Chapter 1

Nag-stop ang heartbeat ko nung nabasa ko yung note. Nakakakilig na ang weird nung feeling. Yung dating lalaki kasi na nang-iwan sakin sa ere ay J na 6 letters din ang name. Jusko po. Ang liit naman ng mundo kung ganun.

Pinakalma ko muna yung utak ko. Nung okay na. Napag-isip isip ko na hindi lang naman sya yung J na 6 letters sa buong mundo. Tsaka baka naman hindi para sakin tong note na'to. Malay ko ba kung pinagtitripan lang ako ng mga kaklase ko. Kaya for the 1st time, hindi ako nag-iwan ng note. Pero kinabukasan, may note na naman sa upuan ko.

Stranger: Bakit walang note? Nakita kita kanina, mukha kang malungkot na ewan. Nakangiti ka pero yung kilos mo malamya. May sakit ka ba? Mag-iwan ka naman ng note bukas oh. Wala akong inspirasyon eh.

P.S. Mas maganda ka kasi pag nakangiti. Idol, papicture naman oh. Hahaha. Ngiti ka na ha?

From: J na 6 letters pero POGI <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top