Kabanata 10

Kabanta 10

Rain

Malakas na tinulak ni Trigger si Lea dahilan kung bakit napaupo ito sa sahig. Dumami ang flash ng camera at lalong umingay ang mga tao.

"Nako, babanatan ko na talaga tong bes na to!" Sigaw ni Ales at akmang lalapit kay Lea pero agad ko siyang hinawakan.

Tumingin sa akin si Trigger saka lumapit. Hinawakan niya ang kamay ko at marahas na hinila. Sinundan kami ng ibang reporter habang ang iba ay naiwan kay Lea.

"Trigger..." tawag ni Lea.

Hindi niya ito pinansin. Madiin ang hawak ni Trigger sa braso ko. Nilingon ko si Ales para sana isama siya.

"Go na girl, ako na bahala dito." Nginuso niya si Lea.

Wala siyang imik nang makapasok kami sa sasakyan. Nakatitig lamang ako sa labi niyang may bahid pa ng lipstick na galing kay Lea. Nilingon ako ni Trigger at naabutan niya akong nakasimangot.

"Ang kulit mo kasi, eh..." malumanay niyang sabi. Lumambot na din ang ekspresyon ng mukha niya nang makita ang mukha ko.

Pinunasan ko ang labi niya gamit ang thumb ko, "Lasang Lea na."

"Wala ka ngang ginawa kanina. Hindi mo manlang inaway si Lea." Umiirap niyang sabi. Hinawakan niya ang manibela saka nag-iwas ng tingin.

Siguro kung hindi kami nagulat ni Ales, baka nasabunutan na niya iyon bago pa itulak ni Trigger.

"Huwag mo akong hahalikan, ah? Ayokong malasahan si Lea..."

Gulat na napatingin siya sa akin, "Hindi ko naman kasalanan na hinalikan niya ako. Bakit ako ang magdudusa?"

In-start niya ang engine saka nagsimula nang umandar. Daldal siya ng daldal tungkol sa sinabi ko kaya napangisi nalang ako at hindi na siya pinansin.

Kinabukasan ay hindi na muna ako pumasok. Hinatid ni Mamita sina Rain sa bahay. Tuwang tuwa si Keanu habang si Rain ay ngingiti ngiti lang.

"Tatay, hindi ka din ba papasok?" Tanong ni Rain.

Napatingin sa akin si Trigger na nag-aayos ng neck-tie. Bumuntong hininga siya saka umiling. Bawal na muna siya umabsent kasi ilang beses na siyang hindi pumasok.

Nilapitan ko si Rain, "Papasok ang Tatay mo. Bawal siya umabsent ngayon pero maaga siya uuwi. Diba, Tatay?"

Tumango si Trigger at lumapit na din sa amin, "Anong gusto niyong pasalubong?" Ngisi niyang tanong.

Tumalon si Keanu, "Robot robot!" Sagot niya.

Sumang-ayon naman agad si Trigger sa sagot ni Keanu. Nanatiling tahimik si Rain at hindi sinagot ang tanong ng Tatay niya.

"You okay, baby?" Tanong ko.

Tumango siya saka humiga na sa kama. Si Keanu naman ay nagpabuhat kay Trigger habang inaayos ang buhok nito.

"Tatay, dapat suklay ka buhok everyday para di magulo." Seryoso niyang inaayos ang buhok ni Trigger.

"Ay dapat ba ganun? Pwede bang ikaw mag-ayos sa buhok ni Tatay everyday?" Ginaya pa niya ang pagkaka-sabi ni Keanu sa 'everyday' kaya natawa ako.

"O sige na, sige na. Tama na iyan! Baka malate na si Tatay..."

Hinatid naming dalawa ni Keanu si Trigger sa labas. Halos ayaw na nga din pumasok ni Trigger kaso hindi pwede ngayong araw.

Umakyat kami ni Keanu. Buhat buhat ko siya at pinaglalaruan niya ang buhok ko. Naalala ko naman bigla si Rain, siguro napuyat sila kakalaro kina Mamita kaya antok na antok siya ngayon.

"Ano oras kayo natulog ng Kuya mo?" Tanong ko. Nilapitan ko si Rain na tulog na tulog ngayon sa kama.

"Maaga po. Bawal daw kasi kami laro sabi Mamita kaya natulog na agad kami."

Kumunot ang noo ko. Hinawakan ko si Rain, mainit siya at nanginginig. May lagnat nga siya kaya wala sa mood kanina pa. Kumuha ako ng kumot saka kinumutan siya.

"Nanay, why po?"

"May lagnat si Kuya..."

Hindi ko pinakita kay Keanu na natataranta ako. Hindi ito ang first time na magkalagnat ni Rain, pero ito ang una na ako lang mag-isa. Lagi kong kasama noon si Trigger kasi sakitin talaga si Rain.

Tinawagan ko si Trigger kaso hindi niya sinasagot. Siguro madami siyang naiwan na trabaho kaya busy talaga siya.

"Bantayan mo si Kuya, okay? Kukuha lang ng gamot si Nanay sa baba." Tumango naman si Keanu kaya dali-dali akong bumaba para kumuha ng gamot.

Hindi ko alam kung sino tatawagan ko o ano ang gagawin ko. Pero as long as normal naman ang lagnat ni Rain, ako na muna ang mag-aalaga.

"Rain... baby, inom ka muna gamot..." bulong ko kay Rain. Inalalayan ko siya. Nakapikit ang mata niya habang umuupo.

"Kuya, pagaling ka. Wala kalaro si Keanu..." nakasimangot na sabi ni Keanu sa kaniyang Kuya.

Nagpakulo ako ng tubig na may alcohol. Kumuha ako ng bimpo saka nilublob doon at piniga para ilagay sa noo ni Rain.

"Sabihan mo si Nanay kapag may iba pang masakit, ha?" Hindi naman sumagot si Rain.

Naiiyak na ako habang tinititigan ko si Rain. Kung pwede lang makuha mga sakit nila, para ako nalang mahirapan. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa gilid ng mata ni Rain.

"May masakit ba, baby? Ulo mo?" Hinilot ko ang ulo niya. Nakatitig lamang si Keanu sa Kuya niya habang hinihilot din ang kamay ni Rain.

Nakatulog si Keanu sa tabi ng Kuya niya. Nagpunas ako ng luha saka bumaba para gawan ng soup si Rain.

Tinawagan ko si Ales para humingi ng tulong. Sabi niya ay mamaya pang alas singco ang out niya, didiretso nalang agad siya dito sa bahay mamaya.

Umakyat ako dala dala ang soup. Naabutan kong nilalagay ni Keanu ang palad sa noo ng Kuya niya. Nilingon niya ako saka sumimangot.

"Init pa ni Kuya... wala ako kalaro,"

"Hayaan mo na muna si Kuya, magpapahinga lang siya tapos maglalaro ulit kayo kapag magaling na siya." Ngumiti ako.

Nilapit ko sa side table ang soup saka marahang tinapik ang braso ni Rain.

"Baby, kain ka na muna para may laman tiyan mo..."

Hindi siya sumagot. Kahit katawan niya ay hindi gumalaw sa sinabi ko. Tinapik tapik ko pa ang kamay niya.

"Kailangan mo muna kumain, anak..."

Bumaba si Keanu sa kama saka humigop sa soup ni Rain. Inunan ko ang ulo niya sa binti ko. Hinipo ko ang buhok niya. Hindi ko kayang makita ang mga anak kong ganito.

"Kuya, masarap ang soup. Bala ka kapag di ka bumangon, uubusin ko to..."

Inabot ko ang cellphone ko para tawagan si Trigger. Naka-ilang ring pa bago niya sinagot.

"Hello? May problema ba? Katatapos lang ng meeting namin..."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tuloy tuloy ang tulo ng luha mula sa mata ko. Humikbi ako kaya napatingin sa akin si Keanu at nilapitan ako.

"Si Rain, nilalagnat."

Kumuha ng bimpo si Keanu saka pinunas sa pisngi ko. Namumuo na rin ang luha sa mata niya.

"Nanay, you're a Queen and queens never cry."

"Sige. Just wait for me, okay? Aalis na ako ngayon..."

"Sir, kakausapin daw ho kayo niㅡ" narinig ko ang secretary niya sa kabilang linya.

"Paki-move! Icancel mo na lahat ng appointment ko ngayon."

"Pero sir, nung isang araw pa ho dapat ang schedule niyoㅡ"

"I said cancel it!" Sigaw ni Trigger. Kahit ako ay nagulat at natakot sa tono ng boeses niya.

Nang maibaba ko ang cellphone sa table ay agad na nilingon ko si Rain. Nagulat ako nang makitang nanginginig siya at tumitirik ang mata.

"Rain, anak!"

Iyak ni Keanu ang umalingawngaw sa buong kwarto. Hindi ko na din alam ang gagawin ko. Binuhat ko si Rain saka nagtawag ng taxi. Kumapit si Keanu sa damit ko habang umiiyak.

"Kuya pakibilisan ho!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top