Kabanata 13
Kabanata 13
Crying
Pakiramdam ko ang sama sama ko dahil sa pagtratong natatanggap ko mula sa kanila. Nasa iisang kwarto lang kami, sa kwarto ni Rain ngunit hindi nila ako pinapansin.
"Tita Ales, tomorrow again po, ah?" Malambing na sabi ni Keanu.
Tinignan ko lang sila. Nakangiti sila. Nagtawanan sila ni Trigger at maging si Rain ay pinilit na rin si Ales.
"Okay okay! Hindi nalang ako papasok bukas para maaga palang nandito na ako."
"Gagawin mo po iyon, tita?" Kumislap ang mata ni Rain.
"Oo naman! Para sa inyong dalawa..." sabi niya saka ako nilingon. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila.
Kailangan pa ba ako dito sa loob? Pakiramdam ko ay ibang tao ako at nakikinig lamang ako sa pinag-uusapan nila.
Tumayo ako para umalis. Nag-angat ng tingin sa akin si Trigger at nakuha ko din ang atensyon nilang lahat. Suminghap si Ales habang tinitignan ako.
"Labas lang ako..." nagpasalamat ako dahil hindi ako pumiyok nang sabihin ko iyon.
Tuloy tuloy akong lumabas. Tahimik lamang sila at walang balak na pigilan ako. Maging ang dalawa kong anak ay pinanuod lang ang paglabas ko.
Nanatili ako sa garden nang ospital hanggang sa maggabi na. Wala naman gustong kumausap sa akin kaya mas okey nang ako nalang ang umalis at kausapin ang aking sarili.
"Kanina pa kita hinahanap..."
Nag-angat ako ng tingin. Hingal na hingal siya habang tinititigan ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko.
Hinahanap lang naman niya ako kasi gabi na, hindi dahil ginusto niya talaga akong hanapin.
"Ineng..." hinawakan niya ang braso ko.
"Ano? Tapos na ba kayong mag-usap dun? Kailangan niyo ba ng mauutusan para bumili ng pagkain niyo para hindi na kayo maistorbo sa bonding niyo?"
"What the fuck are you talking about?" Kunot noo niyang sambit.
Alam ko naman, eh. Alam ko na na mali ako. Hindi naman nila kailangan iparamdam pa sa akin dahil ang sakit sakit. Para din naman sa kanila ang ginagawa ko.
"Irene, hinahanap ka na ni Rain."
"Bakit? Umalis na kasi si Ales?" Tanong ko.
"Hindi. Nandun pa siya at dito nalang daw siya maghahapunan."
Edi lalong ayoko pumunta doon. Kakain kami tapos sila maguusap, ako nanunuod at makikinig lang sa kanila? Huwag nalang.
"Tara na..." hinawakan niya ang siko ko pero tinabig ko iyon.
"Sige na, mauna na kayong kumain. Mamaya na ako." Tumatangong sabi ko para umalis na siya.
"Ano nanaman bang drama ito, Irene?"
Sana nga nagdadrama lang ako at hindi ko nararamdaman ang sakit. Nababaliwala na nila ako tapos sasabihin niyang nagdadrama lang ako?
"I'm okay... sige na."
Tumayo siya, "Kapag gutom ka na, pumunta ka nalang doon."
See? Iniwan niya din ako. Nang makaalis si Trigger ay tumulo ang luha ko. Kapag ba nag quit na ako sa trabaho, babalik na ba ang turing nila sa akin?
Babalik na ba ang lambing ni Rain at Keanu sa akin. Ako lang ang lalambingin nila? Aasarin na ba ulit ako ni Trigger katulad ng dati niyang ginagawa?
Kapag bumalik ang lahat ng iyon, magqu-quit ako.
Bumalik ako sa kwarto nang magutom ako. Akala ko ay tulog na sila ngunit naabutan ko silang nagtatawanan. Nang pumasok ako ay unti-unting napawi ang tawa nila at ilang na tinignan nila ako.
"Tumawa lang kayo... lalabas din ako."
Nakatalikod ako sa kanila habang kumukuha ng makakakain sa table. Biglang tumulo ang luha sa mata ko. Narinig ko ulit ang tawanan na at malakas na pagkukwentuhan.
"Madaya naman kayo, eh!" Sabi ni Ales.
"Tita, magaling lang talaga kami..." tumatawang sabi ni Rain.
Humikbi ako. Natuluan ko pa ng luha ang aking ulam. Nakayuko ako habang umaalis ng kwarto.
"Sige na, hindi na kami magdadaya! Game na ulit." Rinig kong sabi ni Trigger bago ako tuluyang makaalis.
Kumain ako sa garden. Mag-isa. I think I deserve this. Hindi ako nakinig sa mga gusto nila. Hindi ko pinagbigyan si Rain sa gusto niyang magstay ako sa tabi niya kanina.
Tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha sa pagaakala na si Trigger ang tumawag ngunit nang makita kong unknown number ay nagdalawang isip na ako kung sasagutin ko ba. Kaso baka importante.
"Hello?"
"Hi, beautiful!" Napairap ako nang makilala ang boses niya.
Si Robie.
"Ano nanaman?"
"Wala lang. Bawal bang tawagan ka? By the way, save my number!"
Imbes na babaan ko siya ay nanatili akong nakikinig sa kwento niya.
"Kinuha ko kay tita number mo! Pinagalitan nga ako dahil bawal daw kitang landiin..."
First time may kumausap sa akin ngayong araw. Simula kaninang umaga ay siya lang ang nagtitiis na makausap ako.
"Okay ka lang ba?"
"Hindi." Tumawa ako.
Natahimik siya sa kabilang linya. Akala ko nawala na ang tawag ngunit narinig ko ang buntong hininga niya.
"Pwede ka bang puntahan ngayon?"
"No, of course!" Mabilis na sagot ko.
"Baka kasi kailangan mo ng kausap..."
Kailangang kailangan ko, Robie.
"Buti ka pa gusto mo akong kausapin." Hindi ko mapigilan maging bitter sa sinasabi ko.
"Huh? Sino bang tao ang ayaw kang kausapin?"
Tumagal ang paguusap namin. Siya lang naman ang daldal ng daldal, nakinig lang ako. Atleast may kausap ako.
Humiga ako sa bench na inuupuan ko nang matapos ang tawag. Dito nalang siguro ako matulog, baka wala na akong mapwestuhan sa loob ng kwarto. Mailang pa sila sa akin.
Dahil yata sa pagod ko ay nakatulog agad ako kahit na hindi kumportable ang higa ko. Hinayaan lang din ako ng mga taong naglalakad sa garden.
Nagising ako nang maramdaman kong lumulutang ako. Dumilat ako para tignan kung ano ang nangyari pero mukha ni Trigger ang nakita ko.
"Hmm?" Pilit na bumababa ako mula sa kaniyang buhat ngunit malakas siya at seryoso ang kaniyang mukha.
"Tss, hard headed..." bulong niya.
Binuksan niya ang pinto gamit ang kamay niyang nakabuhat sa akin saka tinulak ang pinto para mabuksan ng malawak.
"Ibaba mo na ako."
"Bakit doon ka natulog?" Seryosong tanong niya. Nilapag niya ako sa isang couch sa harap ng kama ni Rain.
Nakita kong nakahiga din si Ales sa isang couch sa gilid. Si Keanu ay nakahiga sa kama ni Rain.
"Bakit hindi ikaw ang matulog dito? Ayos naman ako sa garden." Inis na sabi ko.
"Ayos? E halos papakin ka na nga ng lamok doon, pinagtitinginan ka pa ng mga tao." Mahina ngunit madiin niyang sagot.
"Edi uuwi nalang ako ng bahay..." babangon sana ako ngunit pinigilan niya ako.
"Don't you dare..."
"E saan ka matutulog ngayon? Wala kang pwesto."
Maaga din naman ang pasok ko bukas at kaya ko naman mag-isa sa bahay. Buti doon hindi ko mararamdaman ang pagkaiwas nila sa akin.
"Bakit hindi ba pwede sa tabi mo? Malaki naman tong couch, a?"
Sasagot palang sana ako nang bigla niyang siniksik ang kaniyang katawan sa couch. Tumagilid ako para magkasya siya. Magkaharapan kami. Hindi ko napigilan ang luhang tumutulo sa mata ko.
"Why are you crying?" Bulong niya habang pinupunasan ang luha ko.
Umiling ako, "I miss you..." bulong ko saka yumakap sa kaniya.
Sumisik ako sa dibdib niya at sinulit ang gabing iyon. Tumawa siya habang hinahaplos ang buhok ko.
Baka kasi bukas hindi nanaman niya ako pansinin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top