Kabanata 1
Kabanata 1
Asawa
"Sabi ko naman sayo, dito ka nalang sa bahay..." sabi ni Trigger. Humigop sya sa kanyang kape habang pinagmamasdan akong nag-aayos para sa trabaho.
Inis na nilingon ko sya, "Tapos ano? Maghihintay nalang ako sa kikitain mo?" Umiling ako.
Utang namin tong bahay sa magulang nya, kahit naman sinabi nina Papito na huwag na naming bayaran ay babayaran pa rin namin. Wala ng libre sa panahon ngayon.
"Oo! Malaki naman ang sahod ko a? May kasama pa si Rain at Keanu." Tumayo sya para ayusin na din ang kanyang sarili.
"Tatlong buwan na akong nagtatrabaho, ito pa din pag-aawayan natin?"
"Hindi naman kita inaaway a? Sinasabi ko lang po..." pumunta sya sa likod ko saka hinapit ako sa bewang. Sinubsub nya ang kanyang mukha sa aking leeg.
Sabay kaming pumasok, si Rain at Keanu naman ay iniwan namin kina Mommy. Huminto sya sa harap ng company na pinagtatrabahuan ko kaya inayos ko na ang aking bag.
"Bye, mauna na ako!" Hinalikan ko sya sa pisngi. Nanatili ang titig nya sa building.
"Sigurado ka bang ayos ka lang dyan? Sabi ko naman sayo dun ka nalang sa atin-" natigil sya sa pagsasalita nang tignan ko sya. Napangiti ako saka bumaba ng sasakyan.
Bumaba ang bintana saka sinilip nya ako, "Hatid na din kaya kita hanggang office mo?" Bigla akong kinabahan sa sinabi nya.
"H-huh? I'm fine, Trigger!" Aangal pa sana sya, kaya mabilis akong pumasok sa loob.
Ang gusto ni Trigger nung pinayagan nya akong magtrabaho ay dun sa ByunTae kaso ang gusto ko ay maging designer kaya tumanggi ako.
Pumasok sa loob at sumakay ng elevator. May mga nakasabayan akong medyo matagal tagal na dito sa kompanya. Ngumiti ako sa kanila pero hindi nila ako napansin, patuloy pa din sila sa pag-uusap.
"Alam mo ba kung bakit sya natanggal dito?"
"Bakit? Paborito yun ni Ma'am a?"
Kumunot ang noo ko. Kahit anong pilit kong hindi makinig sa usapan nila ay hindi ko mapigilan.
"Oo! Nalaman na may asawa pala!"
Literal na nalaglag ang panga ko. Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang floor na ako. Lumabas ako at dumiretso sa opisina.
Bago pa ako pumasok dito sa trabaho na to ay alam ko ng bawal ay may mga asawa. Hindi ko alam kung bakit pero ang usap usapan ng mga matatagal na ay bitter daw si Ma'am Gen dahil iniwan daw ito ng kanyang asawa.
Yan din ang dahilan kung bakit ayaw kong hinahatid ako ni Trigger sa loob. At kung maaari ay ayoko din kahit sa labas kaso alam kong magtataka yun kaya hinahayaan ko nalang.
"Nalaman mo na nangyari kay Mona?" Nilapitan ako ni Ales habang nagdadrawing sya ng bago nyang desenyo.
Nilapag ko ang gamit ko sa table ko. "Oo... m-may asawa daw?"
Hinarap nya ako. Pinagulong nya ang swivel chair nya papunta sa akin, "Halata naman e! Pero nakakagulat dahil akala ko hindi sya paaalisin... favorite kaya yun!"
Natahimik ako. Bakit nga ba ako nagtitiis magpanggap na walang asawa para lang makapagtrabaho dito? Simple lang, gusto ko maging designer at itong kompanyang to ay isa sa pinakasikat dito sa pilipinas.
"Pakiramdam ko talaga marami pa dito sa building ang may asawa..."
Nag-iwas ako ng tingin at hindi nalang sya pinansin. Hindi pa alam ni Trigger ang ganitong patakaran dito, kapag nalaman nya yun ay paniguradong pipilitin nya akong umalis dito.
Naipasa ko na nung isang araw ang bagong design ko kaya naghanap nalang muna ako ng idea sa google. Bigla namang bumukas ang pintuan ng office namin ni Ales.
"Miss Irene Bae?" Nag-angat ako ng tingin saka tumango, "Pinapatawag po kayo ni Miss Gen sa kanyang opisina..."
Tumayo ako. Sabay na sumakay kami ng elevator at binuksan pa nya ang pinto ng office ni Miss Gen para sa akin.
"Sit down, Irene..." umupo ako at humarap sa kanya. "I know you heard the news about Mona?"
Tumango ako, "Yes Ma'am!"
Sumadal sya sa kanyang swivel chair, "I want you to replace her position..."
Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang aking panga. Isa sa pinakamataas ang position ni Mona! I can't believe na ako ang papalit sa kanya.
Tumayo ako at iniabot ang aking kamay sa kanya, "Thank you, Ma'am!"
"You can start now... move to her office,"
Bumalik ako sa office at binalita kay Ales ang good news ko. Tinignan nya lang ako at pinanuod na nag-aayos ng gamit.
"Good luck! Hindi ka sana katulad ni Mona..."
Napatigil ako. Hindi naman siguro ako mahuhuli, diba?
Sa sobrang saya ko ay wala akong ginawa sa office kundi madesign lamang ng dress. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.
Trigger:
I'm outside.
Oh my God! Naranta ako sa pagtayo at sumilip sa bintana. Nakasandal sya sa aming sasakyan at nakapamulsa ang kaliwang kamay nya, habang ang kanan ay hawak ang kanyang cellphone, naghihintay ng reply ko.
Ako:
Pumasok ka nga sa loob! Palabas na ako.
Dali-dali kong inayos ang aking gamit. Hindi sya pwedeng maabutan sa labas! Baka tanungin lang sya, patay ako.
Nang makalabas ako ay ganun pa din ang ayos nya. Ang kulit nya talaga!
Pinagtitinginan sya at nagbubulungan ang mga babae. Napapikit ako. Hindi ako pwedeng basta basta nalang pumasok sa kanyang sasakyan!
Nanatili ako sa gilid ng pintuan at pinanuod sya. Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan sya.
"Hello!" Galit na bati ko.
Humalakhak sya, "Matagal ka pa ba?"
"Pumasok ka sabi sa loob!" Sinilip ko sya. Nililibot nya ang kanyang paningin sa loob ng building habang nakangisi. Umayos sya ng pagkakatayo.
"Nasa loob ako..." kumunot ang noo nya habang pinipilit na hanapin ako sa loob.
"Hala sino kayang hinihintay nya?" Rinig kong usapan ng dalawang babae.
"Ewan? Kahit na matanggal ako ng trabaho, basta sya ang asawa ko payag ako!" Humalakhak pa ang mga babae. Sinamaan ko sila ng tingin.
"Don't lie, Trigger."
Sinilip ko ulit sya. Ngumisi sya at kinagat ang kanyang labi saka naglakad papasok sa loob ng sasakyan.
"Okay okay..."
Nang makapasok sya ay agad akong tumakbo para pumasok ng sasakyan. Huminga pa ako ng malalim habang nagsusuot ng seat belt.
"Ang haggard mo." Kunot noo nyang sabi saka inayos ang mga takas na buhok at nilagay iyon sa likod ng aking tenga.
"May good news ako!" Nakangisi kong sabi. Nilingon nya ako saglit habang nagmamaneho.
"Ano? Buntis ka?"
Mahina kong kinurot ang tagi-liran nya, "Hindi! Napromote ako..."
"Wow," iyon lang. Huminto sya kasi naka-stop ang stop light.
"Wow lang?" Inis na tanong ko.
Nilingon nya ako, "Oh ano nanaman?"
"Parang hindi ka natutuwa na napromote ako!" Sinamaan ko sya ng tingin. Achievement yun para sa akin! Sa dami ng empleyado ay ako pa ang napili para dun sa iniwan na position ni Mona.
"Tss, alam mo namang hindi ako pabor sa trabaho mo..." umandar na sya nang mag-green ang stop light.
"Pangarap ko to, Trigger!"
"Alam ko... pangarap mo din naman dati na magkaroon ng pamilya, hindi ba?"
"Oo! Hindi ko naman nakakalimutan yan." Goodness! Sya lang ata ang nakilala kong hindi proud sa kanyang asawa.
"Oh? Bakit hindi yun ang gampanan mo?" Malamig nyang sabi.
"What do you mean?"
Nagkasalubong ang kanyang kilay at ngumisi dahil sa inis, "Oh come on! You know what I mean..." niliko nya ang sasakyan para makapagpark.
"Sinasabi mo bang hindi ako nagiging asawa at ina?" Bumaba sya ng sasakyan kaya bumaba na din ako.
Hindi nya ako sinagot. Tinawagan nya si Mommy para ihatid na si Rain at Keanu dito sa bahay. Sinundan ko sya sa kwarto, niluwagan nya ang kanyang neck tie at humiga sa kama.
"Trigger!"
Huminga sya ng malalim habang nakapikit, "What?" Tamad nyang sambit.
"Sagutin mo ang tanong ko!" Niyugyog ko sya.
Dumilat sya, "Alam mo na ang sagot..."
Ang alam ko, kahit na busy ako ay nagagampanan ko pa din ang pagiging asawa at ina. Pero sa ngayon, alam kong hindi yun ang sagot sa tanong ko.
"Isa, Trigger!"
Bumangon sya at umupo, "Kung nagiging asawa ka, pinagsisilbihan mo ako at kung nagiging ina ka, hindi sana natin kailangang iwan pa si Rain at Keanu kina Mommy..."
Hindi ako nakagalaw sa sinabi nya. Parang may mga kutsilyong naguunahang tumusok sa dibdib ko. Masakit marinig ang mga ganung salita lalo na kung galing sa kanya.
"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin?" Tumulo ng sunod sunod ang luha ko.
Kaya nga ako nagtatrabaho para makatulong sa pagbabayad ng utang. Oo, malaki ang sweldo nya at kayang kayang bayaran tong bahay ng ilang buwan lamang pero gusto ko din makatulong.
Kaya nga ako asawa diba? Para tulungan sya. Pero mukhang hindi nya iyon naiintindihan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top