Chapter 2
Naliwanagan na ang utak ko. Dati hindi naman ako namimili ng pagbibigyan ng sticky notes ko eh kaya hindi na lang ako magpapaapekto sa code name neto. Hindi ko pa nga alam kung babae o lalaki to eh. So nag-iwan ulit ako ng note.
Me: Hi :) Salamat ha? May tao ka na namang napangiti today :) Ipagpatuloy mo yan. Wag ka ng malungkot, lahat ng problema may hangganan. Isipin mo na lang problema ay parang bangka at ang solusyon na binigay ni Lord ay kasing-laki ng dagat. Kapit lang. Malalagpasan din natin tong midterm. God Bless.
HAHAHA. Nakakatawa yung note ko dba? Pero para naman sa lahat yan tsaka midterm naman naming lahat kaya alam kong nahihirapan din yung taong nagbabasa netong note ko. Wala lang. Pangpalubag-loob?
Kinabukasan may note na naman. Actually hindi na sya note. Papel na sya. Papel na nakadikit sa upuan. Hahaha.
Stranger: Hi :) Salamat sa isang ma-talinghagang mensahe binibini. Mukhang nanumbalik na muli ang iyong sigla :) May good news ako. Alam ko na pangalan mo :) Hahahaha. Secret muna syempre. Another good news, exempted ako sa isa naming exam and take note, sa MAJOR subject pa. Alam mo kung bakit? Nang dahil sayo na naman :)) Alam mo habang ginagawa ko yung activity namin para sa exemption na prize, ikaw yung nasa isip ko kaya yun. Nagtagumpay na naman ako. Maging proud ka naman sakin oh. Hahahaha. Joke lang. Pero sa totoo lang, nakakabading tong ginagawa ko. Mas mahaba yung sulat ko sayo, ano ba yan. Minsan na nga kong nahuli ng mga kaklase ko na nag-iiwan ng sulat dito sa table eh pero buti na lang nakuha ko ulit bago nila basahin. Hindi sa kinakahiya kita, pero nang dahil sa baka hunt-ingin ka nila at agawin sakin. Ayokong mangyari yun. Kung kelan sumasagot ka na sa mga notes ko saka ka pa nila aagawin tsaka ilang buwan na din kitang iniistalk, (pero kelan ko lang nakuha pangalan mo.) aagawin ka lang nila? Never. Sige na. Ang haba na neto. Mag-aaral ako ng mabuti para sa future natin, S na 6 letters :))
P.S. Tignan mo, parehas pang 6 letters ang name natin. Meant to be talaga tayo :) <3 Ingat ka lagi.
From: J na 6 letters na swerte today :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top