15 | fifteen.
[ — SONG YUQI ]
WE FINISHED OUR performance at kahit sa paglabas ay naririnig ko ang sigawan ng mga tao para sa amin. Hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon.
"Hala umiiyak yung bata!" pang-aasar ni Taeil sa akin. "Why are you crying?" Johnny asked. "I'm just happy." sagot ko at agad nila akong pinalibutan.
"You were amazing. Everyone's attention was on you." Taeyong complimented at napangiti ako ng malawak sa kaniyang sinabi.
"Syempre, si baby pa ba!" sabi ni Yuta at ginulo ang aking buhok. Hinampas ni Ten ang kamay niya palayo sa akin. "Maka-baby 'to. Boyfriend ka ba?" asar ni Ten kaya nagtawanan kami. Ngumuso naman si Yuta at inakbayan ako. "Hangga't walang boyfriend si Yuqi, ako muna boyfriend niya." sabi niya kaya pabiro ko siyang sinuntok sa braso.
Nagulat ako nang pumagitna si Winwin sa amin kaya natanggal ang pagkakaakbay ni Yuta sa aking balikat. "Ano ng balak natin?" pagbabago niya sa usapan.
"May in-order daw si Coach na pagkain. Ang mahuli mauubusan!" sigaw ni Kun kaya nagtakbuhan na sila. The guys really act like kids.
Napag-isipan ko na pumunta muna sa aking locker para kumuha ng pamalit. Pagtalikod ko ay nakita kong nakatayo si Doyoung habang nakapamulsa. "Doyoung, bakit hindi ka sumunod sa kanila?" tanong ko.
"Can I talk to you?"
"You already are."
Natawa naman siya bigla. Hala bakit?
"I want to say sorry. I'm sorry for doubting your skills, Yuqi. Tuwing practice, I saw how determined you are. At sa performance kanina, tama ang sinabi ni Taeyong. Yuqi, you deserve to be part of us."
Napakagat ako sa aking labi dahil hindi ko alam ang aking isasagot. Baka maiyak na naman ako dito. Nakakahiya kay Doyoung.
"It's okay if you don't forgive me. I acted like a jerk to you—"
Mabilis kong iniling ang aking ulo. "No, don't say that! The truth is, I'm not mad at you. Never akong nagtanim ng sama ng loob sa inyo kaya ayos lang." I flashed a genuine smile. "Tara, punta na tayo sa practice room. Baka inubusan na nila tayo ng pagkain." pagbibiro ko at nagsimula na sa paglalakad.
"Wait," tawag ni Doyoung kaya napalingon ako. "Welcome to 21st, Song Yuqi." sabi niya at agad ko siyang pinasalamatan at binigyan ng ngiti.
Habang naglalakad ay hindi ko napigilang magtanong, "Si Lucas?"
"Nasa practice room siguro. Bakit?" he responded. Iniling ko na lang ang aking ulo dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya.
Sana magkaayos na rin kami ni Lucas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top