kabet? Mukha ba akong kabet?! O kahit na si Ales?
Saktong tumunog ang elevator sa tamang floor kaya lumabas na ako at iniwan ang dalawang nurse na naguusap doon.
"Surprise!" Sigaw ko kaso mukhang ako yata ang nasurprise.
Magkakatabi silang apat sa kama at nagtatawanan. Mukha silang magpamilya at ako ay sabit lang. Kabet nga, eh, sabi ng mga nurse.
"Nanay!"
Napalunok ako. Nilapitan din ako ni Trigger para kunin ang mga laruan na pinamili ko at hinila niya ako sa kama.
"May kinukwento si Ales dali, makinig ka din. Nakakatawa!" Masayang kwento ni Trigger.
"Oo nga, Nanay! Sumakit po tiyan ko..."
Kung siguro ay hindi ko narinig ang mga kwentuhan ng nurse sa elevator ay hindi ako makakaramdama ng pagka-ilang.
"Dali na tita Ales!" Pilit ni Rain sa kaniya.
Tinignan ako ni Ales, "Hmm huwag na. Mukhang pagod yata si Irene, pagpahingain niyo na muna..."
I tried my best para magmukhang normal at kalmado lang. Kinuha ko ang plastic na nilapag kanina ni Trigger sa baba ng kama.
"May binili akong toys, oh! Wanna play?" Ngumisi ako sa kanila.
Sumimangot sila, "Mamaya na play, Nanay! Gusto ko kwento ni tita Ales..." sabi ni Keanu.
"Oo nga, tita Ales, kwento ka na!"
What the fudge? Kailan pa ako pinagpalit ng mga anak ko sa ibang tao? Sa ibang babae?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top