Chapter 8: Major vs. Minor
Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14
✴ ✴ ✴
Chapter 8: Major vs. Minor
Alli's POV
Kinakabahan akong naglakad papunta sa court. Sakto naman na ako yung magseserve ng bola. Well, Lucky me noodles. -_-
Pumwesto na ko at nagprepare para magserve. Inhale. Exhale. Sana pumasok! Pumikit ako at drinibble yung bola. Once na narinig ko na yung pito ng referee, nagserve na ko. I did an overhead serve. Luckily, pumasok naman kaso na receive ng isang girl. Nung ibalik nila yung bola sa side namin, nagtulungan yung mga kaklase ko para maitawid ulit. Thankfully, hindi nila nablock nung nagspike yung ka-team namin. 13-12 na yung score, kami ang lamang.
Pumwesto na ulit ako sa serving area. Swerte talaga ako kasi pumasok nanaman. The game went on and on. Dikit na dikit yung laban. Ewan ko ba sa teacher ko at ayaw pa ko ilabas sa laro. Hindi naman ako ganun kagaling.. Set point na ng Major. Isang puntos na lang, maipapanalo nanamin ang first set. Unfortunately, nasa Minor ang bola. Tilang nagslow motion yung paligid habang pinapanood ko si Lilian gumalaw. I swear, I saw her smirking. May hindi siya magandang pinaplano. Tumalon siya at spinike ang bola sa direksyon ko. Feeling ko na namalikmata ako nung nakita kong naging kulay green yung mata niya. Wait. Hindi.. Sure ako. For a split second, nag iba ang eye color ni Lilian. Pero bakit? Did she use magic?
Rinig kong sumisigaw yung mga tao sa paligid ko pero di ko sila marinig. Yung full attention ko, nasa bola na mabilis na papunta sa kin. Walang oras para umilag. Hindi rin naman siguro susunod ang katawan ko dahil sa takot at gulat. Pero bakit ganun? Nanlamig bigla ang buo kong katawan? Katulad ng naramdaman ko nun sa school. Hindi ko rin alam kung out of instinct or reflex nung biglang kusang gumalaw ang katawan ko. Out of my own control, sinuntok ng kamay ko yung bola palayo at tumama ito sa net. Halatang nagulat rin yung mga tao sa paligid ko.
"Did you see that?!"
"Her eyes turned blue for a minute!"
"Is that possible?!"
"Does she have 7th sense?!"
"Diba dapat Elites lang ang dapat meron nun!"
"Class! Settle down!" Sigaw nung PE Teacher namin. Sa palagay ko napuno na siya sa bulungan at ingay ng klase.
"But Sir! Alli cheated! If she does have 7th sense, then that means she used magic! It's against the rules!" Sigaw ng tagakabilang team. Napalunok naman ako. Magiging dahilan ba ako ng pagkadisqualify ng team namin? Wag naman po sana!
"That's true, but-"
"But Lilian used magic first!" Nagulat naman ako ng sumigaw yung isa kong kaklase. Katabi ko siya kanina sa court. If I recall right, Anica yung name niya. Mahiyain at medyo anti-social.
"What? Explain, Ms. Cruz." Tanong ng teacher namin. Mukhang ako at si Anica lang ang nakapansin sa magbabago ng kulay ng mata ni Lilian.
"Her eyes changed to green before she spiked the ball. Hindi niyo ba napansin na hindi n-normal ang bilis ng bola? Lilian has wind ability. Also, I h-have the d-detection ability. Kaya kong ma-sense ang magic energy or wave kahit kilomentro pa ang layo." Napanganga ako sa explanation niya. Detection Ability? Meaning, kaya niya magdetect ng mga bagay-bagay? Kahit panganib?
"Hmm, acceptable reason. Does anyone saw Lilian use magic aside from Anica?" Nagtaas na ko ng kamay pati yung isa ko pang kaklase na nasa likod ko nakapwesto kanina.
"It's decided then. Minor is disqualified. Major won by default." Nagcheer naman ang mga kaklase ko sa announcement ni sir. Kahit na hindi namin pinaghirapan, masarap pa rin manalo no!
"B-But sir! Alli used magic! Di ba against the rule din yun?! It's unfair!" Paghihimutok ni Lilian.
"Actually, she didn't. 7th sense isn't magic. Isa yung ability na kayang makadetect ng panganib at masamang pangyayari o ability user. Hindi siya magic, isa talaga siyang sense na present sa lahat. Kaso, ilan lang nakakaactivate nito." Wow. Posible kayang 7th sense talaga yung ginawa ko?
"How come Alli has it?! Baguhan lang siya! Ni hindi niya alam ang ability niya!" Sige. Mang-insulto ka pa Lilian. Ang sakit sakit na ha
"Usually kasi, minamana ang 7th sense. Being passed down like magic and abilities. Pwede rin naman magskip ng generation. Can be inherited from your grandparents or even your ancestors." Baka naman meron ang isa sa parents ko kaya ganun? Pero sino?
"B-But! But-"
"Stop, Lilian. Your class has been disqualified. Pag di ka tumigil, baka idisqualify ko rin yung boys team niyo." Napatigil naman siya. Gusto kong matawa pero I decided against it. Baka lalo siyang magalit sakin. Lalo pa kong puntiryahin nito. Pero sure ako..
I won this round.. BWUHAHAHAHA!
Natapos na ang laro ng boys and thankfully, nanalo ang Major. 79-77 ang points. Grabe. Ang saya ng mga kaklase ko. Given na masarap manalo pero OA ata ng reaksyon nila? Parang nanalo kami sa olympics eh..
"Calm down, kids. Like always, ang mananalong team ay excempted sa weekly long test natin. Congratulations, Major. Ligtas kayo sa Friday." Wow.. so, yun pala ang dahilan? Matapos namin magpalit ng uniform, agad akong nilapitan nina Lynne at Jella. Kalalaki ng ngiti. Hindi halatang ayaw magtest.
"Ang galing mo kanina, Alli!" Bati sakin ni Lynne, may death hug pang kasama. Yung tipong lalabas na yung puting kaluluwa ko sa bibig dahil sa higpit.
"Ganun ba kalala ang Weekly tests ni Sir?" Takang tanong ko sa kanila.
"Sobrang hirap nun, girl! Tipong 100 items at halos kalhati lang dun yung diniscuss talaga ni Sir."
"Seryoso?!"
"Yup! Salamat talaga sa 7th sense mo at ligtas tayo! You're amazing, Alli!" Tsk. Akala ko pa naman sport skills ko yung pinupuri niya. Yun pala. Haaayyy.. meron nga ba talaga ako nun?
"Magtigil ka nga, Lynne. Di pa ko sure kung 7th sense nga talaga yun. Malay mo katulad lang." Paliwanag ko.
"Katulad ng?"
"Yung Detection Ability ni Anica! Di ba kaya rin nun makadetect ng panganib?" Pagrarason ko. Pero ang cool nga siguro nun.
"Impossible. Kung Detection Ability nga talaga yun, dapat hindi nagbago yung eye color mo. Only elemental and high class abilities lang ang ganun, nagbabago yung color ng mata, minsan pa nga buhok. Isa pa, ganun na ganun ang 7th Sense nina Ice my labs at Sweetie Zane!"
"Tsk. Jella, mukhang magdedaydream pa ata tong babaeng 'to." Bulong ko sa kanya. Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad dalawa, leaving Lynne behind. Bahala na muna siya magpantasya. I need to know about this 7th sense. Baka konektado siya sa ability ko.
"So, Jella? Kung ang 7th sense ay ability na makadetect ng panganib at dangerous na tao. Ano naman ang 6th Sense?" Napaisip siya sa tanong ko.
"Well, sa pagkakaalam ko tulad ng 7th, lahat tayo meron ding 6th. Kaso hindi lahat pinapalad na magamit ito. Ever heard of Extrasensory Perception?"
"Yeah. You mean the ability to see the near future?" Teka. Totoo pala yun? Yung parang sa Final Fantasy lang. Nakikita niya yung mga mangyayari pa lang.
"Yup. Kaya niya makita ang hinaharap. Can be through dreams or visions. Kadalasan near future lang or yung mga mangyayari today or next week lang. But may special cases na nakikita ang distant future or mga taon mula ngayon. Like 7th sense, namamana rin to." Wow. Ang galing. Ang saya rin siguro magkaroon nun—or not. Nakakatakot pala yung nangyari sa final fantasy.
∞★♛★∞
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top